Linggo, Hulyo 13, 2025

July 13, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Marami sa mundo ang mga taong mararahas na nagsasamantala sa mahihina’t walang kalaban-laban. Marami rin ang mga taong walang pakialam sa karahasan laban sa mga walang kamalay-malay. Idalangin natin sa Panginoon ang biyayang maging tunay na Kristiyano sa ating magulo’t manhid na lipunan.

Panginoong maawain, dinggin mo kami!

Para sa Santa Iglesya: Matulad nawa siya sa Mabuting Samaritano at maging tagapaghatid ng
tulong at awa sa lahat. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pastol sa Simbahan: Turuan nawa nila ang mga mananampalataya sa salita’t sa gawa, upang higit na maipamalas ang pagkalinga sa mga nagdurusa’t nangangailangan kaysa mga gawaing pandebosyon. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng naglilingkod sa larangan ng medisina: Nawa’y tulad ng Mabuting Samaritano, ay bukas-palad at mahabagin nilang pangalagaan ang kanilang mga pasyente. Manalangin tayo!

Para sa mga taong nasa gitna ng away o anumang sigalot: Nawa’y alalahanin nilang tayong
lahat ay mga anak ng iisang Ama at mga kapatid ni Hesukristo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nahihirapan sa pagtanggap sa kanilang mga kinamumuhiang tao: Naway ang
turo at halimbawa ni Hesus ay maging inspirasyon at pampasigla sa kanila. Manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay matutong kumilatis at kumilala ng tamang daan sa buhay at nang ating mapahindian ang anumang naglalayo sa atin kay Kristo at sa Ebanghelyo, manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang Dakilang Mabuting Samaritanong kumalinga sa sangkatauhang naakit ng kasamaan at kasalanan. Kahabagan mo kaming lahat at gawin kaming kasangkapan ng iyong mahabaging pagmamahal. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan! Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 12, 2019 at 9:22 pm

How well do we know the story of one of our favorite parables, the Good Samaritan? Among all the Evangelists, it is only Saint Luke who narrates this because his audience his both the Jews and the Gentiles. There are three points for reflection that Jesus wants to explain to us:
1.) BREAK THE BARRIERS. During the old times, Jews and Samaritans are considered enemies because Jews worship Yahweh, the only true God, while the Samaritans worship their own gods and observe their rituals on top of mountains. The Samaritans are often associated as “Gentiles” or “pagans”. But in the New Testament, there are occasions wherein Jesus had Samaritan encounters. For instance in John 4:5-42, he met a Samaritan woman by Jacob’s well and told her that those who drink the living water, which is him, will not be thirsty again. Today, he tells the story of a Samaritan helping a Jewish traveller to a scholar who wants to know his neighbors, because neighbors can be associated with the Jews. And seven chapters after this Gospel, ten lepers were cleansed on their way to Jerusalem. But only one leper, who is a Samaritan, went back to give thanks to God in Jesus Christ. So these encounters aim to break the barriers that separate the Jews and Samaritans through Christ’s preaching of love for God and one another. Likewise in the early years of the Church, the Apostles taught that those who accepted Jesus Christ as their Redeemer are welcomed, whether it be Jews or Gentiles.
2.) LOVING GOD AND LOVING OUR NEIGHBOR. Jesus summarizes the Ten Commandments into two: loving God and loving our neighbor. If the Decalogue prohibits the negative things of man, then Jesus’ teachings oblige us to show our love for the Lord and for one another. And this is what was shown in the parable, when the Samaritan took aid to a helpless Jewish traveler and sheltered him in an inn in Jericho. He tells the innkeeper to take care of the man, and he will pay him back if the owner spends more the man’s needs.
3.) THE JERICHO EXPERIENCE. Jericho is located south of Jerusalem. It is believed to be place where God’s mercy is present. In fact, it is seen in our Gospel today when the Good Samaritan helped the Jewish traveler who couldn’t stand because he was beatened by two robbers. This is also the place where the blind man Bartimaeus got his sight because of his faith. It is also where the tax collector Zacchaeus humbled for forgiveness and promised to give half to the poor and repay four times those whom he have cheated. So our Jericho experience is an encounter of God’s loving mercy and compassion and manifesting it in our lives, just like what Jesus and the Good Samaritan did.
My dear brothers and sisters. The Parable of the Good Samaritan is very famous to us. It teaches us that we should love God above all things, while we should also love our neighbors as ourselves in thoughts, words, and actions. And to love one another should not limit ourselves from a person’s characteristics, race, religion, gender, age, etc. Rather it is the unconditional love of God revealed to us in order that we may also bear it. And we should not blind ourselves in helping others, unlike what the Jewish priest and the Levite did because they chose to follow their customs and traditions rather than to answer the aid of the helpless victim. But the Good Samaritan despite having opposite beliefs haste down to help the man and carry him in his animal going to an inn in Jericho. So as we journey down this road, may we always experience God’s mercy in our lives and be Good Samaritans of mercy to all: mercy in teaching others the right things, mercy in doing acts of charity and kindness, and mercy in forgiving one another’s trespasses. Let us continue to live the challenge of Christ taught by Pope Francis not only in the concluded Extraordinary Jubilee Year of Mercy (2016), but everyday: “Be merciful, just as your heavenly Father is merciful.” (Luke 6:36)

Reply

Edward Ramirez July 14, 2019 at 7:06 am

Ang isang magandang halimbawa ng ginawa ng mga Vietnamese ng maaksidente ang mangingisdang pinoy sa dagat na kanilang tinulungan patunay ito ng isang mabuting samaritano mensahe ng panginoong na tayong lahat dapat gawin sa ating kapwa

Reply

Reynald David Perez July 6, 2022 at 1:07 pm

PAGNINILAY: Ngayong Linggong ito, ang ating Ebanghelyo ay isa sa mga kilalang talinghaga ng ating Panginoong Hesus, na tila nga ba’y alam na natin: ang Talinghaga ng Mabuting Samaritano. Tanging si San Lucas lamang ang nagsalaysay nito, sapagkat makikita rito ang pokus ng kanyang panunulat ang pangkalahatang kaligtasan na kaloob ng Diyos hindi lang sa Israel, kundi pati na rin sa lahat ng mga tao at bansa. Tatlong bagay ang nais ipunto ng parabulang ito:

1.) ANG PAGBAKLAS NG MGA BALAKID SA PAGITAN NG MGA HUDYO AT HENTIL. Narinig natin ang pangunahing tauhan na isa sa mga lahing kilala bilang kaaway ng mga Hudyo, subalit makikita natin sa kasaysayan ng Bibliya na ang mga Samaritano ay bahagi rin ng bayan ng Diyos bago pa man mahati ang dalawang kaharian ng Israel noong panahon nina Rehoboam (anak ni Haring Solomon) at Jeroboam. Kaya ito ang nais idugtong ni Hesus sa pagkwento nito, na ang mga Samaritano ay mga nawalay na kapwa Hudyo, na patuloy niyang inilalapit sila tungo sa pagkaranas ng presensiya at kaligtasan ng Diyos. Narinig natin sa Ebanghelyo ni San Juan ang pagtatagpo ng Panginoon sa isang babaeng Samaritana sa balon ni Jacob sa Sicar. Ngayon naman ay narinig natin ang Parabula ng Mabuting Samaritano, na kahit sino ka man, kahit iba ang iyong anyo o katangian, lahat ay may kakayahang gumawa ng kabutihan, katulad ng ginawa ng Samaritano sa sugatang Hudyong nakahandusay sa daan.

2.) ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AT KAPWA. Ito ang pinakamahalagang utos, na mismong binuod ni Hesus sa gitna ng 613 batas ng mga Hudyo. Ito rin ang naging sagot ng abogado sa kanya sa Ebanghelyo, subalit nais pa niya bigyang-katwiran ang kanyang katayuan at pagiging relihiyoso. At sa kwento ng parabula, nakita natin yung lalaking nakahandusay sa daan patungong Jerico ay nilagpasan lang ng saserdote at Levita. Mas naging prayoridad ng dalawa ang pagsunod sa Kautusan ni Moises tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at iba pang banal na obligasyon kaysa sa pagkakataong tulungan ang kapwa nilang Hudyo na nabiktima ng mga magnanakaw. Subalit ayon sa ilang eskolar ng Bibliya, maaaring ipinagdasal ng pari at Levita ang nasugatang lalaki para sa isa pang taong makakatulong sa kanila na maganda rin, ngunit parang kulang ang kanilang ginawa. Samakatuwid, nakasentro ang pag-ibig ng Diyos at kapwa sa ginawa ng Samaritano dahil sa sentido ng pagtugon sa pangangailangan at pagpapamalas ng awa at malasakit. Kaya tinupad ni Hesus ang paghangad ni Moises sa Unang Pagbasa na makinig sana ang mga tao sa tinig ng Diyos at palaging sundan ang dakilang utos, na ayun nga, nabuod sa pagmamahal sa Diyos at kapwa na siyang ipinakita ng Mabuting Samaritano.

3.) ANG PAGIGING “MABUTING SAMARITANO” PARA SA IBA. Ito ang hamon sa atin ngayon na tularan natin ang Mabuting Samaritano, kahit sa pagiging bukas palad at buong pagtatalaga sa paglilingkod sa pangangailangan ng iba. Kahit ang pagpasa ng gawain ng kabutihan sa may-ari ng bahay-panuluyan, ipinangako niya na babayaran niya ang anumang kulang pagbalik niya sa bahay na iyon. Ito ay isang halimbawa ng kabutihang hindi tumatanaw kailanman ng kapalit, na ang mahalaga ay ang pagbibigay ng sarili para sa mabuting kapakanan ng bawat tao. At ang dakilang Samaritano natin ay si Hesus, na ayon kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ay ang hayag na mukha ng Diyos na ‘di nakikita. Lahat ng nilalang ay nilikha ng Diyos Ama sa pamaamgitan niya upang ang lahat na kanyang pinamamahalaan ay itrato ang isa’t isa na pantay-pantay, at gayun din ang tungkulin na magkaroon ng responsiblidad sa lahat ng nilikha ng Diyos, na sa mga ordinaryo at ekstraordinaryong pagkakataon kahit sa taong makasalubong natin, patuloy natin panaigin ang kabutihan sa lahat ng mabubuting paraan.

Reply

Marian Peña July 9, 2022 at 5:40 pm

Ang totoong pag-ibig sa Diyos ay ang pagsunod sa Kanyang utos at pagsasabuhay ng Kanyang mga turo. At ang pinakakongkretong pagsasabuhay nito ay ang pagpapahayag ng pag-ibig sa ating kapwa maging sinu man siya. Kung sinasabi natin na tayo ay Kristiyano, nararapat na sa anumang ating gagawin at sasabihin sa iba, ay maging manipestasyon ng presensya ni Kristo. Kung magkagayon, mapapatotohanan ng ating mga taong nakakasalamuha na totoong may nagmamahal na Diyos.

Reply

Jefferson Serrano July 9, 2022 at 8:58 pm

Ang ating Ebanghelyo ay nagsasalita ukol sa pagtuturo ng Panginoong Hesukristo ukol sa “kapwa”. Para kay Hesus ang kapwa ay tumutugon sa panawagan ng Diyos na ang kanyang kaharian ay mangyari din sa lupa. Ang pagtugon na ito ay ang pagtulong na hindi kailanman nangangailangan ng kapalit.

Sa mundong pinapainog ng makabagong panahon, dapat alamin natin kung sino ang ating kapwa? Baka ang inaakala nating kapwa ay ung nakatutulong sa atin! Kung ganon lang pagtingin natin sa panuntunang ito mukhang maliit ang ating pagkaunawa sa sinasabi ng Panginoong Hesukristo, sapagkat malinaw ang kanyang pagkapaliwanag sa kapwa. Ang kapwa sa kanya’y ang taong kayang mag-alay ng buhay para sa pagpapayabong ng pananampalataya; ang pag-akay sa mga taong nawala sa direksyon ng buhay; ang pagtulong sa maraming aspeto upang tulungang makabangon sa pagkakadusta dahil sa kasalanan.

Kaya naman, nawa’y ang kapwa ay maging daan ng paglilingkod at pagpapatibay ng pananalig sa Diyos na siyang nagbibigay sa atin ng daan patungo sa kaharian ni Kristo!

Reply

MEL MENDOZA July 12, 2025 at 11:08 am

PAGNINILAY:

Ang natunghayan natin sa Ebanghelyo ay isa sa pinakapaboritong talinghaga ni Hesus na kinagigiliwan at paulit-ulit na gusto marinig ng lahat, ngunit sa dami ng ulit nating narinig ito, tila naging “pamilyar nalang ito ngunit walang epekto sa mga taga-pakinig”. Ngunit kung hihimayin nating mabuti, makikita natin na ito ay isang rebolusyonaryo at matinding hamon sa ating buhay pananampalataya.

Simulan natin ang paghimay:
Una sa tanong ng Escriba, tanong na tila matuwid, ngunit may lihim na motibo.
“Ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” — isang tanong ng isang taong relihiyoso, ngunit ayon sa Ebanghelyo, nais lamang niyang subukin si Hesus. Katulad din natin minsan: nagtatanong hindi para matuto, kundi para magmukhang tama. Ang sagot ni Hesus: “Ano ang nasusulat sa Kautusan?”—ibinalik Niya ang tanong sa kanya, upang paalalahanan tayo: hindi sapat ang alam mo sa Kautusan ng Diyos—ang mahalaga ay kung isinasabuhay mo ito.

Ikalawa. Ang Saserdote at Levita: Mga Larawan ng Panlabas na Relihiyon
Ang pari at Levita ay mga taong may posisyon sa relihiyosong lipunan. Ngunit dinaanan nila ang sugatang lalaki—baka dahil sa takot na marumihan o mabawasan ang kani kabanalan ayon sa batas ni Moises. Sa ating panahon, sila ang mga taong relihiyoso sa papel, ngunit bulag sa tunay na pangangailangan ng kapwa. Maaari rin silang kumatawan sa isang simbahan o lider na abala sa programa ngunit kulang sa malasakit. O tayo rin ito minsan—mas pinipiling umiwas kaysa makisangkot.

Pangatlo. Ang Mabuting Samaritano: Kaaway Na Naging Tagapagligtas
Ang Samaritano ay dapat sana’y kaaway, hindi kaibigan. Ngunit siya ang lumapit, naawa, ginamot, isinakay, at gumastos para sa ikabubuti ng biktima ng tulisan. Siya ang larawan ng tunay na “kapwa”—hindi batay sa lahi, relihiyon, o pagkakaibigan, kundi sa pagkilos ng may habag. Ang Mabuting Samaritano ay maaaring ang mga taong hindi natin inaasahang maging “bida”—hindi Kristiyano, hindi kasapi ng simbahan, hindi sikat o banal, ngunit may pusong tumutugon. Ito rin ang paalala sa atin: na ang tunay na kabanalan ay nasusukat sa kung paano tayo nagmamalasakit sa mga “nakahandusay sa daan.”

Sa Kristolohikal na Pananaw: Si Hesus ang Tunay na Mabuting Samaritano.
Sa mas malalim na pagbasa, si Hesus mismo ang Mabuting Samaritano. Siya ang lumapit sa ating sugatang kalagayan. Siya ang gumamot sa ating sugat ng kasalanan. Siya ang nagbuwis ng sarili at nagbayad upang tayo’y gumaling. Sa ganitong diwa, ang talinghaga ay hindi lang moral story, kundi isang salaysay ng pagliligtas.

Binhi ng Hamon:
Ang Mabuting Balita ay isang Hamon sa ating lahat na “Maging Samaritano sa Mundo”.
Sa panahong maraming kawalang-katarungan, diskriminasyon, at pagwawalang-bahala, tinatawag tayong maging kapwa sa lahat—hindi dahil kilala natin sila, kundi dahil tayo ang unang minahal ng Diyos.

Binhi ng Kamalayan:
May mga taong ba akong nilalampasan sa “kalsada” ng aking buhay?
Mas mahalaga ba sa akin ang panlabas na relihiyon kaysa pakikipagkapwa?
Handa ba akong madumihan ang kamay upang ihatid ang pag-ibig ng Diyos?

Ang Mabuting Samaritano ay hindi lamang kwento—ito’y isang hamon, isang salamin, at isang paanyaya. Ito ang puso ng Ebanghelyo: pag-ibig na walang hangganan.

Panalangin:
Panginoon, buksan Mo ang aking mga mata upang makita ang aking kapwa. Palambutin Mo ang aking puso upang tumugon hindi lamang sa awa kundi sa pagkilos. At bigyan Mo ako ng lakas upang tumulad sa Iyo—ang tunay na Mabuting Samaritano. Amen.

Reply

Guilbert Poblite July 13, 2025 at 7:18 am

MAGNILAY: Sa tatlong nakakita sa taong naging biktima ng nga tulisan ang Samaritano ang may malaking dahilan para hindi siya tulungan. Hudyo ang biktima. Ang isang Hudyo kaaway ang turing sa tulad niyang Samaritano. Pagano ang tingin nila sa tulad niya. Hindi sila kinakausap o pinakikitunguhan ng mga Hudyo. Wala silang pakialam sa kanila. Pagkakataon na sana para makaganti siya. Hindi man niya direktang magawan ito ng masama pero puwedeng pinagkaitan niya ng tulong ang taong ito bilang ganti ngayong kailangang-kailangan niya ito. Pero nanaig ang pagiging kapwa niya kahit hindi kapwa ang turing nito sa kanya. Kung sino pa ang tinuturing ng biktima na kapatid – ang saserdote at ang Levita na kapwa niya Hudyo – sila pa ang hindi naging kapwa sa kanya. Sila pa ang iniwasan siya.

Sa tanong ng eskriba kay Hesus: Sino naman ang aking kapwa? – ang sagot ay lahat pati na ang mga taong may malaking dahilan ka para hindi sila mahalin at tulungan. Kaysa tanungin kung sino ang kapwa mo mas mahalagang tanong ay kung naging kapwa ka sa sinumang nangangailangan kaibigan man o kaaway. Ito ang bagong anggulo na binibigay ni Hesus sa utos na mahalin ang kapwa na kung tutuusin ay dati nang utos.

Sino ang mga Samaritano sa buhay mo? Sino ang may dahilan ka para hindi sila mahalin? Sa kanila mo lalong matutupad ang utos ng Diyos na mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili!

MANALANGIN: Panginoon, turuan mo akong mahalin ang mga taong may malaki akong dahilan para hindi sila mahalin.

GAWIN: Damayan mo sa oras ng pangangailangan ang kapwa mong hindi naging kapwa sa iyo.

Reply

SAINTSPOT July 13, 2025 at 10:41 pm

My Sunday Reflection

The Parable of the Good Samaritan: a Test or Opportunity?

Have you watched the movie “Evan Almighty”? There is a beautiful dialogue that goes…

“…When you ask for patience, God gives you opportunities to become patient. And when you ask for courage, God gives you opportunities to be courageous.”

This highlights a subtle yet significant theological difference between a “test” and an “opportunity” in the context of God’s interaction with humanity, beautifully illustrated by the Parable of the Good Samaritan (Luke 10:25-37).

While both can involve challenging circumstances, their primary purpose and focus differ:

A Theological Understanding of “Test”: Illustrated by the Priest and the Levite

For the priest and the Levite in the parable, encountering the beaten man on the road served as a test designed to reveal what was already within them. It wasn’t primarily an occasion for them to learn compassion, but to expose the true state of their hearts concerning the Mosaic law’s command to love one’s neighbor and to care for the vulnerable. Their actions (passing by) revealed their priorities – ritual purity and self-preservation – over immediate human need, despite their religious standing.

God wasn’t giving them an opportunity to become more compassionate in that moment (though future opportunities could arise from their failure). Rather, their encounter was a moment of revelation of their existing lack of active mercy.

Their encounter was an assessment of the authenticity of their adherence to the spirit of the law, not just its letter. It verified whether their religious practice translated into practical love.

Their actions demonstrated their failure to live up to the spirit of their calling, revealing a disconnect between their professed faith and their practical love.

The test focused on their immediate response to a desperate situation, highlighting their present spiritual disposition.

A Theological Understanding of “Opportunity”: Illustrated by the Good Samaritan

For the Good Samaritan, encountering the injured man was a profound opportunity given by God not just to demonstrate existing compassion, but to actively exercise and deepen it. He wasn’t merely being tested on whether he had mercy; he was given the chance to become more merciful through tangible action. His act of stopping, bandaging, transporting, and paying for the man’s care was a direct “opportunity to become patient” (in the laborious care) and “courageous” (in transcending social prejudices and risking his own safety/time/money).

The Samaritan didn’t just feel compassion; he acted on it, and in so doing, he cultivated and embodied the very virtues of neighborly love, patience, and courage that the questioner in the parable was seeking to understand. This was his chance to live out the answer to “Who is my neighbor?”

The Samaritan seized the divine invitation to be an instrument of God’s restorative love and justice in a world marked by violence and neglect. He became a living example of what it means to truly love one’s neighbor.

His actions were not just about that moment but set a precedent for what true neighborliness entails, providing a model for future behavior and growth for all who heard the parable.

While the circumstances were challenging, the Samaritan acted as if empowered by a higher purpose, demonstrating that true love finds a way, even when inconvenient or costly.

It’s important to note that the lines can blur. The Samaritan’s encounter also tested his character. However, the key distinction lies in the primary divine intent and the resulting outcome for the individual:

* Test (Priest/Levite): Primarily diagnostic and revelatory – showing what was lacking in their existing spiritual state. Their failure highlighted what they were not.
* Opportunity (Good Samaritan): Primarily formative and developmental – fostering what could be achieved through active obedience and love. His response allowed him to become the epitome of neighborly love.

In essence, while a test often reveals the present state of one’s heart, an opportunity, when embraced, actively shapes and refines that heart, drawing one closer to the virtues God desires to cultivate within them. The Good Samaritan didn’t just pass a test of compassion; he embodied and deepened it through his “opportunity” to serve.

Happy Sunday!

(Reflection written by Neil Blanco)

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: