Martes, Hulyo 8, 2025

July 8, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng pagkapari sa Bagong Tipan, idinudulot ng Diyos ang mapagpatawad na paglilingkod ng kanyang Anak sa atin. Lumapit tayo sa Panginoon ng ani at manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, magpadala ka ng mga manggagawa sa iyong anihan.

Ang mga tinatawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos bilang mga pari, nawa’y dumami pa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang sarado sa Ebanghelyo nawa’y maihanda at maging mga matatabang lupa para sa paghahasik ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod na pari, madre, relihiyoso, katekista, at laykong aposotolado nawa’y makahikayat ng iba pa upang sumama sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga natatanging serbisyo sa ating sambayanan nawa’y mapalakas natin ang loob at ating suportahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mapagpatawad na sakripisyo ni Kristo nawa’y magdulot sa mga yumao ng kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng ani, sa pamamagitan ng aming mga panalangin, tipunin mo ang iyong bayan. Bigyan mo kami ng marami pang manggagawa sa iyong misyon upang mapadali ang pagdating ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 3, 2021 at 11:13 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag tungkol sa bakbakan sa pagitan ni Jacob at ng lalaki sa Penuel. Tila’y nananalo na si Jacob, hanggang sa pinalo siya sa balakang at ito’y nalinsad. Dito’y binago ang kanyang pangalan mula Jacob ay naging Israel. At nakilala agad ni Israel na nakatagpo niya muli ang Panginoong Diyos na nagbigay sa kanya ng lakas.

Ang Ebanghelyo ay nagpapahayag tungkol sa mga magagandang gawain ni Hesus. Una na rito ay ang pagpapalayas ng mga demonyo mula sa mga sinasapiang tao. Ikalawa ay ang paglilibot sa iba’t ibang nayon upang ipahayag ang Paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Ikatlo ay ang kanyang pahayag sa mga alagad tungkol sa kasaganaan ng ani, ngunit kaunti lamang ang mga mag-aani. Makikita rito ang kahalagahan ng misyon sa bawat Kristiyano. May kapangyarihan ang ating Panginoon laban sa kasamaan, kaya tayo rin ay biniyayayaan upang manaig tayo laban sa tuksong mapapalapit sa atin sa kasalanan. At katulad ng sinabi ni Hesus na tayo rin ay sinusugo niya sa ani ng mundo upang ipaghasik ang kabutihan at pagmamahal sa buong mundo. Ito’y nagsisimula sa bawat lugar na pinupuntahan natin, kung paano tayo’y nakikipagrelasyon sa ating kapwa.

Ang mahalaga ay ang ating katapatan sa misyon na makilala ng lahat na ang Diyos ay naghahari sa bawat isa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 6, 2021 at 9:45 am

Kailangan tayo ni Hesus bilang mga manggagawa. Manggagawa na magpapalaganap ng Mabuting Balita. Ano ba ang kalakaran ngayon? Makabagong teknohiya katulad ng celfon at internet. Halos lahat ng tao ngayon ay nakatutok na sa kanilang mga gadget, maging matanda, bata, mayaman at kahit mahirap. Bakit hindi natin gawin itong medium upang maging manggagawa ni Hesus. Sa halip na puro pagyayabang at pagppasikat sa social media ay gamitin natin itong paraan upang makabasa o makapakinig ang mga tao ng mabuting balita. Halimbawa sa mga GC nyo or group messaging, magpadala tayo ng mga nabasa nating ebanghelyo na palagay mong makakatulong sa makakabasa. Pwede ka ring magpost sa facebook ng patotoo na magandang nangyari sayo nung ikw ay nagbalik loob, sa halip na ipagyabang ang bagong gamit o ari ariaan na natamo ay ipaalam mo sa kanila na ito ay biyaya ng Diyos dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang tao ay mahilig sa gantimpala, nature yan ng lahat ng tao, kayat samantalahin natin yun na ipaalam sa kanila na matatamo mo ang gantimpala galing sa langit kung susundin mo ang kalooban ng Diyos. Mga kapatid, tayong lahat ay mga pari, hindi ka ginawa ng Diyos para lamang sa iyong sarili, tayo ay may tungkulin din ipalaganap ang salita ng Diyos katulad mg ginawa ni Hesus at ng mga apostol.

Reply

Jose M. Javier July 11, 2023 at 5:07 am

Sa unang pagbasa; Tularan natin si Jacob sa panahon ngayon bilang ehemplo. Hindi kinondena ng Diyos ang pakikipaglaban niya sa anghel. Indeed, God calls for our active engagement with Him. Sometimes this means we will fight and struggle with Him, but God honors us even in the struggle… as long as we don’t let go. For gospel today; Jesus brings freedom and healing . Whenever the Gospel is proclaimed God’s kingdom is made manifest and new life and freedom is given to those who respond with faith. The Lord grants freedom to all who turn to him with trust. Do you bring your troubles to the Lord with expectant faith that he can set you free?The phrase “ask and you shall receive” tells us that when we come to God in prayer with a need or desire, He will answer our prayers. It is a promise of divine provision— if we ask God for something in faith, He will give it to us.

Reply

Noel July 11, 2023 at 7:39 am

Ang Diyos ay totoong napakabuti sa lahat, tyo lamang ang dapat pumili kung sa masama o sa mabuti natin ibubuhos ang bigay nyang buhay sa atin. Pati nga sa pagpili ay hindi ipinagkait ng Panginoon sa atin , tunay na tayo na lang ang my gusto kung saan ntin igugugol ang maikli nting buhay dito sa lupa. Kaya nmn sa kalooban ng Diyos ang ligaya ay tunay at walang kapantay sa lahat.

Reply

tammy amar July 11, 2023 at 7:47 am

tunay na nilupig nang ating Panginoon Hesus ang mundo nang kasamaan kahit sa sina unang panahon pinakita niya ang kanyang kapangyarihan para manaig ang tagumpay ganun rin sa ating mga tao ngayon kung anu ang nangyari sa kapanahunan nang ating Panginoon Hesus ipakita rin natin na kaya natin ang pagsubok na ating kinakaharap ngayon dahil walang impossible sa Diyos siya lamang ang buhay na nagbibigay at tagumpay.

Reply

MEL MENDOZA July 7, 2025 at 2:24 pm

PAGNINILAY:
“Hinog ang Ani, Kaunti ang Manggagawa”

Sa Ebanghelyo (Mateo 9), muling ipinakita ni Hesus ang Kanyang malasakit sa mga tao: gumaling ang isang pipi na inaalihan ng masamang espiritu. Subalit sa halip na papurihan ang Diyos, may ilan sa mga Pariseo na nagsabi: “Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” Hindi Siya nagpatalo sa paninira; bagkus, lalo Siyang naantig nang makita Niya ang mga tao, “na parang mga tupang walang pastol.”

Ang paninira ng mga Pariseo ay hindi lamang insulto—ito ay malalim na pagsalungat sa katotohanan. Ang pagtawag kay Hesus na gumagawa ng kabutihan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas ay tinatawag ng Simbahan na malisyosong pagtanggi sa gawa ng Espiritu Santo — ang tinutukoy ni Hesus sa ibang bahagi ng Ebanghelyo bilang kasalanang hindi mapapatawad (cf. Mateo 12:31-32), dahil ito ay sadyang pagsasara ng puso sa liwanag ng katotohanan.

Sa pananampalatayang Katoliko, malinaw na ang kapangyarihan ni Kristo ay hindi mula sa anumang espiritu kundi mula sa Ama—Siya ang Anak ng Diyos, at ang Kanyang pagpapalayas sa mga demonyo ay tanda ng paghahari ng Diyos sa gitna ng tao (cf. Lucas 11:20). Kaya ang maling pagbibintang sa Kanya ay pagbulag sa sarili sa katotohanan—isang babala rin sa atin na huwag basta husgahan ang mabubuting gawa ng iba, lalo na kung hindi natin nauunawaan ang pinanggagalingan nito.

Sa panahon natin ngayon, maraming “pipí”—hindi lamang literal kundi espirituwal—mga taong hindi makapagsalita ng tama dahil pinipigilan ng kasamaan, trauma, o kawalan ng pag-asa. Si Hesus ay patuloy na nagpapalaya—ngunit tayo ba ay kasama sa misyon Niya? O katulad ng mga Pariseo na mabilis humusga?

At sa gitna ng lahat ng ito, nananatiling makapangyarihan ang paanyaya ni Hesus: “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.” (Mateo 9:37–38) Tayo ay inaanyayahang maging manggagawa sa ubasan ng Diyos, hindi maninira ng gawa ng Diyos.

Ang panawagang ito ay kasing-tindi sa ating kasalukuyang panahon katulad ng panahong iyon. Sa dami ng mga nangangailangan ng kalinga, aral, at patnubay, napakakaunti pa rin ng mga handang tumugon. Marami ang sugatan, pipi sa pananampalataya, bulag sa katotohanan—at tayong mga nakakakilala na sa Panginoon ay inaanyayahan na lumabas, tumulong, at umani para sa Kanya.

Sa unang pagbasa (Genesis 32), si Jacob ay nakipagbuno sa isang lalaki magdamag, at sa tagpong ito, naranasan niya ang presensya ng Diyos. Sa kabila ng kanyang pilay, lumabas siya sa pakikipagtagpong iyon na may bagong pagkakakilanlan at panibagong lakas. Ang kanyang karanasan ay paanyaya rin sa ating lahat na harapin ang ating pakikibaka—ang ating personal na “Peniel”—upang sa ating pakikipagbuno sa Diyos, sa sarili, at sa mga hamon ng buhay, tayo’y lumalim sa pananampalataya.

Katulad ni Jacob sa unang pagbasa, tayo’y inaanyayahang makibuno—hindi lang sa sariling kahinaan kundi pati sa mga maling pananaw na kailangang itama sa liwanag ng pananampalataya upang lubos na maunawaan ang Kanyang kalooban para sa atin.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa gitna ng kawalang-interes o paninira ng ating kapwa, sapagkat si Hesus mismo ay nagpursige hindi Siya huminto sa pangangalap ng mga nawawalang tupa. Tinawag Niya ang Kanyang mga alagad upang makita ang pangangailangan ng mga tao at manalangin para sa mas maraming manggagawa.

Points to Reflect On:
-Do I recognize the goodness of God at work around me, or am I too quick to judge what I do not understand?
-Am I one of the laborers Christ is calling to the harvest?
-What are the “muted” voices around me that need healing and hope?

Panalangin:
Panginoon, nakita Mo ang pangangailangan ng Iyong sambayanan at inudyukan Mo kaming manalangin para sa mga manggagawa sa Iyong ubasan. Narito po ako—maaaring mahina at maraming takot—ngunit handang tumugon. Gamitin Mo ako ayon sa Iyong plano. Bigyan Mo rin po ng lakas at inspirasyon ang mga misyonero, mga pari, at lahat ng tumutugon sa tawag ng paglilingkod. Hesus ako ay nananalig sa Iyo. Amen.

Reply

Guilbert Poblite July 8, 2025 at 4:57 am

MAGNILAY: Sa mata ng kaaway kahit anong mabuting nagawa mo ay masama pa rin. Kahit ginawa mo ang iyong pinakamagaling sablay pa rin. Para sa kaaway walang maganda ang puwede mong gawin.

Hindi naligtas si Hesus sa puna ng kanyang mga kaaway. Tinanggap niya ang pinakamalalang akusasyon – na mula sa prinsipe ng demonyo ang kanyang kapangyarihan. Kapag nasaniban ka talaga ng masamang espiritu ng inggit kahit malinaw na kamay ng Diyos ang kumilos kay Hesus pinagkamalan at pinaratangan pa ring kamay ng demonyo.

Ganyan din tayo manira sa kaaway na kinaiinggitan natin. Hindi maubos ang puna at pintas natin. Maligaya na ang lahat nagngingitngit pa rin tayo.

Modelo natin si Hesus na hindi hinayaan ang kanyang mga kaaway na sirain at pigilan siyang gawin ang kalooban ng Diyos. Hayaan lang natin ang mga kritiko natin mamatay sa inggit. Ipagdasal natin na magsawa rin sila at magising sa katotohanan. Maging magkakakampi pa rin sana tayo sa huli upang magpalaganap ng kalooban ng Diyos. Kulang na kulang ang mga manggagawa sa kaharian ng Diyos para mag-away-away pa tayo.

MANALANGIN: Panginoon, pagkasundu-sunduin mo kami para ipalaganap ang iyong kaharian.

GAWIN: Magsanib puwersa hindi magsiraan alang-alang sa kaharian ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: