Podcast: Download (Duration: 7:25 — 6.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
May pananalig tayong kumakapit sa Ebanghelyo na naghihikayat sa ating itatag ang espiritwal na tahanan sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo ngayon sa Ama.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, patatagin mo kami sa iyong salita.
Ang mga pinuno at miyembro ng Simbahan nawa’y mamuhay sa espiritu ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng tapat at mababang-loob na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mag-asawa nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kanilang katapatan sa isa’t isa at sa mabuting halimbawa na kanilang ipinakikita sa kanilang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataang lumalaki sa magulo at nakalilitong daigdig nawa’y makatagpo ng kahulugan sa kanilang mga buhay at matulungan silang malagpasan ang anumang kabiguan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit na nagdurusa sa masamang pangangatawanan nawa’y makaranas ng mapagmahal na kabutihan, mapagkalingan presensya, at mapagpagaling na kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga taong nauna nang lumisan sa mundong ito nawa’y igawad ang walang hanggang kapahingahan at walang katapusang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, ukitin mo ang iyong mga salita at mga utos sa aming mga puso at akayin mo kami sa daan ng pag-ibig at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Hunyo 25, 2025
Biyernes, Hunyo 27, 2025 »




{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay patuloy na kwento tungkol sa buhay at paglalakbay ni Abraham, ang ama at ninuno ng ating pananampalataya. Si Abraham ay ipinangako ng Diyos na ang kanyang mga lahi ay kasingdami ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa dalampasigan. Subalit siya’y matanda na nang tawagin siyang lumisan mula sa Ur patungo sa Canaan, kung saan siya’y pansamantalang nananatili. At dahil sa katandaan na ito, wala pa siyang anak kasama ang kanyang asawang si Sara, na baog na at tila wala nang pag-asang manganak pa. Kaya’t nirekomenda ni Sara na ang kanilang maybahay na si Agar ang maaaring magkaanak kasama ni Abraham. Bagamat labag sa kalooban ni Abraham, nagkaroon pa rin siya ng anak ngunit sa ibang babae (Agar), at ang pangalang ito ay Ismael. Si Ismael ay makilala bilang isa sa mga lahing pinagmulan ng relihiyong Islam, na siya namang uusbong sa mundo sa taong 601 AD. Ngunit sa kabila nito ay ang tunay na pangako ng Diyos ay patuloy pa rin kina Abraham at Sara, nang matutunghayan natin kung paano isinilang si Isaac. Bagamat may mga nais tayong plano dahil tingin natin bigo ang ating mga dasal, gagawa at gagawa pa rin ang Panginoon ng paraan para mangyari ang kanyang kalooban.
Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagtatapos sa mahabang Pangangaral ni Hesukristo sa Bundok. Dito tinatapos niya ang kanyang pangangaral sa paghihikayat sa kanyang mga tagakinig tungkol sa pagiging matapat sa Diyos. Hindi lahat ng tao na tumatawag at sumasampalataya sa Panginoon ay makakasiguradong papasok sila sa langit. Ang mahalaga dito yung pakikinig sa Salita ng Diyos, pagiging matapat sa dakilang kalooban, at paggawa ng kabutihan at katuwiran ayon sa pamantayan ng Diyos. Ang mga gumagawa nito ay katulad sa isang taong nagtatayo ng isang bahay sa ibabaw ng bato. Samantala ang mga nakikinig lang sa Salita ngunit hindi ito isinasabuhay ay katulad naman sa isang taong nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng buhangin. Sa totoong buhay, ito ang pagiging masagana ng ating buhay-pananamapalataya. Tayo ay tinatawag na magtayo ng matatag na pundasyon ng pananampalataya na kasingtigas ng isang bato. Magagawa natin ito kung tayo ay makikinig sa Salita ng Diyos at isasabuhay natin ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
PAGNINILAY:
“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang tumutupad lamang sa kalooban ng aking Ama na nasa langit… Kaya nga, ang bawat nakikinig sa aking mga salita at nagsasagawa nito ay matutulad sa isang matalinong taong nagtayo ng bahay sa ibabaw ng bato…”
Sa pagtatapos ng Sermon on the Mount, malinaw na inilalatag ni Hesus ang hamon sa bawat tagapakinig: hindi sapat ang salita—kailangan ang pagsasabuhay. Itinuturo Niya na ang tunay na disipulo ay hindi lamang yaong marunong magsabi ng “Panginoon” kundi yaong nagsasakatuparan ng kalooban ng Ama.
Mga sentrong mensahe ng Ebanghelyo na dapat pagnilayan:
1. Discipleship is Obedience to the Will of the Father
Ang pananampalataya ay may kaakibat na gawa. Ito ay relasyon na may kasamang pagsunod. Sa pananampalatayang Kristiyano, ang “faith alone” ay hindi lamang intelektuwal na pagtanggap, kundi aktibong pagsunod sa Diyos. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, “to believe is to entrust one’s whole life to God.”
2. Ang Tunay na Matibay na Bahay ay Nakasalig sa Bato (Si Kristo)
Ang batong tinutukoy ni Hesus ay walang iba kundi ang Kanyang sarili at ang Kanyang mga aral. Sa tradisyong Kristiyano, ang pagsasabuhay ng Mabuting Balita ay katumbas ng pagtatayo ng ating buhay sa pundasyong hindi magigiba—ang Salita ng Diyos.
Cf. 1 Corinto 3:11: “Walang ibang maaaring maging saligan kundi si Hesu-Cristo.”
3. Eschatological Warning
Ang pangungusap na, “Lumayas kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan” ay may eschatological na bigat—nagsasaad ng paghuhukom. Sa huli, ang ating kaligtasan ay hindi sa dami ng ating sinambit kundi sa katapatan ng ating buhay sa kalooban ng Diyos.
Mahalagang aral ng Pagtatapos ng Pangangaral sa Bundok.
Sa Mateo kabanata 5–7, ipinahayag ni Hesus ang Kaharian ng Diyos—isang radikal na pamumuhay ng kababaang-loob, awa, katarungan, at kabanalan. Sa wakas ng Kanyang sermon, nagbibigay Siya ng babala at paanyaya: Piliin ninyo kung saan kayo magtatayo ng buhay(bahay)—sa buhangin ng pansariling kagustuhan o sa bato ng Aking mga salita. Ito ay hamon sa ating mga lingkod ng simbahan—mga EMHC, COMRE, PPC, at lahat ng mananampalataya: tayo ba’y mga tagapakinig lamang o tunay na tagasunod?
Panalangin: Panginoon, itanim Mo po sa aming puso ang Iyong Salita upang ito’y maisabuhay namin sa katapatan, kahit ito’y mahirap at masalimuot. Gawin Mo kaming matatag na mga alagad na hindi lamang marunong magpahayag, kundi higit sa lahat, nagsasabuhay ng Iyong kalooban. Amen.