Podcast: Download (Duration: 6:33 — 4.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Itinuro ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos na ating Ama. May matatag na pag-asa nating dalhin sa kanya ang ating mga hinaing.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Abba Ama, Dinggin mo ang aming panalangin.
Ang Simbahan nawa’y laging ipahayag sa buong sanlibutan ang malalim na pananalig sa pagdating ng paghahari ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa gitna ng mga kahirapan sa buhay nawa’y huwag nating isuko ang pagdarasal at huwag tayong magpadaig sa mga tukso, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na pagkain sa ating pang-araw-araw na pangangailangan at kadakilaan ng puso na patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at yaong mga nag-aaruga sa kanila, nawa’y maranasan ang Diyos sa kanilang araw-araw na pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makita nang harapan ang Diyos sa kanyang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming hinaing. Tulungan mo kaming laging manalig sa iyong mapagmahal na pamamaraan at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Hunyo 18, 2025
Biyernes, Hunyo 20, 2025 »




{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin. At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban.
Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication. Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit.
Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.
Pwede niyo pong sagutin ang mga susunod na katanungan para maliwanag po
1. Ano ang mensahe sa akin ng bible text na ito? (Bible verse na nakakuha ang atensyon mo, experience, application sa buhay)
2. Ano ang hamon ng Diyos para sa akin patungkol dito? (Ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong baguhin sa aking sarili?)
3. Paano ko mapagtatagumpayan ang hamon sa akin na ito? (Ano ang susunod kong gagawin para sa aking sarili, kapwa, at sa Diyos? Ano ang sisimulan kong gawin mula ngayon?)
Nakapagpatawad ka na ba? Marami sa mga tao ang gustong gumanti kaysa magpatawad. Ngunit ito ay taliwas sa kalooban ng Diyos. Kaya nga ang ating Panginoong Hesus ay ipinako sa krus upang matubos Niya tayo sa ating mga kasalanan. Wala naman Siyang kasalanan, ngunit Siya ang nagpakasakit sa atin. Dahil sa pagmamahal Niya sa atin. At habang Siya ay ipinapako ano ang sabi ni Hesus: ” Ama patawarin mo po sila. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Kaya nga tularan nawa natin si Hesus. Patawarin natin ang nagkakasala sa atin.
Bukod sa detalyadong dasal sa “Ama Namin” binigyang diin ng Hesus ang pagpaptawad. Alam mo ba kapatid na kapag ikaw ay nagpatawad ay hindi lang ito para sa Ama, ngunit para din sa iyong sarili. Kapg pinatawad mo ang kaaway mo o amg taong nakagawa sayo ng hindi maganda bukod sa kalulugdan tayo ni Hesus ay may premyo pa itong kaluwagan ng pakiramadam. Magdudulot ito sa atin ng bagong umaga, ngiti sa ating mga labi, pagkatulog ng mahimbing, mababwasan ang iniisip sa araw araw at higit sa lahat ay ang peace of mind na hindi mabibili ng kahit sinong milyonaryo. So bakit mo sasayangin ang buhay mo sa pagiging malungkot o may poot sa dibdib kung pwede nman pala nating piliin na maging masaya. Maigsi lang ang buhay kapatid at bukod sa maigsi hindi natin alam kung kelan, pwedeng mamaya, bukas sa makalawa ay bawiin ng Ama ang pinahiram na buhay satin. Kaya choose to be happy with our Father…
ang pagdarasal Ay isang makapangyarihan sandata laban sa tukso noong ipinako Ang ating Mahal na Panginoon Hesus sa krus ang tanging dasal niya lamang sa atin ay patawarin tayo sa ating mga kasalanan sapagkat hindi alam ang mga ginawa bagkus ay sa pitong salita na kanyang sinabi masasabi pa rin na mahal tayo nang diyos Amang nasa langit kahit isang magnanakaw na kasama niya sa kalbaryo nang krus ay nagdasal rin na alalahin ako pag nasa kaharian na nang langit Hindi tayo binigo nang ating Mahal na Panginoon kahit sa kapanahonan ni Abraham kung paano ang pagiging tapat niya sa Diyos noong iaalay niya ang kanyang anak nagdasal siya kung paano labanan ang tukso ganun rin si moses kung paano ililigtas ang mga isaraelita sa kamay nang faraon katulad rin ito sa nangyari sa mga Apostoles noong dumating Ang espiritu santo para gabayan sila sa kanilang mga misyon kaya Ang pagdarasal nang mataimtim maituturing natin mabisang sandata upang labanan ang mga pagsubok na Darating sa ating buhay kaya gawin natin kausapin natin Ang Panginoon Hesus andiyan lng siya palagi para tulungan tayo dahil hindi niya tayo pababayaan.
PAGNINILAY:
Sa Ebanghelyong ito, tinuruan tayo ni Hesus kung paano dapat manalangin—hindi sa dami ng salita, kundi sa lalim ng puso. Binigyan Niya tayo ng huwaran: ang Ama Namin, isang panalangin na hindi lamang binibigkas kundi isinasabuhay. Ito ay pagpapalawig ng ACTS (adoration, contrition, thanksgiving, at supplication).
In-Depth na Kahulugan ng Panalangin ni Hesus (“Ama Namin”):
“Ama namin” – Ipinapakilala tayo ni Hesus sa isang personal na relasyon sa Diyos. Siya ay Ama, hindi malayo kundi mapagmahal, mapagkalinga, at laging naroroon. Ang “namin” ay paanyaya sa pagkakapatiran—walang panalangin na makasarili.
“Sambahin ang ngalan Mo” – Pananabik na parangalan ang Diyos sa ating buhay, kilos, at salita. Hindi lang ito panalangin ng labi kundi pagsamba ng buong pagkatao.
“Mapasaamin ang kaharian Mo” – Panalangin ito na tayo’y makibahagi sa paghahari ng Diyos: sa katarungan, pagmamahal, at kapayapaan. Ibig sabihin, handa tayong baguhin ang sarili para ang langit ay dapat magsimula sa lupa pa lamang.
“Sundin ang loob Mo” – Pananampalatayang nagtitiwala na ang kalooban ng Diyos ay laging para sa ating ikabubuti—kahit minsan ay mahirap unawain. Ito’y pagsuko, hindi pagpilit ng sariling gusto.
“Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw” – Pagkilala na lahat ng biyaya ay mula sa Diyos. Hinihingi natin hindi sobra, kundi sapat sa bawat araw. Tinuturuan tayong mabuhay sa kasimplehan at pagtitiwala.
“Patawarin Mo kami…” – Tayo ay humihingi ng awa, ngunit ito’y may kalakip na hamon: magpatawad din tayo sa kapwa. Hindi pwedeng hilingin ang kapatawaran kung tayo mismo ay may kinikimkim na galit.
“Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso…” – Kinikilala natin ang ating kahinaan at hinihingi ang tulong ng Diyos na ilayo tayo sa kasamaan. Isang panalangin ng pagkapit sa Diyos sa gitna ng pagsubok.
Ang Paanyaya ng Ebanghelyo sa ating lahat ay:
Ang panalangin ay hindi lang salita, kundi pakikipag-ugnayan sa Diyos—isang malalim na pakikinig, pagtitiwala, at pagsunod sa Kanya. Nawa’y hindi tayo manalangin lamang sa bibig, kundi sa puso at buhay.