Podcast: Download (Duration: 5:31 — 4.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Manalangin tayo sa Diyos, ang Ama ng liwanag upang maging tapat tayo sa ating misyon na maging ilaw at asin ng sanlibutan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, panatilihin mo kami.
Ang Simbahan nawa’y ipakita ang kapangyarihan at ningning ng Espiritu sa lahat ng naghahangad ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lalaki at babae na pinagkatiwalaang magpasya para sa ikauunlad ng mga tao, nawa’y maliwanagan ng kinang ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo, na tinatawag na maging asin at liwanag ng sanlibutan, nawa’y maging daluyan ng pag-asa at ginhawa ng ating kapwa tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga may alalahanin, at mga sawing puso nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y sikatan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, habang ipinapanalangin namin ang aming kapwa, hinihiling namin na tulungan mo kaming magliwanag sa kanilang paningin nang sa gayon kanilang purihin ang iyong kabutihan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Hunyo 9, 2025
Miyerkules, Hunyo 11, 2025 »




{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sa Unang Pagbasa (2 Corinto 1:18-21), ipinahiwatig ni San Pablo ang dakilang katapatan ng ating Panginoong Hesukristo, na nagpapakita ng kanilang katapatan sa pangangaral ng Mabuting Balita. Ito ay nagpapahayag ng pagiging masunurin sa kalooban ng Diyos Ama at makapagtiwalaang tuparin ang tungkulin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya si Kristo ang tatak sa misyon nina Pablo, Silvano, at Timoteo dahil sila ay nakiisa sa kanya. At ang katuparan sa buhay at pangangaral ni Hesus ay ang Espiritu Santo, na siyang patuloy na nagpapanibago upang unawaan ang mga gawain ng Panginoong Diyos.
Sa Ebanghelyo (Mateo 5:13-16), hinihikayat tayo ng Panginoong Hesus na maging asin ng mundo at ilaw ng salibutan. Ang dalawang imahen ng asin at ilaw ay mahalaga sa buhay pangKristiyano sapagkat ang asin ay sumisimbolo sa pagbibigay-lasa sa mga pagkain, at ang ilaw naman ay sumisimbolo sa pagliliwanag nito. Ang asin na nagpapalasa ng pagkain ay tanda sa atin na kailangan magbigay kulay ang tamis nito sa paggawa ng makabuluhang bagay tungo sa ating kapwa at pati na rin sa Diyos. Ang ilaw na lumiliwanag sa kadiliman ay hudyat sa atin na kailangang magningning si Kristo sa atin upang siyang maging dahilan ng ating mga mabubuting gawain sa ikaluluwalhati ng Ama, at hindi lang pagpapakitang-tao.
Ang hamon sa atin sa pagsasadiwa ng kalayaan ay galing mismo kay Hesus, na maging asin ng mundo at ilaw ng sanlibutan.
May silbi ka ba? Kadalasan tayo ay nakikita sa pamamagitan ng ating mga ginagawa. Kung nasusunod ba natin ang utos o hindi. Kapakipakinabang ang mga tao na may kabuluhan, ngunit paano ang mga pasaway? Salamat sa ating Panginoong Diyos ang pagtingin niya ay patas sa lahat ng tao. Wala siyang itinatangi o pinapahalagahan. Maging ang mga taong makasalanan ay mahal Niya. Sa katunayan pati sila ay iniligtas sa kanilang mga kasalanan. Kaya nga ipakita nating may halaga tayo sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ang ebanghelyo ngayon ay katulad din ng ebanghelyo tungkol sa isang lalaking nagtanong kay Hesus kung paano sya maliligtas. Sinabi ni Hesus na sundin nya ang nasusulat sa sampung utos. Sumagot ang lalaki na ginagawa nman nya ang mga ito nuon pa. Kaya’t sinabi ni Hesus na ipagbili nya ang kanyang mga ari arian at ipmahagi sa mga nangangailangan, at tumalikod ang lalaki.
Kahit ikaw ay walang ginagawang masama, hindi ito sapat upang kalugdan na tayo ng Diyos. Tayo ay para sa tao. No man is an island. May tungkulin din tayo para sa kapwa natin. Tulungan natin ang mga taong naliligaw ng landas, tularan natin si Hesus na isang mabuting pastol na hindi hinahayaang may mawalang tupa. Ibahagi natin sa iba ang mga natututunan natin sa Mabuting Balita. Magpakita tayo ng magandang halimbawa sa ating mga anak, kamag anak, kapitbahay o katrabaho upang tayo ay pamarisan at gawin din nila sa iba, what goes around comes around. Hindi sapat na ikaw lang nagpapakabait sa sarili mo, Share your blessings lalo na sa hikahos, may kapansanan, at mga nkadarama ng matindinv kalungkutan at suliranin. Dalawin ang may sakit, damayan ang naulila, bisitahin ang bilanggo at pakainin at painumin ang nagugutom at nauuhaw. Ang Diyos sa langit ay malulugod sa iyo at Sya na ang bahalang magbigay ng gantimpala mo.
In connection with our gospel, God remin us that the reason why we exist to this earth is for our brethren and likewise to the person lost in faith. It’s ok if we go to church every Sunday or we regularly attending prayer meeting what matter most is we practice our faith. Remember: Faith without works is nothing or empty.
tayong lahat ay Ang asin sa sanlibutang ito ngunit kung wala ng lasa Wala ng silbi itatapon na lamang sa basurahan sikapin natin sa ating Sarili na panatilihin malasa tayo sa ating kapwa dahil nilikha tayo Ng Diyos at pinarami para maging maayos ang ating pakikitungo sa bawat isa iniligtas Niya tayo sa kasalanan at maging sing dami Ng bituin sa langit Ang ating mga kabutihan habang tayo nabubuhay sa mundong ito.
PAGNINILAY:
Asin at Ilaw
Sa banghelyo: Mateo 5, 13-16 Sinabi ni Hesus: “Kayo ang asin ng lupa… kayo ang ilaw ng sanlibutan.” Ito’y panawagan sa ating lahat na maging asin—magbigay lasa sa mundong puno ng kabiguan at kasamaan. Ang asin ay may kakayahang magpreserba—tulad natin, na dapat maging tagapag-ingat ng kabutihan at katotohanan. Tayo rin ay ilaw—hindi upang magyabang, kundi upang ituro sa iba ang daan patungo sa Diyos. Hindi natin kailangang maging sikat, sapat nang maliwanagan ang ating pamilya, kapitbahay, o komunidad sa pamamagitan ng ating simpleng halimbawa ng kabutihan, katapatan, at pananampalataya.
Sa Bibliya, ang asin ay may tatlong mahalagang kahulugan:
Pagpapalasa – Tayo ay tinatawag na magbigay saysay at sigla sa buhay ng iba sa pamamagitan ng pagmamahal, malasakit, at pananampalataya.
Pagpapreserba – Tayo ang tagapangalaga ng kabutihan, upang mapanatili ang moralidad at katotohanan sa ating lipunan.
Panggagamot – Tayo ay inaasahang maging lunas ng isang paghilom, maaring sa isang relasyon, kagalingan ng espiritu’t katawan at iba pa.
Tanda ng Tipan – Sa Lumang Tipan, ang asin ay bahagi ng mga alay sa Diyos (cf. Levitico 2:13). Ipinapaalala nito na tayo ay nakipagtipan sa Diyos, at ang ating buhay ay dapat maging alay sa Kanya.
Ang asin ay sumisimbolo sa pananatiling matatag sa pananampalataya, upang sa gitna ng panlalamig ng mundo, manatili tayong may “lasa” ng katotohanan at kabanalan. Ayon kay San Beda, “Ang asin ay kumakatawan sa karunungan, at kung wala ito, nabubulok ang lipunan.”
Sa Ikalawang Bahagi ng Ebanghelyo, ay ang maging ilaw na magbibigay ng liwanag hindi lang para sa sarili—ito ay para sa iba. Tayo ay tinawag na maging ilaw sa:
Pamilya – sa pagiging mabuting halimbawa ng kabutihan at pananampalataya.
Komunidad – sa pagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng gawaing maka-Diyos.
Sa ating kapwa– sa pagtuturo, pakikinig, at pakikiisa sa mga nangangailangan
Hindi tayo ang pinagmumulan ng liwanag—si Kristo ang tunay na Liwanag, at tayo ay sumasalamin lamang sa Kanyang liwanag. Tulad ng buwan na sumasalamin sa liwanag ng araw, ganito rin tayo sa harap ng Diyos. Ayon sa Gaudium et Spes, (“Kagalakan at Pag-asa: Pastoral na Konstitusyon ng Simbahan sa Makabagong Daigdig”) ang Simbahan at bawat Kristiyano ay tinatawag na “liwanag ng sangkatauhan” dahil tayo ay tagapagdala ng Mabuting Balita. Tinuturuan tayo ng Gaudium et Spes na ang pananampalataya ay dapat isinasabuhay, lalo na sa larangan ng: pamilya, trabaho, politika, edukasyon, pag-unlad ng lipunan. Pinaaalalahanan tayong maging asin at ilaw, saksi ng pag-ibig ni Kristo sa mundong nangangailangan ng liwanag at katarungan.
Sa Unang Pagbasa: 2 Corinto 1, 18-22. Ipinaalala ni San Pablo sa mga taga-Corinto na ang Diyos ay tapat. Sa Kanya, ang lahat ng pangako ay “Oo!” sa pamamagitan ni Kristo. Tayo ay tinatakan ng Banal na Espiritu bilang katiyakan na tayo’y Kanya. Ang panawagan dito ay maging matapat din tayo sa ating mga pangako—sa Diyos, sa kapwa, at sa ating bokasyon bilang mga Kristiyano.
Sa Salmo ang Salmista ay nananalangin na maunawaan ang Salita ng Diyos. Isang paalala sa atin na ang Kanyang mga utos ay hindi pabigat, kundi tanglaw sa ating landas.“Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako” (Salmo 118).
Binhi ng Kamalayan:
Minsan ba’y naramdaman mong wala kang halaga? Ipinaalala sa atin ni Kristo: Mahalaga ka. May silbi ka. May misyon ka. Hindi kailangan ng mundo ng higit pang ingay o pansariling karangalan. Ang kailangan nito ay mga asin na nagpapalasa ng pag-asa, at ilaw na tumatanglaw sa dilim ng takot at kasalanan.
Binhi ng Hamon:
Sa araw na ito, maging asin at ilaw tayo sa ating tahanan o opisina, sa ating kapwa lingkod—sa mabuting salita at gawa, sa isang matiyagang pakikinig, at isang taimtim na dasal para sa nangangailangan.
Panalangin: Panginoon, salamat sa pagtawag Mo sa amin bilang asin at ilaw ng mundo. Tulungan Mo po kaming mapanatili ang aming pagiging matapat sa Iyong salita, upang sa aming simpleng buhay, maipahayag ka namin sa iba. Amen.
Ang asin at ilaw. Alin sa 2 tayo?
Ang ngiti, mabubuting gawa, pagtulong sa kapwa, pag-aalaga sa maysakit, pagbibigay ng tulong, salitang malumanay ay maihahalintulad sa asin.
Kung ang asin ay nagbibigay lasa sa pagkain. . .masarap di b? Kung ang asin ay ginagamit sa isda, na pe preserve ang freshness nito. . .di ito nabubulok.
Ang pagpuri natin sa mabubuting gawa o mataas na marka ng ating mga anak ay nkpagbibigay sa kanila ng kasiyahan at feeling na naapreciate natin ang kanilang ginagawa.
0Ang ngiti, paggising sa umaga, ang pagsasabi ng: “tulungan na kita!” “thank you!” “Sorry!” “I LOVE YOU!” atbp ay nakakapag papasaya sa nakakarinig sa tahanan, komunidad, paaralan o sa simbahan man. sa atin ng lubos, kailangan ko matutunan ang ngumiti, tumulong at makihalubilo, maki-isa, at magmahal sa ating kapwa.
At dahil tayo’y nagsisikap na makasunod at makilala nating lubusan ang Panginoon. . .nagbabasa tayo ng Bibliya o umaattend sa misa hindi para sarilinin ang ating narinig o nabasa. . .kailang natin ibahagi sa ating kapwa iyon. Sabi nga ni Cardinal Tagle, “Charity begins at home,,” huwag nating ikulong. . .wag sarilinin ang Mabuti Balita.
Dapat ibahagi! Upang ang mabahaginan mo ng Mabuting Balita ay maliwanagan rin. Tulungan nawa tayo ng Diyos na maging asin at ilaw ng sanlibutan upang makarating tayo sa buhay na walang hanggan.?????