Podcast: Download (Duration: 8:33 — 6.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (K)
Patnubay sa Misa
Ang pag-akyat ng Panginoon sa langit ay tanda ng atin ring inaasam at pag-asa. Paalaala rin nito ang ating tungkuling maitatag ang Kaharian ng Diyos sa lupa sa pamamagitan ng ating tapat na Kristiyanong pamumuhay. Sa kabila ng ating kahinaan, manalangin tayo:
Panginoon, ikaw ang aming pag-asa!
Nawa’y tapat na magampanan ng Simbahan ang misyon niyang mag-akay sa sangkatauhan sa patuloy na pagbabago, manalangin tayo!
Nawa‘y maakit ng mabuti nating halimbawa ang lahat ng nasadlak sa kamunduhan sa halip ng sa mga pagpapahalagang makalangit, manalangin tayo!
Nawa’y lahat ng nagkasalang mabigat ay mapukaw ang pagnanasang magbalik-loob at gumawa ng mabuti, manalangin tayo!
Nawa’y pagsumikapan ng lahat ng nasa larangan ng komunikasyon ang pagpapairal ng kapayapaan at pangangalaga sa kapakanang pantao, manalangin tayo!
Nawa’y lahat ng komunikasyon sa ating bansa’y mabisang makatulong sa ipagkakaroon ng pagmamalasakit at pagkakaisa, manalangin tayo!
Upang ang bawat isa sa atin ay makatagpo ng tunay na katiwasayan sa personal na pakikipagniig sa Panginoon, at sa gabay ng Banal na Puso ay matuto rin tayong magdalang-habag sa buong daigdig, manalangin tayo!
Panginoong Hesus, ituon mo ang aming mga puso sa dakilang pag-asang panawagan ng ating Ama. Pagsikapan nawa namin ang pagtataguyod dito sa lupa sa Kaharian ng katarungan, kapayapaan, at pagmamahalan kung saan ka nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Mayo 31, 2025
Lunes, Hunyo 2, 2025 »




{ 9 comments… read them below or add one }
Isang Ilongga po ako at naging lecture po dito sa parokya namin, Malaking tulong po sa akin lalo na ang tamang pagbigkas ng mga salita. kaya Maraming salamat po sa bumubuo ng www. awitatpapuri. com GOD bless po
Pagninilay: Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo. Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo.
Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin.
Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Amen. Maraming salamat sa Diyos sa kanyang mabuting balita.
Ang Dakilang kapistahan ng Pag-ayat sa langit ni Hesus, ay may dalang dalawang kahulugan, una , pagbalik sa Ama, at ang ikalawa ay ang paghahari ni Hesus sa Langit at sa Lupa.
Pagbalik sa Ama, alam natin na ipinadala ng Ama si Hesus dito sa Lupa dahil sa isang misyon na iligtas tayo, at ibalik tayo uli sa Ama. At ang kayang pagbalik ay tunay na isinilarawan para sa atin na ang tunay nating tahanan ay sa piling na Ama. Tayo ay mula sa kanya at kapiling niya ngunit dahil kasalanan, tayo ay nailayo at lumayo tayo sa kanya dahil sa paggawa natin ng kasalanan. At ang Pag-akyat ni Hesus sa langit, at tanda na tayo ay muling makakauwi at makakabalik dahil sininulang ito ni Hesus na umakyat sa langit , dala ang kaluluwa at katawan. Napakaganda tingnan ang isang tagpo na muling pagsasama nila. Sabi hindi dito sa lupa dapat tayo nakatuon at laging mamalagi. Ang pagtingin natin kay Hesus habang umaakyat sa langit ay dapat din atin asamin araw- araw na muli tayo makabalik sa Ama at makapiling ang AMA.At ang ikalawal, ang paghahari niya bilang hari ng langit at lupa. na alam natin ito ay tinatawag nating dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Pero sa tagpong ito ay ang malaking gantimpla ng Ama sa matagumpay na misyon na gawa ni Hesus ay ipinag-kaloob ng Ama sa kanya ng paghahari ng sanlibutan bilang malaking regao ng Ama kay Hesus dahil sa matagumpay niya pagsunod sa kalooban niya. At sinasabi na hindi pa tapos ang misyon ni Hesus sa halip ay pinalawak ang kanyang kapangyarihan dahil sa dakilang pagmamahal ng Ama kay Hesus. Kaya;t ito rin ay linggo ng pangdaigdigan araw nf kumunikasyon, Na nais ng simbahan na palawakin ang pagpapahayag ng atin nakitang katotohanan. Na misyon natin ipahayag sa buong mundo ang ating nakita at naranasang. katotohanan. Laganap ang mga fakenews, dahil bakit? Ang tao ay muling inililigaw ng kasalanan na huwag bumalik sa Ama. Kaya’t ang paghahari ni Hesus ay isang pagpapatuloy na maghari si Hesus sa buhay natin, upang makabalik tayo sa AMa. at gantipalaan tayo ng Ama sa ating pagsunod sa kanyang kalooban, Ang ginagawa ng fakenews tayo ay inilalayo sa Diyos, at ang ginagawa nating pagsabuhay ng pananampalataya ay ang pinakamabisang pagpapahayag ng dakilang araw ng kumunikasyon. “To live with God is to live with truth it is the besy means of communication.” dahil ito ay ipinakita ni Hesus sa atig bakit siya nagtagumpay at nakabalik sa Ama..
Thank you for a very inspiring reflections. Godbless all of you who manage this wonderful and very informative website.
PAGNINILAY:
“Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon”
Sa Ebanghelyo ang Pag-akyat ng Panginoon sa ibang sulyap ay parang isang pamamaalam, ngunit sa pananampalataya, ito’y isang pagpapatibay ng pangako. Ang Ascension ay hindi simpleng pag-alis ni Kristo, kundi katuparan ng Kanyang misyon, pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, at pagsisimula ng Kanyang walang hanggang pamumuno bilang Hari ng lahat.
“Umakyat Siya, Kasama Tayo”
Sa Theological Core: Ang Ascension ay ang pagluwalhati sa pagkatao ni Kristo at ang pagdadala Niya sa ating sangkatauhan sa presensya ng Diyos Ama. Sa Kanyang pag-akyat, tinatahak din natin ang landas ng ating kaligtasan — tayo’y inaanyayahang umakyat kasama Niya sa bagong antas ng buhay, sa pananampalataya, pag-asa, at misyon.
Bago Siya umakyat, inutusan ni Hesus ang mga alagad na ipahayag ang kapatawaran ng kasalanan sa lahat ng bansa. Sa Theological Insight, ito ay ang misyon ng Simbahan, ang pagdadala ng Ebanghelyo sa dulo ng daigdig. Sa kanyang pag-akyat, hindi iniwan ni Kristo ang mundo, sa halip, ipinagkatiwala Niya ito sa ating mga kamay, sa tulong ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng paghahabilin ng pagpapatuloy na pagmimisyon.
Mga kapatid, ang Ascension ay isang paanyaya at panawagan:
Tumingin tayo sa langit, ngunit huwag kalimutang tumungo sa mundo.
Huwag tayong manatiling saksi ng alaala ni Kristo. Tayo ay inaatasang maging presensya Niya ngayon. Ang ating pagiging Kristiyano ay hindi paghihintay lamang sa langit, kundi aktibong pagtugon sa tawag ng misyon sa lupa. Ang Espiritu Santo ang ating gabay at lakas tulad ng Kanyang pangako sa pagtupad ng ating tungkulin bilang Simbahan.
Sa Unang Pagbasa: (Mga Gawa 1, 1-11 ) Si Hesus ay umakyat sa langit sa paningin ng mga alagad matapos ang apatnapung araw ng muling pagkabuhay, iniwanan sila ng atas: “Kayo’y magiging mga saksi Ko hanggang sa dulo ng daigdig.”
“Bakit kayo nakatingala sa langit?” Ang mga alagad ay naghintay, nakatitig sa langit — ngunit ang sagot ng mga anghel ay malinaw: ang misyon ay hindi sa langit lamang, kundi sa mundo. Ito ang eklesyolohikal na hamon — ang Simbahan ay tinawag upang maging buhay na saksi ng pagkabuhay ni Kristo. Ang Ascension ang pagsisimula ng ating aktibong papel sa misyon ng Ebanghelyo.
Sa Salmo 46 “Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog.” — Isang awit ng tagumpay, pagluwalhati, at pagsamba sa Diyos bilang Hari. Sinasabi ng salmista ang isang tagumpay na awitin, sumasalamin sa pagkilala sa kapangyarihan ni Kristo bilang Hari. Sa liturhiya, tuwing ipinagdiriwang natin ang Misa, muli nating isinasabuhay ang Ascension — sapagkat si Kristo ay laging “umaakyat” sa ating gitna upang tanggapin ang ating papuri at ialay tayo sa Ama.
Sa Ikalawang Pagbasa (Efeso 1, 17-23 )— Ito ay isang panalangin upang maunawaan natin ang kapangyarihan ng Diyos na bumuhay at nagluklok kay Kristo sa kanan Niya. Sa pamamagitan ng Ascension, ang ating kaligtasan ay laging isinasagawa sa Langit. Si Kristo ay laging nabubuhay upang mamagitan para sa atin (Heb. 7:25). Sa Kanya, ang ating mga panalangin ay umaabot sa Ama. Tayo rin ay inaanyayahang mamuhay ng may pananalig at katapangan, dahil may tiyak tayong lugar sa kaharian ng Diyos.
Mga kapatid, ang Ascension ay isang paanyaya at panawagan:
Tumingin tayo sa langit, ngunit huwag kalimutang tumungo sa mundo.
Huwag tayong manatiling saksi ng alaala ni Kristo. Tayo ay inaatasang maging presensya Niya ngayon. Ang ating pagiging Kristiyano ay hindi paghihintay lamang sa langit, kundi aktibong pagtugon sa tawag ng misyon sa lupa. Ang Espiritu Santo ang ating gabay at lakas tulad ng Kanyang pangako sa pagtupad ng ating tungkulin bilang Simbahan.
“Umakyat Siya upang manatili sa ating piling — sa ibang paraan: sa Liturhiya ng Salita, ng sa Eukaristiya, sa Simbahan, at sa bawat taong ating pinaglilingkuran.”
Manalangin tayo. Panginoong Hesus, sa Iyong pag-akyat, itinaas Mo ang aming dignidad. Puspusin Mo kami ng Espiritu Santo upang maging matapang na saksi ng Iyong buhay, kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat sa langit. Nawa’y sa bawat hakbang ng aming misyon, maisama rin namin ang iba sa daan patungo sa iyong kaharian sa langit. Amen.
Ang pag-akyat ni Hesus ay hindi pamamaalam, kundi isang paanyaya sa atin na itaas ang ating paningin — hindi lamang sa langit kundi sa mas mataas na layunin sa ating buhay. Hindi sapat na mabuhay lamang para sa trabaho o sariling ambisyon.
Bilang pamilya, tayo’y tinatawag na sabay-sabay maglakbay patungong sa kaharian ng Diyos.
Tulungan natin ang isa’t isa — asawa sa asawa, magulang sa anak, kapatid sa kapatid — na maging mas mabuti, mas banal, mas mapagpatawad, mas mapagmahal.
NOON PAMAN TAYO AY NAPATAWAD NA SA ATING MGA KASALANAN AT TINUBOS NGUNIT KALAKIP NITO ANG TALIKDAN ANG ATING MGA KASALANAN AT IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA NG KALIGTASAN NA MAYROON TAYONG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN NA HINDI NAGBABAGO NOON AT KAILANMAN ANG KALUWALHATIAN NG DIYOS AY SA KANYA LAMANG NAGMUMULA. AT ANG PAGPAPALA NYA AY LUBOS. AMEN