Podcast: Download (Duration: 5:36 — 4.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules
Habang nagkakatipon tayo bilang isang bayang sumasamba sa Panginoon, ilapit natin sa Diyos na ating Ama ang ating mga pangangailangan nang may pagtitiwala.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang tagapagtanim ng ubas, gawin Mo kaming mabunga.
Ang pagkakaisang nagmumula kay Kristo, ang tunay na puno ng ubas, nawa’y makahikayat sa lahat ng Kristiyano sa kanyang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pari, relihiyoso, at mga misyonero nawa’y maging tapat sa kanilang bokasyon sa Simbahan at manatiling kaisa ni Kristo sa kanilang gawain, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay nawa’y manatiling tapat kay Kristo at sa kanyang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y tingnan si Kristo bilang bukal ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa nawa’y manatili kay Kristo magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, wala kaming magagawang anuman kung wala ka sa aming piling. Dinggin mo ang aming mga panalangin at panatilihin mo kami sa iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Mayo 20, 2025
Huwebes, Mayo 22, 2025 »




{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Mahalaga sa bawat komunidad ang pagkakaisa. Sa kabila ng mga pagkakaiba sa paniniwala, relihiyon, lahi, kasarian, kulay, at mga saloobin tungkol sa kalagayan ng isang bansa, dapat naroon pa rin ang pagkakaunawa sa mga miyembro ng isang grupo, komunidad, o lipunan. Sa ating Unang Pagbasa (Gawa 15:1-6), humarap ang Simbahan sa isang kontrobersiyal na isyu, ang di umano’y pagsasailalim ng mga Hentil na magpatuli bago maging isang Kristiyano. Kaya nagkaroon ng mainit na debate sa kampo nina San Pablo at Bernabe laban sa kampo ng mga Pariseo at iilang mga Hudyong Kristiyanong naniniwala sa grupo ng mga Hudyo. Kahit panalo na si San Pablo sa pagdedebate, hindi pa rin nawala ang isyu, sapagkat marami ang naniniwala na dapat daw pagtuliin ang mga Hentil ayon sa Kautusan ni Moises upang sila’y mailigtas ng Diyos. Subalit makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga Apostol upang magkaroon ng malawak na usapin tungkol sa bagay na ito. Sa ating Ebanghelyo (Juan 15:1-8), ito ang pinakahuling “Ako ang” na pahayag ng Panginoon ayon kay San Juan, na kung saan ipinapakilala sa atin ng Ebanghelista si Hesus bilang Tao, ngunit kailanma’y tinanggi ang kanyang pagka-Diyos. Sinasabi ni Hesus na siya ang puno ng ubas, at tayo ang kanyang mga sanga. Upang tayo ay magkaroon ng buhay, kailangan natin maging mabubuting sanga sa pamamagitan ng pagpapantili sa puno. Ang bawat sangang nabubulok ay pinuputol ng tagapag-alaga upang magkaroon pa nang mas magandang sanga na magbubunga ng higit pa sa luma. Ibig palang iparating sa atin ni Hesus ang kahalagahan ng ating kaligtasan upang tayo ay maging mas matapat sa Diyos. At ito’y mangyayari kung hahayaan natin ang magkaroon ng isang wagas na ugnayan sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo. Kaya sinasabi ni Hesus na dapat tayo’y manatili sa kanya, upang siya rin ay manatili sa ating mga puso’t isipan. Aminin natin o hindi, mahalaga pa rin ang Diyos sa buhay ng tao sa kabila ng mga masasamang nangyayari sa ating paligid. Kung tayo ay patuloy na nananalig, malalampasan natin ang bawat pagsubok. At sa bawat pananampalataya sa Panginoon ay ang pananatili at pagkakaroon ng ugnayan sa kanya, upang mabunga sa atin ang pagmamahal at kabutihan na dapat nating ipadama sa kapwa. Ganito ang inilalarawan sa Simbahan, na nagpapatuloy sa pananatili kay Kristong tumatag nito. Sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa nakaraan, siya ay patuloy na nanawagan sa atin, kahit tayo’y bahagi ng kaparian o laiko, na ipagpahayag natin na si Kristo ay namatay, ngunit buhay na buhay sa ating piling. At kahit tayo ay Kristiyanong Katoliko, nawa’y patuloy natin ipadama sa lahat ang pag-ibig ng Diyos Ama, kahit magkaiba ang kanilang mga paniniwala at relihiyon sa buhay.
PAGNINILAY:
Ang pahayag ni Hesus na “Ako ang tunay na puno ng ubas” ay bahagi ng serye ng Kanyang mga diskurso ng “Ako nga” (I Am) sa Ebanghelyo ni San Juan—mga pahayag na may malalim na teolohikal na kahulugan at hayagang pag-aangkin Niya ng pagka-Diyos. Sa Lumang Tipan, nang tanungin si Yahweh ni Moises kung sino Siya, ang sagot ay: “Ako’y Ako nga” (Exodo 3:14). Ngayon, inuulit ni Hesus ang parehong pagpapakilala—ngunit ngayon, may dagdag na mensahe ng relasyon at misyon.
Ang “Ako nga” ni Hesus bilang Puno ng Ubas:
Sa pagsasabing “Ako ang tunay na puno ng ubas”, itinatatag ni Hesus ang Kanyang sarili bilang ang tanging pinagmumulan ng buhay, biyaya, at bunga. Hindi sapat na kilalanin lamang Siya; kailangan tayong manatili sa Kanya, tulad ng sangang nakakabit sa puno. Siya ang bagong Israel, ang katuparan ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan.
Binhi ng Salita:
Una. Pagkakabit sa Pinagmulan ng Buhay: Ang tunay na pananampalataya ay relasyon, hindi lamang kaalaman. Ang pananatili kay Hesus ay nangangahulugan ng araw-araw na pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pakikinig sa Kanyang Salita, at pagsasabuhay nito.
Pangalawa. Pagsasanggalang ng Ama: Ang Ama ang nagtatabas at naglilinis. Ito ay maaring tumutukoy sa pagputol ng kayabangan, pagka-masarili, at katigasan ng puso nating mga tao. Pero sa bawat sakit, pagkabigo, o pagsubok, naroroon din ang Ama na masinsinang nag-aalaga upang tayo’y lumago. Ito ay bahagi ng pagpapakabanal- tinatabas ang lahat ng mga hadlang na pumipigil sa ating pagiging konektado sa Kanya.
Pangatlo. Pamumunga ng Mabubuting Gawa: Ang sangang nakakabit sa puno ay namumunga—ang bunga ay hindi para sa sarili kundi para sa kapakanan ng iba at para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang ating kabutihan, pag-ibig, pagpapatawad, at malasakit ay bunga ng pananatili natin sa Diyos.
Sa Unang Pagbasa (Gawa 15, 1-6): Sa gitna ng pagtatalo tungkol sa kautusan, nanatili ang unang Simbahan sa pakikinig sa Espiritu sa pamamagitan ng pagkakaisa. Gaya ng mga sanga sa iisang puno, tinawag tayong manatili sa iisang pananampalataya at hindi sa pagkakahati-hati.
At sa Salmo: “Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Diyos.” Ang tahanan ng Diyos ay para sa mga sangang tapat na nakakabit sa Kanya—isang pamayanang masaya, payapa, at masigla sa pananampalataya.
PANALANGIN: Panginoong Hesus, Ikaw nga ang tunay na puno ng ubas, ang “Ako nga” na buhay ng aming mga kaluluwa. Huwag Mo kaming hayaang mahiwalay sa Iyo. Tabasin Mo ang kayabangan at kasalanan sa aming puso. Turuan Mo kaming manatili sa Iyo upang mamunga ng pag-ibig, pag-asa, at pananampalataya. Amen.
Mensahe para sa araw na ito: “Manatili kay Kristo na ‘Ako nga,’ at sa Kanya tayo mamumunga ng buhay na walang hanggan.”
“Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.”
(Acts 15:1, context)
“Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno.”
(John 15:4-5)
These two passages highlight a vital tension and balance in the Christian life—between external religious practices and inner spiritual connection with Christ.
The first passage reflects a challenge faced by the early Church: some Jewish Christians insisted that Gentile believers must follow the traditional Jewish laws, such as circumcision, in order to be truly saved. This issue sparked debate about what truly defines a follower of Christ. The early apostles ultimately affirmed that salvation comes through grace by faith, not by adherence to the law. This teaches us that religion without relationship can become rigid, exclusive, and disconnected from the heart of the Gospel.
In contrast, the second passage from John provides a deeper spiritual insight: true fruitfulness comes from abiding in Christ. Just as a branch cannot bear fruit if it is cut off from the vine, we cannot live a meaningful and fruitful Christian life unless we remain spiritually connected to Jesus. This is about relationship, not ritual—about inner transformation that leads to outward fruit, not outward compliance that tries to earn grace.
Together, these passages remind us that:
External rituals, traditions, and rules (like circumcision) have their place, but they do not define or guarantee salvation.
What truly matters is a living, growing relationship with Christ, which results in spiritual fruit—love, peace, kindness, humility, and other Christ-like qualities.
The Christian life is not about earning God’s favor but about staying connected to the source of life, Jesus Himself.
In our own lives, we must ask: Am I relying on religious traditions alone, or am I deeply rooted in Christ? Am I bearing fruit that reflects God’s presence in my life?
Let us not just comply with religious expectations, but truly abide in Christ, so that our faith may be alive, fruitful, and full of grace.
Panginoon gawin mo kaming mas mabunga ang aming buhay.
Lumapit sa Panginoon tanggapin sa buhay at puso para makapamunga at para makita natin pano dinggin ng Diyos ang ating panalangin.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank you,Lord
Blessed Wednesday.