Podcast: Download (Duration: 8:00 — 9.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa
Sa gabay ng mga pagbasa ngayon, hilingin natin sa Diyos ang biyayang magawa natin lagi ang tamang desisyon at pagsumikapan ang mga ito.
Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang ang Simbahan ay hindi mapagod na himukin ang bawat isa sa paggawa ng tamang desisyong na aayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!
Upang patuloy tayong gabayan at pukawin ng Santo Papa at iba pang mga pinuno ng simbahan na
mamuhay ayon sa batas ng Diyos. Manalangin tayo!
Upang ang ating mga pinunong pulitikal at kultural ay bumuo ng kapaligirang nagtataguyod
at nagsusulong ng kung ano ang tama at karapat-dapat. Manalangin tayo!
Upang ang lahat ng mga media practitioners ay tunay na maging puno ng mga magagandang katangian at pukawin ang kanilang mga tagapakinig na gawin ang tama at nararapat. Manalangin tayo!
Upang ikintal ng mga magulang at guro sa kabataan ang taus-pusong pagmamahal sa katotohanan, katapatan, kalinisan, at pagmamahal sa Diyos at kapwa. Manalangin tayo!
Upang lahat tayo ay kumilos ng may pagkakaisa at pagtutulungang makabuo ng pamayanang may tunay na katangiang Pinoy: maawain, mapagbigay, pantay-pantay, maka-Diyos, at may pagkakaisa. Manalangin tayo!
Panginoong Diyos, tulungan Mo kaming mahalin ang Iyong minamahal at tanggihan ang Iyong
tinatanggihan, nang sa gayon ay makamit namin ang buhay na walang hanggan at kaligayan sa Iyong Kaharian kung saan Ka nabubuhay at naghahari magpakailaman. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Pebrero 15, 2025
Lunes, Pebrero 17, 2025 »




{ 9 comments… read them below or add one }
MagingMapalad sa Diyos
Pagninilay Lukas 6:17, 20-26
Kamusta ang araw ng mga puso ninyo? Meron ba kayong mga nagawa na bago para sa inyong mga minamahal na kaibigan, iniibig, mga magulang o buong pamilya? Naalala ko noong nasa ika-apat na baiting ako sa Elementarya noong una kung gumawa ng Valentines Card dahil sa Art project pero nagtuloy-tuloy ito hanggang matuto ako bumili ng rose flower para kay crush noong nasa Ika-anim na baiting. Habang tumatagal, nakakasawa rin pala dahil naghahanap na ako ng sagot na wala namang tanong at inaasa ko ang mga maliliit na bagay na ito para mapalait ako sa tao. Mga Kapatid, noong mga nahuling linggo ipinakita ni Hesus kung paano niya tinawag ang kanyang mga unang tagasunod. Sa kanyang mga ipinakita sila’y sumunod ng walang takot at pagtatanong kung san sila dadalhin ng ating Panginoon. Sa ating Ebanghelyo ating nakita si Hesus sa isang patag na lugar kasama ang labindalawa; ating napakingan ang kanyang mga turo o sermon sa bundok. Ito ay tinatawag na Beatitudes na ang ibig sabihin ay kasiyahan o pagiging mapalad dahil ito ay isang pagpapaalalang ating pagtitiwala sa ating Panginoon.
Ang mga kards, bulaklak, at mga tsokolate sa buwan ng Pebrero ay mga palamuti lamang upang lalo natin maramdaman ang pagpapahalaga sa atin ng ibang tao ganun pa , ipinapaalala sa atin ng ating Panginoon na maging masaya at mapalad tayo kung tayo’y dukha kung saan lalo tayong napapalapit sa ating Panginoon. Mapapalad tayo kung tayo’y nagugutom dahil papakainin tayo ng ating Panginoon ng Ispirituwal na pagkain na hindi nauubos; nandyan din ang ating mga kapitbahay kung matuto lang tayong magtiwala at kumatok. Mapapalad tayo kung tayo’y tumatangis dahil paliligayahin tayo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng ating mga nakikita, naaamoy, nalalasahan at nahahawakan. Mapapalad tayo kung tayo’y inaapi dahil kasama natin ang ating Panginoon na unang nakaranas ng kapighatian.
Ngayong araw, pinapaalalahan din tayo ng ating Panginoon na gumawa at kumilos sa mga abang ito. Tulad ng tanong ko kanina, Meron ba kayong mga nagawa na bago para sa inyong mga minamahal na kaibigan, iniibig, mga magulang o buong pamilya? Kayo’y magugutom, magdadalamhati at magsisitangis dahil hindi natin ipinaramdam ang tunay na pagmamahal na ipinaparamdam sa ating Panginoon. Nawa’y ang mga bagay na ating ibinibigay sa ibang tao ay lalong magpapalapit at pagtitiwala sa ating Panginoon;hindi pagpapalayo. Pagpalain tayong lahat sa ngalan ng Ama, Anak, at Ispiritu Santo. Amen.
PAGNINILAY: Magkaiba po ang “kapalaran” doon sa “pagpapala”. Alam po natin na ang Ingles ng kapalaran ay “luck”, samantala ang Ingles ng pagpapala ay “blessing”. Minsan tinatrato natin ang buhay na parang kapalaran na itinataya natin ang ating sarili sa iba’t ibang kultura. At sa tingin natin na madali lang ilarawan ang magiging kinabukasan natin. Ngunit kung tayo ay naniniwala sa pagpapala, alam natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay parang magtitiwala tayo sa salamangka. Kaya minsan iniisip natin ang Diyos ay parang “magician” na awtomatikong akala natin may himala. Subalit hindi ganyan ang pamamaraan ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng pagpapala.
Ipinapahayag ni Propeta Jeremias sa Unang Pagbasa na palagi tayong magtiwala sa Panginoon na siya lamang ang makapagbibigay ng kaganapan ng buhay. Sa gayon ay tayo’y magiging mga halamang itinanim katabi ng batis dahil palaging umaapaw ang grasya ng Diyos sa bawat isa. Ang ating Ebanghelyo ngayon ay ang pasimula ni Hesus sa kanyang pangangaral sa kapatagan. Ang Ika-6 na kabanata ni San Lucas ay halos kasingtulad ng ika-5 kabanata ni San Mateo na kung saan ito ay ang pangangaral ni Hesus sa bundok. Kung sinimulan ni Mateo ang salaysay sa pamamagitan ng mga “Eight Beatitudes”, halos parehas ang pagsasalysay ni Lucas, subalit ang nakalagay dito ay hindi lang mga pagpapala, kundi mayroon ring mga sumpa. Ang mga itinuturing na “anawim” ay sila ang mga ititipon ng Diyos bilang kanyang Sambayanan. Kaya tinawag silang mapalad ni Kristo na sa kabila ng mga hindi kanais-nais na pangyayari, patuloy silang umasa sa kaginhawaan sa pamamagitan ng kanilang kabutihan. Subalit may mga taong isinumpaan ni Hesus taliwas sa mga nahihirapan, kundi sila ay ang mga taong napupuno sa kanilang buhay. Akala natin na si Kristo ay tutol sa mga taong mayaman at marangal ang buhay. Hindi siya tutol sa mga iyan sapagkat alam ni Hesus ang iilan na ikinamit iyan mula sa kanilang pagsisikap. Ang nais niyang puntuhin ay ang mga bagay na napupuno sa atin ay dapat gamitin upang makapagpakinabang sa ibang tao, at hindi makapaabala sa kanila.
Kaya sa ating buhay, dapat itrato natin ito hindi bilang isang “kapalaran”, kundi bilang isang “pagpapala”. At ang pinakadakilang pagpapala ay bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Kaya ipinapahayag ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagkaroon tayo ng katibayan ng pananalig sa kanya. Sabi nga kung si Kristo’y hindi muling nabuhay, ang ating buhay ay parang hindi nakukumpleto. Kaya noong si Hesus ay muling nabuhay, minarapat tayong tawaging mga saksi upang patuloy natin isabuhay ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos sa kapwa.
Marahil maiisip natin na paanong naging mapalad ang mga dukha gayong naghihirap sila. Mahabagin ang Panginoon at patas, kung ay dukha ngayon at magsisi sa mga kasalanan, humingi ng kapatawaran, at nagsusumikap na matalikuran ang kasalanan ay mag naghihintay na gantimpala sa iyo. Pauunlarin ka ng Panginoon na parang isang halamang nakatanim malapit sa batisan. Ngunit kung ay dukha ngayon at lalo mo pang ibinabaon ang iyong sarili sa paggawa ng kasalanan ay matatapos ang buhay mo na isang dukha hanggang sa kabilang buhay.
Kung ikaw naman ngayon ay komportable ang buhay, hindi salat, mayaman, may mg ari arian, busog at nagsisitawa, subalit nabubuhay din sa kadamutan, kahalayan, ganid, mapagmataas at makamundo ay anumang oras ay kayang bawiin iyan ng Panginoon mula sayo. Kaya’t kung ikaw ay nasa kaginhawahan ngayon ay magsimula magsisi sa kasalanan, tumulong sa mga dukha, mamahagi ng biyaya, talikuran ang kamunduhan upang manatili ang iyong pag-unlad at makamit ang gantimpala mula sa langit.
Nakaranas ka ba ng rejection , pag uusig, o pang aapi dahil sa pag sisilbi Kay Kristo pero patuloy ka pa din sa paglilingkod sa Kanya? Naranasan mo na bang maging pulutan sa mga chismis ng kung sino sinong tao dahil sa pag gawa mo ng kabutihan sa iyong kapwa pero sa kabila Ng yun sinuklian mo pa din sila ng kabutihan ? Naranasan moNakaranas ka ba ng rejection , pag uusig, o pang aapi dahil sa pag sisilbi Kay Kristo pero patuloy ka pa din sa paglilingkod sa Kanya? Naranasan mo na bang maging pulutan sa mga chismis ng kung sino sinong tao dahil sa pag gawa mo ng kabutihan sa iyong kapwa pero sa kabila Ng yun sinuklian mo pa din sila ng kabutihan ? Naranasan mo na bang isakripisyo Ang para sayo at ibahagi ito sa
kapwa mong nangangailangan? Kung naranasan mo ung mga nabangnggit ko magpasalamat ka sapagkat ayon Ang kahulugan Ng pagiging disipulo ni Kristo, ang patuloy na pagsunod sa Kanya sa kabila ng madaming pagsubok sa buhay.
Naalala ko tuloy ang aking kababata habang kami ay nag uusap naikwento niya sa akin ang kanyang karanasan sa paglilingkod. Nakatanggap siya ng samo’t sating batikos ng mga taong nakapaligid sa kanya at maski sa mga taong naging malapit sa kanya. Pero gayunpaman patuloy pa din siya sa paglilingkod. Pinupuntahan niya ang mga taong nakatira sa tulay upang mabigyan ng tulong sa kanilang activity. Binibigay niya ang kanyang oras sa kabila ng pagod niya sa trabaho para ilaan sa mga gawaing simbahan. Patuloy pa din Siya sa paglilingkod sa kabila ng kanyang mga di magandang karanasan at ayon sa tingin ko ang Isang halimbawa ng pagiging isang pinagpala, pagiging isang tunay na disipulo ni Kristo. Kaya sa ating ebanghelyo pinapaalalahan tayo ng Panginoon kung paano maging tunay na disipulo, sa ating ebanghelyo noong nakaraang Linggo, ipinakita ni Simon Pedro kung paano maging tunay na disipulo ni Kristo.
PAGNINILAY:
Sa Ebanghelyo ngayon, ipinapahayag ni Hesus ang “Mga Pagpapala at Mga Babala”—isang bersyon ng Beatitudes na matatagpuan sa Ebanghelyo ni San Lucas. Sa halip na nasa bundok, si Hesus ay nasa isang patag na lugar kasama ang maraming tao na dumating upang makinig sa Kanya at mapagaling. Dito, inilalahad Niya ang isang radikal na pananaw sa tunay na pagpapala at babala sa mga taong masyadong nakatuon sa makamundong yaman.
Pagpapala ng mga Aba
Sinabi ni Hesus na mapalad ang mga mahihirap, nagugutom, lumuluha, at inuusig alang-alang sa Kanya. Ito ay isang hamon sa makamundong pananaw na ang pagpapala ay nasa yaman, kasaganahan, at kasiyahan. Sa halip, itinuro ni Hesus na ang tunay na pagpapala ay nasa Diyos, kahit sa gitna ng paghihirap. Ang kahirapan ay maaaring maging daan upang higit tayong umasa sa awa at biyaya ng Diyos.
Babala sa Mayayaman at Masasaya
Sa kabilang banda, binalaan ni Hesus ang mga mayaman, busog, masaya, at pinupuri ng mundo. Hindi dahil masama ang kayamanan o kasiyahan, kundi dahil maaari itong maging hadlang sa paglapit sa Diyos. Kapag ang isang tao ay kuntento na sa materyal na bagay at hindi na hinahanap ang Diyos, nawawala ang tunay na kayamanan—ang buhay na walang hanggan sa Kanya.
Ang Ebanghelyong ito ay isang paanyaya upang suriin natin ang ating mga puso: Saan natin inilalagak ang ating tiwala at kaligayahan? Hinahabol ba natin ang yaman, kasikatan, at papuri ng tao, o hinahanap natin ang kaharian ng Diyos? Bilang mga Kristiyano, tinatawag tayong maging payak, mahabagin, at laging umaasa sa Diyos. Sa kabila ng hirap, may pangako si Kristo ng kaligtasan at tunay na kagalakan sa piling Niya.
Manalangin tayo. Panginoong Hesus, tulungan Mo akong maunawaan na ang tunay na pagpapala ay hindi sa yaman ng mundong ito kundi sa Iyong pagmamahal. Ipagkaloob Mo sa akin ang pusong mapagpakumbaba at mapagtiwala sa Iyong kalooban. Amen.
Nakaranas ka ba ng rejection , pag uusig, o pang aapi dahil sa pag sisilbi Kay Kristo pero patuloy ka pa din sa paglilingkod sa Kanya? Naranasan mo na bang maging pulutan sa mga chismis ng kung sino sinong tao dahil sa pag gawa mo ng kabutihan sa iyong kapwa pero sa kabila Ng yun sinuklian mo pa din sila ng kabutihan ? Naranasan mo na bang isakripisyo ang para sayo at ibahagi ito sa kapwa mong nangangailangan? Kung naranasan mo ung mga nabangggit ko magpasalamat ka sapagkat ayon ang kahulugan ng pagiging disipulo ni Kristo, ang patuloy na pagsunod sa Kanya sa kabila ng madaming pagsubok sa buhay.
Naalala ko tuloy ang aking kababata habang kami ay nag uusap naikwento niya sa akin ang kanyang karanasan sa paglilingkod. Nakatanggap siya ng samo’t sating batikos ng mga taong nakapaligid sa kanya at maski sa mga taong naging malapit sa kanya. Pero gayunpaman patuloy pa din siya sa paglilingkod. Pinupuntahan niya ang mga taong nakatira sa tulay upang mabigyan ng tulong sa kanilang activity. Binibigay niya ang kanyang oras sa kabila ng pagod niya sa trabaho para ilaan sa mga gawaing simbahan. Patuloy pa din Siya sa paglilingkod sa kabila ng kanyang mga di magandang karanasan at ayon sa tingin ko ang Isang halimbawa ng pagiging isang pinagpala, pagiging isang tunay na disipulo ni Kristo. Kaya sa ating ebanghelyo pinapaalalahan tayo ng Panginoon kung paano maging tunay na disipulo, sa ating ebanghelyo noong nakaraang Linggo, ipinakita ni Simon Pedro kung paano maging tunay na disipulo ni Kristo.
Reply
Nakaranas ka ba ng rejection , pag uusig, o pang aapi dahil sa pag sisilbi Kay Kristo pero patuloy ka pa din sa paglilingkod sa Kanya? Naranasan mo na bang maging pulutan sa mga chismis ng kung sino sinong tao dahil sa pag gawa mo ng kabutihan sa iyong kapwa pero sa kabila Ng yun sinuklian mo pa din sila ng kabutihan ? Naranasan mo na bang isakripisyo ang para sayo at ibahagi ito sa kapwa mong nangangailangan? Kung naranasan mo ung mga nabangggit ko magpasalamat ka sapagkat ayon ang kahulugan ng pagiging disipulo ni Kristo, ang patuloy na pagsunod sa Kanya sa kabila ng madaming pagsubok sa buhay.
Naalala ko tuloy ang aking kababata habang kami ay nag uusap naikwento niya sa akin ang kanyang karanasan sa paglilingkod. Nakatanggap siya ng samo’t sating batikos ng mga taong nakapaligid sa kanya at maski sa mga taong naging malapit sa kanya. Pero gayunpaman patuloy pa din siya sa paglilingkod. Pinupuntahan niya ang mga taong nakatira sa tulay upang mabigyan ng tulong sa kanilang activity. Binibigay niya ang kanyang oras sa kabila ng pagod niya sa trabaho para ilaan sa mga gawaing simbahan. Patuloy pa din Siya sa paglilingkod sa kabila ng kanyang mga di magandang karanasan at ayon sa tingin ko ang Isang halimbawa ng pagiging isang pinagpala, pagiging isang tunay na disipulo ni Kristo. Kaya sa ating ebanghelyo pinapaalalahan tayo ng Panginoon kung paano maging tunay na disipulo, sa ating ebanghelyo noong nakaraang Linggo, ipinakita ni Simon Pedro kung paano maging tunay na disipulo ni Kristo.
ang mga pagbasa ay nag aayaya sa atin na manalig tayo sa panginoon, matiwala sa kanyang mga salita, huwag tayong mahirati sa mga material na bagay sapagkat wala itong maidudulot na buti para sa atin, sa Lakas ng panginoon tayo mag tiwala at maniwala, Amen.
Pagninilay sa Mabuting Balita
Madalas nating iniisip na ang pagiging “loveless” ay kawalan ng kaligayahan. Ganito kasi ang pananaw ng mundo—na ang kasiyahan ay nasusukat sa kung ano ang mayroon tayo. Kawawa raw ang mga nagdadalamhati, ang mahihirap, at ang mga nagugutom. Ngunit kakaiba ang pananaw ng Diyos. Sa Kanyang paningin, mapalad ang mga dukha, ang mga nagugutom, at ang mga tumatangis. Parang hindi kapani-paniwala, hindi ba? Pero kung pagninilayan natin ito nang malalim, mauunawaan nating ang tunay na kaligayahan ay hindi nakasalalay sa materyal na bagay, kundi sa pagtitiwala sa Diyos. Ang mundong ito ay may hangganan, at ang kaligayahang iniaalok nito ay pansamantala lamang.
Sa Ebanghelyo sa araw na ito, ipinahayag ni Hesus ang Beatitudes- mga pagpapalang nagdadala sa atin sa tunay na kahulugan ng buhay. Habang ang mundo ay naghahangad ng kayamanan, kapangyarihan, at kasiyahan, binibigyang-diin ni Hesus ang isang mas mataas na uri ng pagpapala—ang mga biyayang espiritwal na nagdadala sa atin patungo sa walang hanggang kaharian ng Diyos.
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo.”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin.”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak.”
Sa unang tingin, maaaring magtaka tayo: paano nagiging pagpapala ang kahirapan, kagutuman, o pagdurusa? Hindi ba’t ito ang mga bagay na iniiwasan natin sa buhay? Ngunit ang mensahe ni Hesus ay hindi tungkol sa paghihirap mismo, kundi sa ating pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok. Ang tunay na kaligayahan ay hindi matatagpuan sa yaman o kasaganaan, kundi sa ating pagtitiwala sa Diyos, sa ating pagiging bukas sa Kanyang biyaya, at sa ating pag-asa sa Kanyang pangako ng kaligtasan.
Ang Beatitudes ay hindi lamang isang pangako ng hinaharap, kundi isang paanyaya sa isang bagong paraan ng pamumuhay—isang buhay na may malasakit, kababaang-loob, at pagtitiwala sa Diyos. Sa ating pang-araw-araw na buhay, tinatawag tayong mabuhay hindi ayon sa pansamantalang kaligayahan ng mundo, kundi ayon sa walang hanggang kagalakan ng langit.
Tunay na pagpapala ang maging malapit sa Diyos. Hindi ito nangangahulugan ng kawalan ng paghihirap, kundi ng katiyakang kasama natin Siya sa lahat ng ating pinagdaraanan. Kapag tayo’y dumaranas ng pagsubok, alalahanin natin ang mga pangako ni Kristo. Kapag tayo’y nawawalan ng loob, ipaalala natin sa ating sarili na ang ating pinakamahalagang yaman ay hindi matatagpuan sa mundo, kundi sa langit.
Sa huli, ang mga nagpapagal alang-alang sa Diyos, ang mga nananatiling tapat sa kabila ng pagsubok, at ang mga nabubuhay sa pagmamahal at kababaang-loob ay makakatanggap ng pinakadakilang gantimpala—ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.
Nawa’y maging inspirasyon natin ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay—isang paanyaya sa isang buhay na hindi nakasentro sa makamundong kayamanan, kundi sa tunay na kayamanang naghihintay sa atin sa kaharian ng Diyos. Patuloy tayong magtiwala, magmahal, at maglingkod, sapagkat ang tunay na pagpapala ay ang makasama si Kristo magpakailanman.