Biyernes, Pebrero 14, 2025

February 14, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Natunghayan natin sa Ebanghelyo si Jesus na tumugon sa pangangailangan ng bingi. May pananalig tayong manalangin sa Diyos Ama upang tumugon din siya sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pagalingin Mo kami.

Ang Simbahan at ang kanyang mga miyembro nawa’y maging bukas sa mensahe ng pagpapagaling ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging bukas ang mga tenga at puso sa hinaing ng ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging gamitin ang biyaya ng pagsasalita para ipahayag ang kaluwalhatian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aaruga sa mga bingi at mga pipi nawa’y mapalakas ang kanilang kalooban ng kabutihang-loob ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw na ay mamahinga nawa sa kapayapaan at ang mga nalulumbay nawa’y mabigyang kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hilumin mo ang aming pagkamakasarili at buksan mo ang aming mga puso sa pagtanggap ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 11, 2019 at 10:34 pm

Pagninilay: Sa Unang Pagbasa (Genesis 3:1-8), narinig natin ang Paghulog ng Tao. Matapos lalangin ng Diyos ang lahat ng bagay, hayop at tao, binigyan niya ang lahat ng isang halamanang tinatawag na Eden. Nagbigay din siya ng bilin sa lalaki at babae na maaari silang kumain maliban sa Puno ng Kaalaman ng Mabubuti at Masasama. Subalit dumating sa punto na lumapit sa babae ang isang ahas na ito’y sumisimbolo sa Diyablo. At ang babae ay tinuksong kainin ang prutas mula sa puno dahil hindi ito mamatay, kundi magiging katulad ng “Diyos”. Kaya kinain niya ang prutas at binigay ito sa lalaki, na kanyang kinain din. At biglang namulat ang kanilang mata dahil nakita nila ang kanilang kahubaran. Makikita natin sa kwentong ito ang representasyon ng pagsisimula ng kasalanan sa daigdig. Ito’y nangyari dahil mataas ang tingin ng ating unang magulang sa ating sarili na sila’y magiging mga diyos. At sinuway din nila ang utos ng Diyos nang kainin nila ang prutas mula sa punong pinagbawalan sila. Subalit sa kabila ng Pagkahulog ng tao sa kasalanan, binigyan pa rin tayo ng Diyos ng katubusan sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo. Sa ating Ebanghelyo (Marcos 7:31-37), siy Hesus ay nagpagaling sa isang lalaki bingi at pipi, isang Hentil na nakatira sa Sampung Siyudad (Decapolis). Kuumura siya sa kanyang 2 daliri at inilagay sa bibig ng lalaki, saka sinabi na bumukas ang kanyang bibig o “Effata” (Cf. Marcos 7:34). Bumuka ang bibig ng dating pipi at bingi at nagpahayag ng mga papuri sa Panginoon sa kanyang dakila at mahabag na kababalaghan. Kaya ang hamon sa atin ay maging bukas ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos para sa atin. Kahit tayo ay nagkasala, darating pa rin ang panahon na muling magbubukas ang ating mga puso na magbalik-loob sa Diyos, magsisi, at magsumikap na gumawa ng kabutihan at maging mabuting ehemplo sa ibang tao. Kung paanong binigay ng Diyos ang planong pangkaligtasan sa lahat, nawa’y isabuhay natin ito sa ating araw-araw na buhay-pananampalataya.

Reply

Bobet Quiambao February 12, 2021 at 5:28 am

Sa ebanghelyo ngayong araw, pinagaling ni Hesus ang isang lalaki. “Effata” ang wika nya na ang ibig sabihin ay mabuksan. Ito rin sana ang ating marinig na salita sa ating buhay. “Effata”. Mabuksan nawa ang ating mga puso para kay Hesus at maisabuhay ng lubos ang kanyang habilin ng taos na pagmamahal sa Diyos at kapwa: Mabuksan nawa ang ating isip na may hangganan ang ating kakayahan kung hindi natin kikilalanin ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay.

Reply

Sherwin D. Yanoria February 12, 2021 at 7:35 am

Ibang-iba talaga ang ugali ng ating Panginoong Hesus. Ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi. Hindi Niya ipinagyayabang ang Kanyang kabutihang ginawa, bagkus pinagbabawalan pa Niyang ibalita ito. Lalo’t higit kakaiba, ang Kanyang ginawa, ang ibalik ang pandinig at pananalita ng maayos. Kung sa panahon natin ngayon, sa ibang tao, baka ito ay na viral na sa internet, upang mahayag na sila ay may ibang kapangyarihan. Ngunit ang ating Panginoong Hesus ay wala ng kailangang patunayan pa. Tunay na sa Kanyang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapagaling at pagpapakumbaba sa kanyang ginawa, ay kakikitaan na Siya nga ang Anak ng Diyos.

Reply

SAINTSPOT February 10, 2023 at 4:17 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube
https://youtube.com/watch?v=NfYC83iod7I&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Mark 7, 31-37

“Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!”

Nais ng Diyos na gamitin tayo upang ilapit ang iba sa Kanya. Sa ebanghelyo ngayon, pinagaling ni Hesus ang isang pipi at bingi upang magamit niya na maihayag ang kanyang mga katuruan at upang magdala ng mga tao palapit sa Kanya.

Kung ang iyong mga tainga ay binuksan ng ating Panginoon, ang iyong dila ay maluwag na din. At kung ang iyong dila ay maluwag, magagawa ng Diyos na ilapit ang iba sa Kanyang sarili sa pamamagitan mo. Dahil kung hindi, ang iyong paghahayag ng kanyang salita ay galing lamang sa iyong sarili at hindi sa Diyos. Samakatuwid, kung may mga tao sa iyong buhay na tila hindi nakikinig sa salita ng Diyos at hindi sumusunod sa Kanyang banal na kalooban, una sa lahat, italaga mo muna ang iyong sarili sa pakikinig sa ating Panginoon. Hayaang marinig Siya ng iyong mga tainga. At kapag narinig mo na Siya, ang Kanyang tinig mismo ang magsasalita sa pamamagitan mo sa paraang nais Niyang abutin ang iba.

Pagnilayan, ngayon, ang eksenang sa Ebanghelyo ngayon, ang mga kaibigan ng taong pinagaling ay inspirado na dalhin siya kay Jesus. Hilingin sa ating Panginoon na gamitin ka sa katulad na paraan. Ipanalangin ang mga taong gustong tawagin ng Diyos at gamitin ka na taga pamagitan niya at ikaw ay maglingkod upang ang Kanyang tinig ay makapangusap sa pamamagitan mo sa paraang pinili niya.

Aking butihing Hesus, buksan mo ang aking mga tainga upang marinig ang lahat ng nais mong sabihin sa akin at pakiluwagan ang aking dila upang ako ay maging tagapagsalita ng Iyong banal na salita para sa iba. Iniaalay ko ang aking sarili sa Iyo para sa Iyong kaluwalhatian at nananalangin na gamitin Mo rin ako ayon sa Iyong banal na kalooban. Hesus, lubos akong nagtitiwala sa Iyo.

Reply

My Catholic Life! February 10, 2023 at 6:35 am
Mel Mendoza February 14, 2025 at 9:43 am

PAGNINILAY:

Sa Ebanghelyo ngayon, isinasalaysay ni San Marcos ang isang makapangyarihang pagpapagaling ni Hesus sa isang lalaking bingi at pipi. Inilayo ni Hesus ang lalaki sa karamihan, inilagay ang Kanyang mga daliri sa mga tainga nito, dumura, at hinipo ang kanyang dila. Pagkatapos, tumingala Siya sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi: “Effata,” na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka.” At agad-agad, gumaling ang lalaki—nakapakinig siya at nakapagsalita nang malinaw.

“Effata” – Pagpapalaya ng Diyos
Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng personal at malapitang paraan ni Hesus sa Kanyang paggaling. Hindi lamang Siya nagpapagaling sa pamamagitan ng salita kundi sa pamamagitan ng personal na paghawak at pagmamalasakit.

Si Hesus ang Nagbubukas sa Ating Buhay
Tulad ng lalaking sa Ebanghelyo, maaaring may bahagi rin sa ating buhay na tila bingi sa Salita ng Diyos o pipi sa pagbabahagi ng ating pananampalataya. Maaring bingi tayo sa tawag ng Diyos dahil sa ingay ng mundo—mga alalahanin, bisyo, kasalanan, o takot. Maaring pipi tayo sa pagdarasal o pagsaksi sa kabutihan ng Panginoon. Ngunit si Hesus ay patuloy na nagsasabi sa atin: “Effata”—mabuksan ka! Binubuksan Niya ang ating puso at isipan upang marinig natin ang Kanyang tinig at maipahayag natin ang Kanyang pag-ibig sa iba.

Pananampalatayang Nagtutulak sa Aksyon
Ang mga nagdala sa lalaking ito kay Hesus ay may pananampalataya. Hindi sila nanatili sa pagnanais lamang ng paggaling, kundi kumilos sila upang dalhin siya kay Kristo. Tayo rin ay tinatawag na maging daan ng pagpapagaling sa iba—sa pamamagitan ng ating panalangin, mabuting salita, at paggawa ng kabutihan.

Ang Pagbukas ng Pananampalataya sa Bagong Buhay
Matapos gumaling, ang lalaki ay nakapagsalita nang malinaw. Kapag pinayagan nating buksan tayo ni Hesus, nagkakaroon tayo ng bagong kakayahang ipahayag ang Kanyang biyaya sa ating buhay. Hindi na natin ikinahihiya ang ating pananampalataya, kundi buong tapang nating ipinapahayag ang kabutihan ng Diyos sa iba.

Pagsusuri ng ating mga sarili. Ano ang Nais Buksan ni Hesus sa Ating Buhay?
Ngayong araw, pagnilayan natin: Ano ang mga bahagi ng ating buhay na kailangang buksan ng Diyos? Marahil ito ay ang ating puso na puno ng pag-aalinlangan, ang ating tainga na hindi nakikinig sa Kanyang tawag, o ang ating bibig na hindi nagpapahayag ng Kanyang kabutihan. Hilingin natin kay Hesus na bigkasin sa atin ang Kanyang makapangyarihang salita: “Effata!” upang tunay tayong makinig at magsalita para sa Kanya.

Manalangin tayo. Panginoong Hesus, buksan Mo ang aking puso upang marinig ko ang Iyong Salita. Buksan Mo ang aking tainga upang maunawaan ko ang Iyong kalooban. Buksan Mo ang aking bibig upang buong tapang kong ipahayag ang Iyong pagmamahal. Amen.

“Ginawa niya ang lahat ng mabuti! Napagaling niya ang bingi at napapagsalita ang pipi!” (Marcos 7:37)

Reply

Eman Montenegro February 14, 2025 at 11:24 pm

Fr. Robbie’s Homly.

Madalas lagi nating iniisip natin na ang Valentine’s Day ay para lang sa mga may jowa, may asawa. Pero alam natin na itong araw na ito paalala na para sa lahat ng kayang umibig ay magmahal. At tayong lahat ay marunong magmahal.

May dalawang klase ng pagpapakita ng pagmamahal. Kung papansinin n’yo ngayong araw na ito napakaraming nagtitinda ng flowers, balloons, chocolates. Ito ‘yong mga external na pagpapahiwatig ng pagmamahal. And there’s nothing bad about it. Kaya nga, ‘di ba ‘yong asawa mo, jowa mo, binibigyan mo ng mga regalo para ipakita at iparamdam ang pagmamahal.

Pero sa ating Ebanghelyo napakinggan natin na mayroon pang isang klase ng pagpapakita ng pagmamahal. Itong inilapit kay Hesus na pipi; bago siya pinagaling, hinila Niya muna. Hinila Niya from the crowd. And I thinks it shows na mayroon tayong klase ng way of loving na hindi kailangang may bigkasin o hindi kailangang maging loud. Hindi ko alam kung naramdaman na ninyo ‘yon, eh. ‘Yong kahit walang binibigkas, walang ibinibigay, pero alam mong mahal ka. ‘Yong alam mong kahit walang kailangan patunayan externally, kahit magkatitigan lang kayo, alam na ninyong mahal n’yo ang isa’t-isa.

So, there are things na hindi kailangang marinig, hindi kailangang makita para masabi mo na mahal ka ng Diyos o mahal ka ng iba. At ito ‘yong ipinapaalala sa atin. It’s very timely na ito ‘yong ating Ebanghelyo. Kasi when we look around us, we are sometimes pressured by the word na, “kailangan mayroon akong ibigay”, kailangang may external na bagay”, “kailangang i-date”, “kailangang mangyari ito” para mapatunayan natin ‘yong pagmamahal natin sa iba. Pero hindi, eh. Jesus showed to us and reminds us tonight na ito bilang pagpapakita ng Kanyang pagmamahal, He pulled him out from the crowd, and there He showed how much He love this person by healing this person.

My dear friends, ngayon, in the age of consumerism, sometimes, napi-pressure tayo, kailangan may bilhin, kailangang may regalo, kailangan may external na bagay to prove how much I love this person. Pero hindi laging ganoon. We can still show the other person na mahal na mahal natin s’ya sa mga paraan na hindi kailangang bigkasin at kailangan ibigay physically. Paano ‘yon ipinapakita ng ibang tao kahit walang regalo? Prayer is the best kind of showing how much we love other people. Ito kinuha ni Hesus at doon Siya nagdasal para sa kanya para mapagaling ito. Wala naman Siyang ibinigay na, “okay, ito, kainin mo, ito, ganyan”. Wala, eh. What He gave to this person is prayer and this prayer healed him.

Kaya nga sometimes, pakiramdam natin parang kulang ‘yong klase ng pagmamahal natin, kasi when we look in social media, parang sinasabi na kailangang laging may patunayan; kailangang may mai-post, kailangang may chocolate mamaya. And there’s nothing bad about that, kasi kung ‘yon ‘yong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, that’s very good. Pero ipinapaalala din what if wala? What if walang-wala; walang kakayahan para ibigay itong mga bagay na ito? Kaya pa rin bang magmahal? KAYA. Because there are silent ways to show how much we love other people. Sa ating Ebanghelyo, the best way of showing that love is through prayer. Kaya nga, ‘di ba, ang ingay pero kinuha ni Hesus at doon Niya ipinagdasal.

Tayo ngayon, napapalibutan ng ingay, ng consumerism, ng pressure ng social media. Na kailangan may i-project ka, kailangan may ipakita ka, kailangan may proof na minahal ka. Pero I think the best kind of proof ay ‘yong mga bagay na hindi nakikita ng mata. Sana ‘yon ‘yong balikan natin ngayon, ‘no. Specially baka mamaya wala kang natanggap na rosas or flowers or chocolate, baka sabihin mong, “hindi ako mahal”. O kaya walang nag-greet. Kasi nga, whether we like it or not, madalas ‘yong basis natin ng pagmamahal ay external na bagay. Pero hindi lang ‘yon ‘yong paraan para mahalin ka. Malay mo, tahimik lang, may mga ibang tao na nagdadasal na pala para sa’yo. Mga tao na ikaw ‘yong naiisip kahit wala namang ibinibigay sa’yo. Mga kaibigan na laging nariyan, laging dinadamayan ka. Wala namang materyal pero ramdam mo na mahal ka.

Sana ‘yon ‘yong magkaroon tayo, ‘no. ‘Yong walang boses o mga salitang kailangang bitawan, mga chocolates na kailangang ibigay, mga flowers na malalanta rin, pero alam n’yo ‘yong kapag katabi mo lang, you feel comforted, you feel at peace, walang pagaalinlangan, pagmamahal po iyon.

At ‘yon ‘yong panalangin ko para sa ating lahat. ‘Yong uupo ka lang d’yan, dahil walang nangyayari pero alam mong maraming nagmamahal sa iyo. ‘Yon ‘yong hahanapin natin mga kapatid. Okay ang mayroong rosas ngayon, okay ang naka-red, okay ang may nag-greet ng Valentine’s. Pero tanungin natin, bukas kay, do you still feel loved; kapag nakain mo na ‘yong chocolate, kapag nalanta na ‘yong flowers; masasabi mo pa rin bang mahal ka. Kasi kung ang basehan mo lang ay mga external na bagay, then sasabihin mo bukay, “wala nang nagmamahal sa akin.” Pero kung ang basehan mo ng pagmamahal ay mas malalim, ‘yong panalangin, ‘yong time na ginugugol sa’yo, ‘yong caring na ipinapakita nila sa’yo; kapag ‘yon ang basehan natin ng pagmamahal, masasabi natin na lahat tayo ay minamahal.

So, don’t feel sad kung walang chocolate mamaya or walang flowers, walang nagbigay ng mga external na bagay, because I tell you and I’m sure na maraming nagmamahal sa inyo. Kaya, ang Valentine’s Day hindi lang para sa mga may jowa, ang Valentine’s Day, ito ‘yong araw ng mga taong kayang magmahal kahit walang external na bagay.

So, we thank the Lord, dahil kahit minsan wala, walang tinatanggap, alam nating maraminig nagmamahal sa atin.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: