Miyerkules, Enero 15, 2025

January 15, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Tulad ng mga taong nagdala kay Jesus ng mga maysakit at mga inaalihan ng demonyo, dalhin natin sa ating Amang nasa Langit ang lahat ng may dalang hinagpis at paghihirap at nangangailangan ng kagalingang puno ng pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong mahabagin, iligtas mo kami.

Ang Simbahan nawa’y laging manalig sa Panginoon sa harap ng mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghihikahos sa daigdig, lalo na ang mga walang katarungang pinagkaitan ng pagkain, damit, o kalayaan nawa’y mabigyan natin ng pag-asa at kalakasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan dahil sa pamimighati at pag-aalala nawa’y makatagpo kay Kristo ng matatag na kanlungan at katigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghihirap dahil sa karamdaman at yaong mga taong mabibigat ang mga pasanin sa buhay nawa’y matagpuan ang Panginoon sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao at yaong mga namimighati dahil sa kanilang paglisan nawa’y makatagpo ng pag-asa at kaginhawahan sa Pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, bantayan mo ang aming pamilya, iligtas at pangalagaan mo kami sapagkat lahat ng aming pag-asa ay nasa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 13, 2019 at 8:32 pm

Ayon sa Unang Pagbasa, ang mga anak na bayan ng Diyos ay tao, si Jesus din ay isang tao tulad nila parang laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mahuli niya ang diyablo na may kapangyarihan sa kamatayan. Kasabay nito, inilabas niya ang lahat ng mga alipin sa tamang oras dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi lang ang mga anghel na tinutulungan niya kundi ang mga alipi’t anak ni Abraham.

Reply

Reynald Perez January 16, 2019 at 4:58 am

Reflection: In the First Reading (Hebrews 2:14-18), we hear how the Lord Jesus shared with our flesh and blood. It means that even in his divinity, Christ showed solidarity with our humanity. He humbled into our human flesh and sympathized with our weakness, so that he can make us strong in love. He also humbled himself into our poverty, so that he can make us rich in faith and joyful in hope. In the Gospel (Mark 1:29-39), we hear the account of Jesus’ ministry in villages of Capernaum following the cure of a demoniac in the synagogue [yesterday’s Gospel]. He enters the house of his fellow Apostles who are brothers, Peter and Andrew, and heals their mother-in-law. Mark narrates that the fever left her, and she waited on them. And then Jesus proceeds to perform more miracles and even preach the Good News. But in between, the Gospel text tells us that he would go to deserted places to be alone and spend moments of prayer. Prayer is his effective communication with the Father as a submission to the divine will. We see here in the person of Jesus one who has capability to understand our weaknesses and turn them into strengths. We also see a God who is merciful and compassionate who reaches out to people, especially to those in need. Let us continue to strengthen our faith in the Lord and like him, may we also have the courage to partake in his mission of mercy and compassion to those in need.

Reply

Reynald Perez January 12, 2021 at 1:05 pm

Pagninilay: Sa ating Unang Pagbasa (Hebreo 2:14-18), narinig natin ang pahayag na si Kristo ay nakiisa sa laman at dugo ng tao. Sa kanyang pakakatawang-tao bilang Walang Hanggang Salita ng Diyos, nakibahagi siya sa ating katauhan nang hindi kailanma’y nagkasala, upang itong katauhang nalugmok sa kasalanan ay iako niya sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang Pag-aalay ng buhay sa Krus at Muling Pagkabuhay mula sa kamatayan. Dahil dito, sinasabi rin na ginawa tayo ni Kristo na marapating tawaging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Ito ay kasingtulad ng pangako ng Ama kay Abraham na pagpapalain ang mga lahi nito nang higit pa riyan ay ang karapatang maging mga anak ng Diyos Ama sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.

Sa ating Ebanghelyo (Marcos 1:29-39), narinig natin ang iba’t ibang kwento ng pagpapagaling ng Panginoong Hesus sa Capernaum at sa mga nayon at bayan ng Galilea. Isang katangian ang kanyang pakikiisa sa katauhan ng tao, na nakita niya ang kahinaan ng bawat maysakit, katulad ng biyenan ni San Pedro at San Andres sa Betsaida. Kaya siya’y naging maawain at hinawakan niya ang mga kamay ng bawat maysakit, at sila’y gumaling. Nakiisa siya sa mga pagdurusa ng bawat tao, upang tumugon siya sa kanilang pangangailangan. Makikita rin natin dito ang kanyang pagiging katulad natin sa pamamagitan ng pananalangin. Kaya nga isinasaad din sa Ebanghelyo ang kanyang pamamaroon sa isang ilang na pook upang manalangin. Bagamat siya ang itinakdang Mesiyas ayon sa mga propesiya, nagpakumbaba siya sa pakikipag-usap sa Ama upang italaga ang kanyang sarili na palaging handang sumunod sa dakilang kalooban ng Diyos.

Ang Diyos ay Diyos na may puso at kalooban na intindihan ang bawat nararamdaman at pinagdaraanan ng tao. Alam niya kung ano ang kinakailangan sa atin, at kahit hindi natin natatanggap ang kahilingang ating ginugusto, patuloy siyang namamalagi sa ating piling. At higit dito, palaging mamanaig ang kanyang kapangyarihan at dakilang kalooban hindi lang para sa ating sarili, kundi tunay talangang para sa nakakarami.

Reply

Arlaine Reillo January 11, 2023 at 5:39 am

Good morning sister and brother,

Thank you for sharing words of God. It is very helpful to all readers and as Catholics.

Just one concern kindly check or review wordings that are beibg typed. Like in today’s gospel “makaparangal” I think it is typo error should be “makapangaral”. I hope you wont mind me suggesting things. God bless.

Reply

Awit at Papuri Communications January 11, 2023 at 7:34 am

Thank you very much. We value your suggestion. Rest assured that we are doing our best to publish accurate Mass readings. May God bless you.

Reply

Mel Mendoza January 14, 2025 at 11:36 pm

PAGNINILAY :

Ang Ebanghelyong sa araw na ito ay naglalarawan ng tatlong mahalagang aspeto ng ministeryo ni Hesus: ang pagpapagaling, pananalangin, at pangangaral ng Mabuting Balita. Una, ang pagpapagaling at pagtulong sa kapwa sa pagbasa makikita natin ang habag ni Hesus. Nang ipagbigay-alam sa Kanya ang kalagayan ng biyenan ni Pedro, agad Siyang tumugon at pinagaling ito. Ang Kanyang pagkilos ay nagpapakita ng kahalagahan ng pakikibahagi at pakiki-isa sa paghihirap ng iba. Tinatawag din tayo ni Hesus na maging instrumento ng Kanyang paghilom—sa pamamagitan ng pagbibigay ng panahon, tulong, malasakit, at pag-ibig sa mga nangangailangan.

Pangalawa , ay ang pananalangin bilang sentro ng ating buhay. Sa kabila ng pagiging abala Niya sa Kanyang ministeryo, si Hesus ay naglaan ng oras upang manalangin. Ito ay paalala sa atin na ang buhay panalangin ay kailangang manatiling pundasyon ng ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananalangin, napapanatili natin ang ating lakas espirituwal at nabibigyang-direksyon ang ating mga araw araw na gawain na kasama ang Espiritu Santo.

Panghuli, ang misyon ng pangangaral. Malinaw kay Hesus ang Kanyang layunin—ang ipahayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Sa kabila ng paghahanap sa Kanya ng mga tao, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na kailangan Niyang magpatuloy sa ibang mga lugar. Nagsisilbing inspirasyon ito upang huwag tayong magpakulong sa tinatamasa nating kaginhawahan lamang, kundi hanapin ang iba pang nangangailangan ng liwanag ng Ebanghelyo. Akma ang panawagang ito ng ating simbahan na paigtingin ang Ebanghelisasyon sa mas nakakarami. Sa ating panahon ang daming pwedeng gamitin upang ipalaganap ang Salita ng Diyos. Ang daming media platforms na pwedeng mapakinabangan, at ang patuloy na paghuhubog ng mga layko na may kakayahan na maging katuwang sa pagbabahagi ng Ebanghelyo.

Speaking of evangelization, “flex” ko lang, may malapit akong kaibigan na dating Katoliko sa katunayan madalas kaming magkita sa Baclaran sa Our Mother of Perpetual Help. To make the long story short, nag Saudi siya ng pabalik balik hanggang nabalitaan ko nalang na buong pagmamalaki niyang sinabi sa akin na born again Christian na siya at nagsimula siyang mangaral sa bago niyang pananampalataya. Katunayan sumasama pa ako sa kanya sa all men fellowship, ibang mga pagtitipon nila hanggang sa sinimulan na niya akong tuligsain sa mga dokrina kung Katoliko magmula kay Mama Mary, mga rebulto, pangungumpisal sa mga pari atbp. Ang tangi kong sinabi sa kanya na sabay natin ipangaral ang Salita ng Diyos sa higit na nangangailangan nito, kesa sa mga paninira mo sa aking pananampalatayang Katoliko kasi obvious naman na hindi mo ako mauunawaan at magiging walang saysay ang magiging bunga ng ating pagtatalo dahil sa palagay mo ba patatalo ako sa iyo sa mga debate o argumento? Hanggang isang araw sa kapapadala ko sa kanya ng Mabuting Balita at mga pagninilay sinabi niya sa akin: Friend yung mga pinapadala mo sa aking mga Salita ng Diyos pino-forward ko sa 280 FB friends ko. Ang tangi kong sagot ay salamat sa Diyos.

Ang Ebanghelyong ay nag-aanyaya sa atin na maging mas mapagmalasakit at mahabagin. Pinapaalalahanan tayo na huwag kalimutang ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat sa paraang ecumenical, at laging manalangin sa gitna ng ating mga pinagkakaabalahan sa ating mga gawain. Higit sa lahat, we have to walk the talk at ipadama sa kapwa ang presensya ng Diyos.

Binhi ng Hamon:
1. Paano ako nakatutulong sa mga nangangailangan?
2. May oras pa ba ako para sa taimtim na pananalangin?
3. Naibabahagi ko ba ang Ebanghelyo sa aking pamilya, kaibigan, at komunidad?

Manalangin tayo. Panginoon, salamat sa Iyong halimbawa ng habag, panalangin, at pangangaral. Bigyan Mo kami ng lakas at karunungan upang maipakita ang Iyong pagmamahal sa iba at maibahagi ang Iyong Mabuting Balita. Amen.

Maraming salamat sa pagsama sa panibagong Araw ng paglalakbay espirituwal na puno ng pag-asa na kasama ang Diyos. God bless ?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: