Martes, Nobyembre 26, 2024

November 26, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sama-samang natitipon bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin ang ating mga pangangailangan sa Ama, umaasang ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umaasa kami sa Iyo.

Ang ating mga pastol nawa’y ganap na maiukol ang kanilang buhay sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi nila dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y maging mga buhay na halimbawa ng pananampalataya sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pagkalinga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsumikap na gawin kung ano ang tama at ang Salita ng Diyos ang maging buhay na pwersa na gumagabay sa ating pagkilos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magmalasakit sa mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at tuwinang maglingkod sa iyo nang may bukas-palad at tapat na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 26, 2018 at 4:22 pm

agninilay: Tayo ay patapos na ng Taong Panliturhiya ng Simbahan, at sa darating na Linggo ay sisimulan natin ang Bagong Taon sa Kalendaryo sa pagpasok ng Panahon ng Adbiyento. Kaya ang ating Unang Pagbasa ay nagpapahiwatig sa magiging kinabukasan ng tao sa pagtatapos ng panahon. Inahintulad ni San Juan ang paghuhukom ni Kristo sa 2 anghel na isusugo ng “Anak ng Tao” upang ang isa ay tipunin ang mga magandang sanga, samantala ang isa naman ay puputulin ang mga masasamang sanga. Matatandaan ito yung kaparehas sa Alegorya ng Puno ng Ubas (Cf. Juan 15:1-8), na kung saan tayong mga sanga ay tinatawag na manatili kay Kristo na totoong puno ng ating buhay. Kaya ang hantungan ng bawat buhay ay napapasailalim sa paghuhukom ni Kristo sa mga matutuwid at masasama. Ang Ebanghelyo ay isang dalubhasang paghuhula ni Hesus tungkol sa mga senyales ng panahon. Una na dito ay ang pagwawasak ng Jerusalem sa pagguho ng mga bato ng Templo. At ito’y nangyari noong taong 70 sa pamumuno ni Tito Vespasian, nang lusubin at wasakin ng mga Romano ang Jerusalem, at pati na rin ang Templo ay hindi nailigtas. At patuloy sa kanyang mga pahayag ang mga tanda ng panahon, katulad ng mga taong nagdedeklara na sila ang magliligtas upang manlinlang, mga sakuna katulad ng digmaan, lindol, taggutom, at iba pa. Ngunit ang paanya sa atin ay hindi dapat tayo’y matakot kapag nangyayari ang mga ito. Maraming mga ibang Kristiyano ay ginagamit itong partikular na pagbasa upang maghasik ng lagim at takot na malapit na raw ang katapusan ng mundo, at mayroon silang tinatawag na “rupture” na magaganap. Subalit alam po natin na ang Diyos ay mabuti sapagkat sa kanya ay nagmula ng kagandahang-loob na naghihintay. Hindi siya nagsasaya tuwing tayo’y nagdudusa, ngunit naging natural ang paghihirap upang mas patatagin pa natin ang ating pananampalataya. At upang mas maging matatag ang ating pananampalataya, nawa’y tularan natin ang kanyang kabutihan at katuwiran sa paggawa ng tama at mabuti sa kanya at sa ating kapwa. Nawa’y ipadama natin sa iba ang kanyang dakilang pagmamahal sa lahat upang sila rin ay magmahalan. Tandaan po natin na ang pag-ibig ay magiging batayan ng paghahatol ni Hesus upang makamtan natin ang buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Reply

Melba G. De Asis November 27, 2018 at 5:26 am

May mga pangyayari na siyang tanda ng pagdating ng Panginoon. Ating sikapin na makagawa ng mabuting bagay habang tayo ay nabubuhay para tayo ay maging karapat dapat magkaroon ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Walang halaga ang mga materyal na bagay kung ang paghahari ng Diyos ay hindi mapapasaatin. Panginoon loobin Mo po na makagawa kami ng mga bagay na ikalulugod mo. Amen

Reply

Erwin William boladas November 26, 2024 at 1:01 am

para sa Akin sa pag basa.,cguro Ang pinaka magandang example sa sinabi nyang Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias! ay Ang PERA., sana panahon ngaun marami ng mga pangyayari na nagiging mistolang panginoon Ang pera. Basta my pera pwedeng Gawin kahit Anu masama man eto o mabuti, marami na Ang nasilaw at sumonod sa maling pag gamit ng pera. na humahantong sa Hindi pagkaka intindihan ng bawat isa sa atin na sayang dahilan ng gulo. gaya ng inggit,. kapag Ang tao ay my inggit gagawin lahat para sa Sarili nyang kapakanan Hindi na nya iniisip kng mabuti man masama Ang magiging kalalabasan bastat ma ibsan lng Ang inggit na nararamdaman,.
at sa pag hahangad naman ng sobra ay humahantong din sa masamang resulta,. kapag Ang tao ay nag hangad ng sobra2x, gagawin din Ang lahat makamit nya lng Ang kanyang hinahangad,. Wala rin Silang paki alam kng my mga masasaktan, maapakan, maperwisyo, makakasama, Basta makuha lng nila Ang kanilang Ina asam na hangarin,. kaya pilitin nating maging Isang mabuting tao kahit masama o Hindi nakikita ng tao na kahit papanu Meron tayong ginagawang kabutihan kahit na Tayo ay makasalan..

Reply

Marz November 26, 2024 at 1:02 pm

Not all of us can do great things,
but we can do small things with great love.
– St. Mother Teresa.
Remember that you have only one soul; you have only one death to die; you have only one life, which is short and has to be lived by you alone; and there is only one Glory, which is eternal. If you do this, there will be many things you care nothing about.
— St. Teresa of Ávila
Amen.
God is good all the time.
All the time God is good.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: