Podcast: Download (Duration: 9:02 — 10.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Hinahamon tayo ni Jesus na mag-ipon ng kayamanan sa Langit kaysa kayamanan sa lupa. Ituon natin ang ating mga puso sa kalangitan sa ating pananalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maghari ka sa aming mga puso.
Ang Simbahan nawa’y gawing malaya ang mga kalalakihan at kababaihan sa pagkaalipin sa materyalismo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na pinahahalagahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pulitiko at lingkod pangmamamayan nawa’y magsimula ng mga programa at proyekto sa kabuuang pag-unlad ng lipunan at kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong pinagkatiwalaan ng higit na kayamanan nawa’y mapagtanto ang kanilang katayuan bilang mga tagapangalaga lamang at hindi mga lubos na nagmamay-ari ng mga biyayang kanilang angkin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinagkaitan ng mga bagay sa mundong ito nawa’y mapagtanto ang kagandahan ng pagtutuon ng kanilang puso sa makalangit na kayamanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdusa at namatay sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, hindi nagbabago o kumukupas ang iyong pag-ibig sa amin. Bigyan mo kami ng lakas at tapang na lumakad sa iyong presensya sa araw-araw ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Hunyo 18, 2026
Sabado, Hunyo 20, 2026 »




{ 6 comments… read them below or add one }
Sa araw na ito ang ebanghelyo ay nagpapalala sa atin tungkol sa pagiimpok at ang mata ang ilaw ng katawan. Sa unang bahagi ay ang pagiimpok ng kayamanan at huwag dito sa lupa itago ang kayamanan dahil lahat ng nagiimpok sa lupa ay mawawala. Ngunit ang magimpok ng kayamanan dapat ilahay sa langit. Anu ang kayamanan na dapat iimpok na ilagay natin natin sa langit. Walang iba ang mabuti. kahil ang paggawa ng kabutihan ay ilalagay mo sa lupa , madaling masira at manakaw? di ba marami sa atin gumawa ng mabuti at iniimpok dito sa lupa. gagawa ng kabutihan para maging sikat, matanyag . Ang kasikatan dito sa lupa ay nawawala. Ang karangalan mo ng paggawa ay nanakawa ng ibang tao dahil gumawa ka ng kabutihan sa dahilan na maging sikat at tangyag sa mundo ito. Pero kung ang kabutihan mo ay iimpok sa langit na gagawa ka ng kabutihan para Diyos at Siya ang nakakaalaam nag lahat. Dahil sabi nga kung gagawa ka ng kabutihan huwag mo na ito ipagpaalam sa ibang tao dahil ang “Diyos na nakakaalam ang magbibigay ng gantimpala sa iyo. Kaya’t inaayayahan tau na gagawa tayo ng kabutihan na Diyos lamang ang nakakalam. ikawala ang mata ang ilaw ng katawan at ang mabubuhay sa liwanag ay nabubuhay nang maayos. Dapat maging maliwag ang iyong mata na laging nakatoon sa tunay na liwanag at ito ay sa Diyos. Dahil kung itutuon ang iyong mata sa makamundo magdadala lang ito ng kadiliman.
PAGNINILAY: Patuloy nating pinagninilayan ang Pangangaral ni Hesus sa Kabundukan, sa harap ng kanyang mga alagad at ng napakaraming tao. Nais ipakita ni San Mateo na si Hesus na totoong Diyos ay may kakayahang intindihan ang sitwasyon natin bilang totoong tao. Subalit para kay Hesus, ang pagkaintindi sa sitwasyon ng karaniwang tao ay mahintulad nawa sa kabanalan ng Diyos na nagbibigay ng pagpapala at naghahangad ng kagandahang-loob sa kabila ng paghihirap, kasamaan, at pagnanasa. Kaya ang paanyaya ngayon ni Kristo sa Ebanghelyo ay mag-imbak hindi ng mga kayamanang lilipas, mabubulok, at mananakawan ng tulisan, kundi mga tunay na espirituwal na pagkakaloob na mula sa langit. Sapagkat sabi ng Panginoon na kung saan ang kayamanan natin ay matutunghayan din natin ang ating puso. Kaya ang pinakapuso ng ating kayamanan ay yung pagkakaroon ng tunay na kababang-loob na tanggapin ang Diyos at ang kanyang mga biyaya sa atin. Wala namang masama kung tao ay nais yumaman, lalung-lalo na kung ito ang makakaahon sa kanya & sa pamilya, kaibigan, o mahal sa buhay mula sa kahirapan. Ang nais ipahiwatig ni Hesus sa atin na ang lahat ng bagay na ating tinatanggap, maging materyal man o espirituwal, ay binibigay ng Diyos ayon sa kanyang oras at kalooban.
Sa panahon natin ngayon, patuloy na nagsisikap ang tao upang makapaghanap-buhay para sa pamilya o kaya sa kapwa tao, ekonomiya, o sarili. Subalit huwag nawa nating kalimutan na hindi lang tayo naghahanap-buhay, kundi nabubuhay rin tayo bilang mga Kristiyano. Mahalaga nga ang hanap-buhay, ngunit mas mahalaga ang buhay na kaloob sa ating ng Panginoon. Ito ang pinakamagandang yaman na pwede nating sabihin na tunay na pinagpala, at hindi naman sinuwerte lamang. Mula pagkagising hanggang pagkatulog, magandang biyaya sa atin ang buhay sapagkat mayroong halaga ito upang patuloy nating tuparin ang misyon na iniatas sa atin ng Panginoon.
Usang kumpanya ang may tagline na “Mag impok sa Banko”. Upang pagdating ng panahon ay mayroon kang magagamit sa iyong pangangailangan.
Ganyan din ang mensahe sa atin ni Hesus sa ebanghelyo. Mag-impok ka ng kabutihang asal, ng gawang mabuti, ng pagtulong ng pagiging mahabagin, ng pagpapatawad sa nagkasala sa iyo, ng pag-ibig sa kapwa, ng pagmamahal sa mga aba. Sapagkat katulad ng banko, kung wala kang deposito ay wala ka din mawiwidraw. Kung paano ka humusga ay ganun ka din huhusgahan.
Ang pangungusap naman ni Hesus tungkol sa malinaw na mata ay ang umalis ka sa kadiliman, iwanan mo ang masamang gawu, ang pandaraya, kamunduhan, pakiki-apid, pangangalunya, katakawan sa pag aari, yaman at laman. Pagiging mapagmataas, hambog at ganid.
Sa unang pagbasa ipinapakita sa atin ng Panginoon na na sa bawat ating ginagawa mabuti man o masama ay may kalakip na kabayaran.
Kung buhay ang inutang mo buhay din ang kabayaran. What you planted is what you get. Kaya nga inuutos sa atin ng Panginoon na pag-isipan ng mabuti bago ito gagawin o sasabihin dahil anumang nagawa mo na at nasabi mabuti o masama ang balik nito ay saiyo.
Sa ating ebanghelyo naman mahalaga na dapat alam natin ang higit na papahalagahan o dapat alam natin ang Banal na Kalooban ng ating Diyos.
At ito ang ating isasabuhay sa araw araw. Kaya nga napakahalaga ang patuloy nating pagbabasa at pagninilay ng Kanyang Banal na Salita upang ito ang maging gabay natin sa araw araw sa tulong ng Banal na Espiritu.
Una dapat tayo ay mabiyayaan ng grasya ng pag ibig ng Diyos. Ang ibig ng Diyos sa atin sa bawat ating ginagawa sa ating kapwa ang nag-uugat dito pag ibig . Hindi mo madarama ang kapaguran sa paggawa kung ito ay nag ugat sa Pag ibig ng Diyos. At ginagawa natin ito dahil mahal natin ang Diyos.
Pangalawa, Dapat alam natin na ang buhay natin dito sa mundo ay may hangganan at meron tayong eternal destination. Kung ang paglalakbay dito sa mundo ay nakaugat sa Pag ibig ng Diyos sa langit ang punta mo ngunit kung hindi sa impierno ang punta natin.
Pangatlo, habang nabubuhay ka sa mundo dapat sa araw araw ay may panahon ka sa pakikipagniig sa Kanya. Ikanga God first before anyting else. Kaya nga sa sampung utos una ang Diyos. Pangalawa ang kapwa. Mahalin natin ang ating kapwa tulad ng ating sarili. Lahat tayo hindi pasado dito at tunay na hindi natin mahal ang Diyos. Kung ano ang trato natin sa ating kapwa ay iyon ang relasyon meron din tayo sa Diyos.
Ang lahat ng ito ay hindi natin magagawa kung wala ang grasya ng ating Panginoon. At ito naman ay nahihingi natin sa ating Panginoon. Kung paano ibinuhos sa ating Inang Maria ang mga grasya ng Panginoon maari din niya ito ibuhos sa atin. Napakahalaga ang kababaang loob at masunuring puso sa ating Panginoon upang makamit natin ang grasya Niya. .
Sa ganitong pang-unawa meron tayo tiyak kayamanang hindi nagdudulot ng kapahamkan ang iimpukin natin dito sa mundo kundi mga KABUTIHANG gawain patungo sa langit na nasisira ng tanga at kalawang. Good deeds rooted in Love of God.
Patuloy nawa tayo pagpalain ng Diyos
Magandang araw.
Sa anong bersyon ng Biblia nakabatay ang teksto ng mga pagbasa sa Misa na inyong inilalathala sa website na ito? Salamat po.
Isang magpagpalang araw! Ang mga teksto ng Bibliya ay hango sa Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila. Ito ang tinatawag na “Tagalog lectionary” at ginagamit sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mga panliturhiyang pagdiriwang. Sa aming pagkakaalam, ito ay “out of print” sa kasalukuyan.
Ang pinakamalapit na translation dito ay ang Magandang Balita Biblia (Catholic Edition / “May Deutero-canonico”) na inilimbag ng Philippine Bible Society.