Podcast: Download (Duration: 8:27 — 10.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Manalangin tayo sa Diyos ng katotohanan at pag-ibig para sa mga biyaya ng katotohanan at katapatan sa Simbahan at sandaigdigan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo kaming malinis sa iyong paningin, O Panginoon.
Ang Simbahan nawa’y isaloob ang gawain at misyon ng pagpapanibago upang malinaw na maunawaan ng lahat si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pari at mga relihiyoso nawa’y maging mga masigasig na tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang sariling buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lingkod pangmamamayan at komunidad nawa’y maging tapat at hindi makasarili sa kanilang gawain ng paghahatid ng katarungan, karangalan, at pagkakaisa sa mga taong kanilang pinaglilingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang di-karaniwang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga kapamilyang nag-aalala sa kanilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa walang hanggang kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ibigin at paglingkuran ka sa diwa ng katotohanan sa pamamagitan ni Jesus na aming Daan patungo sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Hunyo 16, 2026
Huwebes, Hunyo 18, 2026 »




{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Kung papansinin natin ang ating Ebanghelyo ngayon, ito yung Ebanghelyong binabasa tuwing Miyerkules ng Abo, ang siyang hudyat ng Panahon ng Kuwaresma. Ngayon ay naririnig natin na kahit hindi Kuwaresma o mga Mahal na Araw, ang mga aral nito ay maisabuhay natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Tatlong gawain ang mahalaga sa mga Hudyo, na kadalasa’y ginagawa rin natin kahit Kuwaresma o hindi: ang paglimos, panalangin, at pag-ayuno. Sa kabuuan ng Ebanghelyo, nagbigay ng babala si Hesus na ang paggawa natin ng mga ito ay hindi dapat magsilbing paraan upang ipagmalaki natin ang ating mga sarili. Ito yung problema na nakita ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba na inaakala na sila na ang banal at mas matuwid kaysa sa kapwa nilang Hudyo, subalit sa loob ay mayroong pagbaba sa dignidad at katauhan ng iba. Kaya ang paalala ng Panginoon ay kapag gumagawa tayo ng kabutihan, lalung-lalo na kapag tayo’y nagbibigay, nagdadasal, at nag-aayuno, gawin natin ito nang may buong kababaan ng puso. Ang hangarin natin sa paggawa ng mabuti ay dapat ikaluwalhati ng iba ang Diyos, at hindi ang ating mga sarili. Tayo ay tinatawag na maging ehemplo ng kagandahang-loob at ang maging katulad ng kanyang kaanyuan at katauhan sa pagpapahalaga ng tunay na kabanalan.
Ang pakitang tao ay gawa ng mga ilang pariseo na ang tingin sa kanilang saliri ‘y mataas sila at hangad ay papurihan ng tao sa kanilang ginagawa . Kaya’t ang pagiging mapangibabaw, ay isang gawa ng mga pariseo kaya’t sila ay naihahatulad sa mga dakilang payaso. Ngunit nais ni Hesus na ang kanyang mga alagad ay huwag maging katulad ng mga mapang ibabaw na tao, dahil ang hangarin ng pagtulong sa kapwa ,panalangin at pag aayuno ay paraan upang mapalalim ang pakikipagunayan sa Diyos, kaya ginagawa ito sa dahilang ay makilala ang Diyos , ipakita ang Diyos at mahalin ang Diyos. Kaya’y kung nais natin magawa ito huwag sa sarili ang matuon , ituon ang lahat sa Diyos ay hindi magiging katulad ng mga pareseo mga mapang-ibabaw
Ano ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon?
Sa kasalukuyang panahon at pag unlad ng teknolohiya, marami tayong nappaanuod at nababasa sa social media. Mga tumutulong sa mga pulubi na nakavideo, mga nagbibigay ng pagkain, pera o damit na dokumentado ng camera, mga nagpopost ng maka-Diyos na mga pangungusap, mga larawang na sila ay nagsimba o mga deboto, mga taong nagpopost ng kanilang sakripisyo. Ito ay mga halimbawa ng gawain ng mg pariseo na mga mapag imbabaw. Na ang nais ay purihin ng tao, sumikat, kahangaan at magyabang.
Hindi ito ang aral ni Hesus, ang hamon sa atin ay gumawa ka ng mabuti ng hindi ipinagsisigawan o ipinagyayabang upang makamit ang papuri, dahil sa ganoong gawain ay kinuha mo na ang iyong gantimpala. Gantimpala na hindi mula sa Diyos sa langit.
Kaya’t kung nais natin ay gantimpala mula kay Hesus ay sundin natin ang aral ng ebanghelyo, ang gumawa ng kabutihan na hindi pakitang tao lamang, ang paggawa ng kabutihan dahil yun ang inuutos sa atin ng Diyos. Palihim na pagpapakabuti.
God bless you all