Podcast: Download (Duration: 5:52 — 4.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa
Nananalig sa kabaitan ng Diyos sa mga dumudulog sa Kanya, tayo’y pakumbabang magharap ng ating mga kahilingan para sa lahat ng nangangailangan. Manalangin tayo:
Bukal ng lahat ng kasiyahan, dinggin Mo kami!
Para sa mga pamayanang Katoliko na hinahamak o pinag-uusig: Nawa’y maging bukal ng kanilang lakas ang pag-asa sa gantimpalang walang hanggan. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at iba pang pinuno ng Simbahan: Nawa’y pahalagahan nila ang kababaang-loob at ang diwa ng paglilingkod sa pagtulad kay Hesus, na siyang Lingkod ng lahat. Manalangin tayo!
Para sa mga katekista at lahat ng naglilingkod sa catechetical ministry: Nawa’y makita nilang magantimpalaan ng tagumpay ang kanilang mga pagsisikap sa paghubog sa kabataan alinsunod sa mga turo ni Hesus. Manalangin tayo!
Para sa mga kumakalinga sa mga batang palaboy, may kapansanan, at nalulong sa droga: Nawa’y masigasig nilang maipagpatuloy ang paglilingkod kay Kristo sa kanilang kapwa. Manalangin tayo!
Upang tayong lahat ay matutong makinig sa panaghoy ng kalikasan at sa pagtangis ng lahat ng biktima ng mga trahedya sa kalikasan at hagupit ng pagbabago ng klima, at nang lahat ay matuto ring mangalaga para sa daigdig na kinalalagyan natin, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng kababaang-loob at paglilingkod nang kami’y maging mga kasangkapan ng iyong pagmamahal sa lahat ng aming mga kapatid, lalo na sa mga nagdurusa. Ikaw na nagpakasakit at patuloy na kumakalinga nang walang hanggan.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Setyembre 21, 2024
Lunes, Setyembre 23, 2024 »
{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Maraming pangarap ang tao patungo sa tagumpay ng kadakilaan. Lahat naman ay ninanais na sa kinabukasan ay maging matagumpay ang kanilang buhay. Ngunit ano nga ba dapat ang tamang disposisyon ng isang tao upang makamit niya ang isang pangarap?
Ang ating Ebanghelyo ay nagsisimula na kung saan ikalawang beses na pinahayag ni Hesus tungkol sa kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay, subalit hindi ito naunawaan ng kanyang mga alagad. Makikita sila’y nakikipagtalo sa isa’t isa kung sino sa kanila ang pinakadakila sa Kaharian ng Langit. Hindi nila itong pinahalata kay Hesus, ngunit napansin naman niya ang kanilang mainit na pagtatalo. Kaya’t pinagtapat niya sa kanila at sa lahat ng taong natitipon sa lugar na iyon na ang sinumang nagnanais na maging dakila ay kinakailangang maging huli sa lahat at maglingkod. At tinawag niya ang kanyang bata upang tumayo sa kanilang harap at sinabi na ang sinumang tatanggap sa Paghahari ng Diyos katulad ng isang bata ay tumatanggap sa kanya, at sinumang tumatanggap sa kanya ay tumatanggap sa Diyos Amang sumugo sa kanya.
Noong mga lumang panahon, ang mga bata ay binansagang mga walang kwenta. Tingin ng tao ay sila ay marunong lang sa paglalaro at kaharutan. Ngunit ang nakita ni Hesus ay ang mga positibong katangian mayroon ang isang bata, at iyan ay ang kababang-loob at pagkamasunurin. Karaniwan kapag ang mga bata ay inutusang sumunod sa payo ng mga nakakatanda, kaugali’y susunod agad. Kapag may nakita silang tataong nangangailangan. Ito yung sinasabi ni Hesus na pagiging katulad ng mga bata (childlike). Iba po ito sa pagiging isip-bata/childlike na pwedeng maging mapaglaro at maharot ang pamumuhay.
Kaya’t ang pinakadakila sa Kaharian ng Diyos ay ang taong nagpapakumbaba at naglilingkod. Makikita natin sa Unang Pagbasa na ang Karunungan ng Diyos ay tinangkang patayin upang makita ng kanyang mga kaaway kung siya’y ililigtas ng Diyos. Si Hesus ay ang Karunungan ng Diyos na hindi kinilala ng mga Pariseo, eskriba, at mga iilang pinuno ng Judaismo bilang Mesiyas ng Panginoon. Kaya’t sa huling sandali ng kanyang buhay, dito’y parang nagtagumpay sila sa pagpapahuli at pagpapakondena kay Hesus tungo sa kanyang kamatayan sa Krus. Ngunit ito’y natupad ayon sa plano ng Ama upang ipagkaloob ang kaligstasan sa sangkatauhan. Kaya’t si Kristo ay Diyos, ngunit siya’y nagpakababang-loob at naging katulad natin na hindi kailanma’y nagkasala. Inialay ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas mula sa pagkakasala at tapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama.
Kaya’t inaanyayahan tayo ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa na huwag maghasik ng pagkainggit at pagkaalitan sa bawat isa, ngunit mamuhay sa landas ng kapayapaan at kabutihan. Kaya nawa’y patatagin natin ang ating relasyon sa Diyos at sa ibang tao sa pagiging magpakumbaba at masunurin sa kanyang kalooban at sa paglilingkod sa ating kapwa, dala ang katuwiran at kabutihan sa isa’t isa.
Humilty. Yan ang hamon at aral sa ating mga pagbasa at ng ebanghelyo ngayong Linggo. Sa aking buhay napakarami na ang nasaksihan kong mayayabang na nagsibagsak. Maraming mapagmataas na ang kinahantungan ay sa ilalim din. Piliin nating magpakababa kahit na nagkakamit tayo ng tagumpay, wag nating ipagmalaki ang ating kalakasan, kagandahan ng pisikal, katapangan, ari arian, posisyon, at kayamanan. Anuman ang meron tayo ngayon ay kaloob ng Diyos at anumang oras sa isang iglap ay kayang bawiin ito ng Panginoon sa atin. Kung ikaw naman mayron ng mga ito at sinisikap pa ding magpakababa ay lalo ka pang itataas ng tao at bibigyan ng Panginoon. Huwag din tayong maghangad na maluklok sa mas mataas na estado, piliin nating maging mapagpasalamat sa kung ano ang iponagkaloob sa atin. Isa oang hamon ay maging mapagpatawad tayo kagaya ng mga bata. Ang mga bata kapag nag away ay maya maya lamang ay bati na at naglalaro na ulit. Kapag tayong mga magulang ay nakiaalam sa away ng mga bata ay nauuwi sa mas malalim na alitan. Magpakababa at Magpatawad.
“Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Napakadaling sabihin pero napakahirap tupdin, pagpapakumbaba ng walang halong hinanakit at bukal sa kalooban, ito ang pinaliwanag ni Hesus sa kanyang mga alagad nung silay nagtatalo kung sino ba sa kanila ang pinakadakila. Akin ding pong maihahambing ito sa loob ng ating pamilya, sa ating mga trabaho at sa ating lipunan, kung tayo ay may gustong ituro o ipagawa sa ibang miyembro ng tahanan o sa mga katrabaho, o kababayan, ngunit minsan tayo mismo hindi natin nagagawa ang mga bagay n iyon, sapagkat nilalagyan natin ng “label” ang ating mga sarili, tayo ay nagtatangi sa ating mga sarili na para bagang mas mataas tayo kumpara sa iba. Magandang suriin ang ating mga sarili, halimbawa kung gusto natin turuan ng magandang asal ang ating mga anak pero kung tayo mismo nakikita nila ang ating mga kawalang hiyaan, sa tingin nyo ba rerespetuhin, maniniwala o gagawin b nila ang ating mga sinasabi? hindi po. “Lead by example”, ito po sana ang maisabuhay nating lahat. Dahil kung gusto nating mamuno dapat tayo mismo ang unang sumunod at handang maglingkod para sa lahat na walang halong pagiimbot.Amen
Mga Aral ng Ebanghelyo:
Ang tunay na kadakilaan ay nasa pagpapakumbaba – Sa ating buhay, marami ang naghahangad ng tagumpay, ng karangalan, at ng mataas na posisyon. Ngunit ipinapakita ni Hesus na ang tunay na dakila ay yaong handang magpakumbaba at maglingkod sa iba. Hindi mahalaga ang iyong posisyon, kundi ang puso mong handang tumulong at maglingkod.
Ang paglilingkod ay mahalaga sa mata ng Diyos – Itinuro ni Hesus na ang sinumang naglilingkod sa pinakamaliit, gaya ng isang bata, ay naglilingkod din sa Kanya. Ang mga gawa ng pagmamahal at malasakit, lalo na sa mga nangangailangan at walang kapangyarihan, ay napakahalaga sa Diyos.
Tiwala sa plano ng Diyos – Sa simula pa lang, hindi maintindihan ng mga alagad ang sinabi ni Hesus tungkol sa Kanyang paghihirap at muling pagkabuhay. Ngunit ipinapakita nito sa atin na kahit hindi natin lubos maunawaan ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, may plano ang Diyos. Kailangan lang natin magtiwala at sumunod sa Kanyang kalooban.
Sa ating pagninilay ngayon, tanungin natin ang ating mga sarili: Sa ating mga ginagawa araw-araw, tayo ba’y nagpapakumbaba at naglilingkod sa ating kapwa? Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang aral ni Hesus na sa pamamagitan ng simpleng paglilingkod, doon natin matatagpuan ang tunay na kahulugan ng kadakilaan at buhay sa piling ng Diyos.
maganda po Ang gospel na aking binasa
Walang masamang maging dakila pero wag kalimutan mag pa kumbaba. Mas madaling magmahal at dumadali ang pag sasakripisyo.
Mas natataas tayo sa mata ng Diyos at kapwa tao.
Amen.
GOd is Good All the Time.
All the Time God is Good.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!