Podcast: Download (Duration: 8:20 — 10.0MB)
Paggunita kina Papa San Cornelio at Obispo San Cipriano, mga martir
1 Corinto 11, 17-26. 33
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Lucas 7, 1-10
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of Saints Cornelius, Pope, and Cyprian, Bishop, Martyrs (Red)
Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA
1 Corinto 11, 17-26. 33
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, tungkol sa mga babanggitin ko ngayon, hindi ko kayo maaaring purihin: ang inyong pagtitipon ay hindi nakabubuti kundi nakasasama. Una sa lahat, nabalitaan kong kayo’y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako’y naniniwalang may katotohanan iyon. Kailangan pang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sino ang mga tapat. Sa inyong pagtitipon, hindi Banal na Hapunan ang kinakain ninyo. Sapagkat ang bawat isa sa inyo’y nagmamadali sa pagkain ng kanyang dala, kaya’t nagugutom ang iba at ang iba nama’y nalalasing. Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? O hinahamak ninyo ang simbahan ng Diyos at hinihiya ang mahihirap? Ano ang gagawin ko ngayon? Purihin kayo? Hindi! Hindi ko kayo pupurihin!
Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayun din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
Kaya nga, mga kapatid, kapag nagkakatipon kayo upang kumain, maghintayan kayo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!”
Ng nangaghahangad maligtas na kusa.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
ALELUYA
Juan 3, 16
Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 7, 1-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nang maituro ni Hesus sa mga tao ang kanyang aral, siya’y pumasok ng Capernaum. Doo’y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Hesus, nagpasugo siya sa ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Hesus na puntahan at pagalingin ang alipin. Nang makita nila si Hesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. ”Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.” Kaya’t sumama sa kanila si Hesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika! siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa niya.” Namangha si Hesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, “Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananalig.” Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Linggo, Setyembre 15, 2024
Martes, Setyembre 17, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang Eukaristiya ay nagpapaalala sa atin tungkol sa pag-ibig ng Diyos na ipinamalas ni Hesukristo para sa ating kaligtasan. Sa Unang Pagbasa (1 Corinto 11:17-26, 33), isinalaysay ni San Pablo sa mga Corinto tungkol sa Hapunan ng Panginoon na kanyang pinagsasaluhan sa tuwing may pagtitipon. Tuwing tayo’y dumadalo sa Misa, ginugunita natin ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesus: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay. At n’ung gabi bago ang Pasyon, ibinigay niya ang kanyang sarili sa anyo ng tinapay at alak. Ang 2 sangkap ay hindi lang mga ordinaryong simbolo, kundi ang mga ito ay ang kanyang totoong Katawan at Dugo. Kaya’t ipinapaalala sa atin ni Pablo na dapat magkaroon ng mga panlabas at panloob na disposiyon upang tayo’y maging ganap sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Mahalaga rin sa pagdalo sa Eukaristiya ang matatag na pananampalataya sa Panginoon. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 7:1-10), narinig natin ang kwento ng patatagpo ni Hesus sa pinuno ng kawal ng mga sundalong Romano (“centurion” sa wikang Ingles). Siya’y isang Hentil na tinaguriang mga nasa labas ng Judaismo na hindi makakamtan ang kaligtasan ng Diyos. Subalit ayon sa mga kaibigan, itong kapitan ay naging mabuti sa kanyang komunidad sa Capernaum. Siya ang nagtayo ng sinagoga sa bayang iyon. Ngayon ay mayroon siyang lingkod na nasa bingit ng kamatayan mula sa pagkasakit at nais niyang ipatong ni Hesus ang kamay nito upang gumaling. Nang sinabi ni Hesus na pupunta siya sa bahay, makikita natin sa mga wika ng kapitan ang dinadasal natin sa bawat Misa: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Tuwing tinataas ng Pari ang Katawan ay Dugo ni Kristo, tayo’y inaanyayahan na masdan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. At ang tugon natin na si Hesus nawa ay magpatuloy sa ating mga buhay bagamat tayo’y mga makasalanan. Subalit katulad ng kapitan, malaki rin ang ating pananalig sa Panginoon lalung-lalo na tuwing tayo’y dumadalo sa Eukaristiya. Katulad ng paggaling ng lingkod ng hepeng sundalo mula sa pagkasakit, tayo rin ay paggaling ni Hesus hindi lang sa mga pisikal na karamdaman, kundi pati na rin sa mga espirituwal na sakit na nagpapahina sa atin ng loob na sumampalataya sa Diyos. At nawa’y sa pagtanggap natin kay Hesus sa Banal na Pakikinabang, tayo nawa ay makinabang sa ipinamalas na pagmamahal ng Ama para sa ating kaligtasan. Busugin tayo nawa ni Hesus upang isabuhay natin ang pananampalataya sa pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos.
PAGNINILAY
Madalas madali nating sabihin na nagtitiwala tayo sa katapatan ng Diyos kapag dumaraan tayo sa mga panahon ng kapayapaan at katahimikan. Kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok sa buhay, nasusubok ang ating pananampalataya. Minsan hinahayaan natin na bulagin tayo ng ating pagmamataas sa paniniwalang gumagawa ang Diyos para sa atin. Maraming mga birtud ng senturyon ang karapat-dapat nating tularan. Siya ay isang taong may malalim na pananampalataya. Naniniwala siya sa kapangyarihan ni Hesus na magpagaling kahit sa malayo, sa isang salita lamang. Ang kanyang pananampalataya ay pinalakas ng pagpapakumbaba. Alam niyang hindi siya karapat-dapat sa pag-ibig ni Hesus ngunit naniniwala pa rin sa Kanyang pag-ibig at katapatan. Nawa’y bigyan tayo ng Diyos ng mababang-loob, kahanga-hangang pananampalataya at paniniwala ng senturyon.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming lumapit sa Iyo ng may mapagpakumbabang pananampalataya, nagtitiwala na palagi Kang gagawa para sa aming ikabubuti. Amen.
***
Not all of our supporters are evil; some of them we despise because they reveal the truth about our lives.
When you see good folks, copy them; if you see horrible individuals, examine yourself.
When people are good to you, be good to them; when people are bad to you, be good to them because it is who you are.
sa unang pagbasa ipinaaalala muli sa atin ni San Pablo sa kanyang sulat tungkol sa pagtatag Ni Jesus ng Banal na Eukaristiya para sa ating generasyon.
ang pag alay ni Jesus ng Kanyang Buhay sa Krus ng Kalbaryo,.inilibing at muling nabuhay sa ikatlong araw, upang tayo ay makabahagi Niya bilang Kanyang Katawan.
kaya ipinaaala ni San Pablo na tayong nananalig kay Jesus ay magkaisa na tanggapin ang pagkaing nagbibigay-buhay sa Banal na Eukaristiya na si Jesus MISMO ang nakikipag-isa sa atin sa tuwing tatanggspin natin ang Kanyang Banal na Katawan.
Faith without action is dead.
believing on Jesus alone is not enough, but believing and receiving Jesus in the form of Holy Bread , in the Holy Eucharist that Jesus himself instituted, then that is truly faith.
know thst with God nothing is impossible. He can show himself in the form of Holy Bread.
sa mga nagsasabing naniniwala siya kay Jesus, halikayo ating tanggapin ang kongkretong pakikipag -isa sa atin ni Jesus sa Sacramento ng Banal na Eukaristiya.
katulad ng Roman Centurion, nakarinig siya tungkol kay Jesus.
pinaniwalaan niya ang nga Salitang narinig niya mula kay Jesus,
kung kayat lumapit siya mismo kay Jesus at idineklara niya ang kanyang pananampalataya at tinanggap Niya si Jesus sa pamamagitan ng.paniniwala na gumaling na ang alipin niya sabihin lamang ni Jesus.
Panalangin: Yahweh, Your Love on us is Infinite.. we cannot fathom the infinite love you have on us. may we request Lord to fill our hearts with your Spirit of Knowledge and Understanding so that may walk in your Light given to us. Amen.