Podcast: Download (Duration: 8:21 — 10.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado
Sa ating pagharap sa luklukan ng paghahatol ng Diyos, isusulit natin ang wastong paggamit o pagwawaldas ng mga biyayang ipinagkatiwala sa atin. Sa panalangin, hilingin natin ang tulong ng ating Tagapaglikha.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mong nag-aalab
ang aming buhay para sa Iyo, O Panginoon.
Ang marami at iba’t ibang biyaya ng kanyang mga kasapi nawa’y mapakinabangan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y igalang ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanggol at pagtataguyod sa kahalagahan ng sangnilikha, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng tao nawa’y magsalu-salo sa biyaya ng lupa at makiisa ang bawat tao sa pagkakaroon ng makatao at mayamang kaunlaran sa ating bansa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa pangangalaga ng kalusugan nawa’y gamitin ang likas na biyayang bigay sa kanila upang dalhin ang pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at mga bilanggo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa ating mga mahal na yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y ipagkaloob ang walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa mga maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami ng mga higit na dakilang bagay kapag pumasok na kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Agosto 30, 2024
Linggo, Setyembre 1, 2024 »
{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ilang araw na lang, at Unang Araw ng Setyembre na. Iyan ang hudyat na pumasok na tayo sa buwan ng mga bre. Mararamdaman na natin muli ang simoy ng hangin ng Pasko hindi lang sa paligid, kundi sa ating mga puso. Kaya maghahanda tayo para sa Pagdiriwang ng Pagsilang ng Panginoon. Kaya sa darating na Nobyembre 27, 2022, papasok na naman tayo sa bagong liturhiya ng Simbahan, ang Panahon ng Adbiyento, kung saan hahanda tayo sa Tatlong Pagdating ni Kristo.
At bilang paghahanda sa kanyang pagdating, dapat natin ipayaman ang ating misyon at ang ating mga talento mula sa Ebanghelyo natin ngayon. Hindi sinusukat ng Diyos sa pagpapareho ng paghahati ng kanyang mga pamanana sa atin dahil kahit ano mang bilang ng mga buto na ibinigay niya sa atin, pwede pa rin mag-ani ng sagana sa mundo, ang ani ng kabutihan. Kahit ang pinakamaliit na bagay ay makakamtan ang isang malaking diperensya. Kahit anong gagawin nating mabuti, kahit malaki o maliit, makaparehong sukat ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Kaya huwag natin ibaon sa lupa ang ating mga pamana, kundi isabuhay ito sa pag-aani ng sangkatauhan. Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y gamitin natin ang ating mga talento para ipayaman ang ating bansa at ang buong mundo.
PAGNINILAY
Pinagpapala tayo ng Diyos at binibigyan tayo ng naaayon sa ating makakaya. Kadalasan ay nahuhuli tayo sa nakakainggit na kaugalian ng pagnanais ng higit pa nito at iyon at iniisip na ang Diyos ay hindi patas dahil ang iba ay higit pa kaysa sa atin. Nilikha tayo ng Diyos at alam ang ating mga kakayahan at limitasyon. Gaano ba tayo naging makasarili?!? Sa halip na mag-alala tungkol sa kung ano ang wala sa atin, tinuturuan tayo ni Hesus na tumuon sa kung ano ang mayroon tayo at tanungin ang Diyos kung ano ang dapat nating gawin dito. Anuman ang ibinigay Niya sa atin ay nawa’y gamitin natin sa abot ng ating makakaya. Higit sa lahat nawa’y maging tapat tayo sa pagmamahalan at pagtulong sa isa’t isa, na may panalanging naghahanap kung paano tayo makakagawa ng positibong epekto sa ating paligid. Ito ang layunin kung saan tayo biniyayaan ng Diyos upang mahalin natin ng husto ang isa’t isa sa kung ano ang mayroon tayo. Upang pahalagahan, magpasalamat at madagdagan ang mga kaloob na ibinigay ng Diyos, kailangan nating mas makilala at mahalin ang Diyos at ang isa’t isa.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming gamitin ang aming oras, kayamanan, talento, mga regalo Mo para sa ikabubuti ng lahat. Amen.
***