Podcast: Download (Duration: 7:55 — 9.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Ipinapaalala ng mensahe ng Ebanghelyo na dapat tayong maging matalino at nagbabantay. Habang ating hinihintay ang pagdating ng Panginoong Jesus, ipanalangin natin ang mundong kanyang iniligtas.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Panginoon, gawin Mo kaming tapat sa paglilingkod sa iyo.
Ang Simbahan nawa’y maunawaan ang mga tanda sa ating panahon at tuwinang mapaalalahanan ang Bayan ng Diyos tungkol sa walang hanggang dimensyon ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataan nawa’y manatiling umaasa at puno ng sigla sa buhay. Nawa ang kanilang matayog na adhikain ang siyang maging katig nila sa pagsasakatuparan ng mga dakilang bagay sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinanghihinaan ng loob at nabigo sa buhay nawa’y huwag palalimin ang kanilang hinanakit at bagkus kumuha ng panibagong lakas at pag-asa mula kay Kristo na nangako sa atin ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y tumingin kay Kristo nang may pag-asa at may pagbabalik-loob na pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makapiling ng Diyos sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama ng panahon at ng walang hanggan, ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang aming hinihintay ang pagbabalik ni Kristo, ang iyong biyaya ng walang hanggang karunungan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Agosto 28, 2024
Sabado, Agosto 31, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Pagninilay: PAGNINILAY: Patapos na po ang Buwan ng Agosto, at bukas bilang Unang Araw ng Setyembre, tayo po’y papasok sa tinatawag nating “‘Ber’ months”. Ito po’y tumatagal sa Pilipinas mula Setyembre hanggang Disyembre, kaya mahaba ang ating pagdiriwang ng Pasko. Kapag dumadating ang panahong ito, naghahanda at nagtitipid tayo ng pera upang pagkasyahin ang badyet para sa pambili ng mga dekorasyon at puno, mga handaan para sa Noche Buena, at mga regalo para sa mga mahal sa buhay. Pero ang tunay na diwa ng Pasko ay laging nakasentro kay Hesus, ang Panginoon ng kasaysayan, ng buhay, at ng pag-ibig. Kaya naman apat na linggo bago ang kanyang kaarawan, inihahanda natin ang ating sarili sa Panahon ng Adbiyento upang gunitain ang kanyang Tatlong Pagdating.
At sa ating Ebanghelyo (Mateo 25:1-13), matutukoy dito ang Ikalawang Pagdating ng Panginoon, ang kanyang muling pagbabalik sa katapusan ng mundo. Ang pagdating ng Kaharian ng Langit ay ang piging ng isang kasal, si Hesus ay ang lalaking ikakasal, ang limang matalinong dalaga ay ang mga nakapasok, at ang limang hangal na dalaga ay mga hindi nakapasok. Sapagkat ang limang matalinong dalaga ay naghanda ng langis para sa kanilang mga lampara upang ito’y sindihan sa pagdating ng lalaking ikakasal. Pero ang limang hangal na dalaga ay hindi naghanda ng langis dahil tingin nila mahuhuli ang lalaki. Kaya nga ang Ikalawang Pagdating ni Kristo, o mas kilala bilang Parousia, ay mangyayari sa wakas ng panahon sa oras na hindi natin inaasahan. Maaaring ngayon, maaaring bukas, o kaya maaaring sa kinabukasan na biglaan lang. Kaya dapat tayo’y maging handa hindi lang pisikal, kundi espirituwal.
Ang liwanag sa lampara ay sumisimbolo sa kabutihang-loob at kawang gawa natin araw-araw, at iyan ang batayan ng Panginoon kapag siya’y hahatol sa ating lahat. Kahit sabihin natin na nagdasal tayo at nagtiwala sa kanya, nagsimba tuwing Linggo, sumayaw, kumanta, naging matalino sa akademiko at interes, atbp., ang lahat ng mga kasanayang ito ay nagmula sa kanya, at nararapat lang natin pasalamatan siya sa pagsabuhay natin ng mga ito. At dahil malapit na ang Adiyento at Pasko, dito tayo’y gagawa ng mabuti sa kapwa at hindi masama, pero hindi lang tuwing mga panahong ito, at lalo nang hindi lang tuwing panahon ng Kuwaresma, kundi dapat araw-araw. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging handa tayo sa muling pagbabalik ng Panginoon sa wakas ng panahon sa oras na hindi inaasahan sa pamamagitan ng pagkikinig sa kanyang mga utos at turo at pagsasabuhay ito sa aksyon at kawang-gawa.
Tularan natin ang limang matalinong dalaga at maging puno ng langis na dala ng Espiritu Santo na magliliwanag sa ating mga lampara sa paggawa ng mabuti at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ipinangangaral sa Mabuting Balita ang kahandaan ng bawat isa sa walang itinatadhanang pagdating ng Panginoon. Inilalarawan dito na sa paghahandang ito kinakailangan na maging matalino, isapuso’t isabuhay ang mga mga itinuro sa atin sa Banal na Kasulatan sapagkat hindi sapat na mayroon lang napakinggan at mayroong nalalaman pero ipinagwawalang bahala naman ang tamang paghahanda katulad ng nangyari sa limang dalagang hangal.
Sa pangkaraniwan nating pamumuhay hindi pwede na wala tayong karanasan na mayroon tayong ipinagpapabukas na gawain na pwede naman isagawa mismo ngayon o dili kaya sa dami nating ginagawa meron tayong isinasantabi na hindi natin nakikita ang kahalagahan nito. Minsan iniisip natin na mayroon naman gagawa para sa atin nito na pwede sa atin iabot nalang katulad ng iniisip ng limang dalaga na maaring may magaabot sa kanila ng langis na hindi pwede sila pahihindian sa hihinging “maliit na pabor”. Ang malaking katotohanan, sa buhay na ito dapat natin harapin na may mga pangyayari na talaga wala sa atin ang kontrol.
Ang Ebanghelyo ay isang paalala na sa kahit anong paghahanda kaakibat nito ang mataimtim na pagiisip, isang karunungan na magmumula lamang sa Diyos para dumating man ang oras ng pinaghahandaan maiwasan ang mga balakid na maaring makasagabal sa pagkakasatuparan nito. Mas lalo higit kung isasalin natin ang paghahandang ito sa pakikipagtagpo natin sa Diyos na Kanyang itinakda na oras ng ating kamatayan. Gustuhin man natin sa hindi, ito ay darating na walang babala. Ang bawat araw ay mahalaga upang ito ay aksayahin sa mga walang katuturang mga bagay bagkus gugulin ito sa uri ng buhay na ninanais ng Diyos para sa atin upang magkaroon ng kabuluhan ang pagaalay ni Hesus ng Kanyang buhay sa krus. Ipanalangin natin na sa araw araw nating pagiral matugunan natin ang panawagan ng Panginoong Hesus na mamuhay na naayon sa Kanyang panukala upang pagdating ng ating oras ay makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan.
PAGNINILAY: Ipinangangaral sa Mabuting Balita ang kahandaan ng bawat isa sa walang itinatadhanang pagdating ng Panginoon. Inilalarawan dito na sa paghahandang ito kinakailangan na maging matalino, isapuso’t isabuhay ang mga mga itinuro sa atin sa Banal na Kasulatan sapagkat hindi sapat na mayroon lang napakinggan at mayroong nalalaman pero ipinagwawalang bahala naman ang tamang paghahanda katulad ng nangyari sa limang dalagang hangal.
Sa pangkaraniwan nating pamumuhay hindi pwede na wala tayong karanasan na mayroon tayong ipinagpapabukas na gawain na pwede naman isagawa mismo ngayon o di kaya sa dami nating ginagawa meron tayong isinasantabi na hindi natin nakikita ang kahalagahan nito. Minsan iniisip natin na mayroon naman gagawa para sa atin nito na pwede sa atin i-abot nalang katulad ng iniisip ng limang dalaga na maaring may magaabot sa kanila ng langis na hindi pwede sila pahihindian sa hihinging “maliit na pabor”. Ang malaking katotohanan, sa buhay na ito dapat natin harapin na may mga pangyayari na talaga wala sa atin ang kontrol.
Ang Ebanghelyo ay isang paalala na sa kahit anong paghahanda kaakibat nito ang mataimtim na pagiisip, isang karunungan na magmumula lamang sa Diyos para dumating man ang oras ng pinaghahandaan maiwasan ang mga balakid na maaring makasagabal sa pagkakasatuparan nito. Mas lalo higit kung isasalin natin ang paghahandang ito sa pakikipagtagpo natin sa Diyos na Kanyang itinakda na oras ng ating kamatayan. Gustuhin man natin sa hindi, ito ay darating na walang babala. Ang bawat araw ay mahalaga upang ito ay aksayahin sa mga walang katuturang mga bagay bagkus gugulin ito sa uri ng buhay na ninanais ng Diyos para sa atin upang magkaroon ng kabuluhan ang pagaalay ni Hesus ng Kanyang buhay sa krus. Ipanalangin natin na sa araw araw nating pagiral matugunan natin ang panawagan ng Mahala na Poong Hesus Nazareno na mamuhay na naayon sa Kanyang panukala upang pagdating ng ating oras ay makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan. Amen!.
PAGNINILAY: Ipinangangaral sa Mabuting Balita ang kahandaan ng bawat isa sa walang itinatadhanang pagdating ng Panginoon. Inilalarawan dito na sa paghahandang ito kinakailangan na maging matalino, isapuso’t isabuhay ang mga itinuro sa atin sa Banal na Kasulatan sapagkat hindi sapat na mayroon lang napakinggan at mayroong nalalaman pero ipinagwawalang bahala naman ang tamang paghahanda katulad ng nangyari sa limang dalagang hangal.
Sa pangkaraniwan nating pamumuhay hindi pwede na wala tayong karanasan na mayroon tayong ipinagpapabukas na gawain na pwede naman isagawa mismo ngayon o di kaya sa dami nating ginagawa meron tayong isinasantabi na hindi natin nakikita ang kahalagahan nito. Minsan iniisip natin na mayroon naman gagawa para sa atin nito na pwede sa atin i-abot nalang katulad ng iniisip ng limang dalaga na maaring may magaabot sa kanila ng langis na hindi pwede sila pahihindian sa hihinging “maliit na pabor”. Ang malaking katotohanan, sa buhay na ito dapat natin harapin na may mga pangyayari na talaga wala sa atin ang kontrol.
Ang Ebanghelyo ay isang paalala na sa kahit anong paghahanda kaakibat nito ang mataimtim na pagiisip, isang karunungan na magmumula lamang sa Diyos para dumating man ang oras ng pinaghahandaan maiwasan ang mga balakid na maaring makasagabal sa pagkakasatuparan nito. Mas lalo higit kung isasalin natin ang paghahandang ito sa pakikipagtagpo natin sa Diyos na Kanyang itinakda na oras ng ating kamatayan. Gustuhin man natin sa hindi, ito ay darating na walang babala. Ang bawat araw ay mahalaga upang ito ay aksayahin sa mga walang katuturang mga bagay bagkus gugulin ito sa uri ng buhay na ninanais ng Diyos para sa atin upang magkaroon ng kabuluhan ang pagaalay ni Hesus ng Kanyang buhay sa krus. Ipanalangin natin na sa araw araw nating pagiral matugunan natin ang panawagan ng Mahala na Poong Hesus Nazareno na mamuhay na naayon sa Kanyang panukala upang pagdating ng ating oras ay makasama natin Siya sa buhay na walang hanggan. Amen!
PAGNINILAY
Nararamdaman nating lahat na karapat-dapat tayong magpahinga pagkatapos ng mahabang nakakapagod na araw. Ganoon din ang maaaring mangyari sa ating pananampalataya. Maaari tayong mapagod sa pagdarasal kapag tayo ay tila hindi sinasagot; mapagod sa paglilingkod sa iba kapag nadarama nating hindi tayo pinahahalagahan; mapagod magmahal kung wala namang kapalit. Kadalasan sinasabi sa atin ng ating isipan na nararapat tayong magpahinga, nararapat nating ipahinga ang ating pananampalataya. Tayo ay nahuhulog sa BITAG, tayo ay nagiging tamad, kampante, at nagpapakasawa sa labis na pagpapaginhawa sa sarili. Tayo ba ay sapat na mapagbantay upang makita kung ang ating mga lampara ay namamatay? Sa gitna ng mga kaguluhan sa paligid, kailangan nating pag-isipan ang karupukan ng buhay, at kung ano ang tunay na mahalaga sa wakas. Ang lampara ng langis ng ating buhay ay dapat na muling punuin araw-araw. Anuman ang paraan, ang panalangin ay nagpapalaki ng pananampalataya at kabanalan, tulad ng isang apoy na pinananatiling buhay sa pamamagitan ng langis. Kumusta ang ating buhay panalangin? Nawa’y maglaan tayo ng sapat na panahon upang pahusayin ang ating kaugnayan sa Diyos. Nawa’y maging mapagmatyag tayo at iwasan ang bitag.
Panginoong Diyos, punuin Mo kami ng Iyong biyaya upang kami ay maging handa sa pagharap sa Iyo. Amen.
***
MAGNILAY: Sa mga panahong wala pang aberya unahan na natin ito. Mag-ipon na tayo ng lakas at tibay ng loob lalo sa pamamagitan ng pananalangin. Baon natin ito kapag dumating ang hindi inaasahang mga pagsubok. Hindi sapat na may mabuting intensyon lamang. Dapat samahan ng diskarte. Ito ang pinagkaiba ng limang matalinong dalaga sa limang hangal. Pinaghahandaan nila ang hindi magandang puwedeng mangyari. Sa gayun, hindi na sila masyadong nagugulat o natataranta. Maayos nilang nahaharap ang mga aberya at hindi inaasahang gusot.
MANALANGIN: Panginoon, maging matalino at madiskarte nawa kami na paghandaan ang mga maaaring maging aberya sa paglilingkod namin sa iyo hanggang wakas.
GAWIN: Doblehin ang pananalangin sa panahong madaling magdasal upang may baon ka sa panahong mahirap magdasal