Podcast: Download (Duration: 6:42 — 4.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 29
Ang Pagpapakasakit ni San Juan Bautista
Marami ang nagpatotoo sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang buhay. Dahil sa pagkabatid natin na ang ating misyon sa mundo ay maging mga propeta, manalangin tayo sa ating mapagmahal na Ama na gawin tayong tapat sa ating bokasyon.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang Iyong lakas, Panginoon.
Ang Simbahan nawa’y may tapang na tuparin ang kanyang propetikong misyon na ipahayag ang Ebanghelyo nang walang takot o kompromiso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naglilingkod sa pamahalaan nawa’y magkaroon ng budhing matatag na nakabatay sa katapatan at moralidad, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating pamayanan nawa’y manindigan at magsalita para sa katarungan at dignidad ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y hindi panghinaan ng loob dahil sa mga pagsubok sa buhay bagkus higit na maging matatag sa pananampalataya sa pamamagitan ng mga ito, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nasa bingit ng kamatayan nawa’y pukawin ng sigla ng pangaral at halimbawa ni San Juan Bautista, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos naming makapangyarihan, pinagpala mo kami ng pangaral at halimbawa ni San Bautista. Maialay nawa namin ang aming buhay sa paglilingkod sa iyo sa pamamagitan ng aming pangangaral at buhay. Hinihiling namin to sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Agosto 28, 2024
Biyernes, Agosto 30, 2024 »
{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Kung tuwing ika-24 na Hunyo ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Paggunita sa kanyang Pagpapasakit. Si San Juan Bautista, anak nina Zacarias at Elisabet at pinsan ng Panginoon, ay tinawag ng Diyos na ipahayag sa mga tao tungkol kay Kristo, at ihanda ang daan para sa Pagdating ng Panginoon. Pagkatapos ang Pagbinyag ni Hesus sa Ilog Jordan, natatapos na ang panungkulan ni Juan, at siya’y dinakip ni Haring Herodes Antipas ng Galilea mula sa utos ng ikalawang asawang na nakipag-apid sa kanya na si Reyna Herodias, dating asawa ng kapatid ng hari na si Felipe ng Samaria. Kitang-kita na idinakip siya, at mismong hari ay natuwa sa kanyang mga sinasabi kahit pinagsasabihan siya nito, ngunit ang reyna mismo ay may balak na ipuksa si Juan. Kaya nangyari sa kaarawan ng hari, ang anak ni Reyna Herodias na si Salome ay nagsayaw, at binigyan ng bilin na pwede siyang humiling kung ano man gusto, kahit ito ay magiging sakripisyo. At dito nabunyag na pugutan ang ulo ni San Juan Bautista. Kahit nalulungkot si Haring Herodes sa ganitong hiling, kinailangan niya ito tuparin sapagkat nagpayo na siya sa dalagita. Kaya isinugo niya ang isang bergudo na pugutan ang ulo ni Juan, inilagay sa platito, at ibinigay sa dalagita, na ibinigay rin sa ina.
Sa Pagka-martir ni San Juan Bautista, inihanda rin niya ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, dahil sa Paghahandog ni Kristo, ibininyag tayo ng Espiritu Santo. Kitang-kita rin na si San Juan Bautista ay kinakatakutan ni Haring Herodes ngunit binabalewala ni Reyna Herodias, kaya natupad ang mga wika ni Hesus na walang propeta ay tanggap sa sariling bayan at sa sariling bahay, at ito ay tinutukoy sa mga matataas na opisyal ng Galilea na hindi tanggap sa propeta. Sa ating paglakbay sa daang ito, tularan natin ang halimbawa ni San Juan Bautista na naghanda, nagpahayag at nagpakasakit para sa Panginoon.
MAGNILAY: Ang katotohanan ay nakakaakit pero nakakapaso.
Aminado si Herodes na naaakit siyang makinig kay Juan Bautista sa kanyang mga pangangaral. Sa puso niya alam niyang pawang mga katotohanan ang pinapangaral nito. Totoong propeta si Juan dahil nagpapahayag siya ng mga katotohanang galing sa Diyos. Nagsilbing bibig ng Diyos si Juan hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat. Ang salita ng Diyos ay parang ningas ng apoy sa gitna ng dilim. Nakakaakit pagmasdan ang ningas ng apoy sa gitna ng dilim kaya’t marami ang lumalapit. Nguni’t sa paglapit nakakapaso ito dahil sa init. Ganung-ganun ang salita ng Diyos bilang katotohanan. Nakakaakit ito pero nakakapaso. Naakit si Herodes pero napaso.
Bagama’t nakakapaso sa una ang katotohanan pero liwanag ito na gagabay sa mga naliligaw ng landas. Masakit ang ipamukha sa atin na naliligaw tayo ng landas. Marami ang ayaw itong tanggapin. Ayaw amining nalilihis sila ng landas. Kaya’t sinusupil nila ang katotohanan. Pinapatay ang ningas ng apoy ng kaototohanan upang huwag nang makapaso. Sayang. Kalayaan ang bunga ng katotohanan.
Ang katotohanan ay nakakapagdalisay din. Masakit na proseso ang dalisayin. Para kang dinadarang sa apoy. Ganun ang katotohanan. Dadalisayin tayo. Palalayain tayo sa mga kasinungalingang niyakap natin kapalit ang panandaliang kaligayahan at aliw. Muli, marami ang ayaw dalisayin dahil sa masakit nga ang prosesong ito. Pinapatay ang apoy upang huwag nang madarang dito. Pero sayang. Kalayaan at tunay na kaligayahan sana ang bunga ng katotohanan.
Si Herodes ay larawan ng naduwag sa katotohanan. Naakit man pero mas pinansin ang nakakapasong dulot ng katotohanan. Imbes na pakinggan at yakapin ay sinupil ang katotohanan na kinakatawan ni Juan Bautista. Hindi siya tunay na naging maligaya sa kanyang desisyon.
MANALANGIN: Panginoon, ipaunawa mong ang tunay na kalayaan ay ang sundin ang loob mo hindi ang kapritso namin.
GAWIN: Mamuhay sa katotohanan at katwiran kahit mahirap sa una.