Podcast: Download (Duration: 6:08 — 8.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong maging tapat sa ating mga kilos.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basahin mo ang aming mga puso, at tugunin mo kami.
Sa ating buhay bilang Bayan ng Diyos, nawa’y matugunan natin ang mga hamon ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng ating tapat na pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang maiwasang gumawa ng mga bagay dahil lamang sa ating pagnanasang tumulad sa karamihan o dahil sa ating pagkukunwari, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nawalan ng pag-asa dahil sa ating masamang pakikitungo at pag-uugali nawa’y manumbalik sa pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagbabagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makita ang mapagpagaling na kamay ng Diyos sa kanilang mga dinaranas na mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao sa buhay na ito nawa’y tanggapin sa walang hanggang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, tulungan mo kaming sambahin ka nang may katapatan sa aming puso at makalapit kami sa iyo sa Espiritu at sa katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Agosto 27, 2024
Biyernes, Agosto 30, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Patuloy ang panunuligsa ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 23:27-32), huling tinuligsa niya sila. Ang dahilan nito ay dahil sa kanilang pagpapakitang-tao na ugali. Naniniwala ang mga pinuno ng mga Hudyo na sila’y pinagpala at maliligtas dahil tingin nila’y malapit sila sa Diyos. Subalit kung inoobserbahan nila ang mga tradisyon nila, hindi nila sinusundan ang Kautusan ng Diyos. At gumawa sila ng 613 batas, ngunit hindi tinutupad ang mga ito. Tingin nila’y sapat na ang kanilang relasyon sa Panginoon. Nagdadasal nga sila at nagpupulong sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit hindi nila lubos na tinutupad ang Kautusan ng Diyos. Binibigay nila ang mga ordinaryong Hudyo ng himutok na sundin ang mga ito. Pinatay din nila ang mga propeta ng Panginoon dahil hindi nila matanggap ang mga propesiya tungkol sa bayang Israel at sa Mesiyas. Kaya nga tinawag sila ni Hesus mga libingang pinuputi na bulok sa nilalaman.
Mga kapatid, nakita po natin kung anong merong ugali ang mga eskriba at Pariseo. Mismo silang nagbintang nga mga akusasyon kay Kristo para patayin siya ng mga Romano. Pero makalipas ng 37 taon, hinayaang ni Emperador Tito na wasakin at sungin ng mga Romano ang Lungsod ng Jerusalem dahil tunay ang propesiya at hinaing ni Hesus sapagkat hindi tinanggap ng mga Hudyo ang mensahe ng kaligtasan.
Kaya sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y gumawa tayo ng mabuti sa ating mga kapwa, at isabuhay ang ating mga debosyon at tradisyon sa ating araw-araw na pamumuhay.
PAGNINILAY: Patuloy ang panunuligsa ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 23:27-32), huling tinuligsa niya sila. Ang dahilan nito ay dahil sa kanilang pagpapakitang-tao na ugali. Naniniwala ang mga pinuno ng mga Hudyo na sila’y pinagpala at maliligtas dahil tingin nila’y malapit sila sa Diyos. Subalit kung inoobserbahan nila ang mga tradisyon nila, hindi nila sinusundan ang Kautusan ng Diyos. At gumawa sila ng 613 batas, ngunit hindi tinutupad ang mga ito. Tingin nila’y sapat na ang kanilang relasyon sa Panginoon. Nagdadasal nga sila at nagpupulong sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit hindi nila lubos na tinutupad ang Kautusan ng Diyos. Binibigay nila ang mga ordinaryong Hudyo ng himutok na sundin ang mga ito. Pinatay din nila ang mga propeta ng Panginoon dahil hindi nila matanggap ang mga propesiya tungkol sa bayang Israel at sa Mesiyas. Kaya nga tinawag sila ni Hesus mga libingang pinuputi na bulok sa nilalaman.
Mga kapatid, nakita po natin kung anong merong ugali ang mga eskriba at Pariseo. Mismo silang nagbintang nga mga akusasyon kay Kristo para patayin siya ng mga Romano. Pero makalipas ng 37 taon, hinayaang ni Emperador Tito na wasakin at sungin ng mga Romano ang Lungsod ng Jerusalem dahil tunay ang propesiya at hinaing ni Hesus sapagkat hindi tinanggap ng mga Hudyo ang mensahe ng kaligtasan.
Kaya sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y gumawa tayo ng mabuti sa ating mga kapwa, at isabuhay ang ating mga debosyon at tradisyon sa ating araw-araw na pamumuhay
PAGNINILAY
Ang isa sa mga pinakamahusay na papuri ay: ‘maganda sa loob at labas’. Marami sa atin ang gustong mag-isip na maganda tayo, ngunit madalas na sinasabi sa atin: “kung ano ang nasa loob ang mahalaga”. Madaling subukang maglagay ng magandang panlabas para pag-isipan tayo ng maganda ng iba. Gayunpaman, kung titingnan ng mga tao ng malapitan ang huwad na pangharap na kung minsan ay ipinagkukunwari natin, makikita nila ang dumi na pinagbabatayan ng ating huwad na panlabas. Ang gawing maganda ang ating sarili sa paningin ng Diyos ay isang hamon. Ang paglilinis sa panlabas ay para lamang sa mata ng mga tao. Ang paglilinis sa loob ay nagpapakita ng ating pagmamalasakit sa kung paano nakikita ng Diyos at kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa atin. Nawa’y maglaan tayo ng panahon upang makita kung ang ating mga salita at kilos ay mapagmatuwid sa sarili o mapagkunwari, o ang ating buhay ay tumutugma sa ating pananampalataya.
Panginoong Hesus, gawing tunay na banal ang aming kaloob-looban sa Iyong paningin. Amen.
***
MAGNILAY: Kahit anong pagpapaganda ang gawin sa isang libingan hindi maikakaila ang katotohanang sa loob nito ay kabulukan.
Karaniwang pinipinturan ng puti ang mga libingan. Kapag puti mukhang malinis at maganda nga naman. Pero ito ay para itago ang katotohanang sa loob nito ay kabulukan. Marahil kaya pinapaganda nga ang libingan bukod sa pagpapakita ng pagmamahal sa yumao ay para malimutan na sa loob nito ay kabulukan na dulot ng kamatayan.
Dito kinumpara ni Hesus ang pagiging mapagpaimbabaw ng mga eskriba at mga Pariseo. Ang kanilang pagiging ipokrito ay tulad ng libingang puting-puti at pagkalinis-linis pero sa loob ay kabulukan. Ang salitang ipokrito ay kataga na patungkol sa mga umaarte sa entablado noong unang panahon. Ipokrito ang tawag sa kanila dahil nga gumaganap sila ng papel na hindi naman sila. Naging negatibo ang kahulugan nito dahil sa mga taong nagbabait-baitan pero nasa loob ang kulo. Nagbabanal-banalan pero puno ng kasamaan at pananamantala ang kalooban.
Sinasabi ni Hesus na nababasa ng Diyos ang kalooban. Wala tayong maitatago sa kanya. Maaaring malinlang natin ang ibang tao pero hindi ang Panginoon. Hindi tayo puwedeng magpaganda sa panlabas pero sa loob natin ay kabulukan ng kasalanan.
Integridad ang katangian ng mga taong tapat sa Diyos. Sa pagkakaroon ng integridad nagtatagpo ang kalooban at ang panlabas nating katangian. Nagkakasundo ang dalawa. Nagkakapareho sila – mabuti sa loob at sa labas. Wala silang away. Walang alitan. Walang kontrahan. Walang salungatan. Ang taong may integridad ay gumagawa ng mabuti may nakakakita man o wala. Hindi lang siya mabuti kung may nakakakita. Mas napapatunayan ang kanyang kabutihan kapag walang nakakakita at nakakapansin. Kung ano ang ginagawa mo kung walang nakakakita malamang iyon ay ang tunay na ikaw. Tunay kang mabuting tao kung mabuti ang ginagawa mo kapag walang nakakakita.
Ang ikumpara sa libingan ang pinaka-masahol na puna na maaari nating matanggap. Hindi natin lubos maisip ang kabulukang nagaganap sa loob ng libingan. Hindi natin maiisip kung gaano ito karima-rimarim. Kung ikukumpara tayo sa libingan yun na ang pinakamalungkot na araw sa buhay natin. Kailangan talaga nating magbago.
MANALANGIN: Panginoon, buhayin mo at baguhin ang kalooban naming binulok ng pagkukunwari.
GAWIN: Simulan mong maglinis ng iyong kalooban sa tulong ng biyaya ng Diyos