Podcast: Download (Duration: 7:44 — 9.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Mulat sa aming pagiging hindi karapat-dapat, itinataas namin ang aming isip at puso sa iyo, Diyos Ama, at dinadala rin namin sa iyong harapan ang aming mga pangangailangan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa langit, ikaw ang lahat sa amin.
Ang Simbahan, lalo na ang kanyang mga pinuno, nawa’y isapuso ang gawaing pagpapanibago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y magpakita ng tunay na malasakit sa katarungan, dangal, at pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga gumagawa sa media nawa’y akayin ang mga tao sa katotohanan at isulong ang kahalagahan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng pag-asa, kagalingan, lakas, at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y gantimpalaan ng Panginoon ng walang hanggang kaligayahan dahil sa kanilang dalisay na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, tulungan mo kaming magmahal at maglingkod sa katotohanan at sa Espiritu sa pamamagitan ni Jesus na aming Daan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Agosto 25, 2024
Martes, Agosto 27, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sa Mateo 23:1-12, na binasa noong Sabado, narinig natin kung paanong tinuligsa ng Panginoong Hesus ang mga eskriba at Pariseo dahil sa ugaling pagkukunwari. Sila’y tinuturing na hindi isinasabuhay ang kanilang pinaparangal na mga salita.
Ngayong araw, muli tinuligsa ni Hesus ang mga pinuno ng mga Hudyong ito. Tinawag silang mga mapagimbabaw sapagkat mapagkunwaring banal, ngunit may mga pasang binibigay sa kanilang mga kapwang Hudyo. Sila rin ay tumatanim ng masasamang loob ng kasahulan kapag nag-aanyaya ng mga Hentil na umanib sa kanilang relihiyon. Isa pang panunuligsa ng Panginoon ay ang paggalang ng mga eskriba at Pariseo sa ginto ng Templo kaysa sa Templo mismo bilang tahanan ng Panginoon at trono ng kanyang luklukan.
Makikita natin dito ang ugali ng ilang tao na nakatuon palagi sa mga makamundong bagay katulad ng kayamanan, malakas ng impluwensiya higit sa ibang tao, at ang pagpapakita di umano ng kabanalang pakunwari lamang, at iba pang kasamaan. Minsan may mga natatago tayong sikretong ugali depende sa konteksto at taong ating kinakausap. Sa pagsuot natin ng mga maskara ng buhay, hindi nating akalain na alam ng Panginoon ang ating mga tunay na pamumuhay, kahit mabubuti ito o masasama. Kaya’t hindi nating kailangan itago ang ating mga kahinaan o kaya’t magpakunwari na mabuti sa ibang tao, samantala masama naman sa iba pang tao.
Ngunit ang panawagan sa atin ay maging mga mabubuting Kristiyano na kapag tayo ay may mabubuting relasyon sa Panginoon, sikapin din nating patatagin ang mabuting relasyon na iyon sa ibang kapwa. Huwag po nating pagsamantalahin ang ibang tao na tila nga ba’y ipinagmumukha natin na tayo’y mas mabuti daw, at sila raw ay masasama. Nawa’y patuloy tayo sa paggawa ng matuwid at mabuti sa ibang tao, upang ang mga magandang gawain natin ay kanilang isasabuhay para sa ikakarangal ng ating Panginoon.
Maraming salamat po sa walang sawang pagbabahagi ng inyong pagninilay. Patuloy nawa kayong pagpalain ng ating Panginoon.
Ang ating Inang Maria ay isang regalo sa atin at magandang huwaran nating mananampalataya. Ina siya ng Diyos pero ni walang bahid ng makamundong pamumuhay niya dito sa mundo at pagsasamantala sa pagkapili sa kanya bilang Ina ng ating Panginoong Jesus. Naging masunurin
siya sa ating Ama. Ika nga ng ating Inang Maria … LIVE ONLY FOR TODAY , DO NOT WORRY FOR TOMORROW FOR TOMORROW WILL WORRY ITSELF.
Ang mga tao sa mundong ito ay abalang abala sa makamundong bagay. Hindi ko sinasabing ayaw kong magkaroon ng kayamanan ngunit sinasabi ng Panginoon ay unahin nating pagtuunan ng panahon ang pinagmumulan ng lahat ng ito.. ANG ATING PANGINOON.
Dahil kung unahin natin Siya, ang lahat ng hinahangad natin ay ipagkakaloob Niya sapagkat ibig ng Diyos na Siya ang ating napaparangalan sa mga blessings na kaloob Niya.
At kung unahin natin Siya
(Kilalanin natin siya, establish an intimate relationship sa Kanya) then anything na gagawin na natin ngayon ay according to His Holy Will na. Ayaw ng Panginoon na may higit tayong pinagtutuunan sa araw araw nating buhay bukod sa Kanya.
Kaya ipanalangin natin ang mga mayayaman na maging generous sa ating mga kapatid na mahihirap at maligtas din sila tulad ng ating pagsusumidhing makasunod sa Kanyang Banal na Kalooban. Ika nga sa nasusulat, the greater the blessings the greater the responsibilities lies on our shoulders.
Ganon din ang mga pinagkatiwalaan Niyang mga workers ng Kanyang Pamahalaan. Siya ang nagtatag ng bawat Pamahalaan. Nawa silang mga workers ay tapat sa kanilang tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Panginoon at walang bahid ng pagsasamantala na yumaman sa kanilang posisyon kundi magmalasakit din sila sa ating bayan at mamamayan tulad ng pagmamalasakit ng ating Diyos sa Kanyang bayan.
Sumaatin nawa ang paghahari ng ating Panginoon.
PAGNINILAY:
Tinatawag tayo ng Diyos kahit hindi pa tayo karapat-dapat. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa atin – basta’t buksan natin ang ating sarili sa Kanyang Grasya – upang tayo ay maging karapat-dapat sa tawag sa atin nang walang bayad.
Gaano kalalim at totoo ang ating kabanalan? Ang kabanalan ba ay: madalas na pagdalo sa Misa, pagdarasal ng rosaryo araw-araw, pagsali sa simbahan o relihiyosong organisasyon, pagdalo sa mga espiritwal na seminar at pagpupulong, pagkakaroon ng imahe ni Hesus, Inang Maria, ng ating mga mahal na Santo, o pagiging tapat sa pagbibigay ng ikapu at donasyon sa simbahan? Nais ni Hesus na ipaunawa sa atin na ang kabanalan ay hindi maaaring panlabas lamang, una at pangunahin ito ay panloob. Hindi natin kailangan ng mga taong kumikilos tulad ng ang kanilang kabanalan ay para lamang sa publisidad, para lang lumikha ng positibong impresyon, nakatuon sa hitsura ng mga bagay mula sa labas at hindi sa interior. Ang kanilang relihiyon ay para lamang sa pagpupuri sa sarili. Ang kailangan natin ay mga taong mabuting gabay at pinuno, na makapagtuturo sa atin ng tama sa ating paglalakbay patungo sa Diyos. Ang kabanalan ay nagbubunga ng pag-akay natin sa isa’t isa palapit kay Hesus. Tayo ay hindi pa tapos na gawain hanggang sa ating huling hininga at hanggang sa maabot natin Siya. Nawa’y makipagtulungan tayo sa Biyaya ng Diyos sa Kanyang gawaing gawin tayong karapat-dapat
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging hindi pabago bago sa lahat ng aming sinasabi at ginagawa. Amen.
***
MAGNILAY: Galit si Hesus sa mga eskriba at mga Pariseo. Ilang beses niyang pinagdiinang sila’y sawimpalad! Pero ang galit niya ay hindi pagkamuhi. Ang galit niya ay galit ng malasakit. Gusto niyang ituwid ang mali nila lalo ang pagkakait nila sa mga walang malay na tao na tumitingala sa kanila bilang gabay. Sila pa ang nagpapahamak sa kanila. Tumanggi sila na pagharian ng Diyos. Gusto nilang huwag ding pagharian ng Diyos ang iba. Hinahadlangan at pinagsasamantalahan pa nila sila.
May mga taong piniling hindi maging maligaya sa buhay at gusto nila hindi rin maging maligaya ang iba tulad nila. Kapag nakikita nilang maligaya ang iba hahadlangan nila ito. Gagawin nila ang lahat para maging miserable rin ang kanilang buhay katulad nila. Tulad ng mga eskriba at mga Pariseo noon malaki ang kanilang pananagutan at pagbabayaran sa Diyos!
MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo akong ayusin ang miserable kong sarili.
GAWIN: Huwag gawing miserable ang iba na gaya mo.