Sabado, Agosto 24, 2024

August 24, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 24
San Bartolome

Sa ating pagpaparangal sa Apostol na isang lalaking hindi makagagawa ng panlilinlang, lumapit tayo sa Ama nang may pagtitiwala, binubuksan sa pamamagitan ng panalangin ang ating mga puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan Mo kami na Iyong hinubog
sa pamamagitan ng pananampalataya ng mga apostol.

Ang Simbahan nawa’y maging bukas sa mga pagkilos ng Espiritu lalo na sa mga samahang pinagyayaman ang pananampalataya ng Bayan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging karapat-dapat sa karangalan at dignidad sa pamamagitan ng kanilang tapat at ulirang pagtupad sa tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Magkaroon nawa ng mga programa para sa paghubog sa mga kabataan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng tulong sa paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, habang ipinararating namin sa iyo ang mga panalanging ito sa tulong ni San Bertolome, tulungan mo kaming magmahal sa iba at magtiwala sa iyong mga pagpapala sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 18, 2019 at 6:17 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome. Sa ating Ebanghelyo (Juan 1:45-51), kilala siya bilang Natanael. Napakaganda ang paraan ng kanyang pagtawag sa pagiging Apostol. Una ay ang pagkwento sa kanya ni Felipe tungkol sa Panginoon na nagmula sa Nazaret. Kaya tinanog niya, “May mabubuting bagay ba na nagmula sa Nazaret” (Juan 1:46)? At inaanyayahan siyang sumunod. Ikalawa ay ang pagtawag sa kanya ni Hesus mula sa puno ng igos. Dahil dito, buong pananampalatayang sinabi niya: “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel” (Juan 1:49)! Ang pagtawag kay San Bartolome bilang Apostol ay isang panawagan ng pananampalataya sa Panginoon. Dahil dito, ipinangako sa kanya ni Hesus na makakamit niya ang buhay na walang hanggan kasama siya. Siya ay nangaral sa Armenia at India. Doon sa India siya’y tinanggal ng balat at pinugutan ng ulo. At si Kristo ay nasa piling nila sa kanilang pagpaparangal ng Mabuting Balita sa Simbahan. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y makilala natin ang Panginoon nang may buong pananampalataya katulad ng pagtawag ni San Bartolome. Nawa’y ipahayag din natin ang kanyang mensahe sa isip, salita, at gawa.

Reply

Joshua S. Valdoz August 23, 2024 at 4:17 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome. Sa ating Ebanghelyo (Juan 1:45-51), kilala siya bilang Natanael. Napakaganda ang paraan ng kanyang pagtawag sa pagiging Apostol. Una ay ang pagkwento sa kanya ni Felipe tungkol sa Panginoon na nagmula sa Nazaret. Kaya tinanog niya, “May mabubuting bagay ba na nagmula sa Nazaret” (Juan 1:46)? At inaanyayahan siyang sumunod. Ikalawa ay ang pagtawag sa kanya ni Hesus mula sa puno ng igos. Dahil dito, buong pananampalatayang sinabi niya: “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel” (Juan 1:49)! Ang pagtawag kay San Bartolome bilang Apostol ay isang panawagan ng pananampalataya sa Panginoon. Dahil dito, ipinangako sa kanya ni Hesus na makakamit niya ang buhay na walang hanggan kasama siya. Siya ay nangaral sa Armenia at India. Doon sa India siya’y tinanggal ng balat at pinugutan ng ulo. At si Kristo ay nasa piling nila sa kanilang pagpaparangal ng Mabuting Balita sa Simbahan. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y makilala natin ang Panginoon nang may buong pananampalataya katulad ng pagtawag ni San Bartolome. Nawa’y ipahayag din natin ang kanyang mensahe sa isip, salita, at gawa.

Reply

Joshua S. Valdoz August 23, 2024 at 4:24 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome. Sa ating Ebanghelyo (Juan 1:45-51), kilala siya bilang Natanael. Napakaganda ang paraan ng kanyang pagtawag sa pagiging Apostol. Una ay ang pagkwento sa kanya ni Felipe tungkol sa Panginoon na nagmula sa Nazaret. Kaya tinanong niya, “May mabubuting bagay ba na nagmula sa Nazaret” (Juan 1:46)? At inaanyayahan siyang sumunod. Ikalawa ay ang pagtawag sa kanya ni Hesus mula sa puno ng igos. Dahil dito, buong pananampalatayang sinabi niya: “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel” (Juan 1:49)! Ang pagtawag kay San Bartolome bilang Apostol ay isang panawagan ng pananampalataya sa Panginoon. Dahil dito, ipinangako sa kanya ni Hesus na makakamit niya ang buhay na walang hanggan kasama siya. Siya ay nangaral sa Armenia at India. Doon sa India siya’y tinanggal ng balat at pinugutan ng ulo. At si Kristo ay nasa piling nila sa kanilang pagpaparangal ng Mabuting Balita sa Simbahan. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y makilala natin ang Panginoon nang may buong pananampalataya katulad ng pagtawag ni San Bartolome. Nawa’y ipahayag din natin ang kanyang mensahe sa isip, salita, at gawa.

Reply

Malou. Castaneda August 23, 2024 at 9:16 pm

PAGNINILAY:
May paunang husga ba tayo sa mga tao, karanasan, lugar? Tulad ni Nathanael, marami sa atin ang mapanghusga at mapagbalewala sa ibang tao. Isang araw naglakad ako papunta sa isang supermarket malapit sa subdivision namin at may nakita akong batang lalaki sa entrance doon. Napaisip tuloy ako, ‘Naku, mukha siyang batang ‘grasa’, medyo nakakatakot, sana hindi niya ako lapitan’. Pagkatapos ay nalaman kong nakalimutan ko ang aking pitaka. Tatakbo na sana ako pauwi para kunin. Inabot ng bata ang aking pitaka, nadulas ito sa aking bag. Ito ay isang aral para sa akin, simple at malinaw. Si Natanael mismo ay isang ordinaryong tao at sa kabila ng kanyang pagiging mapanghusga, pinuri siya ni Hesus.
Hindi ginagamit ng Diyos ang mga pamantayan ng tao.
Ang tawag ni Natanael ay isang panawagan para sa ating lahat na “lumapit at makita” si Jesus at maging Kanyang tagasunod.
Nawa’y maging katulad tayo ni Natanael na tumanggap ng paanyaya at kinilala si Hesus bilang Anak ng Diyos; ang Hari. Nawa’y marinig at sundin natin ang Kanyang tinig at maging handa tayong kumilos bilang Kanyang mga instrumento at handang ipahayag Siya sa lahat.

Panginoong Hesus, tulungan mo kaming malampasan ang anumang pagdududa na maaaring mayroon kami. Amen.
***

Reply

Group of Believer Poblite August 24, 2024 at 11:00 am

MAGNILAY: Naniniwala ang mga bihasa sa Bibliya na si Bartolome ay si Natanael din. Sa listahan ng mga apostol lagi siyang kasunod ni Felipe. Ang Bartolome ay pangalang nagpapakilala ng kanyang ama: Bar = anak; Tolome = pangalan ng kanyang ama. Kaya malamang may iba siyang tunay na pangalan.

Pinuri ni Hesus si Natanael bilang taong di magdaraya. Wala siyang duplisidad. Ibig sabihin ay hindi siya doble-kara. Hindi siya nagkukunwari o nagpapanggap upang manlinlang. Kung ano ang nakikita mo sa kanya yun siya. Katapatan ang kanyang pinanghahawakang katangian. Kung mabuti sa kanya sasabihin niya. Kung hindi naman, sasabihin din niya. Kaya nga nang ibalita ni Felipe sa kanya tungkol kay Hesus na taga-Nazaret tapat niyang sinabi ang kanyang opinyon: May nagmumula bang mabuti sa Nazaret? Nang kinalaunan ay magtagpo na sila ni Hesus pinahayag niya nang buong katapatan ang kanyang naramdaman: Kayo ang Anak ng Diyos!

Maraming mapagkunwari sa panahon ngayon. Kahit mga tagapagturo at mangangaral ay nagpapanggap na galing sa puso nila ang kanilang tinuturo o pinapangaral. Kung meron tayong tutularan kay San Bartolome ito ay ang kanyang katapatan at pagiging totoo. Huwag tayong magkaroon ng duplisidad o dalawang magkaibang mukha. Huwag tayong manlinlang, manloko o magsinungaling. Kung magsasalita tayo yung totoo lang. Kung gagawa tayo yung nanggagaling talaga sa puso natin. Huwag tayong magpabango o magpaganda o magpapogi sa harap ng lahat. Ang daming ganyan ngayon na puro lamang paporma para gumanda ang reputasyon sa tao. Ang kailangan natin ay mga taong totoo at tapat walang labis, walang kulang.

MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo kaming iwaksi ang lahat ng uri ng pagkukunwari at kasinungalingan meron kami sa aming puso.

GAWIN: Maging totoo sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa iyong Diyos.

Reply

Marz August 25, 2024 at 1:09 pm

To whom should we go, Master?
We have to make our own decisions ultimately.
We are the result of our decisions that have led us to this point.
Be accountable for our choices.
Making no decision is a choice in and of itself.
Instead of allowing someone else to make your decision for you, you should make your own.
We can make a choice.
We don’t advance and suffer because we don’t make decisions.
Where exactly do you wish to go?
Our decisions will lead us where we wish to go.
Make a stupid decision, and if you don’t, we’ll be held solely accountable.
In terms of our faith, there is no middle ground; you are either in Christ or not.
We can’t master our soul unless we can control our palate.
Discipline is a central habit so we will have a life of excellence and distinction.
1st R, The decision that we will serve the Lord.
2nd R, living a life with humility.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: