Podcast: Download (Duration: 8:31 — 10.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Ihayag natin ang ating pag-ibig sa Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. Ihayag natin ang ating mga panalangin nang may pag-ibig sa ating kapwa tulad ng ating paggalang at pagpipitagan sa ating mga sarili.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, umunlad nawa kami sa Iyong pag-ibig.
Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga pinuno, nawa’y umakay ng mga sumasampalataya sa mas malalim na kaalaman at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namumuno sa atin nawa’y gawing gabay ang pagsunod sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga tahanan nawa’y maging mga lugar ng presensya ng Diyos kung saan ang bawat isa ay natuturuang kumalinga at gumalang sa bawat isa bilang anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng banayad na haplos ng Espiritu, tayo nawa’y magkaroon ng matinding habag sa mga maysakit at sa mga matatanda, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal na yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, ibinunyag mo sa amin ang iyong kalooban sa pamamagitan ng iyong mga utos. Ngayong aming dinadala sa iyo ang aming mga kahilingan, bigyan mo kami ng biyaya na maisabuhay ang iyong mga utos. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Agosto 22, 2024
Sabado, Agosto 24, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Ezekiel 37:1-14), narinig natin ang salaysay ng pangitain ni propeta Ezekiel tungkol sa Lambak ng mga tuyong buto. Ito ay isang pagpapakita ng Diyos kay Ezekiel sa kanyang kagandahang-loob sa bayang Israel na sinalakay at inalipinan ng mga mababangis na bansa dala ng matinding pagkakasala ng tao laban sa kanya. Subalit sa kabila ng pagsusuway ng Israel at mga trahediyang sinapit ng mga Israelita, gumawa pa rin ng Diyos ng plano para iligtas ang kanyang bayan. Kasabay nito ay ang pagpapanibagong hatid niya sa kanila upang sila ay maging isang panibagong nilalang na magiging tapat sa kanya at sa dakilang kalooban niya. Ito yung Bagong Tipan na kanyang inuukit muli sa puso ng tao sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesukristo, ang tagapaghatid ng kanyang mensahe ng pagmamahal sa sanlibutan.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 22:34-40), lumapit ang mga Pariseo kay Hesus at isa sa kanila ay nagtanong sa kanya kung ano ang pinakadakilang utos. Sa Lumang Tipan, ibinigay ng Panginoong Diyos kay Moises ang mga Sampung Utos sa Bundok ng Sinai. Pagkatapos nito, ibinigay niya ang iba pang mga utos para naman sa iba’t ibang indibiduwal, na bumubuo sa tinatawag na Torah, at nakalagay sa Kaban ng Tipan. Kaya para sa mga Hudyo, itong mga utos na ito ay dapat sundan sapagkat ang Panginoong Diyos mismo ay nagbigay ng mga ito. Subalit iba ang naging sagot ng ating Panginoong Hesukristo. Mula sa kanyang tugon, ibinuod niya ang mga Sampung Utos sa pamamagitan ng dalawa pang mahalagang utos.
Una ay ang pagmamahal sa Diyos nang buong puso, isip, at kaluluwa. Ito ay nababatay sa tinatawag na Shema, Israel ng mga Hudyo (Makinig ka, O Israel!) mula sa Aklat ng Deuteronomio 6:4-9. Ang pagmamahal sa Diyos ay dapat ipinapakita nang sapat. Sa bawat sinasabi natin at sinasampalatayanan natin, dapat isabuhay din natin ang mga ito sa pamamagitan ng pagiging mga mabubuting lingkod niya. Higit sa lahat, sundin natin ang kanyang mga utos, lalung-lalo na ang kautusan ng pag-ibig ng kanyang Bugtong na Anak.
Ikalawa naman ay ang pagmamahal sa kapwa na gaya ng pagmamahal sa sarili. Ito ay nababatay sa Aklat ng Levitico 19:9-18. Kung mahal natin ang Diyos, dapat matuto tayong mahalin ang ating mga kapwa. Ngunit bago iyan, dapat mahalin natin ang ating mga sarili dahil ang Panginoon mismo ang dahilan kung bakit tayo napaparito sa daigdig. Alagaan natin ang ating sarili, at kontrolin din ito mula sa mga pagnanasa ng mundo. Pagkatapos nito, mahalin natin ang ating mga kapwa. Kung mahal natin sila at sila’y ating mga kaibigan, dapat gumawa tayo ng mabuti sa kanila. Irespetuhin natin sila anumang lahi silang nagmula. Tulungan natin sila sa oras ng kanilang pangangailangan. Dapat hayaan din natin ang ating sariling matuto mula sa mga mabubuting salita at gawain nila sa atin. Dito natin makakamtan ang mabubuting relasyon sa isa’t isa.
Sa kabuuan, ang pamamahal sa Diyos, sa sarili, at sa kapwa ay nakakapatatag sa relasyon sa Panginoon at sa ating mga kapwa. Itong dalawang dakilang utos ay bumubuod na sa mga Sampung Utos. Kaya gumawa tayo ng mabuti, at lumayo tayo sa masama. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y sundin natin ang mga ito para sa masaganang ani sa ubasan ng Kaharian ng Langit.
Ang pagmamahal sa Diyos, sa sarili, at sa iba ay nakakatulong na mapanatili ang isang malusog na koneksyon sa Panginoon at sa ating kapwa. Ang dalawang malalaking utos na ito ay bumubuo sa Sampung Utos. Gumawa tayo ng mabuti at lumayo sa kasamaan. Habang tinatahak natin ang landas na ito, nawa’y sundan natin ang kanilang mga yapak para sa masaganang ani sa ubasan ng Kaharian ng Langit.
Amen.
PAGNINILAY: Ang pagmamahal sa Diyos, sa sarili, at sa iba ay nakakatulong na mapanatili ang isang malusog na koneksyon sa Panginoon at sa ating kapwa. Ang dalawang malalaking utos na ito ay bumubuo sa Sampung Utos. Gumawa tayo ng mabuti at lumayo sa kasamaan. Habang tinatahak natin ang landas na ito, nawa’y sundan natin ang kanilang mga yapak para sa masaganang ani sa ubasan ng Kaharian ng Langit.
Amen.
Ang pangalawang utos ng Dios na mahalin natin Ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili ay pagsasabuhay
ng salita ng Dios. ito ay kalugod lugod sa tinging ng Dios at dakilang nagpapatunay ng ating pagsunod sa kanyang kautusan. Ito din Ang nagpapatunay na malapit tayo patungo sa kanyang hinandang ubasan ng kalangitan. Amen.
PAGNINILAY
Nakasentro si Hesus sa Kanyang mensahe sa pag-ibig; sa dalawang pag-ibig na nagkakaisa sa bawat isa sa atin. Mahalin ang Diyos, mahalin ang ating kapwa ay ang buod ng ating pananampalatayang Kristiyano. Kung wala ito, ang lahat ng sinasabi nating ginagawa natin para sa Kanya ay talagang ginawa para sa ating sarili. Ang mensahe ni Hesus ay sumasaklaw sa lahat at sumasaklaw sa lahat ng ating relasyon, pareho sa mga magkakalapit na relasyon tulad ng kasal, pagkakaibigan, pamilya, at ang tawag na mahalin ang lahat. Kung mahal natin ang Diyos, makikita natin Siya sa iba at pakikitunguhan natin sila ng makatarungan at marangal. Hindi natin sasaktan ang ating kapwa ngunit gagawin natin ang lahat para mamuhay ng payapa sa kanila. Ang ating buhay ay natutupad sa pagsunod sa dalawang utos na ito at sa gayon ang lahat ng iba pang mga batas ay natutupad.
Panginoong Hesus, punuin Mo kami ng dakilang pagmamahal sa Iyo upang ito ay mag-umapaw sa iba. Amen.
***