Miyerkules, Agosto 21, 2024

August 21, 2024

Paggunita kay Papa San Pio X

Ezekiel 34, 1-11
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Mateo 20, 1-16a


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Memorial of St. Pius X, Pope (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 34, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, magpahayag ka laban sa mga pinuno ng Israel. Sabihin mong ipinasasabi ko: Nakatakda na ang parusa sa inyo, mga pinuno ng Israel. Sarili ninyo ang inyong iniintindi at hindi ang mga tupa. Iniinom ninyo ang gatas, nagdaramit kayo ng lana, nagpapatay ng mga pinatabang hayop, ngunit hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. Bakit hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, ni ginagamot ang mga maysakit, ni hinihilot ang mga pilay? Bakit hindi ninyo hinahanap ang nawawala, ni ibinabalik ang nalalayo? Sa halip ay ginagamitan ninyo sila ng kamay na bakal. Sila’y nangangalat, at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang pastol. Ang mga tupa ko’y nagkalat sa mga bundok, burol at sa lahat ng panig ng daigdig, ngunit walang ibig humanap sa kanila.

“Dahil dito, mga pinuno, dinggin ninyo ang aking sinasabi: Ako ang Diyos na buhay. Ang mga tupa ko’y pinipinsala at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang nangangalaga. Hindi hinahanap ng mga pastol ang aking mga tupa. Sa halip na alagaan nila ang mga ito, ang sarili nila ang binubusog. Kaya nga makinig kayo, mga pastol. Pakinggan ninyo itong aking sinasabi: Laban ako sa inyo. Pananagutan ninyo ang nangyayari sa aking mga tupa. Hindi ko na kayo gagawing pastol upang hindi na ninyo mabusog ang inyong sarili. Ilalayo ko sa inyo ang aking mga tupa at hindi na ninyo mapakikinabangan ang mga ito.”

Ito ang ipinasasabi ng Panginoon: “Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang Salita ng Diyos
Ganap nitong natatalos
Tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 20, 1-16a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’

“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Marz August 17, 2022 at 11:02 pm

The workers in the Lord’s vineyard

The kingdom of heaven is said to be like a householder who hired workmen to cultivate his vineyard. Who bet­ter can we take to be the householder than our Creator, who rules over those he created, and governs his elect in the world in the same way as a master does those subject to him in his house? He has a vineyard, that is to say the universal Church, which has brought forth many saints as so many branches, from righteous Abel up to the last of the elect who will be born at the end of the world.
The householder hired workmen to cultivate his vineyard, in the morning, and at the third, sixth, ninth and eleventh hours, since preachers do not cease to preach for the in­struction of the faithful from the beginning of this world up to its end. The morning indeed was from Adam to the time of Noah, the third hour from the time of Noah to the time of Abraham, the sixth from the time of Abraham to the time of Moses, the ninth from the time of Moses to the coming of the Lord; and the eleventh is from the coming of the Lord to the end of the world. In this period the holy apostles, who received a full reward even though they came late, have been sent as preachers.
At no time, then, did the Lord cease sending his people workmen to instruct them, to cultivate his vineyard, as it were? When he first cultivat­ed his people through the patriarchs, and later through the teachers of the law, and then through the prophets, and at last through the apostles, he labored at the cultivation of his vineyard as if by his workmen. Everyone, though, who had the right faith with good works, in whatever ca­pacity or measure, was a workman in his vineyard.

Reply

Teresita Lansangan August 18, 2022 at 2:52 am

PAGNINILAY:
Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang Panginoon ay mapagbigay sa lahat. Ang pagpapasweldo sa ating lahat ay ang alay Niya sa atin na buhay na walang hanggan. Ang mga trabahador naman ay tayo. May iba sa atin, mula umpisa pa lang ay malapit na sa Diyos. May iba naman sa gitna ng kanilang buhay. May iba naman sa bandang hulihan na. Subalit basta’t magsisi, at tumalikod sa kasalanan ay maari pa ring maligtas ng Diyos. Ganito ang Kanyang awa at habag. Handang maghintay ang Panginoon sa atin kahit habang buhay. Ang aral lamang dito, bagamat makukuha pa rin natin ang buhay na walang hanggan kung magsisi sa huli, bakit hindi pa ngayon? Bakit hindi pa tayo tumalikod sa mga bagay na dapat talikuran ngayon?

Nang sa gayon, maging masaya tayo na naging mabunga ang ating buhay dahil naging makabuluhan ito sa piling ng Diyos. At masasabi nating hindi ito naaksaya nang lubusan sa mga makamundong bagay o nasa na madaling mauubos at hindi nagtatagal. Nasa atin ang desisyon, habang ngayon na may oras at panahon pa tayo. Nawa ay biyayaan tayo ng liwanag at pang-unawa ng Diyos upang magawa natin at mabitawan ang anumang hindi na karapat-dapat sa ating buhay. Amen.
Credit to DCFVanguards

Reply

Mel Mendoza August 20, 2024 at 4:08 pm

Ang talinhaga ng Mga Manggagawa sa Ubasan sa Ebanghelyo sa araw na ito ay isang reflection ng iba’t ibang klaseng tao mayroon ang bawat mananampalataya na tinawag ng Diyos sa kanya kanyang oras at panahon. Ang ubasan ay ang kaharian at ang tumawag sa manggagawa ay ang Diyos. Iyung mga naunang tapat na manggagawa ay ang mga tumanggap at tumugon ng maaga upang maglingkod sa Diyos, at yung mga huling tinawag ng may-ari ng ubusan sila yung mga huling nakatanggap ng biyayang sumunod hanggang sa katapusan ng araw ng paglilingkod sa Diyos.

Kung isasalin ang kwento sa Mabuting Balita ito ay paglalarawan ng isang realidad na pwedeng tawaging isyu ng mga naglilingkod sa simbahan. Minsan makikita natin sa mga manang/manong sa atin mga parokya ang superiority na kung saan naririnig na matagal na silang mga lingkod at natural lamang na may ibang tratamento sa kanila ang kura at dapat mas higit ang nakukuha nilang mga konsolasyon at pribelihiyo dahil mayroon na silang mga pinatunayan sa larangan ng paglilingkod na komo sila ay laging nandyan para makatulong ni father sa mga gawaing pastoral at iba pa. Ang katotohanan nangyayari naman talaga ito sapagkat silang mga naunang tumanggap ng biyayang maglingkod sila ito ang laging pinagkakatiwalaan siguro dahil na din sa kanilang mga magagandang track record.

Itinuturo sa Ebanghelyo na ang pamantayan ng tao ay malayo at magkaiba sa pamantayan ng Diyos sapagkat ang tiningnan dito ay hindi sa kung ano haba ng panahon na naglingkod kundi nasa grasya at pagpapala ng Diyos ang mananaig. Nasa Kanyang kamay lamang ang mga pagpapasya. Kung kaya nga sinasabi na “May mauuna na mahuhuli sa kaharian”. Ang mahalagang aral na pwedeng panghawakan una, wala sa mga kamay natin ang pagpapasya sa bawat gusto natin asamin sa buhay. Makontento at maging masaya tayo sa kung ano mayroon at laging ipagpasalamat ito sa Diyos. Maiiwasan natin ang pagka-inggit sa kung ano mayroon ang iba kung laging iisipin kung sa anong paraan makapaglingkod. Laging tumingin at tanungin ang sarili sa kung anong paraan lagi makapag-alay ng sarili para sa kapwa. Sa ganitong kaisipan malalaman kung tayo nga ay pinaghaharian na ng Diyos.

Sa panghuli, laging isipin na tangi Diyos lamang ang may karapatan magkaloob ng mga biyaya at ito ay iginagawad sa atin ng pantay pantay. Bilang pagbabalik-loob, sa bawat ginagawa nating kabutihan sa kapwa ito ay ginawa natin para sa Kanyang dakilang kapurihan. Kung kaya pag tayo ay may ginawang kabutihan sa kapwa ito ay ginawa ng Diyos hindi dahil sa tayo ay mabuti kundi dahil sa kabutihan ng Diyos sa atin.
Maging huwaran nawa tayong manggagawa sa ubasan ng Diyos.

Reply

Malou. Castaneda August 20, 2024 at 9:34 pm

PAGNINILAY
Ang inggit ay masasabing pinakamalason sa mga nakamamatay na kasalanan. Hindi lamang kinasusuklaman ng mga naiinggit ang iba para sa kung ano ang mayroon sila, ngunit kinasusuklaman nila ang kanilang sarili dahil sa wala nito. Lahat tayo ay katrabaho sa ubasan ng Diyos. Makatitiyak tayong bawat isa na haharapin Niya tayo hindi lamang ng makatarungan kundi
bukas-palad sa atin. Ang may-ari ng ubasan, sa kanyang awa, ay gumanti ng pantay sa lahat. May mga pagkakataon ba na makasarili nating itinuturing ang ating sarili na mas karapat-dapat kaysa sa iba? Hilingin natin sa Panginoon na patawarin tayo sa ating mga saloobing nagseselos at tulungan tayong magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo at huwag manghinayang sa iba sa anumang magandang kapalarang darating sa kanila. Hilingin natin sa Kanya na tulungan tayo na maging bukas-palad sa ating pakikitungo sa iba at huwag isipin ang ating sarili bilang mas karapat-dapat.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming tularan ang Iyong halimbawa ng pagiging bukas-palad sa lahat. Amen.
***

Reply

Becca GG August 21, 2024 at 1:34 pm

Maganda Ang aral ng evanghelyo ngaun araw. Ang ubasan kaharian ng Dios ay para sa lahat ng MGA sumusunod sa kautusan at totoong nagmamahal sa Dios . Kung meron man nauna sa atin naimbitahan ng Dios sa kanyang ubasan ay huwag sana isipin na mas malaki Ang kanilang gantimpala o mas mahal sila ng Dios. Nauna man sila pero parepareho Ang pagmamahal ng Dios sa MGA nauna o nahuli. Huwag natin ipagmalaki ito bagkus gawin natin mabuti Ang kautusan ng Dios para maging isang huwaran sa iba. Iwasan Ang inggit sapagkat lason ito sumisira sa ating isipan a pakikipagrelasyun sa ating kapwa. .

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: