Podcast: Download (Duration: 10:16 — 11.8MB)
Paggunita kay San Roque, nagpapagaling
Ezekiel 16, 1-15. 60. 63
o kaya Ezekiel 16, 59-63
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6
Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
Mateo 19, 3-12
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of St. Rock (Roque), Healer (White)
Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA
Ezekiel 16, 1-15. 60. 63
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, ipamukha mo sa Jerusalem ang kanyang kasuklam-suklam na gawain. Sabihin mong ipinasasabi ng Panginoon na kanyang Diyos: Ikaw ay mula sa Canaan. Amorreo ang iyong ama at Hetea ang iyong ina. Nang ikaw ay isilang, hindi ka pinutulan ng pusod ni pinaliguan ni kinuskos ng asin ni binalot ng lampin. Walang nag-ukol ng panahon upang gawin sa iyo ang isa man sa mga bagay na dapat gawin. Wala man lamang naawa sa iyo. Basta ka na lamang inilapag sa lupa nang ikaw ay isilang.
Nadaanan kitang kakawag-kawag sa sarili mong dugo. Sinabi ko sa iyo noon na mabubuhay ka at lalaking tulad ng mga halaman sa parang. Lumaki ka nga at naging dalaga. Maganda ang iyong dibdib. Mahaba ang iyong buhok ngunit ikaw ay hubad.
Nang madaanan kita uli, nakita kong ikaw ay ganap nang dalaga. At ibinalabal ko sa iyo ang aking kasuotan upang matakpan ang iyong kahubaran. Nangako ako sa iyo nang buong katapatan. Nakipagtipan ako sa iyo, at ikaw ay naging akin. Pinaliguan kita. Nilinis ko ang dugo mo sa katawan, at pinahiran kita ng langis. Dinamtan kita ng may magagandang burda, at sinuutan ng sandalyas na balat. Binalot kita ng pinong lino at damit na seda. Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang braso, at binigyan ng kuwintas. Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona. Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto. Ang kasuutan mo’y pinong lino, piling seda, at telang nabuburdahan nang maganda. Ang pagkain mo’y yari sa pinakamainam na harina. Pulot-pukyutan at langis ang iyong inumin. Lumaki kang walang kasingganda at nalagay sa katayuan ng isang reyna. Natanyag sa lahat ng bansa ang iyong kagandahan pagkat lalo itong pinatingkad ng mga palamuting iginayak ko sa iyo.
Ngunit naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Anupat nabuyo ka sa pagiging patutot at ang sarili mo’y ipinaangkin sa lahat ng makita mo.
Gayunman, hindi ko na rin kalilimutan ang ginawa kong tipan sa iyo nang ikaw ay bata pa. Ngayon ay gagawa ako ng tipan para sa atin, hindi ito masisira kailanman. Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan.”
Ang Salita ng Diyos.
o kaya:
Ezekiel 16, 59-63
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Ito ang ipinasasabi ng Panginoon: “Ilalapat ko sa inyo ang parusang angkop sa pagsira mo sa tipan at pangako. Gayunman, hindi ko na rin kalilimutan ang ginawa kong tipan sa inyo nang ikaw ay bata pa. Ngayon ay gagawa ako ng tipan para sa atin, hindi ito masisira kailanman. Kung magkagayon, maaalaala mo noong ikaw ay bata pa at mapapahiya ka sa sarili mo kapag nakasama mo na ang mga kapatid mong nakababata at nakatatanda sa iyo. Sila’y isasama ko sa iyo bagaman hindi talagang kabilang sa tipan ko sa iyo. Gagawin ko nga ang aking pakikipagtipan sa iyo. Sa gayo’y makikilala mong ako ang Panginoon. Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6
Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,
tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.
Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
Magpasalamat kayo sa Poon
siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
Umawit kayo ng papuri sa Poon,
sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal ng Israel.
Galit ng D’yos ay naparam,
pinatawad n’ya ang tanan.
ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13
Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 19, 3-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulutan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?” Sumagot si Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.”
Sinabi ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” Sumagot si Hesus, “Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Huwebes, Agosto 15, 2024
Sabado, Agosto 17, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Maraming kritiko ngayon ay natatanong: “Bakit ba di-sang-ayon ang Simbahang Katolika sa diborsyo?” Ang sagot ay makikita sa ating Ebanghelyo ngayon (Mateo 19:3-12). Tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung naayon sa batas ang pagdiborsyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae dahil inutuos nga raw ni Moises na bigyan ng isang kasalutan. Sinagot ni Hesus na ang diborsyo ay hindi plano ng Diyos, kundi kasal. Nangyari lang iyan dahil sa katigasan ng puso ng mga tao. Ang turo niya tungkol sa Sakramento na Kasal ay nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, at mayroon espirituwal na pagsasama, at nagiging isa ang dalawa. At sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga alagad na sinumang nagdiborsyo sa kanyang asawa at nagpakasal sa isa pa ay nakikiapid na.
Mga kapatid, napakalinaw ang mga salita ng Panginoon: ang plano ng Diyos ay kasal, at ang tao lang mismo ay nagplano ng diborsyo. Subalit may mga kasong inaabuso ang lalaki sa kanyang asawang babae, at pinipilitan ang babae na humiwalay sa kanyang asawang lalaki. Sa pananaw ng Simbahan, pinapayapagan naman ang pagpapawalang-bisa ang kasal (annulment) at paghihiwalay (separation), subalit hindi ang diborsyo. Pero may mga babae lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso ng asawa ay sinasabing dapat pahayagan ang diborsyo sa bawat Estado ng mga bansa, lalo na hindi pa ito sinasabatas at inaaproba ng Tagapagpaganap at Pambatasan ng ating bansa. Kaya lang hindi ito kailanman papayapagan ng ating Simbahan.
Ang nais lang ipunto ng Ebanghelyo sa ating buhay-Kristiyano ay maging maayos at matapat ang relasyon sa isa’t isa. Dapat tingan muna ng magkasintahan kung magiging wasto ang kanilang sibil at espirituwal na pagsasama. At ang bawat pangako na binibigkas sa kasal ay kailangan wagas, at ang pamilyang ibubuo ay dapat ipatatag at ippagmalaki nang maayos. Kaya sa ating pamumuhay sa daang ito, nawa’y maging matatag, mabuti, at maayos ang bawat relasyon ayon sa mga mata ng Diyos at sa tamang landas ng pamumuhay.
**Paggunita kay San Roque, Nagpapagaling**
### Mga Pagbasa:
1. **Ezekiel 16, 1-15. 60. 63 o Ezekiel 16, 59-63**
– Sa mga pagbasa mula kay Ezekiel, ipinapakita ang malalim na pag-ibig at awa ng Diyos sa Kanyang bayan sa kabila ng kanilang kataksilan. Ang Israel ay inilalarawan bilang isang babaeng piniling maging kabiyak ng Diyos, subalit siya ay naging taksil. Sa kabila nito, ipinangako ng Diyos na Kanyang aalalahanin ang tipan at muling magbibigay ng pagkakataon sa Kanyang bayan.
2. **Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6**
– Ang Salmo ay isang awit ng pasasalamat at kagalakan dahil sa kaligtasan na ipinagkaloob ng Diyos. Ipinahayag dito ang pagpapatawad at awa ng Diyos, at ang Kanyang pagpapahayag ng kaligtasan sa lahat ng dako ng daigdig. Ito ay nagpapahayag ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, na Siya ang nagbibigay ng kaligtasan at kasaganaan.
3. **Mateo 19, 3-12**
– Sa Ebanghelyo, sinubukan ng mga Pariseo si Jesus sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa diborsyo. Itinuro ni Jesus ang orihinal na plano ng Diyos para sa pag-aasawa—na ito ay isang banal na tipan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na dapat manatili magpakailanman. Binanggit din ni Jesus ang tungkol sa pagiging ebunuko para sa kaharian ng Diyos, na nangangahulugang ang mga pumipili ng buhay ng kalinisan para sa isang mas mataas na layunin ay may espesyal na lugar sa kaharian ng Diyos.
### Mga Aral at Punto ng Pagninilay:
1. **Ang Awa at Pag-ibig ng Diyos**:
– Sa pagbasa mula kay Ezekiel, makikita ang matinding pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan, kahit na sila ay nagkasala at naging taksil. Ipinapaalala sa atin na kahit gaano kalalim ang ating mga kasalanan, ang Diyos ay laging handang magpatawad at magpanibago ng tipan sa atin. Ang pagpapatawad ng Diyos ay walang hanggan at Kanyang pinaaabot sa lahat ng naghahangad ng Kanyang awa.
2. **Pagpili ng Pag-aasawa bilang Isang Banal na Tipan**:
– Sa Ebanghelyo, pinalalim ni Jesus ang ating pag-unawa sa kasal bilang isang hindi mababasag na tipan. Ang kasal ay isang biyayang ibinigay ng Diyos, at ang tunay na kaligayahan sa buhay may-asawa ay matatagpuan sa pagsunod sa orihinal na layunin ng Diyos para dito. Ang pagtataguyod ng katapatan at pagmamahal sa loob ng kasal ay isang mahalagang aspeto ng ating buhay Kristiyano.
3. **Sakripisyo at Pagtatalaga para sa Kaharian ng Diyos**:
– Ang pagtuturo ni Jesus tungkol sa pagiging ebunuko para sa kaharian ng Diyos ay nagpapakita ng mataas na antas ng sakripisyo at pagtatalaga. Ang mga pumipili ng buhay ng kalinisan para sa mas mataas na layunin ay ipinakikitang may natatanging lugar sa kaharian ng Diyos. Ito ay isang paalala na ang lahat ng ating pagsusumikap at sakripisyo para sa Diyos ay may malaking kahulugan sa Kanyang plano ng kaligtasan.
4. **Pag-aalaga at Pagpapagaling**:
– Si San Roque, bilang isang patron ng mga maysakit at nagtataguyod ng pagpapagaling, ay isang halimbawa ng pagsasabuhay ng pagmamalasakit sa kapwa. Ang kanyang buhay ay isang inspirasyon sa atin upang magpakita ng malasakit, lalo na sa mga may karamdaman. Sa kanyang pamamagitan, hinihikayat tayo na maging instrumento ng pagpapagaling at tulong sa mga nangangailangan.
### Pagninilay:
Sa paggunita kay San Roque, tayo ay pinaaalalahanang magpakita ng malasakit sa mga maysakit at nangangailangan. Ang mga pagbasa ay nagtuturo sa atin na maging matapat sa ating mga tipan, magtiwala sa awa at pag-ibig ng Diyos, at isabuhay ang sakripisyo at pagtatalaga para sa kaharian ng Diyos. Nawa’y maging inspirasyon si San Roque upang tayo ay maging mas mahabagin at mapagmalasakit sa ating kapwa.
Amen.
PAGNINILAY: Maraming kritiko ngayon ay natatanong: “Bakit ba di-sang-ayon ang Simbahang Katolika sa diborsyo?” Ang sagot ay makikita sa ating Ebanghelyo ngayon (Mateo 19:3-12). Tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung naayon sa batas ang pagdiborsyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae dahil inutuos nga raw ni Moises na bigyan ng isang kasalutan. Sinagot ni Hesus Nazareno na ang diborsyo ay hindi plano ng Diyos, kundi kasal. Nangyari lang iyan dahil sa katigasan ng puso ng mga tao. Ang turo niya tungkol sa Sakramento na Kasal ay nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, at mayroon espirituwal na pagsasama, at nagiging isa ang dalawa. At sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga alagad na sinumang nagdiborsyo sa kanyang asawa at nagpakasal sa isa pa ay nakikiapid na.
Mga kapatid, napakalinaw ang mga salita ng Panginoon: ang plano ng Diyos ay kasal, at ang tao lang mismo ay nagplano ng diborsyo. Subalit may mga kasong inaabuso ang lalaki sa kanyang asawang babae, at pinipilitan ang babae na humiwalay sa kanyang asawang lalaki. Sa pananaw ng Simbahan, pinapayapagan naman ang pagpapawalang-bisa ang kasal (annulment) at paghihiwalay (separation), subalit hindi ang diborsyo. Pero may mga babae lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso ng asawa ay sinasabing dapat pahayagan ang diborsyo sa bawat Estado ng mga bansa, lalo na hindi pa ito sinasabatas at inaaproba ng Tagapagpaganap at Pambatasan ng ating bansa. Kaya lang hindi ito kailanman papayapagan ng ating Simbahan.
Ang nais lang ipunto ng Ebanghelyo sa ating buhay-Kristiyano ay maging maayos at matapat ang relasyon sa isa’t isa. Dapat tingan muna ng magkasintahan kung magiging wasto ang kanilang sibil at espirituwal na pagsasama. At ang bawat pangako na binibigkas sa kasal ay kailangan wagas, at ang pamilyang ibubuo ay dapat ipatatag at ippagmalaki nang maayos. Kaya sa ating pamumuhay sa daang ito, nawa’y maging matatag, mabuti, at maayos ang bawat relasyon ayon sa mga mata ng Diyos at sa tamang landas ng pamumuhay. Amen
MAGNILAY: Iniangat ng Diyos ang antas ng pagmamahalan ng mga mag-asawa. Mula ngayon ang mga mag-asawa ay magpapatotoo sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang kanyang pag-ibig ang siyang magiging kanilang pamantayan. Una, ang pag-ibig ng Diyos ay walang kondisyon. Mahal niya tayo hindi dahil perpekto tayo. Sadyang mahal lang niya tayo sa kabila ng ating kakulangan, kahinaan at kapintasan. Ikalawa, ang pag-ibig niya’y tapat hanggang wakas. Hindi ito nagbabago ni napapagod. Hindi ito umaayaw ni sumusuko. Ikatlo, ang pag-ibig niya’y mapagpatawad. Hindi ito nagbibilang ni nanunukat. Magmamahal pa rin kahit nasaktan. Mahirap man ngunit hindi imposibleng tularan ang pag-ibig ng Diyos. Sa kanya walang di natin makakayanan.
MANALANGIN: Panginoon, gawin mong ang aming pag-ibig ay maging tulad ng pag-ibig mo.
GAWIN: Ipaglaban mo ang pag-ibig mo hanggang wakas.
PAGNINILAY:
Ang paghihiwalay o diborsyo ay laganap. Tayo ay naging isang mapagtapon na lipunan. Kung ang isang bagay ay hindi gumagana, itinatapon natin dahil mas mura at mas madali ito na palitan kaysa ayusin. Mas malakas ang inklinasyon na makita ang pangako ay mahusay lamang hangga’t ito ay maayos ang takbo. Kung ang isang kasal ay hindi gumagana, ang mag-asawa ay maaaring magpasya na maghiwalay o magdiborsiyo sa halip na pumunta sa pagpapayo. Kung ang isang pagkakaibigan ay “papunta sa wala” o may nakasakit sa atin, maaari tayong magpasya na wakasan ang relasyon. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang kakayahang magpatawad ng mga kasalanan. Ang pag-aasawa ay huwaran upang ipakita ang pag-ibig na ito ng Diyos na nagpapatawad at nagtitiis. Ang pag-ibig na ito ay nag-iisip muna ng kabutihan ng ibang tao, nagbibigay inspirasyon sa pakikiramay dahil naiintindihan nito ang mga pagkakamali at kahinaan ng ibang tao, at nakikita ang kabutihan ng iba at hindi sumusuko sa kanila. Nawa’y patuloy tayong magdasal at manghikayat lalo na sa mga kabataan na ihanda nang husto ang kanilang mga sarili bago magdesisyong magpakasal. Nawa’y patuloy tayong tumulong sa mga mag-asawang nanganganib na magkahiwalay. At magpasalamat tayo sa presensya sa ating buhay ng mga taong nagmamahal sa atin, nagpapatawad, nanindigan, nakipagtawanan sa atin, nagdiwang ng mahahalagang sandali kasama natin, at para sa maraming regalo at pagmamahal na ibinigay nila sa atin.
Panginoong Hesus, tulungan mo kaming maging tapat sa aming tawag. Amen.
***
Adultery is more than just having a sexual relationship with someone you are not married to; everything unpure and corrupted is adultery.
For those who are sincerely in love, divorce is not an option.
Avoid thinking about anything that will harm the connection.
Amen. – Father Dave Concepcion.