Podcast: Download (Duration: 6:38 — 8.5MB)
Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Ponciano, papa
at San Hipolito, pari, mga martir
Ezekiel 2, 8 – 3, 4
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Tuesday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Pontian, Pope and Martyr, and St. Hippolytus, Martyr and Priest (Red)
UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 8 – 3, 4
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel
Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Tao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang tutulad sa kanila na naghimagsik sa akin. Ngumanga ka. Kanin mo ito.” Nang ako’y tumingala, may nag-abot sa akin ng isang aklat na nakabalumbon. Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panambitan, pagdadalamhati, at sumpa.
Sinabi pa sa akin, “‘Kanin mo ang aklat na ito. Pagkatapos, magpahayag ka sa sambahayan ni Israel.”
Ngumanga ako upang kanin ang aklat. Sinabi niya sa akin, “Kanin mo ito at magpakabusog ka.” Kinain ko nga ang aklat. Ang lasa ko’y parang pulot-pukyutan.
Sinabi niya sa akin, “Tao, pumunta ka sa sambayanang Israel at sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan
higit pa sa pagkagalak na dulot ng kayamanan.
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,
siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
O kay tamis na namnamin ang utos mong ibinigay,
matamis pa kaysa pulot yaong lasang tinataglay.
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.
ALELUYA
Mateo 11, 29ab
Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.
Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.
Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Lunes, Agosto 12, 2024
Miyerkules, Agosto 14, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Marami tayong kilalang sikat na tao. Sa larangan ng basketbol, naroon sina LeBron James, Kobe Bryant, Michael Jordan, Stephen Curry, Marc Pingris, Andray Blatche, James Yap, Benjie Paras, Samboy Lim, at marami pa. Sa larangan ng negosyo, naroon sina Henry Sy, Sr., John Gokongwei, Tony Tan Caktiong, Andrew Tan, Lucio Tan, Zobel de Ayala, Bill Gates, Warren Buffet, Steve Jobs, at marami pa. Sa larangan ng showbiz at entertainment (kanta, sayaw, arte, atbp.), naroon sina Nora Aunor, Regine Velasquez, Lea Salonga, Governor Vilma Santos, Gary Valenciano, Martin Nivera, Dolphy, Kuya Germs, at marami pa. Sa larangan ng politika, naroon ang mga dating Pangulo ng Pilipinas at ang kasalukuyang si Pangulong Rodrigo Duterte at ang dating Pangulong Noynoy Aquino, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump at ang dating Pangulong Barrack Obama, ang Punong Ministro ng Russia na si Vladimir Putin, ang Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe, at marami pa. At sa larangan ng Simbahan naman, naroon sina Kardinal Tagle, Papa Francisco, Papa-emerito Benedicto XVI, at marami pang mga obispo at pari. May mga iba pang kilalang personalidad ng karamihang tao sa iba pang mga larangan. Pero paano ba sila naging ganyang kilala ng napakaraming nagmamahal at nagsusuporta sa kanila? Bakit ba nga sila patuloy na nagiging inspirasyon?
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 18:1-5, 10, 12-14), lumapit ang mga alagad upang itanong kay Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila. Kaya’t tumawag siya ng bata at pinalapit ito sa kanya. Inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang bata dahil ang mayroon ito ay ang pagiging magpakumbaba at masunurin. Sa ating Unang Pagbasa (Ezekiel 2:8—3:4), makikita natin kung paanong tinawag ng Diyos si Ezekiel na maging propeta. Dahil sa kanyang pagmamahal sa Bayang Israel na itinapon sa Babilonia, inutos niya kay Ezekiel na kainin ang aklat ang ipahayag ang mensahe ng katapatan ng Panginoon sa kanyang sambayanan na sila’y kanyang anunumbalik sa kanilang lupain. Si Propetang Ezekiel ay kilala bilang isa sa mga napakadakilang propeta ng Lumang Tipan, kasama nina Isaias, Jeremias, at Daniel, kaya’t tanyag ang kanyang mga propesiya tungkol sa pagiging matapat sa Diyos sa kabila ng pagkakasala ng tao. Kaya nga itong mga sikat na tao ay nagmula sa isang simpleng pamumuhay, at naging tapat sila sa pagiging mga mabuting anak sa kanilang mga magulang.
Ganun din dapat tayo sa ating buhay. Kailangan natin maging katulad ng mga bata. Hindi itong nangunguhulugan na magkulitan at magharutan tayo, kundi maging magalang, masunurin, at matulungin sa ating mga kapwa dahil ang mga ito ay itinuro sa atin ng ating mga magulang at mas nakakatanda sa atin (hal. guro at pari). At dito natin masasabi na dakila tayo sa harap ng Diyos. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga anak ng Diyos na magpakumbaba at masunurin. At kahit tayo’y dakila na, nawa’y sikapin din nating tumulong sa ating mga kapwa, lalung-lalo na ang mga nangangailangan.
Sa mga pagbasa ngayong Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o sa Paggunita kay San Ponciano at San Hipolito, may mga mahalagang aral na mapupulot na nagtuturo sa atin ng mga pangunahing aspeto ng ating pananampalatayang Kristiyano.
### 1. **Pagsunod at Pagtanggap sa Salita ng Diyos (Ezekiel 2:8 – 3:4)**
– Sa unang pagbasa mula sa aklat ni Ezekiel, iniutos ng Diyos kay Ezekiel na kainin ang isang balumbon ng salita ng Diyos, na nagtataglay ng mga babala at pahayag. Matapos niyang kainin, ito’y naging matamis sa kanyang panlasa. Ang aral dito ay ang kahalagahan ng pagtanggap at pagsunod sa salita ng Diyos, kahit na ito’y maaaring magdala ng mabigat na mensahe. Ipinapakita rin nito na ang mga salita ng Diyos, kahit minsan ay mahirap tanggapin, ay may taglay na katamisan at kagandahan na magdadala ng buhay at kaligtasan sa atin.
### 2. **Ang Kahalagahan ng Salita ng Diyos (Salmo 118)**
– Ang Salmo 118 ay isang awit ng pagdakila at pagninilay sa kahalagahan ng mga utos at batas ng Diyos. Sa bawat talata, ipinapahayag ng salmista ang kaligayahan at tamis na dala ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang aral dito ay ang pagkilala sa mga utos ng Diyos bilang mahalagang gabay sa ating buhay. Ang mga ito ay hindi lamang mga alituntunin, kundi mga tagubilin na nagbibigay ng tunay na kaligayahan at kapayapaan.
### 3. **Pagiging Mababa at Pagmamalasakit sa Maliit (Mateo 18:1-5, 10, 12-14)**
– Sa Ebanghelyo ni Mateo, tinanong ng mga alagad si Jesus kung sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit. Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng pagtawag sa isang bata at sinabing ang sino mang nagpapakumbaba na tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. Idinagdag rin Niya na ang sinumang tumatanggap sa isang bata sa Kanyang pangalan ay tumatanggap sa Kanya, at binalaan ang sinumang mang-aapi o mang-aalipusta sa mga maliliit. Ipinakita rin ni Jesus ang Kanyang malasakit sa mga nawawala sa pamamagitan ng talinghaga ng nawawalang tupa. Ang aral dito ay ang kahalagahan ng pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa mga aba at maliit, at ang malasakit sa mga nawawala sa pananampalataya. Ang tunay na kadakilaan sa mata ng Diyos ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o posisyon, kundi sa pagiging mababa ang loob at pagtanggap sa iba, lalo na sa mga walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.
### **Karagdagang Aral mula sa Buhay nina San Ponciano at San Hipolito**
– Kung ipagdiriwang ang Paggunita kina San Ponciano at San Hipolito, maaaring magpulot ng inspirasyon mula sa kanilang buhay ng pagkamartir. Bagamat nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan noong una, sa huli ay kapwa sila naging tapat sa kanilang pananampalataya kahit sa harap ng kamatayan. Ang kanilang halimbawa ay nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagpapatawad, at katapatan sa Diyos kahit sa gitna ng mga pagsubok.
### **Pagninilay:**
– Ang mga pagbasa ngayong araw ay nagtuturo sa atin na ang pagiging tunay na dakila ay nakasalalay sa ating pagpapakumbaba, pagtanggap sa salita ng Diyos, at pagmamalasakit sa mga mas mahina at aba. Hinahamon tayo na maging bukas sa mga utos ng Diyos, na nagdudulot ng tunay na kagalakan at kapayapaan, at na maging mapag-alaga sa ating kapwa, lalo na sa mga itinuturing na “maliit” sa lipunan. Ang halimbawa nina San Ponciano at San Hipolito ay nagpapakita na ang tunay na pananampalataya ay sinusukat sa ating kakayahang magsakripisyo at manatiling tapat sa Diyos.
Amen
MAGNILAY: Ang maging masunurin ang pinakamahirap sa lahat. Puwede kang masipag o matulungin pero hindi ibig sabihin masunurin. Taglay mo man ang iba pang magagandang katangian kaya lang ang gusto mo pa rin ang nasusunod. Ang maging masunurin ay pakumbaba kang sumusunod sa kagustuhan ng iba. Sinusuko mo ang gusto mo sa gusto ng iba. Pagpapakumbaba ang susi. Kung wala ka nun hindi ka puwedeng maging masunurin. Ang bata ang pinakamalapit na modelo ng pagiging masunurin. Pinakamababa sa lipunan noon ang mga bata. Larawan sila ng pagpapakumbaba. Alam ng mga bata na umaasa lang sila sa mga magulang kaya’t masunurin sila sa kanilang kalooban at gusto. Pakumbaba nilang sinusuko ang gusto nila. Ganung pagpapakumbaba at pagsunod ang hanap ng Panginoon sa atin upang pagharian niya ang ating mga puso. Ang isuko ang sarili sa paghahari ng Diyos ang pinakadakila sa kanyang kaharian.
Ang mga may mababang-loob ang karaniwang may malasakit din sa mga maliliit at api. Ang bata ay kinatawan din ng mga hamak ng lipunan. Paalala rin sila sa atin ng mga taong binabale-wala natin lalo ang mga naliligaw. Ang tunay na pinaghaharian ng Diyos ay hindi maaatim na may mawalang sinuman. Hindi niya kayang maging walang pakialam.
MANALANGIN: Panginoon, turuan mo akong maging mababa ang loob at masunurin.
GAWIN: Maging masipag hindi sa pagsunod ng mga gusto mo kundi ng kalooban ng Diyos
Remind ourselves that our character is defined by how we treat others, not how others treat us. People are treated differently depending on their financial situation or social standing especially the least of the lost and the last.
Who we are before God is determined by who we are rather than what we can do.
Our ideals are always based on who we are rather than what we can do.
Sometimes we forget that we are merely going through this earth.