Biyernes, Agosto 9, 2024

August 9, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa pamamagitan ng paglimot sa sarili, pinapasan natin ang ating krus sa araw-araw sa pagsunod sa yapak ng ating Panginoon. Manalangin tayo upang mapawi ang pagiging makasarili na naghihiwalay sa atin sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y pasanin ang kanilang krus ng pastoral na pagkalinga at tungkulin na walang makasariling sakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tumanggap ng bigat ng tungkuling publiko nawa’y lumago sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang responsable, totoo, at malinis na pagsasagawa ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang patagong impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng opresyon nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay para sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, tanggapin mo ang mga panalangin ng naglalakbay mong bayan na naghahangad na matagpuan ang iyong kalooban sa pagsunod sa mga yapak ng iyong Anak, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 4, 2020 at 12:55 am

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 16:24-28), nais ipahayag ni Hesus ang tatlong hamon upang tayo’y maging mga alagad niya araw-araw:

1.) LIMUTIN ANG SARILI. Ibig sabihin nito ay ang lahat ng tinatanggap nating mga biyaya at pagpapala ay hindi lang mula sa kalikasan at sa tao, kundi sa Panginoon. Kaya dapat tayo’y magpakumbaba at magtiwala sa kanya na susundin natin ang kanyang kalooban.

2.) PASANIN ANG KRUS. Binuhat ni Kristo ang kanyang Krus mula sa Praetorio hanggang sa Golgota. Binuhat niya sa kanyang mga balikat ang pag-iinsulto ng mga tao at mga pinuno ng mga Hudyo, pagngungutya ng mga kawal na Romano, at higit sa lahat ang pagkakasala ng tao laban sa Diyos. Sa ating buhay, maraming pagsubok at paghihirap ang ating dinadanas araw-araw. Pero ang hamon ng Panginoon sa atin ay pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga ito. At habang ginagawa natin iyan, patuloy tayong gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kaya ang krus ay hindi na simbolo ng parusa, kundi simbolo ng tagumpay dahil kay Hesus na namatay para tayo’y mailigtas mula sa kasalanan.

3.) SUMUNOD SA AKIN. Ang pagiging tunay na alagad ng Panginoon ay hindi palaging madali. Minsan ito’y mahirap sapagkat hindi ito gawa ng Diyos at hindi siya tumatawa, kundi nakasalalay ang ating mga pagdurusa sa mga kontemporaryong sitwasyon. Ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga tao. Kaya nga napakahalaga ang dalawang hamon sa itaas dahil sa karanasan (experience). Kapag dinanas natin ang mga bagay na ito at naging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon, napakahalaga ang ating matutunan bilang mga alagad niya.

Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay kahit sa mga mabubuti at di-inaasahang pangyayari. At huwag natin kalimutan na magtiwala at sumampalataya sa kanya upang tayo’y maging matatag sa pasunod sa kanyang kalooban.

Reply

Flor August 7, 2020 at 11:43 pm

Kay Buti Mo Ama! Sa Amin, Sa Kabila Ng Aming Mga Kasalanan Ay Patuloy Po Ninyo Kaming Minamahal, Dahil Ibinigay Po Ninyo Sa Amin Ang Inyong Buktong Na Anak Na Si Hesus, Upang Kami Ay Tubusin Sa Aming Mga Kasalanan, Pangioon! Tulungan Po Ninyo Kaming Maging Bukas Palad Sa Mga Taong Nangangailangan Ng Awa At Habag At Turuan Po Ninyo Kaming Maging Matatag, Matapang Upang Makayanan Po Namin Ang Mga Pagsubok Na Darating Sa Aming Buhay. Sapagkat Hindi Namin Kaya Ito Kung Wala Po Kayo Sa Amin. AMEN

Reply

Bro. Danilo Dayao, O.P. August 5, 2024 at 11:34 pm

Pagninilay sa Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ang mga pagbasa ngayon ay nagpapaalala sa atin ng kapangyarihan at katarungan ng Diyos. Sa aklat ni Propeta Nahum, ipinakita ang paghatol ng Diyos sa mga masasamang gawa ng Nineve. Ang mensahe ay malinaw na ang kasamaan ay hindi magtatagal, at darating ang oras ng katarungan.

Sa Deuteronomio, makikita natin na nasa kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan. Siya ang may kapangyarihang magbigay ng buhay at mag-alis nito. Ipinapaalala sa atin na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng pag-ibig kundi ng katarungan din.

Sa ebanghelyo ni San Mateo, tinatawag tayo ni Jesus na sumunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagtanggi sa ating mga sarili, pagbuhat ng ating krus, at pagsunod sa Kanya. Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo at pagsuko ng ating sariling mga kagustuhan para sa mas mataas na layunin—ang kaluwalhatian ng Diyos at ang ating kaligtasan.

Sa ating buhay, madalas tayong humaharap sa mga hamon at pagsubok. Ang paanyaya ni Jesus na buhatin ang ating krus ay nangangahulugan ng pagtanggap sa mga ito nang may pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos. Hinihimok tayo na magpatuloy sa kabila ng mga paghihirap at manalig na ang Diyos ay laging nariyan para sa atin.

Sa pagninilay na ito, nawa’y mapalalim ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, anuman ang ating hinaharap sa buhay. Alalahanin natin na ang tunay na buhay ay makakamtan lamang natin sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus at pagtanggap sa Kanyang kalooban.

**Pagninilay sa Paggunita kay Santa Teresa Benedicta dela Cruz, Dalaga at Martir**

Ngayon din ay ginugunita natin si Santa Teresa Benedicta dela Cruz, na mas kilala bilang Edith Stein. Isa siyang kilalang intelektwal, pilosopo, at miyembro ng Carmelite order na naging martir sa panahon ng Holocaust. Ang kanyang buhay ay isang patunay ng matibay na pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos kahit sa gitna ng matinding pag-uusig at kamatayan.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin si Santa Teresa Benedicta dela Cruz sa ating pang-araw-araw na buhay. Tulad niya, nawa’y maging matatag tayo sa ating pananampalataya at handang ialay ang ating buhay para sa Diyos at sa kapwa.

Sa pagtatapos, nawa’y ang mga pagninilay na ito ay magbigay sa atin ng inspirasyon at gabay sa ating buhay pananampalataya. Patuloy tayong manalangin at magtiwala sa Diyos, sapagkat Siya ang may hawak ng ating buhay at kamatayan, at Siya ang magbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan at kaligtasan.

Amen

Reply

Joshua S. Valdoz August 8, 2024 at 2:58 pm

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 16:24-28), nais ipahayag ng ating mahal na poong hesus nazareno ang tatlong hamon upang tayo’y maging mga alagad niya araw-araw:

1.) LIMUTIN ANG SARILI. Ibig sabihin nito ay ang lahat ng tinatanggap nating mga biyaya at pagpapala ay hindi lang mula sa kalikasan at sa tao, kundi sa Panginoon. Kaya dapat tayo’y magpakumbaba at magtiwala sa kanya na susundin natin ang kanyang kalooban.

2.) PASANIN ANG KRUS. Binuhat ni Kristo ang kanyang Krus mula sa Praetorio hanggang sa Golgota. Binuhat niya sa kanyang mga balikat ang pag-iinsulto ng mga tao at mga pinuno ng mga Hudyo, pagngungutya ng mga kawal na Romano, at higit sa lahat ang pagkakasala ng tao laban sa Diyos. Sa ating buhay, maraming pagsubok at paghihirap ang ating dinadanas araw-araw. Pero ang hamon ng Panginoon sa atin ay pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga ito. At habang ginagawa natin iyan, patuloy tayong gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kaya ang krus ay hindi na simbolo ng parusa, kundi simbolo ng tagumpay dahil kay Hesus na namatay para tayo’y mailigtas mula sa kasalanan.

3.) SUMUNOD SA AKIN. Ang pagiging tunay na alagad ng Panginoon ay hindi palaging madali. Minsan ito’y mahirap sapagkat hindi ito gawa ng Diyos at hindi siya tumatawa, kundi nakasalalay ang ating mga pagdurusa sa mga kontemporaryong sitwasyon. Ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga tao. Kaya nga napakahalaga ang dalawang hamon sa itaas dahil sa karanasan (experience). Kapag dinanas natin ang mga bagay na ito at naging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon, napakahalaga ang ating matutunan bilang mga alagad niya.

Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay kahit sa mga mabubuti at di-inaasahang pangyayari. At huwag natin kalimutan na magtiwala at sumampalataya sa kanya upang tayo’y maging matatag sa pasunod sa kanyang kalooban.

Reply

Malou Castaneda August 8, 2024 at 9:44 pm

PAGNINILAY
May mga ilang mapait at mapanghamong kondisyon para maging tunay na mga tagasunod ni Hesus. Tatlong hakbang para makasunod tayo sa Kanya. Una ay ang pagtanggi sa ating sarili. Ibig sabihin na wala tayo. Wala tayo sa atin, kung gayon sino ang umiiral? Si Kristo ay dapat na umiiral sa atin, magunita ang mga salita ni San Pablo, “.. hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin…” akin (Gal.2:20). Pangalawang hakbang ay ang pasanin ang krus. Ang krus ay maaaring ang ating pang-araw-araw na hamon, kahirapan, sitwasyon at mga tao na hindi tayo maintindihan, kailangan natin silang harapin na may parehong saloobin ng pagtanggi sa sarili. Kung ang unang hakbang ng pagtanggi sa sarili ay hindi gagawin nang mahusay, ang pangalawa ay magiging lubhang mahirap, ang ikatlong hakbang na ang pagsunod kay Hesus, ay halos imposible kung wala ang dalawang hakbang. Ang pagsunod kay Hesus ay mangangahulugan ng pagiging katulad Niya sa lahat ng bagay, sa Kanyang saloobin, Kanyang habag, Kanyang dedikasyon, Kanyang pagmamahal sa mga tao, Kanyang espiritu ng sakripisyo. Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos ng biyaya na maging Kanyang mga tunay na tagasunod at magkaroon ng kahulugan para sa ating buhay.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming isuko ang aming buhay sa Iyo.? Amen.
***

Reply

Group of Believer Poblite August 9, 2024 at 7:13 am

MAGNILAY: Hindi lahat ng krus na pinapasan natin sa buhay ay krus ng pagsunod kay Kristo. May mga krus tayong pasan na bunga ng sarili nating kapabayaan at katigasan ng ulo. Naghihirap tayo dahil iresponsable tayo sa buhay. Hindi ito ang krus na tinutukoy ng Panginoon.

May mga krus na bunga ng pagsasamantala at pang-aapi ng kapwa. Nagdurusa tayo dahil may nagpapahirap sa atin. May gumagamit ng kanilang kapangyarihan at impluwensiya para sa kanilang sarili at tayo ang biktima. Ang ganitong krus ay dapat supilin at labanan. Hindi tayo dapat manahimik at magsawalang-kibo at ikatwirang ito ang krus kong dapat pasanin. Hinding-hindi ito kalooban ng Diyos.

Ang krus ng pagsunod kay Kristo ay ang kusa nating pagsasakripisyo dahil nagmamahal tayo. Kapag nagmamahal tayo handa tayong isantabi ang sarili alang-alang sa minamahal. Una ang kapakanan nila at huli na ang akin. Isusubo ko na lang at kakanin ibibigay ko pa sa iba dahil mas kailangan niya at mahal ko siya. Ito ang krus na dapat nating pasanin araw-araw. Ito ang krus ni Hesus na dapat nating tularan. Ang ganitong krus ang nagbibigay-buhay.

MANALANGIN: Panginoon, pasanin ko nawa ang krus ng pagmamahal nang walang pag-aalinlangan at pag-aatubili.

GAWIN: Magsanay unahin ang kapakanan ng iba at ihuli ang sa iyo.

Reply

Celine loveko August 9, 2024 at 3:46 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: