Podcast: Download (Duration: 10:17 — 11.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Natitipon tulad ng napakaraming tao sa Ebanghelyo na nagugutom sa Salita ng Diyos, manalangin tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na hindi nagpapabaya sa kanyang bayan sa kanilang pangangailangan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang aming tinapay, O Panginoon.
Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y sumaksi sa salita at gawa sa pag-ibig at kalinga ng Diyos sa mga nangagugutom at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lider ng mga bansa na may pinanghahawakang matatayog na posisyon at malawak na kapangyarihan nawa’y tumulong na maipamahagi ang kayamanan ng daigdig upang sa gayon wala ni isang bansa ang malagay sa panganib ng pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.
Bilang isang komunidad, tayo nawa’y maging mga kapwa na babad sa pananalangin at maging laging handa sa pagbibigay ng ating panahon at karunungan sa pagtulong sa mga naghahanap ng kahulugan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaranas ng nananatiling pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan nang walang maliw sa walang hanggang Hapag sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, bigyang-pansin kaming nangangailangan ng iyong habag. Punuin mo ang aming mga puso ng iyong pag-ibig at huwag mo kaming ipahintulot na mawalay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Agosto 4, 2024
Martes, Agosto 6, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:13-21), nasaksihan natin kung paanong pinakain ni Hesus ang limang libo. Makikita natin na siya ay mahabagin na Panginoon. Pinagaling niya ang mga maysakit at pinaupo niya ang mga tao. Sa awa at biyaya ng Diyos, dumami ang limang tinapay at dalawang isda upang makakain ang lahat ng naroroon. Natira ang ilang piraso ng tinapay na nakakapuno ng labindalawang bakol. Ibig sabihin nito na napakadakila ang Panginoon sa pagbibigay at pagbubusog. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, inaalala natin ang mahabaging pag-aalay ng buhay ni Kristo sa Krus upang tayo’y maligtas mula sa kasalanan. Tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, tayo’y kanyang pinapalusog ng kanyang biyaya, at nais niyang manahan sa ating mga puso upang makabahagi tayo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng awa. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y umapaw ang habag ng Panginoon sa ating mga buhay at maging maawaain tulad niya at ng Ama sa ating mga kapwa.
PAGNINILAY: Hindi natin makakalimutan no’ng sinalanta tayo ng isang mapinsalang bagyo, at ayon sa sa ating kasaysayan, ito ang pinakamalakas at pinakamapinsalang trahedya na naganap sa ating bansa. Hindi talagang inaasahan ng ating mga kababayan na ganyang kalupit ang paghampas ng mga alon sa kanilang mga bahay, at ganundin, malungkot ang sinapitan nilang mawala ng tirahan, ari-arian, at ang kanilang mahal sa buhay. Kaya makalipas ng higit dalawang taon, patuloy silang bumabangon sa kabila ng trahedyang kanilang dinanas. Mga kapatid, kapag sinalanta tayo ng mga kalamidad katulad ng bagyo, lindol, sunog, at pagsabog ng bulkan, ang unang reaksyon natin ay takot dahil ayaw nating mamatay, lalung-lalo na ang ating mga mahal sa buhay. Kaya nagpupursigido tayong maging handa at alerto upang hindi madamay. Pero sa kabila nito, naniniwala ba tayo na ang Panginoon ay nasa piling natin?
Sa Unang Pagbasa (Jeremias 28:1-7), narinig natin ang pagbabali ng pamatok ng Babilonia na nagpapabihag sa bayang Israel. Ito ang nais gawin ni propeta Ananias sa patnubay ng Diyos at ni propeta Jeremias. Subalit narinig natin kung paanong binali ni Ananias ang pamatok ni Jeremias. Kaya nakita ng Diyos kung paanong sinuway siya ng isa dapat na maging tagapagpadala ng mensahe ng Diyos. Subalit makikita natin ang katatagan at katapatan ni Jeremias na patuloy na ipahayag ang tunay na mensaheng nagmula sa Panginoon.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:22-36), makikita natin ang isa pang himala ni Hesus pagkatapos ang pagpapakain sa limang libong pagkain. Ang bangka ng mga alagad ay pinahahampas ng mga alon ng dagat at hangin, kaya sila’y natakot na lumubog. Biglang nagpakita sa kanila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Kaya itong si Simon Pedro ay pursigidong lumakad patungo sa Panginoon. Ngunit dahil siya’y tumingala sa dagat, bigla siyang lumunod, kaya sinagip siya ni Kristo at tinanong kung bakit siyang nag-alinlangan.
Mga kapatid, makikita natin sa Ebanghelyong itong himala ni Hesus ay nakasentro sa pananampalataya. Ang kanyang pagdeklara na “AKO” ay inaalala ang pagpapahayag ng Diyos kay Moises sa nagliliyab na puno (Cf. Exodo 3:14). Ang kanyang paglalakad sa ibabaw ng tubig ay nagaalala kung paanong hinati ng Diyos sa pamamagitan ni Moises ang Pulang Dagat para makalakad ang mga Israelita sa tuyong lupain (Cf. Exodo 14:15-31). Kaya si Kristo ang bagong Moises sapagkat ang kaligtasang bigay niya ay ang pag-aalay ng kanyang buhay sa Krus.
Sa gitna ng ating mga problema sa buhay, dapat tayo’y sumampalataya sa Panginoon para tulungan tayong iharap ang mga ito nang may pagtitiis at patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y lumapit tayo sa Panginoon upang tulungan tayong masolusyon ang ating mga personal na suliranin. Nawa siya’y maging kaagapay natin sa kabila ng mga “bagyo ng ating buhay”.
PAGNINILAY: Ipinapakita ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob tungo sa mga taong nasa matinding pangangailangan o kaya nasa matinding pagsubok.
Sa Unang Pagbasa (Jeremias 28:1-7), narinig natin ang pagbabali ng pamatok ng Babilonia na nagpapabihag sa bayang Israel. Ito ang nais gawin ni propeta Ananias sa patnubay ng Diyos at ni propeta Jeremias. Subalit narinig natin kung paanong binali ni Ananias ang pamatok ni Jeremias. Kaya nakita ng Diyos kung paanong sinuway siya ng isa dapat na maging tagapagpadala ng mensahe ng Diyos. Subalit makikita natin ang katatagan at katapatan ni Jeremias na patuloy na ipahayag ang tunay na mensaheng nagmula sa Panginoon.
PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:13-21), nasaksihan natin kung paanong pinakain ni Hesus ang limang libo. Makikita natin na siya ay mahabagin na Panginoon. Pinagaling niya ang mga maysakit at pinaupo niya ang mga tao. Sa awa at biyaya ng Diyos, dumami ang limang tinapay at dalawang isda upang makakain ang lahat ng naroroon. Natira ang ilang piraso ng tinapay na nakakapuno ng labindalawang bakol. Ibig sabihin nito na napakadakila ang Panginoon sa pagbibigay at pagbubusog. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, inaalala natin ang mahabaging pag-aalay ng buhay ni Kristo sa Krus upang tayo’y maligtas mula sa kasalanan. Tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, tayo’y kanyang pinapalusog ng kanyang biyaya, at nais niyang manahan sa ating mga puso upang makabahagi tayo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng awa. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y umapaw ang habag ng Panginoon sa ating mga buhay at maging maawaain tulad niya at ng Ama sa ating mga kapwa.
PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:13-21), nasaksihan natin kung paanong pinakain ni Hesus ang limang libo. Makikita natin na siya ay mahabagin na Panginoon. Pinagaling niya ang mga maysakit at pinaupo niya ang mga tao. Sa awa at biyaya ng Diyos, dumami ang limang tinapay at dalawang isda upang makakain ang lahat ng naroroon. Natira ang ilang piraso ng tinapay na nakakapuno ng labindalawang bakol. Ibig sabihin nito na napakadakila ang Panginoon sa pagbibigay at pagbubusog. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, inaalala natin ang mahabaging pag-aalay ng buhay ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Krus upang tayo’y maligtas mula sa kasalanan. Tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, tayo’y kanyang pinapalusog ng kanyang biyaya, at nais niyang manahan sa ating mga puso upang makabahagi tayo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng awa. Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y umapaw ang habag ng Panginoon sa ating mga buhay at maging maawahin tulad niya at ng Ama sa ating mga kapwa.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!