Huwebes, Agosto 1, 2024

August 1, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tumugon tayo nang may pananalig sa paanyaya ng Diyos na pumasok sa kanyang Kaharian. Buong kababaang-loob tayong manalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming karapat-dapat sa iyong paghahari.

Ang Simbahan nawa’y huwag tumigil sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lahat ng tao, dako, wika, at kultura, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tao nawa’y huwag manatiling sarado sa nakaugaliang kultura bagkus mapayaman nila ang isa’t isa sa kanilang pananampalataya kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang-wala sa mundong ito nawa’y maging mga tagapagmana ng kayamanan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan na ng loob dahil sa bigat ng kanilang mga pagsubok at karamdaman nawa’y huwag ipinid ang kanilang puso at bagkus palalimin pa ang kanilang pananampalataya kay Kristo sa dinaranas nilang mga pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, makibahagi nawa kami sa iyong pag-ibig na bukas sa lahat ng tao, tanggapin mo kaming lahat kasama ng aming kapatid na si Jesu-Kristo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 4, 2020 at 12:55 am

Pagninilay: Sa ating Unang Pagbasa (Jeremias 18:1-6), ipinakita ng Diyos kay Propetang Jeremias ang kanyang patuloy na pagmamahal sa bayang Israel na katulad ng isang manggagawa ng palayok. Itong sisidlan ay sirang-sira, ngunit ito’y minamasa muli at hinuhugisan ng bagong luwad. Nais ipahiwatig ng Diyos na siya’y patuloy na magmamahal sa gitna ng kasalanang ginawa ng tao laban sa kanya at sa ibang kapwa-tao. At siya’y gagawa ng magandang plano mula sa isang pangit na epekto ng pagkakasala. Patuloy na pagbibigyan ng Panginoon ng pagkakataon upang magbago ang tao at maging matapat sa kanya. Ngunit may hangganang hahantong ang buhay ng tao na siyang magiging basehan kung ang buhay ba ay puno ng kabutihan o kasamaan.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 13:47-53), tinatapos na ni Hesus ang kanyang mga talinghaga tungkol sa Paghahari ng Diyos. Dito’y inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang lambat na inhagis sa dagat upang manghuli ng isda. At paghihiwalayin ng mga mangigisda ang mga mabubuti sa walang kwenta: ang mabubuti ay ititipon sa bangka, samantala ang walang kwentang isda ay itatapon sa dagat. Ito’y pahiwatig tungkol sa Muling Pagpaparito ng Panginoon na ang mga matutuwid ay idadalhin sa langit, ngunit ang mga masasama ay itatapon sa mga apoy ng Gehena. Kaya’t habang tayo’y namuhay sa daigdig na ito, patuloy na bibigyan tayo ng Panginoon ng pagkakataon upang mamuhay nang kalugud-lugod sa kanya. At mula sa parabula ng lambat, makikita natin ang papel ng Simbahan bilang institusyon ng dakilang habag ng Diyos na ang layinin ay ang kaligtasan ng mga kaluluwa para sa Diyos. Sabi nga na ang Simbahan ay ang ospital ng mga makasalanan upang dito’y maging banal at matuwid ang pamumuhay ng tao. At tayo rin ay tinatawag upang maging mga saksi ng dakilang habag ng Diyos. Bagamat hindi perpekto ang mga namumuno at nabibilang dito, patuloy na tinatawag tayo ng Panginoon na maging matapat sa kanya sa pagdedebosyon ang pagsasabuhay ng ating pananampalatayang Katoliko. Kaya nawa sa ating buhay pangKristiyano ay magampanan natin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan sa kalangitan sa pamamagitan ng matapat na pamumuhay sa paningin ng Diyos at sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Reply

Rosalinda M. Jubilado July 28, 2022 at 10:04 am

Maghari nawa ang kapayapaan sa bawat isa sa atin.
Sa unang pagbasa ipinakita sa atin ng Panginoon na Siya ang may hawak ng ating buhay, ng mundo at nang lahat ng naroon.
In split second he can change anything, anyone who comes to Him in humbleness.
Ipinakita din ng ating Panginoon na ang buhay natin dito ay may hangganan ay may tiyak na patutunguhan- sa piling ng Ama o sa impyerno.
Ipinakita niya na tayo ay mga manlalakbay lamang dito sa lupa

Kaya naman ang uri ng pamumuhay natin at uri ng pagkatao natin ay mahalaga at bigyan natin ng tuon at spiritual nourishment.
It is our passport to heaven.
Sino ang ayaw sa langit siyempre lahat tayo pero kulang tayo ng pagkaing spiritual na binabalewala natin.

Maliwanag sa gospel na ang bawat isa ay dadaan sa assessment Niya.
Nasusulat na tayo ay hahatulan according sa ating nagawa sa lupa
Kung natupad natin ang pinakamahalagang utos.

LOVE GOD WITH ALL YOUR HEART WITH ALL YOUR MIND AND WITH ALL YOUR STRENGTH. WITH ALL YOUR SOUL.
AT
MAHALIN MO ANG IYONG KAPWA TULAD NG IYONG SARILI.

KUNG ITO AY ATING NILILIMI SA ARAW ARAW NATING BUHAY AT PATULOY NA ISINASABUHAY
IWINAKSI ANG HINDI KALUGOD LUGOD SA MATA NG DIYOS
NAGSUSUMIKAP NA MAKASUNOD SA BANAL NA KALOOBAN NG DIYOS
PATULOY NA PINALALALIM ANG RELASYON SA PANGINOON
TILL YOUR LIFE HERE ON EARTH

ANG PAGHAHARI NG DIYOS AY SUMASAATIN NA.

TO GOD BE THE GLORY.

Reply

Group of Believer Poblite August 2, 2024 at 6:50 am

MAGNILAY: Bihirang-bihira sa isang pari ang italagang maging kura paroko sa kanyang pinanggalingang parokya. Ang maaaring dahilan: “Ang isang propeta’y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” Tulad ni Hesus mahirap paniwalaan ang isang pamilyar ka sa kanyang pinanggalingan. Mahirap tanggapin na ang kamag-anak o kapitbahay mo na minsan ang pakiramdam mo may mas karapatan ka kaysa kanya ay ngayon nangangaral na sa iyo. Mahirap igalang ang isang taong kilala mo lalo na kung may maitim siyang nakaraan. Gayunpaman, hindi imposible ang mangaral sa sarili mong pamilya, kamag-anak o kababayan tulad ng ginawa ni Hesus. Kung tutuusin ang pamilya mo ang una mo dapat ilapit sa Panginoon. Sila ang una mong dapat pagsilbihan bilang lingkod ng Panginoon. Kahit ang mangaral sa kanila ang pinakamalaking hamon ng iyong paglilingkod hindi mo dapat iwasan o talikuran ang hamon na ito. Sa kanila mo lalong nagagampanan ang iyong tungkulin nang walang pagkukunwari. Kilala ka nila kahit ang mga hindi naging maganda sa buhay mo pero nariyan ka bilang patotoo na binago ka, minahal ka at tinawag ka ng Panginoon!

MANALANGIN: Panginoon, maging propeta at sugo mo nawa ako una sa sarili kong pamilya, kamag-anak at kababayan.

GAWIN: Mangaral ka hindi lang sa mga taong madali kang pakinggan at tanggapin kundi rin naman sa mga taong pinakamahirap kang pakinggan at paniwalaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: