Martes, Hulyo 30, 2024

July 30, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 26
San Joaquin at Santa Ana

Kasama nina San Joaquin at Santa Ana, magtiwala tayo sa Panginoon na nakaaalam ng mga pangangailangan ng ating mga pamilya at ng pamayanan ng Simbahan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga salinlahi, maging mapagpala ka sa amin.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magtanggol sa kabanalan ng kasal at ang kahalagahan ng buhay pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y maitanim sa isip at puso ng kanilang mga anak ang mga aral sa pagmamahalan at kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga anak nawa’y laging magmahal at gumalang sa kanilang mga magulang at mga ninuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawang nagkakalayo nawa’y muling matuklasan at pahalagahan ang isa’t isa sa diwa ng kapayapaan, pagpapatawad, at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga yumaong miyembro ng ating pamilya, nawa’y ipagkaloob ng Diyos ang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, basbasan mo ang aming mga tahanan. Pagbuklurin mo ang aming mga anak na lalaki at babae sa nag-iisang pamilya ng iyong Simbahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 4, 2020 at 12:54 am

Pagninilay: Ipinapakita ng ating mga Pagbasa na dakila ang awa at pagmamahal ng Panginoong Diyos sa atin lahat.

Isang panalangin ng panunumbat ang ipinahayag ni Propetang Jeremias sa Unang Pagbasa dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa Juda. Dahil sa malaking pagkakasala ginawa ng mga tao laban sa Panginoon, tila nga ba pinabayaan niyang magdurusa ang kanyang bayan. Kaya’t siya’y nagdasal nang buong pagtitiwala na kaawaan ng Diyos ang mga taong kanyang hinirang bilang kanyang bayan. At sa kabila ng napakaraming kataksilan at kasamaang ginawa ng Israel at Juda, patuloy pa rin nahabag ang Panginoon sa pagloloob ng planong pangkaligtasan para sa ating lahat.

Ang Ebanghelyo ay ipinahahayag ang paliwanag ni Hesus tungkol sa Parabula ng mga Masasamang Damo at ang mga Trigo. Ipinaliwanag dito na katulad ng pagsusunog ng mga masasamang damo sa apoy at pag-iimbak ng mga trigo sa kamalig, ang katapusan ng sanlibutan ay ang Huling Paghuhukom ng Diyos sa mga tao. Dito tayo’y ihahatol niya hindi ayon sa mga katangian natin, kundi ayon sa mga kabutihan at pagmamahal natin sa kapwa-tao. Habang hindi pang nangyayaring iyon, may panahon pang mamuhay tayo nang masagana ayon sa paninigin, katapatan, at kalooban ng Diyos. Itinuturo niya na ang Ama ay matuwid at maawaain.

Ang Panginoon ay mapagtiiis sa atin mga pagkukulang at pagkakasala. Subalit habang tayo’y nabubuhay sa daigdig na ito, kailangan nating yakapaing buong higpit ang kanyang awa at pag-ibig sa atin upang maranasan natin ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso. At ganun din, kailangan natin iparamdam at ipakita ang kadakilaang iyon sa ating kapwa-tao, lalung-lalo sa mga nangangailangan at makasalanan.

Reply

Pamela P. Sabio July 26, 2022 at 5:51 am

Pinupuri at sinasamba kita Panginoon sa walang hanggang pagmamahal,pagkalinga at pagiingat mo sa amin ilayo mo po kami sa mga tukso na maiwas po kami sa pagkakasala pagtibayin mo po ang aming pananampalataya at pagasa upang maipagpatuloy manin ang aming gawain sa aming comunidad,pagalingin mo po ang lahat na may sakit at karamdaman upang makapaglingkod muli sila sayo Ama.Patawad po sa mga kasalanang aming nagawa sanhi ng aming pagkukulang at kahinaan.Ito ang samut hiling sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Inang Maria at nn Espiritu Santo,A M E N ??????

Reply

Francis Charles Estabillo July 12, 2024 at 12:35 pm

PAGNINILAY: Sa ating unang pagbasa maririnig o mababasa natin na may mga tanong ang mga tao o character dito ss ating unang pagbasa na para bagang pag aalinlangan kung kasama pa ba nila ang Diyos o iniwan na sila nito. Ngunit, mababasa rin natin dito na hindi sila nawalan ng pag-asa sa Diyos bagkos mas lalong tumibay ang kanilang pananalig at pagtitiwala. Imbitasyon para sa atin ang pagbasang ito para maiapply natin rin ito sa ating buhay. Puno ka na ba ng problema at iba’t-ibang mga iniisip sa araw-araw?, tila ba di ka na tinitigil ng mga problema at pagsubok sa buhay? Nawawalan ka na ba ng pag-asa? Lumapit ka sa Diyos at sabihin mo sakaniya ang lahat ng iyong mga problema, sakaniya ka lang lumapit at lahat ng problema mo ay papawiin niya. Siya lamang ang tunay na Diyos na makapagbibigay lunas at kasagutan sa mga sakit at problema na ating dinaranas. Huwag ka nang mag sabi sa iba, kay Jesus mo sabihin lahat ng problema at mga pangangailangan mo. Tiyak yun ang mga iyan, ang mga kailangan mo ibibigay nya sa tamang panahon at kung ito’y alam niyang mas makabubuti para sa iyo. Sa atin namang Ebanghelyo ay patungkol naman sa paghahasik, sabi dito ay ang mabubuting tao ay ang pinaghaharian ng Diyos. Magandang tanungin natin ang ating mga sarili kung pinaghaharian ba tayo ng Diyos o kasamaan ang naghahari sa atin? Masasagot lamang natin ito na tayo ay pinaghaharian ng Diyos kung tayo ay nakasusunod sa mga utos at gawain niya na mabubuti at naibabahagi natin o naihahasik natin ito sa ating kapwa.

Tara na inaanyayahan tayo ni Jesus na maghasik ng kaniyang biyaya at pagpapala sa ating kapwa.

Pagpalain tayo ng Poong Maykapal

Reply

Malou Castaneda July 29, 2024 at 8:26 pm

PAGNINILAY
Nabubuhay tayo sa isang mundo kung saan ang mabuti at masama ay magkakaugnay. Ipinaliwanag ni Hesus na ang mga damo ay mga anak ng masama. Nagbabala si Hesus na sa katapusan lamang ng panahon malulutas ang lahat. Hinahayaan ng Diyos na mangyari ang masama ngunit sa huli, sa panahon ng pag-aani, ang kabutihan ng Diyos ang mangingibabaw. Samantala, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa harap ng kasamaan, magtiwala na ang Diyos ay makapaglalabas ng mabuti mula sa kasamaan ng tao. Magkasala man tayo, naniniwala Siya na kaya nating magbago at magbunga ng mabubuting bunga. Napakasarap maghintay ng Diyos! Kahit na pakiramdam na pinahihintulutan Niyang magpatuloy ang kasamaan ng hindi napigilan, makikita natin ang Kanyang biyaya sa gitna nito, alang-alang sa atin na mahal Niya. Ang Diyos ang Siyang tumatanggap ng ating pagiging makasalanan at nagdiriwang ng ating kabutihan.

Panginoong Hesus, dalangin namin na Iyong bunutin ang mapait na damo sa aming buhay. Amen.
***

Reply

Group of Believer Poblite July 30, 2024 at 11:48 am

MAGNILAY: Tulad ng damo, may mga taong gusto nating mabunot at mawala agad sa buhay natin dahil nakakairita lamang sila. Halimbawa ay ang mga gumagawa sa atin ng masama. O ang mga bumubuyo sa ating gumawa ng kasalanan. Pati na rin mga kritiko na puro puna sa atin. Lahat sila gusto na nating maglaho pero nariyan sila. Ayaw man natin sa kanila pero sila ang nagtuturo sa ating magpakatatag, maging mapagpasensya at magmahal nang walang kondisyon. Hinahayaan sila ng Diyos hanggang sa huli upang turuan tayong maging mas banal. Sa wakas ng panahon tatanggapin natin ang hatol ng Diyos sa ating ginawang mabuti o masama.

MANALANGIN: Panginoon, lagi mo kaming patatagin sa gitna ng maraming pagsubok.

GAWIN: Pagtiyagaan mo ang kapwa mong tinuturing mong damo dahil ganun ka rin minsan. Pagsikapang walang mapariwara sa huli.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: