Linggo, Hulyo 28, 2024

July 28, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Ginaganyak tayo ng pagdiriwang ng Linggo ng Misyong Pilipino at Pandaigdigang Araw ng mga Lolo at Lola at mga Nakatatanda ang mga pagbasa ngayon ay upang ibahagi natin sa ating kapwa ang mga biyayang kaloob sa atin ng Panginoon. Hilingin natin sa Panginoong buksan ang ating mga puso sa mga pangangailangan ng ating kapwa. Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, dinggin mo ang aming panalangin!

Nawa maging laging nakatuon ang Simbahan sa mga pangangailangan ng mahihirap at magsikap na mapabuti ang kanilang kalagayan. Manalangin tayo!

Nawa gamitin ng mga Katolikong mayayaman ang kanilang kakayahan at impluwensiya alang-alang sa pagkakaisa ng mga dukha’t kapus-palad. Manalangin tayo!

Nawa lahat ng mga misyonero: pari, madre, relihiyoso, at boluntaryong laiko ay maging kapani-paniwalang patotoo sa Ebanghelyo sa kani-kanilang pinaglilingkuran. Manalangin tayo!

Nawa makatulong ang lahat ng Katolikong Pilipino sa pangangaral sa mundo sa pamamagitan ng kanilang dasal, mabuting halimbawa, at masiglang pagtulong sa lahat ng misyonero. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng lolo’t lola, upang pagkalooban sila ng mabuting kalusugan at ng kagalakan sa pagmamahal at kalinga ng kanilang mga anak at mga apo, manalangin tayo sa Panginoon!

Nawa’y lahat ng tumatanggap ng Sakramento ng Pagpapahid ng Langis, kasama ng kanilang mga mahal sa buhay, ay makapagkamit ng kapangyarihan ng Panginoon at maging tanda nawa sila ng habag at pag-asa para sa lahat. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, pagpalain mo ang mga misyonero nang makita nila ang bunga ng kanilang pagsisikap. Patugunin mo kami sa mga pangangailangan ng aming mga kapatid, at gawin mo kaming mga kasangkapan ng iyong mapagpalang pagmamahal sa kanila. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 24, 2021 at 12:46 pm

PAGNINILAY: Ang teleserye natin mula ngayong Linggo hanggang sa susunod na 4 na Linggo ay hango mula sa Ika-6 na Kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan. Dito inilalarawan ang ating Panginoong Hesukristo bilang Tinapay ng Buhay. At nagsisimula ang teleseryeng ito sa Pagpapakain ni Hesus sa 5,000 Tao (5,000 lalaki sapagkat hindi po binibilang ang mga kababaihan at kabataan).

Ang kababalaghang ito ay may pinagmulang ugat sa Unang Pagbasa. Isang lalaki ay naghandog kay Propetang Eliseo ng 20 piraso ng tinapay upang pakainin sa madla, ngunit tinanggi ito ng alipin ng propeta sapagkat 100 ang bilang ng mga tao. Ngunit inituos ni Eliseo na pakainin ang mga tao ng tinapay, at hindi akalain na ipinarami ng Panginoong Diyos ang 20 piraso sa 100, at sila,y nabusog.

Ayon naman sa Ebanghelistang si San Juan, si Hesus ay tunay na Tao at tunay na Diyos. Siya’y Taong totoo sapagkat alam niya na malayong pinanggalingan ang madlang dumulog sa bundok, kaya’t pinaghanapan niya ang mga Apostol ng pagkain. At ipinakita nga ni Andres ang isang batang lalaki na may dalang 5 tinapay at 2 isda. Siya’y Diyos na totoo sapagkat ipinamalas niya ang kapangyarihan ng pagpaparami sa dalawang pagkain, at iniutos niya ang mga Apostol na ipamigay sa mga tao. Sabi naman ng ibang eksperto ng Bibliya ay pinaghahati-hati lamang niya ang mga tinapay at isda upang pakainin ang mga tao. Ngunit hindi dapat malawa sa ating pananampalataya ang paniniwala tungkol kay Kristo bilang Tao at Diyos. Kung pinaghati-hati niya ang mga ito, paano ba natin maipapaliwanag ang 12 bakol ng tirang pagkain? Ito’y patunay na pagpapalain ng Diyos ang mga tao nang higit pa sa mapupuno ng isang tao.

Tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Eukaristiya, tayo’y pinabubusog ni Hesukristo sa pamamagitan ng pag-aalala ng pagbabahagi ng kanyang sarili na ating ginugunita sa pagsasalo ng Tinapay na kanyang Katawan at ang Alak na kanyang Dugo. At ito rin ay hamon sa ating buhay na katulad ni Kristong nag-alay ng kanyang buhay upang tayo’y maging mga anak ng Diyos, tayo rin ay magbahagi ng mga bagay at pagpapalang mayroon tayo sa iba’t ibang tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. Tularan natin ang batang nagbahagi ng 5 tinapay at 2 isda nang ang mga ito’y ipinamalas ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos sa pagpaparami ng mga ito upang ang higit sa 5,000 tao ay mabusog. Kahit malaki o maliit lang ang mayroon tayo, kung may pagtitiwala tayo sa Panginoon sa ating pagbabahagi ay magkakaroon ng higit pa sa sapat na pagtugon sa bawat pangangailangan ng tao.

Reply

Veronica Fernando July 25, 2021 at 6:33 am

Maraming salamat po sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos. Ito ay malaking tulong sa mga hindi makakapunta sa Simbahan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa
Pagpalain at ingatan kayo ng Panginoon sa lahat ng sandali, sa bawat panahon.

Reply

RALPH JECK CORSIGA July 28, 2024 at 11:05 pm

Salamat po sa mabuting Balita, hindi kasi ako nakasamaba kanina gawa ng maulan. akoy nagpapasalamat sa inyo, ng dahil dito ay para rin akong nakasamba dahil nababasa ko ang Mabuting Balita ngayong July 24,2024. god bless you all

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 25, 2021 at 9:15 am

Sa ating ebanghelyo ngayon, tunay ngang walang imposible sa Diyos kung nais nya. Ano ang nais iparating sa atin nito? Kay Hesus tayo umasa at hindi sa tao, ano man ang iyong pangangailangan, kahilingan o matagal ng panalangin, darating ito, ibibigay ito ng Diyos, hindi man sa oras na gusto natin pero siguradong darating, sa oras na loob ni Hesus. Ito ay kung nananalig ka. Kaya’t kapag ikaw ay nagdasal at humiling, wag ka ng mangamba, ibigay mo na sa kanya ang lahat ng iyong tiwala at maghintay. Pero habang ikaw ay naghihintay sa pagdinig ng iyong kahilingan, aba, gampanan mo nman ang dapat mong gawin, ito ay ang pagsisisi sa kasalanan, paghingi ng tawad, at pagtalikod sa masasamang gawi. And it will surely comes, if only you believe.

Reply

Francis Charles Estabillo July 7, 2024 at 12:19 am

Sa atin pong Gospel atin pong narinig na tinanong po ng ating Panginoong Jesus si Felipe kung saan sila bibili ng tinapay upang maipakain sa mga tao na naroroon. Minsan sa atin pong buhay nakakaranas po tayo ng kagaya sa ating mabuting balita na pangamba na maaaring magkulang ang kung anong mayroon tayo. Ang paanyaya sa atin ng ating ebanghelyo ay patuloy tayong maniwala na sa kabila ng napakarami nating tanong sa buhay, na minsan naiisip na natin na kung kaya ba nating malusutan ang mga problema na mayroon tayo sa buhay? Siya na ating Diyos ay gagawa ng paraan at magbibigay kasagutan sa mga tanong nating ito. Narinig din nating sinabi ng ating Panginoong Hesukristo na “tipunin ninyo ang lumabis upang hindi masayang” kaya po sa atin kapag tayo po ay may mga sobrang mga gamit o pagkain na mayroon tayo itabi lang po natin ito baka kailanganin pa po natin o nang ating kapwa sa mga susunod, mabuti nang handa. Hindi natin alam na baka maraming tao ang nangangailangan ng mga bagay na lumalabis sa atin at sinasayang natin, nawa tayo sa ating buhay hindi tayo mag sayang ng mga mahahalagang bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin, katulad ng pagiging mabuti at pagmamahal ihalintulad natin ito sa pamamahagi ng tinapay na ginawa ng ating Diyos, ipamahagi natin ito. Marahil mula sa iyo ikaw ang maging biyaya o sagot ng dasal ng ibang tao. Ginawa tayong instrumento upang maibigay ang biyaya ng Diyos sa ating kapwa.

Tandaan mo hindi lang ikaw ang nangangailangan ng biyaya ni Kristo pati ang mga na sa paligid mo! If we allow our God to move in our life and we believe in his power great things can happen beyond our measure.

Amen.

Reply

Malou Castaneda July 27, 2024 at 11:28 pm

PAGNINILAY
Sinabi ni Santa Teresa ng Calcutta tungkol kay Hesus, “Ginagamit Niya tayo upang maging Kanyang pag-ibig at habag sa mundo sa kabila ng ating mga kahinaan at karupukan”, ay naroroon sa pang-araw-araw na pagtatagpo ng ating buhay. Siya ay naroroon sa mga nakakasalamuha natin araw-araw; at lalo na sa mga mahihirap, nasa laylayan, at mga nangangailangan ng ating tulong. Ang himala sa Ebanghelyo ay nagpapakita ng puso ng Diyos, na nagmamalasakit sa bawat pangangailangan natin. Inaasahan din ng Diyos na tulungan natin ang isa’t isa, at ibahagi ang kaunting mayroon tayo. Idinadalangin natin ang lakas ng loob na kailangan nating ipagsapalaran ang pagbibigay kahit ang maliit na mayroon tayo. Malaki ang magagawa ng Diyos sa ating iniaalok. Hindi natin alam kung saan magbubunga ang ating pagsisikap na magmahal, tumulong, at sumuporta sa iba.

Panginoon Hesus, palakasin Mo kami ng Iyong Katawan at Dugo sa Eukaristiya at tulungan mo kaming magbigay ng “tinapay” para sa mahihirap. Amen.
***

Reply

Daisy Esplana July 28, 2024 at 7:58 am

pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo.

Reply

Celine loveko July 28, 2024 at 3:40 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: