Podcast: Download (Duration: 6:16 — 8.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang makinig ang sangkatauhan sa kanyang makapangyarihang salita at magbunga ito sa ating buhay.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palaguin mo ang iyong salita sa amin.
Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging bukas sa Salita ng Diyos at maipahayag ito sa pamamaraang mauunawaan ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y gawin ang kanilang tungkulin nang may katapatan at dangal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga magsasaka at ang mga nagtatrabaho sa bukirin nawa’y basbasan ng mabuting panahon at mayamang ani, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kapayapaan sa mga Salita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mamayapa sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, magsalita kayo sa amin at gawin mo kaming makinig sa iyo. Magbunga nawa ito ng buhay Kristiyano sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Hulyo 25, 2024
Sabado, Hulyo 27, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ipinapaalala sa atin ni Hesus ngayon ang aral ng Parabula ng Manghahasik. Ito ay isang realidad tungkol sa reaksyon ng bawat indibiduwal kung paano siya tutugon sa salita ng Diyos, sumisimbolo sa mga binhing itinanim ng Manghahasik na si Kristo.
Ang mga binhing itinanim sa tabi ng daan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ng Panginoon, ngunit wala talagang balak makinig dahil hindi masyadong nauunawaan ito. Mayroong realidad na may mga taong ayaw paniwalaan na may Diyos na maawaain at mahabagin, Ang mga binhing itinanim naman sa bato ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita at masayang tinatanggap ito, ngunit kapag dumating ang mga kapighatian at pagsubok, biglang liliit ang pananampalataya. Minsan sa buhay natin ay marami tayong mga problemang nais nating masolusyonan, pero minsan inaakala nating hindi natin kailangan ng Diyos upang tulungan at gabayan tayo.
Ang mga binhing itinanim naman sa dawagan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ngunit hindi kayang panindigan ito sapagkat maraming mga ari-arian ang nagpapasaya sa kanila. Inaakala ng karamihang tao na kapag sinabi ni Hesus na ibenta ang lahat ng kayamanan ay literal na ibenta ang lahat. Minsan kailangan nating unawain ang kahulugan ng pagiging “espiritually poor” na sa kabila ng lahat ng ating inabot na tagumpay ay dapat may kababang-loob pa rin tayo na gumawa ng kabutihan sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At sa huli, ang mga binhing itinanim sa matabang lupa ay siyang tunay mga taong nakikinig sa salita at isinasabuhay ito, nang sa ganyon sila’y makapagmunga ng 30, 60, at higit sa 100 binhi.
Sa ating buhay pang-Kristiyano, kailangan nating magmunga nang masagana sa ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Kung tayo’y magiging mga binhi sa matabang lupa, kailangan nating dinggin ang salita ng Diyos at ipagmasdan ang mga aral nito sa ating araw-araw na pamumuhay sa paggawa ng tama at mabuti. Kung tayo’y pinagpapala niya araw-araw, nawa’y tayo rin ay maging mga saksi niya sa pagpapahayag ng kanyang mga mensahe ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan, na siyang bumubuo sa Mabuting Balita tungkol sa kanyang Paghahari.
Reflection: Ipinapaalala sa atin ni Hesus ngayon ang aral ng Parabula ng Manghahasik. Ito ay isang realidad tungkol sa reaksyon ng bawat indibiduwal kung paano siya tutugon sa salita ng Diyos, sumisimbolo sa mga binhing itinanim ng Manghahasik na si Kristo.
Ang mga binhing itinanim sa tabi ng daan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ng Panginoon, ngunit wala talagang balak makinig dahil hindi masyadong nauunawaan ito. Mayroong realidad na may mga taong ayaw paniwalaan na may Diyos na maawaain at mahabagin, Ang mga binhing itinanim naman sa bato ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita at masayang tinatanggap ito, ngunit kapag dumating ang mga kapighatian at pagsubok, biglang liliit ang pananampalataya. Minsan sa buhay natin ay marami tayong mga problemang nais nating masolusyonan, pero minsan inaakala nating hindi natin kailangan ng Diyos upang tulungan at gabayan tayo.
Ang mga binhing itinanim naman sa dawagan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ngunit hindi kayang panindigan ito sapagkat maraming mga ari-arian ang nagpapasaya sa kanila. Inaakala ng karamihang tao na kapag sinabi ni Hesus Nazareno na ibenta ang lahat ng kayamanan ay literal na ibenta ang lahat. Minsan kailangan nating unawain ang kahulugan ng pagiging “espiritually poor” na sa kabila ng lahat ng ating inabot na tagumpay ay dapat may kababang-loob pa rin tayo na gumawa ng kabutihan sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At sa huli, ang mga binhing itinanim sa matabang lupa ay siyang tunay mga taong nakikinig sa salita at isinasabuhay ito, nang sa ganyon sila’y makapagmunga ng 30, 60, at higit sa 100 binhi.
Sa ating buhay pang-Kristiyano, kailangan nating magmunga nang masagana sa ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Kung tayo’y magiging mga binhi sa matabang lupa, kailangan nating dinggin ang salita ng Diyos at ipagmasdan ang mga aral nito sa ating araw-araw na pamumuhay sa paggawa ng tama at mabuti. Kung tayo’y pinagpapala niya araw-araw, nawa’y tayo rin ay maging mga saksi niya sa pagpapahayag ng kanyang mga mensahe ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan, na siyang bumubuo sa Mabuting Balita tungkol sa kanyang Paghahari.
PAGNINILAY
Ang pagiging hindi nakasentro sa sarili, mapagmalasakit na pinuno ay isang mahirap na hamon. Maraming mga pinuno ang maaaring magsimulang magsikap na maging isang nagmamalasakit na gabay para sa mga pinaglilingkuran nila. Kadalasan, gayunpaman, sila ay natutukso na gamitin ang kanilang kapangyarihan at impluwensya para sa kanilang sariling pakinabang o para sa isang piling grupo ng kanilang mga tagasunod, sa halip na magtrabaho para sa lahat ng kanilang pinamumunuan. Nakita nating lahat kung paano tinira ng kapangyarihan ang maraming pinuno. Dapat nating ipagdasal ang lahat na nasa mga tungkulin ng pamumuno (maging ito ay pamayanan, pampulitika, organisasyon, o espirituwal), na humihiling sa Diyos na udyukan sila na gawin ang mabuti at tamang bagay para sa mga nasa ilalim ng kanilang pamumuno. At kapag binigyan tayo ng mga posisyon ng pamumuno, dapat nating hangarin na gawin ang nais ng Diyos na gawin natin para sa ikabubuti ng lahat ng kinauukulan. Nawa’y maging isang mapagmalasakit na pastol sa tuwing tayo ay tinatawag na akayin ang iba sa Mabuting Pastol.
Panginoong Hesus, ihanda Mo ang aming puso upang ang Iyong mga salita ay mag-ugat at lumago. Amen.
***
MAGANDANG BALITA NGAYON – BIYERNES NG IKA-16 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita kina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal na Birheng Maria
MATEO 13, 18-23 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya’t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya’t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Sila’y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”
MAGNILAY: Ano nga ba ang ibig sabihin na maging mabuting lupa? Anong katangian ang taglay nito upang tumubo at mamunga ang binhi ng salita ng Diyos?
Una, pagpapakumbaba. Ito ang susi upang makapasok ang Panginoon sa mga puso natin. Ang mapagmataas ay kandado ang puso. Punong-puno ito ng sarili kaya’t walang lugar ang Panginoon. Ang nagpapakababa ang siyang nagbubukas ng puso sa Panginoon.
Ikalawa, masunurin. Bunga ng pagpapakumbaba ang pagiging masunurin. Ang mapagpakumbaba ay sinasantabi ang sariling gusto sa gusto ng Panginoon sa kanya. Marunong siyang makinig at pagkatapos makinig hinahayaan niya ang salita ng Diyos na hubugin ang kanyang buong pagkatao ayon sa kalooban ng Diyos. Pagkatapos ay mamumuhay siyang sumusunod sa bawat kagustuhan ng Panginoon.
Ikatlo, mapagmahal. Pag-ibig ang pinakabunga ng pagpapakumbaba at pagkamasunurin. Pagmamahal sa puso ang dahilan kaya’t namumunga tayo ng kabutihan at kabanalan. Pag-ibig ang patunay na ang Panginoon ang laman ng puso natin at siyang namayayani sa buhay natin.
Sina San Joaquin at Sta. Ana ang mga larawan ng mabuting lupa. Buong buhay nila naihasik sa kanilang mga puso ang salita ng Diyos. Naging mapagpakumbaba at masunurin sila sa kalooban ng Diyos. Ang pinakamahalagang bunga ng kanilang matinding pag-ibig sa Diyos ay naging mga magulang sila ng magiging Ina ng Manunubos – ang Mahal na Birheng Maria.
MANALANGIN: Panginoon, gawin mong mabuting lupa ang aming mga puso upang maging punlaan ng iyong salita.
GAWIN: Tularan ang kababaang-loob, pagkamasunurin at pagmamahal nina San Joaquin at Sta. Ana.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!