Podcast: Download (Duration: 6:27 — 8.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado
Bumaling tayo sa Diyos, ang ating mahabaging Ama, siyang hindi tumatalikod sa mga mahihirap at mga nangangailangan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha at mahihina, maawa ka sa amin.
Ang Simbahan nawa’y makita bilang tahanan para sa mga mahihina at mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lingkod publiko nawa’y tunay na maglingkod sa kanilang pinamumunuan nang may matuwid na hangarin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagtalaga ng kanilang mga sarili sa kabanalan nawa’y ibigay ang buong buhay nila sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagiging saksi, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y tingnan natin nang may habag at unawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namatay nawa’y makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Mahabaging Ama, gawin mo kaming tunay na mga lingkod ng iyong pagmamahal. Maging katulad nawa kami ng iyong Anak na dumating hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Hulyo 19, 2024
Linggo, Hulyo 21, 2024 »
{ 2 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa natin ngayon ay mula kay Propeta Mikas, ang isang katulad nina Oseas, Amos, at Isaias. Ipinahayag niya sa kanyang buong aklat ang kabutihang-loob ng Diyos sa kabila ng pagsusuway at pagtatalikod ng tao. Narinig natin ngayon ang pagpaparusa ng Diyos sa mga gumagawa ng masasama at kasuklam-suklam na gawain. Sinasabing balang araw darating ang parusa ng Diyos sa mga tumutuloy sa ganitong paraan ng pamumuhay. Hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang buhay dahil sa kanilang pagkasuway at pagtalikod. Subalit makikita natin na dapat palaging manaig ang kabutihan dahil ang Diyos ay mabuti at matuwid. Kaya siya ang ating magiging Hukom sa huling araw upang maghatol batay sa ating pag-ibig sa kanya at sa kapwa tao.
Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa misyon ni Hesus sa daigdig. Matapos niyang pagalingin ang isang lalaking may lumpo sa kamay, gumawa pa siya ng maraming kababalaghan at itinuloy ang pangangaral ng Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos. Bagamat siya ay kilala ng maraming tao, ang mga Pariseo at eskriba naman ay inggit sa kanya. Dahil hindi niya pinagsabihan ang mga Apostol na nagpipitas sa Araw ng Pamamahinga, at dahil pinanggaling niya ang lalaking may lumpo sa kamay, nakipagsabwat sila sa mga tagasunod ni Haring Herodes upang iplano ang kanilang balak laban kay Hesus. Sa kabila ng mga ganitong banta sa buhay at misyon ng ating Panginoon, hindi siya tumigil sa kanyang gawain bilang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Ang mahalaga kay Hesus ay ang kanyang pagtalima sa kalooban ng Ama, na siyang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang tungkulin bilang ang Kristo. At alam din niya na dahil sa kanyang pagsunod ay inialay niya ang kanyang buhay upang itupad ang plano ng Ama para sa ating kaligtasan. Kaya magandang aral itong buhay ng ating Panginoong Hesukristo bilang Mesiyas hindi dahil sa karangalan ng titulo, kundi sa kabutihang-loob mayroon siya para sa bawat tao. Kaya ang misyon niya noong siya’y namumuhay dito sa lupa ay ang ating misyon din para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
PAGNINILAY
Ang Panginoon ang tanging Tagapamahala na nagbibigay ng pag-asa kahit sa mga kaaway. Paano natin haharapin ang mga di pagkakasundo? Ang ilan sa atin ay palaban. Naninindigan tayo, mga mandirigma para sa katarungan, para sa ating sarili at para sa iba. Hinding-hindi tayo magpapabaya at hahayaan na mamuno ang kasamaan. Ang ilan sa atin ay umiiwas sa gulo. Pinapanatili natin ang kapayapaan sa lahat ng paraan. Tinatahak natin ang daan ng krus: mas makadiyos ang magdusa ng mali kaysa humingi ng karapatan. Kung may posibilidad na iwasan natin ang gulo, kailangan nating tingnan si Hesus at matutunan kung paano ipaglaban ang hustisya. Kung madalas tayong lumaban, kailangan nating tingnan si Hesus at alamin kung kailan aatras. Inaakay tayo ni Hesus sa katarungan, ng walang away. Sinusunod natin Siya sa pakikipaglaban na sumisira sa kawalan ng katarungan ng hindi sinisira ang sinuman, ang kinabukasan na pinangungunahan tayo ng ating Hari, na ginagabayan ng Kanyang Banal na Espiritu.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming sundin ang Iyong halimbawa sa pamamagitan ng paggawa para sa kapayapaan at katarungan. Amen.
***