Podcast: Download (Duration: 6:27 — 8.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Ibinunyag ng Ama ang misteryo ng Kaharian sa mga maliliit. Manalangin tayo sa Diyos na nagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa mga maliliit at mabababang loob. Dalhin natin sa ating Amang nasa Langit ang lahat ng ating pangangailangan na may buong pananalig sa kanyang mapagmahal na kalinga.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang nasa langit, basbasan Mo ang Iyong mga anak.
Ang Simbahan nawa’y bigyan ng higit na pansin ang mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y pakinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng pinakamahirap na mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga bata nawa’y makilala ang Diyos sa pamamagitan ng ating pagtuturo at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kalinga at kagalingan mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng mga namatay nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, gawin mo kaming matalino sa iyong karunungan at tulungan mo kaming makasunod sa iyo sa kababaang-loob na ipinakita sa amin ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Hulyo 16, 2024
Huwebes, Hulyo 18, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
Tulad ng isang bata naka depende sa kanyang mga magulang, tayo ring mga mananampalataya ay dapat sumunod sa kalooban ng Diyos. Ipagkatiwala natin ang lahat sa Kanya sapagkat alam niya ang makabubuti para sa atin. Salamat po sa Mabuting Balita sa araw na ito. To God be the Glory!
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag sa pagbagsak ng kalaban ng bayan ng Diyos na Israel: ang Asyria. Nakita ng Panginoon kung paanong inalipin ang kanyang bayan sa mararahas na pagsakop at malulupit na mga kamay ng mga taga-Asyria. Kahit ilang beses nagkasala ang Israel laban sa Panginoon, hindi niya pinabayaan ang kanyang bayan. Nadinig niya ang hinaing ng kanyang bayang nagsusumamo ng kalayaan. Kaya nagpahayag ang Diyos sa pamamagitan ni Isaias ang pagbasak ng malulupit at mababagsik na mga banyaga. Kaya sa huli, hindi nanaig ang Asyria sa patuloy na pagbibihag sa bayang Israel.
Ang Ebanghelyo ngayon ang panalangin ni Hesus bilang pagpupuri sa Ama nating Diyos. Pinasalamatan niya ang Diyos Ama dahil sa ipinahayag na mga misteryo sa mga mapagpakumbaba at mga may kabutihang-loob na katulad ng mga bata. Unawaain po natin na hindi pinapababa ng Panginoon ang mga marurunong at matatalino, sapagkat alam na nila ang tungkol sa Paghahari ng Diyos dahil sa kanilang pag-aaral at pagsisikap. Ngayon naman ito’y ipinapakilala sa mga taong hindi masyadong dakila at kilala, o sa madaling salita, mga taong may kababaang-loob. Ang mga misteryo rin ay ipinahahayag sa mga taong nais makilala pa ang Diyos. Ito’y sapagkat si Kristo bilang Anak ng Diyos ang unang nakilala sa kanyang Ama dahil siya’y nagmula sa kanya. Kaya ipinakikilala niya ang kanyang sarili bilang hinahayag na mukha ng Diyos.
Sa kabila ng mga iba’t ibang sitwasyon na ating hinaharap, patuloy ang Diyos sa kanyang pagpapamalas ng kabutihan sa atin. Kung tayo lamang ay magpapakumbaba at kikilalanin siya sa pamamagitan ng pagiging saksi ng Mabuting Balita ng kanyang Anak, tayo ay kanyang pagpapalain para makamtan balang araw ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.
Pinapurihan ni hesus ang Diyos Ama.
Ang pagpupuri at pasasalamat na ito ni hesus sapagkat ang pag hahari ng diyos ay inilihim sa mga marurunong at matatalino sinasabi nga po na ang marurunong o matatalino ay mataas ang tingin sa sarili sapagkat dahil sila ay matalino ay walang mali sa kanila kung atin din mababatid ang turing sa isang matalino ay leader dahil sa sila ay madaming alam ay sila ang pinamumuno kumbaga walang silang ibang pakikinggan sapagkat sila nga yung leader dapat sila ang masusunod,
Kung ating maaalala na sa paaralan kapag nag bobotohan ang laging iboboto na president ay ang matatalino syempre po para sumunod sa kanya ang lahat dahil kung ang nilulok ay hindi gaano marunong o matalino ay hindi nga naman susundin. (Hindi naman po nilalahat, base lamang po sa obserbasyon pero hindi nilalahat)
Sabi nga po ni ate reign dito po sa kalupaan ay mas pinipili ang matatalino o marurunong ngunit sa panginoon ay inilihim sa kanila ang mga karunungan at ang paghahari ng diyos
Sabi nga po sa ISAIAS 6:9
At sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao: ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa; tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’
Sapagkat ang matatalino ay sariling panuntunan o sariling pangunawa, hindi sila nakikinig ng hindi saklaw ng kanilang katalinuhan.
Kung kayat ipinagkaloob ang kaluwalhatian ng diyos sa mga bata, sabi nga ng karamihan ang mga bata ay may kababaan ng kalooban, marunong makinig, at sumusunod sa mga nakakataas sa kanila, ang mga bata din ay may takot sa magulang at ang mga bata ay marunong mag appriciate ng kahit na maliliit na bagay lamang, ganito ang kaugalian na ninanais ng panginoon na ipagkaloob ang kanyang kaluwalhatian, dahil alam ng panginoon na sa mga taong ito ay may pitagan ang kanyang pagiging panginoon.
Sinasabi din po sa gospel na ito na nakikilala ng ama ang anak at nakikilala ng anak ang ama.
Kahit nababatid ni hesus ang isipan ng kanyang ama si hesus ay pitagan pa din sa ama, siya ay nagpupuri at nagpapasalamat sa mga bagay na ginawa ng ama para sa kanya, kahit na sila ay iisang diyos si hesus ay nag pupuri at nagpapasalamat sa Amang kataastaasan.
PAGNINILAY
Pinipigilan tayo ng pagmamataas mula sa pag-ibig at kaalaman ng Diyos. Isinasara nito ang ating isipan sa katotohanan at karunungan ng Diyos. Ang tunay na kababaang-loob at bukas na pag-iisip ay maaaring umakay sa atin sa pag-ibig at kaalaman sa Diyos. Ang pagiging simple at kababaang-loob na parang bata ay ang lupa kung saan maaaring mag-ugat ang biyaya ng Diyos. Kung tayo ay parang bata ay makakatagpo natin ang Diyos. Ito ay dahil kung tayo ay bata tayo ay mapagpakumbaba, walang kinikilingan, handa tayong umasa sa iba. Kadalasan ang ating sarili, partikular ang ating pagmamataas, ang pumipigil sa atin na makilala ang Diyos. Naniniwala tayo sa ating sarili at kadalasan ay hindi nagtitiwala sa Diyos. Sa pagtitiwala sa Diyos lamang natin nakikilala ang Diyos.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging tapat na mga anak ng Diyos. Amen.
***
MAGNILAY: Marunong pa ba tayong mamangha sa buhay? Ang mamangha ay katangian ng isang bata. Nakakatuwang masdan ang mukha ng isang batang namamangha. Larawan ito ng tuwa at sorpresa na madalas nawawala na sa atin kapag tumatanda na tayo lalo na kapag mataas na ang naabot sa buhay. Nawawala ang kalooban ng bata sa atin na susi upang patuloy tayong mamangha at masorpresa sa kilos ng Diyos sa buhay natin. Marami pang nilalaan ang Diyos sa atin pero nagsasara na ang puso natin. Mapalad nga ang nanatili ang kalooban ng isang bata sa kanilang puso. Patuloy nilang masasaksihan ang mga sorpresa ng Diyos sa kanila.
MANALANGIN: Panginoon, panatilihin mo sa puso namin ang kalooban ng isang bata na nananabik sa iyong pagmamahal.
GAWIN: Mamangha na tulad ng isang bata sa kadakilaan at pagmamahal ng Diyos.