Martes, Hulyo 16, 2024

July 16, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Matiisin ang Diyos at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, Panginoon.

Ang Kristiyanong nananalig nawa’y tumugon sa tawag ng pananampalataya at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan na italaga ang ating sarili para maging malaya kay Kristo ang mga taong napipiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may mga pusong hungkag at nanlalamig nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos at ng kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng habag at pag-ibig, pakinggan mo ang daing ng mundong nasusukol sa pagdurusa at pagkakasala. Palayain mo nawa kami sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald David Perez July 12, 2022 at 5:28 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang paalala ni Isaias kay Acaz tungkol sa pagkakaroon ng katatagan ng Juda laban sa mga nagbabalak ng masama sa kanya. Sinabi ng Panginoon Diyos na hindi niya tutularan ang kanilang masamang plano, sapagkat siya ang magiging gabay ng kanyang bayan, kaya ang mga nagplalano ng masama laban sa Juda ay kanyang pipigilin. Kaya nga matapos itong pagbasa, maririnig natin ang utos ng Poon kay Acaz na humiling ng isang tanda mula sa Panginoon na na mas mataas pa sa langit at mas malalim pa kaysa sa Sheol. Ngunit nagmatigas ang hari, subalit sinabi ni Isaias na hindi dapat niyayamot o ginagalit ng Diyos. Sapagkat ang tanda ng Diyos ay ang pangako ng kaligtasan sa pamamagitan ng paglilihi ng isang dalaga sa batang lalaki, na ang pangalan ay Emanuel (“Diyos ay sumasaatin”). Si Hesus ang tanda ng pangako ng kaligtasan ng Diyos.na magiging tagapagtanggol ng kanyang bayan, at gayun din ang pagbukas ng puso’t isip ng tao tungo sa pagsunod sa kalooban ng Ama.

Ang ating Ebanghelyo ay isang hinanakit ng ating Panginoong tungkol sa mga bayang hindi tinatalikuran ang kanilang mga kasalanan. Sinumbatan niya ang mga bayan ng Corazin at Betsaida sapagkat narinig nila ang mensahe niya, ngunit hindi ito’y pinanindiggan nang mabuti. Sinumbatan din niya ang kanyang itinuring na tahanan, ang Capernaum, sapagkat ito’y pilit na nagmamataas para sa sariling kapakapanan. Tila nga ba nakaktakot ang babala ni Hesus na mabigat na parusa ang haharapin ng mga bayan na ito sa Araw na Paghuhukom. Makikita natin dito yung awa at habag ng Panginoon na pagbigyan ng pagkakataon ang mga bayan ng Corazin, Betsaida, at Capernaum na sundin ang mga utos ng Panginoon. Sabi nga dun sa ating Aleluya Verse: “Dinggin ninyong lahat ngayon ang tinig ng Panginoon sa loob na mahinahon” (Salmo 94:8). Mahalaga rin dito na ang konsepto ng isang lipunan ay dapat nakikinabang sa tinatawag na “common good” ng lahat ng mga mamamayan. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa at sa ibang tao ay ganyan din ang ginagawa natin kay Kristo. Kung ang ating bayan ay paninindigan ang katotohanan at kabutihan, tunay na pagpapalain tayo ng Panginoon habambuhay. Habang tayo’y namumuhay dito sa lupa, kailangan natin dinggin ang kanyang mga mensahe at isabuhay ang mga ito nang sa gayon ang ibang tao rin ay gagawa ng mabubuting bagay para sa ikararangal ng ating Poong Maykapal.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: