Martes, Hulyo 16, 2024

July 16, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 16
Birheng Maria ng Carmel

Manalangin tayo sa Diyos Ama habang pinararangalan natin si Maria, ang Birhen ng Carmel.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng mga panalangin ni Maria, basbasan Mo kami, O Panginoon.

Tayo nawa’y magbahagi ng pananampalataya ni Maria at sundin ang kalooban ng Diyos nang may kagalakan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y lukuban ng Banal na Espiritu at punuin ito na pagsunod at pananampalataya at pamumunga ng mabuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Kung paanong naging tirahan ng Salita ang katawan ni Maria, nawa’y parangalan din natin ang ating mga sariling katawan bilang mga Templo ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating buhay nawa’y ilaan natin sa pag-aaral at pagninilay ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makatagpo kay Maria ng isang tunay na kanlungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipadala mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu upang marinig namin nang may pananampalataya ang iyong Salita at tuparin ito sa aming buhay. Pagkalooban mo kami ng mga pusong nalulugod at sumusunod sa iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Ervi G. Sobrevinas July 16, 2024 at 6:56 am

KAPATID isang salita ng Panginoong Hesukristo kung tayo ay sumusunod sa kalooban ng kanyang Ama na ating Ama. Si Maria na ating Ina na unang sumunod sa kalooban ng Diyos. Si Jose ang pangalawang ama sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga Alagad na namatay dahil sa pagsunod sa Ama. Kaya ang ating Ama sa langit kung karapat dapat tayong maging anak niya dapat tularan natin ang Panginooong Hesukristo upang mapabilang tayo na kanyang KAPATID at tawagin nating ina at ama ang kanyang magulang dito sa lupa para ng sa langit. Mahirap maunawaan ito kung walang pangunawa. Mabubuksan ang diwa ng mga taong magsisikap maging tunay na kapatid ni Kristo. Sa mga magshare nito handa ka na bang maging KAPATID NI kRISTO? Mawawala ang away, bangayan, kulto, manloloko,kung makikipag isa tayo sa ating KAPATID NA SI KRISTO. Sa pamamagitan ng Banal Na ESPIRITU maghahari ang KAPAYAPAAN, PAG-ASA, PANANAMPALATAYA AT PAG-IBIG NAGMUMULA SA SANTATLO.

Reply

Group of Believer Poblite July 16, 2024 at 7:47 am

MAGNILAY: Kung sino pa ang mga tunay na anak siya pang matigas ang ulo at hambog. Magdurusa sila kahit mga anak pa sila.

Ganito ang sitwasyon ng Corazin, Bethsaida at Capernaum na pawang mga Hudyong lunsod na kabilang sa bayan ng Diyos pero tumanggi sa pangaral ni Hesus. Kung nangaral siguro siya sa mga paganong lunsod ng Tiro, Sidon at Sodoma baka mas nakinig at nagbago pa sila. Tinagurian silang mga anak ng Diyos pero ayaw magsisi at magbago. Sinayang nila ang pagkakataon at pribilehiyo bilang mga anak ng Diyos. Aalisin at babawiin ito sa kanila.

Bilang mga Kristiyano pambihira din ang ating pribilehiyo mula sa Diyos. Pero tandaan natin kakambal ng pribilehiyo ang responsibilidad. Maging mas responsable tayo dapat kumpara sa mga hindi pa nakakilala sa kanya.

MANALANGIN: Panginoon, turuan mo ang pahalagahan ang pribilehiyo at biyayang kaloob mo sa akin.

GAWIN: Dahil anak ka ng Diyos maging mas responsable ka sa pagkakataong binigay sa iyo para magsisi at magbago.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: