Podcast: Download (Duration: 6:30 — 8.4MB)
Paggunita kay San Benito, abad
Oseas 11, 1-4. 8k-9
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16
Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.
Mateo 10, 7-15
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of St. Benedict, Abbot (White)
Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA
Oseas 11, 1-4. 8k-9
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas
Ito ang sinasabi ng Panginoon
“Nang bata pa ang Israel, siya’y aking minahal na parang tunay na anak, at inilabas ko siya sa Egipto.
Ngunit habang siya’y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo.
Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga diyus-diyusan.
At nagsusunog ng kamanyang sa kanilang mga diyus-diyusan.
Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko siya;
subalit hindi nila alam na ako ang nangangalaga sa kanila.
Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamalasakit at pagmamahal;
ang katulad ko’y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila’y mapakain.
Nagtatalo ang loob ko at nanaig sa aking puso ang malasakit at awa.
Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot.
Hindi ko na muling sisirain ang Efraim;
sapagkat ako’y Diyos at hindi tao, ang Banal na nasa kalagitnaan ninyo,
at hindi ako naparito upang magwasak.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16
Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.
Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!
Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.
Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!
Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.
ALELUYA
Marcos 1, 15
Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 10, 7-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi maging ginto, pilak, o tanso – sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.
“At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Hulyo 10, 2024
Biyernes, Hulyo 12, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
REFLECTION: In the First Reading (Hosea 11:1-4, 8e-9), the Prophet Hosea speaks of a loving God who wills for the salvation of his people despite their sinfulness and weaknesses. The prophecy recalls the story of salvation history when the chosen people of God, Israel, were delivered from slavery in Egypt. Unfortunately this stubborn and stiff-necked people did not heed the message of the Lord carefully and faithfully, which is why they have turned their backs against him. And the Lord is not pleased with their sins, which is why in many ways he punished them. But at the same time, this God is a merciful Lord who wills the salvation of his people. And at the fullness of time, he sends in his Son, our Lord Jesus Christ, to redeem us from our sin and to teach us the proper and charitable way of life.
In the Gospel (Matthew 10:7-15), Jesus sends the Twelve Apostles on the same mission he is doing. He commands them to preach the Good News, heal the sick, raise the dead, and expel demons. He also tells them not to carry anything along the way. They are to do their mission, trusting that God will provide them. The Gospel passage may seem like addressed to the Church because to heal the sick, raise the dead, and expel demons may seem very impossible for us to do. And not all of us are dreaming to be future priests someday. Simply, Jesus is telling us that we are all part of the missionary work.
Throughout the years, the Church continues to remind us that Evangelization is not only done through proclamation, but also through witness/lifestyle. teachers teaching their students, engineers building infrastructures, doctors and nurses caring for their patients, policemen and soldiers fighting for peace, order, and security, government officials and politicians carrying out their projects for the common good of the citizens, and many more. These are wonderful examples of Evangelization. When we proclaim God’s word, we are also to live it in action. So as we journey down this road, may we all take part in spreading the Good News through words and actions. May we also provide the physical and spiritual needs to others.
PAGNINILAY: Sa Ebanghelyon Ngayon, ipinadala Ng Panginoon ang labindalawang Discipulo para Gawin ang kanyang misyon, inutusan Niya Niya Sila na ipahayag nila ang mabuting Balita, pagalingin ang mga may karamdaman, buhayn ang mga patay at palayasin ang mga demonyo. Pinagbilinan din niya Sila na wag magdala Ng mga kagamitan o alin Mang bagay na sagabal sa kanilang misyon, pinaalalahanan din na magtiwala sa Dios na nagbibigay sa LAHAT Ng bagay na kailangan.
Ang ebanghilisasyon ay nag patuloy sa Simbahan, ang misyon ni Jesus na pagalingin ang may sakit, Buhayin ang mga patay, palayasin ang mga demonyo ay bahagi na nito upang matupad ang kaganapan nga kaharian Ng Dios at Tayo ay kabahagi Ng misyong ito.
Sa paglipas Ng panahon ang Simbahan ay nagpapaalala sa atin na sa pag mimisyon ay Hindi lang sa pag patupad nito, sa halip ay inaanyayahan tayo na maging saksi Tayo sa ating Buhay. kung tagapag turo ka maturo ka, kung tagapag Tayo ka gandahan mo ang instraktura, kung Ikaw ay Isang doctor alagaan mo ang may sakit, kung Ikaw ay police pangalagaan mo ang kapayapaan at siguridad, kung Ikaw ay lingkod Ng Dios tumulong ka sa pagaalaga sa siguridad at Espiritual Ng bawat kaluluwa Ng tao. Yan ay bahagi Ng pag mimisyon habang Tayo’y naglalakbay sa mundong ito.
ARAL: Sa mga pangangailangang Espiritual at physical mayroon TayoNg malalapitan na handang magbigay Ng kanyang panahon at Buhay, Si Jesus at ang Simbahan, ang pamahalaan na kumakalinga at Lunas din sa physical na karamdaman.
PANALANGIN: Panginoon, tulungan mo Ako, nawa maging bahagi Ako Ng iyong misyon.
GAWAIN: pakingan mo ang bilin Sayo Ng Panginoon l.
Maglakbay ng magaan lamang na makakapag pabagal sa atin. Maniwala sa tulong n Diyos.
Isuko natin ang lahat sa Diyos.
Wag magtatanim ng galit sa kapwa.
Ipaubaya sa Diyos ang ating galit para lumaya sa galit na nadarama para sa atin bago sa iba.
Kung nasaktan tayo mas nasaktan sya para sa atin.
Tutulungan tayo ng Panginoon na sya ang gagawa ng aksyon.
Indi masama ang magalit ang masama ay magtanim ng galit.
Kusang mawala ang galit wag lang aalagaan.
PAGNINILAY
Ano ang maibibigay natin na hindi nangangailangan ng pagbabayad sa magkabilang panig? Oras natin? Kadalubhasaan? Mga kaloob? Pagpapatawad? Maaari nating bigyan ang iba ng benepisyo ng pagdududa. Maaari nating ipagdasal na ang taong tumatanggap mula sa atin ay ipasa ang biyaya ng pagbibigay, at na ang sinumang patawarin natin ay patatawarin din ang iba. Ating pinasasalamatan ang lahat ng ating natanggap upang tayo ay makapagbigay ng malaya. Nililinis tayo nito mula sa anumang pagmamataas o pangsariling katuwiran, dahil napagtanto nating lahat tayo ay tumatanggap ng awa ng Diyos. Inilalagay natin ang lahat ng ating pag-asa at pagtitiwala sa Diyos – dahil ang Kanyang pag-ibig at pagkabukas-palad ay hindi kailanman nauubos. Nawa’y hindi tayo kumapit sa materyal na mga bagay at mas higit sa presensiya ng Diyos.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging bukas-palad sa pagbabahagi ng mga kaloob na Iyong ipinagkaloob sa amin. Amen.
***