Huwebes, Hulyo 4, 2024

July 4, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Taglay ang buong pananalig ng mga kaibigan ng paralitiko, dalhin natin sa Panginoon ang ating mga pangangailangan at ang mga dalamhati ng Simbahan at ng mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin at ibangon Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y palagiang isagawa ang mapagligtas na misyon ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari na nagdiriwang ng Sakramento ng Pakikipagkasundo nawa’y laging magpakita ng habag at pang-unawa sa lahat ng mga nagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handang magpatawad ng ating kapwa sapagkat bahagi ito ng ating tungkulin sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng kasiyahan at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasalo sa walang hanggang kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawaran na dulot ng iyong Anak sa amin. Kami nawa’y makapagpatawad sa mga nagkakasala sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Ma.Julieta S. Catiis June 28, 2022 at 8:21 am

Magandang araw mga kapatid natin!

Pananalig! Pananampalataya ! Amen..
Eto po ang dalawang iisang kahulugang salita na kapag itinanim na sa ating puso, wala ka ng hahanapin pa. Andiyan na lahat ang ingredients na kailangan ng bawat isa sa atin lalo na sa pagharap sa mga bagong hamon na dumarating sa ating buhay. Magiging madali ang lahat kapag ito ang ating sandata sa pakikipaglaban sa mundong ito… Isang pitik lang ng ating Panginoon sa ating mga dinaranas ang papalit ay ginhawang lubos.. Mga kapatid, halika na, sama na para sa dalawang salitang ito na may iisang kahulugan. Tiyak na tiyak ang buhay mo ay giginhawa at masasabi mong napakagaang mabuhay dahil ako’y nasa palad ng ating Ama sa langit…Amen.

Reply

Reynald David Perez June 29, 2022 at 11:35 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay tungkol kay Propeta Amos, na kilala bilang “propeta ng katarungang panlipunan”. Ito yung madalas ipunto ni Amos sa mga taga-Israel o ang Hilagang Kaharian dahil sa kanilang pag-aalipusta at pagyuyurak sa pagkatao at karapatan ng mga mahihirap at mababa ang kalooban sa kanilang lipunan. Natuntunan ni Amasias, isang pari ng Betel, ang pangangaral ng propeta, kaya nagsumbong siya kay Haring Jeroboam. At hinarap ng paring ito si Amos at tinawag pa nito bilang “bulaang propeta”. Kaya tumugon si Amos na patuloy siyang mangnagaral laban sa kasamaan ng Israel. Hindi siya titigil sa pagsasalita sapagkat alam niya na pumapanig siya sa Diyos na dumidinig sa hinaing ng mga inaapi at inaalipusta ng mga makamundong lipunan.

Ang Ebanghelyo ay isa na naman kilalang kababalaghan ng ating Panginoong Hesukristo. Makikita natin ang kanyang popularidad sa maraming nayon at bayan ng Israel. Nais niyang mangaral sa isang sambahayan sa Capernaum, ang kanyang ikalawang siyudad ng paninirahan, at di inaasahang mapupuno ang bahay na kanyang tinutuluyan kahit hanggang sa labas. At pumasok sa eksena ang apat na lalaking dinadala ang paralitiko sa isang higaan. Dahil hindi sila makapasok, ginawa nila ang lahat para idala ang kanilang kaibigan palapit kay Hesus, kahit gumawa ng butas sa bubong ng bahay. At dahil sa kanilang malaking pananampalataya, sinabi ni Kristo sa paralitiko na ang mga kasalanan nito ay napatawad na. Ngunit pinagbulungan siya ng mga Pariseo at eskriba sapagkat tingin nila na nilalapastangan niya ang Diyos, na pinaniniwalaan nilang tanging magpapatawad ng mga kasalanan. Subalit natuntunan ni Hesus ang kanilang pinag-iisip at hinamon sila kung sasabihin niya sa paralitiko na ang kasalanan nito ay napatawad na o kaya iutos sa taong ito na gumaling. Kaya pinatunayan ni Kristo na siya’y may awtoridad mula sa Diyos Ama na magpagaling hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin sa espirituwal na paraan. At sa huli, namangha ang mga tao sa ginawa ng Panginoong Hesus na hindi katulad sa nakita nila noon na mga kababalaghan sa nakaraan.

Mahalaga dito sa ating kwento ngayon ang pagkilala na Diyos na patuloy na humihilom sa bawat sugat na ating nararasanan, pisikal man ito o espirituwal. At ang pagtanggap ng kanyang pagpapagaling ay nangangahulugang idala rin natin ang ibang tao palapit sa kanya, katulad ng 4 na lalaki na nagdala ng kanilang kaibigang paralitiko nang ito’y pinaggaling ni Hesus.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 30, 2022 at 10:34 am

Anong ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon?

Tunay na ang magpapagaling sa ating karamdaman, maglulutas ng ating mga problema at magpapawala ng ating pangamba at takot ay ang PANANALIG. Kahit anong dalangin ng isang tao kung kulang o mahina ang kanyang pananalig sa Diyos ay hindi nito makakamtam ang kanyang hinihiling.

Kaya’t itunuro ni Hesus na kung tayo ay magdarasal ay ibigay mo ang buong tiwala at pananampalataya sa kanya. Sapgkat kung pagkatapos mong manalangin ay may pangamba ka pa din ay hindi lubos ang iyong pananalig.

Sinabi nga ni Padre Pio, Pray, Hope and don’t worry.

Sinabi din sa banal na kasulatan. Do not worry about anything, instead pray about everything.

Reply

Group of Believer Poblite July 4, 2024 at 5:44 am

MAGNILAY: Ang kaligtasan ay personal na desisyon pero hindi maikakaila na may kinalaman din ang iba. May mahalagang papel ang pamilya, kaibigan, at kasamahan sa grupo at komunidad. Naliligtas tayo dahil sa pananampalataya ng iba tulad ng naganap sa paralitiko. Ang sakripisyo ng iba para sa atin ay kinikilala ng Diyos. May pananagutan tayo sa kaligtasan ng isa’t-isa. Hindi lang natin puwedeng sabihin na bahala ka sa buhay mo tutal personal ang kaligtasan!

Lalong tumitingkad ang papel ng iba sa ating kaligtasan kapag tayo ay may karamdamang pangkaluluwa. Kapag naliligaw tayo ng landas at namumuhay sa pagkakasala mas lalo nating kailangan ang iba upang payuhan tayo. Kailangan natin ang iba upang mahanap natin ang sarili natin. Kailangan natin ang panalangin ng iba upang maakay tayo kay Hesus.

Ang mga walang pakialam sa kaligtasan ng kapwa ay gaya ng mga eskriba. May maganda nang nangyari sa paralitiko ginawan pa ng isyu. Halatang hindi sila natutuwa at wala silang pakialam maligtas man o hindi ang iba. Nabulag sila sa kanilang pananaw na ang kaligtasan ay estriktong personal at hindi sila apektado anumang mangyari sa iba.

MANALANGIN: Panginoon, maligtas nawa kaming lahat nang sama-sama.

GAWIN: Pagtrabahuan mo rin ang kaligtasan ng iyong kapwa huwag lang ng iyong sarili

Reply

Carlos David Miciano July 4, 2024 at 7:14 am

Hanap Butas ika nga

na sa kabila ng ating mabuting hangarin para sa kapwa, may mangilan-ngilan parin na hahanapan ka ng butas sa iyong mga ginagawa at sinasabi para palabasin kang masama, at ganyan ang nangyari sa dalawang taong nabanggit sa ating pagbasa, si Amos na Ang hangarin ay ang magpahayag ng salita ng Diyos para sa ikabubuti ng kanyang kapwa israelita, at ang ating Panginoong Hesus na nangangaral at nagpapagaling ng may sakit, sa Buhay Hindi na bago na laging me kontrabida sa ating Buhay, sa bawat pelikula at istroya kung may bida, may kontra bida, at ganun din sa panahon natin ngayun na moderno na kung saan ay ang mga vloggers kahit na maraming supporters ay may bashers parin, ngunit sa kabila ng mga ito, sa kabila ng pagkakaroon ng mga taong magiging obstacle sa Buhay natin, o kontrabida sa Buhay natin, gaya ni Propera Amos at ng ating Panginoong Hesus, ay magpatuloy tayo sa gawaing, una para sa ikabubuti ng ating kapwa, pangalawa ay para sa Pag-Ibig at ikatlo ay para sa ikaluluwalhati ng ating Panginoong Diyos. wag po tayong patitinag, bagkus ay mas palakasin pa natin ang ating Pananalig sa Diyos, dahil kung panig natin ang Panginoong, ay Wala pong makakapigil sa ninanaiis natin na walang iba kundi ang Kabutihan para sa kapwa at ang ikabubuti ng ating Kapwa.

Reply

Marz July 4, 2024 at 1:55 pm

Pananalig na indi bumibigay indi nawawalan ng pag asa. Jesus rewarded these people. Pananampalatay na indi sinasayang ng Panginoon. Keep believing. What is impossible to man is possible to God. Hebrews 11,6 And without faith, it is impossible to please him, for whoever would draw near to God must believe that he exists and that he rewards those who seek him. God’s pleasure and desire are to be believed and diligently sought by us. Gagawin naman natin lahat kung ito mahalaga kasama ang matibay at matyagang pananampalataya. At mas nagiging madali ang pananampalataya kung tayo ay may kasama dahil ito ay nagbibigay ng pag asa. Samahan sa paglaban ang taong lubhang nangangailangan upang ito maging madali dahil tayo ay kasama nila. Patuloy na manampalataya sa gawa indi lang sa salita kahit tayo ay hirap na o may problema. Matibay na pananampalataya na mas lalo pang pinagtitibay ng pananampalataya ng iba.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: