Podcast: Download (Duration: 4:51 — 3.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 3
Apostol Santo Tomas
Taglay ang pananampalataya ni Kristong Muling Nabuhay, na ang mga sugat ang tanda ng kanyang tagumpay, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng habag.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan mo kami sa aming kahinaan.
Bilang isang Simbahan, nawa’y hindi tayo magkulang sa pagpapahayag ng ating pananampalataya sa mga taong hindi sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang Simbahan sa Asya nawa’y magkaroon ng paglago, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nakalugmok sa pagiging makasalanan at kawalan ng pananampalataya nawa’y mapangibabawan ang kanilang pag-aalinlangan at yakapin ang tunay na pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nabibigatan sa buhay, lalo na ang mga maysakit at nangungulila, nawa’y magtamasa ng kagalakan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, sa pagluluhog namin sa iyo ng aming mga kahilingan, palalimin mo ang aming pananampalataya, upang tulad ni Santo Tomas, ibigin at sambahin namin ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Hulyo 2, 2024
Huwebes, Hulyo 4, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ni Apostol Santo Tomas. Siya’y tinaguriang bilang “Doubting Thomas” sapagkat narinig natin sa Ebanghelyo kung paano siyang nag-alinlangan nang mabalitaan ng mga kapwa niyang Apostol na nabuhay na mag-uli ang Panginoon. Wala siya noong panahong nagpakita si Hesus na muling nabuhay sa mga Apostol nang gabi ng Linggo ng Pagkabuhay. Kaya nagdemanda ng prueba si Tomas ng mga sugat ni Kristo sa mga kamay at tagiliran nito bago pa siya maniwala. At makalipas ang isang Linggo, sila’y nagkatipon sa parehong bahay kasama si Tomas. At sa puntong iyon ay nagpakita na naman ang Panginoong muling nabuhay nang may bati ng kapayapaan. Dito rin iwinasto ni Hesus ang pananampalataya ni Tomas sa paanyaya’y tignan at hawakan ang kanyang mga sugat sa mga kamay at tagilirian. Dahil sa lubos na kagalakan, nawala ang pag-aalinlangan ni Tomas, at buong pahayag sinabi niya, “Panginoon ko at Diyos ko” (bersikulo 28).
Kaya sinabi ni Hesus na ang mapalad ang mga taong sumasampalataya sa kanya, kahit hindi nila nakikita siya. Ito ang naging inspirasyon ng maraming Kristiyano sa pagsampalataya sa Panginoong Hesus bagamat hindi pa nila nakikita siya nang ganap. Dahil na rin sa pangngaral ng mga Apostol katulad ni Santo Tomas, lubos na nakilala nila si Kristo sa kanilang buhay. Si Santo Tomas ay nangaral hanggang India, at doon sa bansang iyon ay dumanak ang kanyang dugo bilang pag-aalay ng buhay para sa pananampalataya at sa pangngaral ng Mabuting Balita. Si Apostol Tomas ay kilala rin sa pag-aanyaya sa kapwa niyang Apostol na sundan si Kristo papuntang si Betania upang buhayin si Lazaro. Siya rin ang nagtanong kay Kristo kung paano nila malalaman ang Daan, na siyang tinugon ng Panginoon tungkol sa Daan, Katotohanan, at Buhay.
Nawa’y tularan natin ang pagiging saksi ni Santo Tomas upang tayo ay patuloy na sumampalataya sa ating Diyos bagamat hindi natin siya nakikita. Nawa’y ipadama rin natin ang pananampalatayang ito sa ating karanasan na pagtatagpo sa ibang tao.
Madali ka bang maniwala? May mga bagay na ang hirap paniwalaan. Ang sabi nga nila ay: “to see is to believe.” Ang mga tao kadalasan ay mapagduda. Lalo na kung ang namatay ay muling nabuhay. Natural na natural sa tao ang reaksyong ito ni Santo Tomas. Ngunit siyempre, walang impossible Kay Hesus. Kaya nga eto tayo naniniwala Kay Hesus kahit napakatagal na nangyari ang mga bagay – bagay. Malaking tulong ang ating paniniwala sa ating pananalig. Naway wag tayong bumitaw kay Hesus lalo na sa pandemyang ito. Tutulungan Niya tayo.
Madalas nating sabihing “Mahal kita Hesus”, Ngunit sinabi ni Hesus, “Paano mo ako mamahalin gayong hindi mo nman ako nakikita, ang iyong ngang kapatid/kapwa na nakikita mo ay hindi mo makuhang patawarin. Mga kapatid ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ay hindi mo maipadadama kung hindi mo kayang gawin sa iyong kapatid. Ang pagmamahal kay Hesus ay dapat mong isagawa sa pagmahahal sa iyong kapwa. Kapag trinato mo ang iyong kapwa gaya ng gusto mong maging trato sayo, naipadama mo kay Hesus ang pag-ibig. Ang ebanghelyo ay tungkol sa paniniwala sa Diyos ng walang alinlangan, pero hindi sapat ang paniniwala lamang kung ikaw ay walang takot sa Diyos. Maniwala, manalig at magmahal…
Minsan mga tao mahilig sa proof o patotoo maraming balakid o alinlangan sa buhay walang tiwala sa sarili pinagbinintangan na multo, o kayay mangkukulam dahil mahilig tayo sa ganoon uri pero Ang sabi sa atin nang Mahal na Panginoon ay ganito ang sinumang manalig sa akin ay hindi mamatay bagkus mabubuhay ganito rin ang mga sinabi nang ating Mahal na Panginoon noong pinagaling niya ang mga ketongin at Ang may mga sakit dahil naniwala sila sa Diyos Ang sinumang kumatok ay pabubuksan ang sino man nauuhaw ay paiinomin manalig lamang tayo sa ating Mahal na Panginoon dahil ito ang patunay na walang impossible sa kanya dahil balang araw dadalhin niya tayo sa buhay na walang hanggan.
People who doubted God called, “My Lord, my God.”
People lost out because we failed to rise.
It is easy to follow the Lord when the moment is right.
We gain more wisdom from our failures than our successes.
We easily criticize people based on their sins; nevertheless, we should not judge because we do not know what happened. Be conscious that it may happen to us and that we may not know how to respond appropriately.
Sin does not look in the man’s face.
It’s not horrible to fall much worse not to get back up.
It is not awful to make the wrong decision; what is bad is not making the right decision.
God allows us to fall to stand in our strength.
There is no hopeless case. Sometimes people are hopeless.
PAGNINILAY
Ngayon ay ang kapistahan ni St. Thomas, na madalas na tinatawag na ‘Doubting Thomas’ dahil sa kanyang pagdududa ng pahayag na “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita ang marka ng mga pako, ilagay ang aking daliri sa mga marka ng pako at ilagay ang aking kamay. sa Kanyang (Hesus) tagiliran”. Tulad niya, tayo rin minsan ay nahuhulog sa bitag na ito. Nagtatakda tayo ng mga kundisyon para sa maraming bagay bago tayo maniwala, tulad ng, ‘maliban kung ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa amin.., maliban kung bibigyan mo kami ng patunay.., maliban kung nakikita ka namin bilang isang mapagkakatiwalaang mapagkukunan., atbp. Kung minsan, nagiging masyadong mapanlinlang tayo – naniniwala sa mga tsismis at sabi-sabi ng ibang tao ng hindi hinahanap ang katotohanan. Ipinaaalala sa atin ni Hesus na sa kabila ng ating pabagu-bagong pag-iisip, ang Kanyang katapatan ay hindi nababawasan. Handa Siyang ipakita sa atin ang Kanyang mga sugat anumang oras, para maniwala tayo na mahal Niya tayo, sa kabila ng ating mga pagdududa.
Aking Panginoon at aking Diyos, tulungan Mo kaming maniwala sa Iyo kahit na wala kaming nakikitang pisikal na katibayan ng Iyong Banal na Presensya. Amen.
***