Podcast: Download (Duration: 6:06 — 8.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Sumusunod sa Anak ng Diyos maging ang hangin at alon. Mulat sa katotohanang ito, manalangin tayo nang may pananalig para sa katahimikan ng napakagulong mundo.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong kapayapaan.
Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro, nawa’y maging malakas sa pananampalataya higit sa lahat sa kanilang pagharap sa mga paghihirap at pagsubok sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naglalakbay sa karagatan, ang mga mandaragat, mga mangingisda, at yaong mga taong sa dagat nagmumula ang ikinabubuhay nawa’y makadama ng kasiguruhan at kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nanghihina sa kanilang pananampalataya nawa’y mapatatag sa pamamagitan ng tulong at suporta ng kanilang mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may kapansanan at mga nagdurusa sa matagal na karamdaman nawa’y makatagpo ng kapayapaan kay Kristong may kapangyarihang magpagaling, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makadama ng walang hanggang kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama sa Langit, patatagin nawa kami ng mga pagsubok at suliranin ng buhay na puno ng unos, at magdulot nawa ito ng kapayapaan sa aming mga kaluluwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Hulyo 1, 2024
Miyerkules, Hulyo 3, 2024 »
{ 3 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Panginoon ay kapiling natin habambuhay. Hindi niya tayo pinababayaan kahit sa mga oras ng kapighatian at lunos. Ang Ebanghelyo ngayong araw na ito ay isang dakilang kababalaghan ni Hesus habang kasama niya ang 12 Apostol. Sumakay sila sa bangka papunta sa ibayo ng Lawa ng Galilea. At biglang nilibot sila ng isang malalakas na bagyo, habang gumigiwang ang bangka sa galaw ng hangin at dagat. Natatakot ang mga alagad, kaya ginising nila si Hesus. Sa isang idlip hindi sila makapaniwala na agad na pinatahimik ng Panginoon ang bagyo. Kaya tinanong ni Kristo kung bakit napakaliit ang pananalig nila.
Makikita dito sa kababalaghan nito ang imahe ng pag-aakay ng Diyos sa kanyang Simbahan. Ang Simbahan ay sumasagisag sa bangka, habang ang 12 Apostol ay sumasagisag sa Santo Papa, mga Obispo, at tanang Kaparian. Sa buhay natin sa daigdig, ang mga kumakatawan ng Hierarkiya ay mayroong kani-kanilang kahinaan sa buhay. Sila ay dumadaan sa napakaraming pagsubok sa kanilang tungkulin bilang mga pastol ng Sambayanan ng Diyos. Subalit makikita natin ang buhay ng isang Pari, Obispo, at Santo Papa ay nakatalaga sa Diyos, na kung saan ang kanilang buhay ay inilatag upang paglingkuran siya at ang buong sambayanan nang may katapatan.
Marami ring pagsubok na pinagdaanan ng mga Apostol noong kasama nila ang Panginoon, ang isa ay ang pag-iwan nila sa kanya habang siya’y nagdurusa patungo sa kanyang kamatayan sa Krus. Subalit nang siya’y muling mabuhay, ang biyaya niya sa kanila ay kapayapaan na sinasabing kinalimutan na niya ang kanilang pag-iwan sa kanya. Kaya sa araw ng Pentekostes, sila’y pinuspos ng Espiritu Santo upang maging mga tagapagdala ng Mabuting Balita sa Simbahan. At ganun rin ang buhay ng mga pastol ng ating Simbahan na sa kabila ng kanilang kahinaan at kapabayaan ay patuloy natin silang ipinagdarasal na mas maging matapat sa kanilang tungkulin. Ganun rin tayo sa buhay ay mayroong mga bagyong pinagdadaanan tayo. Ito ang mga pagsubok na minsan tayo ay pinagbibigatan at pinaghihirapan. Subalit sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, malalampas natin ang bawat problemang iyan upang mas maging matapat sa kanya sa patuloy na paggawa ng katuwiran at kabutihan. Kaya ang una nating kailangang gawin ay huminahon at ramdamin ang kanyang dakilang presensiya.
MAGNILAY: Kapag nakakatulog tayo nang mahimbing ibig sabihin panatag tayo. Yun ang palatandaan. Kahit may unos ang buhay kumpiyansa tayo. Hindi tayo sobrang nag-aalala.
Ganitong kapanatagan ang nais ni Hesus na madama natin dahil nga lagi natin siyang kasama sa puso natin. Kahit lumalakas ang unos minsan manatili tayong panatag dahil kasama natin siya. Mas malakas siya kaysa pinakamalakas na unos ng buhay. Kasama natin siya sa bangka ng ating buhay kaya’t maaari tayong matulog nang mahimbing sa gitna ng mga malalaking alon ng buhay. Siya mismo ay panatag sa kanyang sarili dahil tiwala siya sa kanyang Amang nasa langit. Siya mismo ay natutulog nang mahimbing kahit ang lakas-lakas ng unos. Nais niyang tularan natin ang pagtulog niya nang mahimbing.
Hindi naman ibig sabihin ng pagtulog nang mahimbing ay wala na tayong gagawin. Gamitin natin ang abot ng ating makakaya upang harapin ang mga hamon ng buhay pero huwag tayong pananaigan ng duda at alinlangan at lalo na ng takot. May dahilan ang Diyos kaya’t hinahayaan niya ang mga unos na ito. Tuwing nalalagpasan natin ang kada unos ng buhay may leksyon tayong natututunan. May bagong lakas din tayong natutuklasan sa ating sarili.
MANALANGIN: Panginoon, ipadama mong kasama ka namin lalo kapag may unos ang buhay upang mapanatag ang puso namin.
GAWIN: Harapin ang unos ng buhay nang may kumpiyansa at kapanatagan.
Jesus is a man, but not your average man.
He is a God, thus the wind and sea obey Him.
We cannot expect the world to prepare for us if we desire to serve God. We must prepare ourselves.
Allow your children to eat whatever is served rather than serving them what they desire.