Podcast: Download (Duration: 7:33 — 9.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Lumapit tayo sa Ama upang tulungan tayong makasunod sa halimbawa ni Jesus na nag-uutos sa atin na ibigin natin ang ating mga kaaway.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, tipunin Mo kami sa iyong pag-ibig.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magbigay saksi sa pamamaraan ng habag, pag-ibig, at pagpapatawad upang masalamin sa kanila ng sanlibutan ang kabanalan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namimighati at nasusuklam sa kanilang kapwa nawa’y mapagtanto na maghihiwalay sa kanila sa Diyos ang pagbibigay daan sa hinanakit at galit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay at sinira ng hindi pagbibigay-halaga sa bawat isa nawa’y muli nilang matagpuan ang dating alab ng pagsasama at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makamit ang kapayapaan ng kaisipan at kalooban na nagmumula sa kanilang pagkaunawa at pagtanggap sa kahalagahan ng kanilang pakikihati sa pagdurusa ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pumanaw nawa’y makihati sa kapayapaan at kaligayahan ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, alam mo kung ano ang mabuti para sa amin. Tanggalin mo ang lahat ng hinanakit sa aming mga puso at basbasan mo ang lahat ng aming pagsusumikap na mahalin ang aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Hunyo 17, 2024
Miyerkules, Hunyo 19, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay sumunod sa pagbasa kahapon matapos angkinin ang ubasan ni Nabat. Ipinahayag ni Elias kay Haring Acab ang balak na parusa ng Diyos sa kanya at kay Jezebel dahil sa pagkamkam na nagmamaaring lupa ng ibang tao. Kaya nagpakumbaba ang hari na huwag siyang isumpa ng Panginoon, at sa halip ay nag-ayuno siya bilang pagsisisi sa kanyang mga kasalanan. Kaya ipinahayag ng Diyos kay Elias na nagpakumbaba si Acab, at hindi paparusahan nito. Subalit dahil sa kanyang ginawang mga masasama, ang kanyang susunod na henerasyon ay sinumpaan ng Diyos. Makikita natin sa kwentong ito na ang Diyos ay Diyos ng katarungan. Subalit sa bandang huli, bagamat ang tao ay tuloy na nagkakasala, nagbibigay pa rin siya ng pagkakataon upang ang tao ay magsisi, magbagong-buhay, at patuloy na mamuhay sa tamang landas at liwanag na puno ng pag-ibig.
Ang Ebanghelyo ngayon ay kadugtong ng Ebanghelyo kahapon. Sa Pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo sa Bundok, binibigyang-diin ni San Mateo si Hesus bilang Katuparan ng Kautusan at ng mga propeta. Sa salaysay na ito, pinagpanibago niya ang tao tungo sa kanilang pagmamahal sa bawat isa. Sinasabi sa Levitico 19:18 tungkol sa pagmamahal sa kapwa. At may ilang bersikulo sa Lumang Tipan ay bagamat hindi direktang tumutukoy sa pagkapoot sa iyong kaaway, tinutukoy pa rin ng mga ito ang hindi pagpapayag sa ginagawa ng mga taong ito. Kaya pinalawak ng Panginoong Hesukristo sa pagtuturo sa pagmamahal sa mga kaaway. Sinab pa nga ng Panginoon na ipagdarasal ang mga mang-uusig upang maging mga tunay na anak ng Ama nating Diyos sa langit, Aaminin natin na madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Sa dami ng kasalanan ng iyong kaaway at dahil masyadong mabigat ang kanilang kasamaan, paano kaya natin mamahalin at pagpapatawad ang ganyang klaseng tao? Ang pinupunto dito ni Hesus na sa kabila ng kasamaan at pagkakasala ginawa ng iyong mga kaaway, at normal sa ating katauhan na kapootan sila, dapat ang trato natin sa kanila ay mga “tao lamang” katulad natin. Subalit hindi natatapos ang kwento ng tao sa kanyang kahinaan, bagkus ay dapat ito’y isang pagkakataon upang siya ay matuto, magsisi, at gumawa ng kabutihan At mangyayari iyon kapag inaalala natin hindi lang ang ating mga kaaway, kundi ang lahat ng mga makasalanan sa ating mga panalangin. Kahit ang mga publikano at Hentil, mga itinuturing ng mga Hudyo na “humiwalay”, ay nagmamahal at nagbabati sa kapwang nagmamahal at hindi nagmamahal sa kanila, kapwang nagbabati at hindi bumabati sa kanila. Kaya itinuturo sa atin ng Ebanghelyo ngayon ang kaganapan ng pag-ibig sa ngalan ng ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano. Ang dakilang huwaran ng pagmamahal sa mga banal at makasalanan ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesukristo. Hanggang sa kanyang hantungan ng kanyang Kamatayan sa Krus, binigyan tayo ni Kristo ng isang bagong pagkakataon na mamuhay dahil minahal niya tayo at iniligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Sa pinakahuli ng ating Ebanghelyo, tayo ay inanyayahan ni Hesus na maging perkpetko katulad ng pagkaperpekto ng ating Diyos Ama. Sa ibang pagsalin, ito’y pagiging ganap sa pagmamahal katulad ng ganap ng pag-ibig sa atin ng Maykapal.
Ano ang mga aral at hamon sa atin ng mga pagbasa ngayon?
Ang Unang Pagbasa ay paalala sa atin na ang Panginoon ay nagagalit sa mga taong sumusuway sa mga kautusan at may naka-ambang mabigat na parusa subalit paalala din ito sa atin na kung ikaw ay magsisi, maninikluhod, hihingi ng kapatawaran at magsisiskap na iwanan na ang gawang masama ay kahahabagan at patatawarin pa rin tayo ng Diyos.
Ang ebanghelyo ngayon ay isang hamon tungkol sa nararapat nating gawin sa mga taong nakasakit sa atin o sa ating kaaway.
Sa mundong ito, hindi lahat ay panig sa atin, marami ang uusig sayo, marami ang gagagwa ng hindi maganda laban sa iyo lalo na kung ikaw ay nakikitang nilang umaangat. Minsan ay sarili mo pang kapatid o kamag anak ang gagawa sa iyo nito. Kaya’t mahirap tanggapin at patawarin. Subalit amg nais ni Hesus sa atin ay pag-ibig pa din maging sa kaaway. Ipanalangin mo ang iyongbkaaway na makilala nya din si Hesus. At huwag mong ipanalangin na may mangyaring masama sa kanya. At lalong huwag kang mag isip na maghiganti. Ang kadalasang nababanggit ng tao kapag galit na galit sa kapwa nya ay “mamatay ka na sana!”. Napakasama pala ang banggitin natin iyon. Ang kailangan ay magtimpi, huminga ng malalim, intindihin ang tao kung bakit nya nagawa iyo at manalangin sa Diyos ng kapayapaan, kapayapaan mg puso at isipan. Dito natin hihilingin ang Espiritu Santo na syang gagabay sa ating mga desisyon sa buhay.
Isa pang aral ng ebanghelyo ay ang wag mamimili ng tao, kung amg pakikitaan mo lamang ng maganda ay ang iyong kaibigan ay wala tayong iniwan sa mga Hentil.
REFLECTION: Ano ang mga aral at hamon sa atin ng mga pagbasa ngayon?

Ang Unang Pagbasa ay paalala sa atin na ang Panginoon ay nagagalit sa mga taong sumusuway sa mga kautusan at may naka-ambang mabigat na parusa subalit paalala din ito sa atin na kung ikaw ay magsisi, maniniluhod, hihingi ng kapatawaran at magsisiskap na iwanan na ang gawang masama ay kahahabagan at patatawarin pa rin tayo ng Diyos.
Ang ebanghelyo ngayon ay isang hamon tungkol sa nararapat nating gawin sa mga taong nakasakit sa atin o sa ating kaaway.
Sa mundong ito, hindi lahat ay panig sa atin, marami ang uusig sayo, marami ang gagagwa ng hindi maganda laban sa iyo lalo na kung ikaw ay nakikitang nilang umaangat. Minsan ay sarili mo pang kapatid o kamag anak ang gagawa sa iyo nito. Kaya’t mahirap tanggapin at patawarin. Subalit amg nais ni Hesus sa atin ay pag-ibig pa din maging sa kaaway. Ipanalangin mo ang iyongbkaaway na makilala nya din si Hesus. At huwag mong ipanalangin na may mangyaring masama sa kanya. At lalong huwag kang mag isip na maghiganti. Ang kadalasang nababanggit ng tao kapag galit na galit sa kapwa nya ay “mamatay ka na sana!”. Napakasama pala ang banggitin natin iyon. Ang kailangan ay magtimpi, huminga ng malalim, intindihin ang tao kung bakit nya nagawa iyo at manalangin sa Diyos ng kapayapaan, kapayapaan ng puso at isipan. Dito natin hihilingin ang Espiritu Santo na syang gagabay sa ating mga desisyon sa buhay.
Isa pang aral ng ebanghelyo ay ang wag mamimili ng tao, kung amg pakikitaan mo lamang ng maganda ay ang iyong kaibigan ay wala tayong iniwan sa mga Hentil.
REPLY