Podcast: Download (Duration: 7:40 — 5.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Walang saysay ang ating pagsamba kung hindi ito nanggagaling sa pusong tunay. Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama upang gawin niyang malinis at tapat ang ating mga puso.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buksan Mo ang aming mga puso sa iyong puso.
Ang mga namumuno ng ating Simbahan nawa’y laging gabayan ng liwanag ng Ebanghelyo at huwag nawa nilang hanapin ang seguridad sa mga makamundong istruktura, manalangin tayo sa Panginoon.
Bilang isang komunidad nawa’y huwag nating isara ang ating mga mata sa tunay na pangangailangan ng mga mahihirap na ating kasa-kasama, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng Kristiyano nawa’y mapagtanto na makikita sa ating pakikitungo sa ating mga kapwa ang tunay na pagsasabuhay ng kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y mapalakas sa kanilang kahinaan at mapalaya sa kanilang mga karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kapatid nating pumanaw na ay magkamit nawa ng kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, likhain mo sa amin ang tapat na puso upang amin ding mahalin at igalang ang aming kapwa na iyong pinahahalagahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Pebrero 5, 2024
Miyerkules, Pebrero 7, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinahayag ni Haring Solomon sa Unang Pagbasa ang kadakilaan ng Diyos sa banal na anyo nito at sa banal at sagradong templo na kanyang naninirahan. Parang hindi akalaing ang Diyos na naninirahan sa langit ay maninirahan din sa lupa sa templo at sa Kaban ng Tipan. Ang ganitong pahayag ni Solomon ay nagsasaad sa kagandahan at kaningningan ng Panginoon sa kanyang paninirahan sa presensiya ng bawat taong humahangad at nagiging tapat sa kanya.
Itinuturo ni Hesus na ang pinakadakilang utos higit sa lahat ng mga utos ay ang pag-ibig. Pinagsibahan siya at ang kanyang mga alagad ng mga eskriba at Pariseo kung bakit hindi nila tinutupad ang kinaugaliang tradisyon ng paghuhugas ng kamay bago kumain. Itinuring sila ni Kristo na mga pusong malalayo sa Diyos dahil walang kabuluhan ang kanilang pagsamba. Makikita dito yung mas pagbibigay-kahulugan ng utos ng tao kaysa sa utos mula sa itaas. Tunay na kailangan natin sundin ang bawat letra ng batas, ngunit mas mahalaga nating sundin ang diwa ng utos, at iyan ang pag-ibig. Kung sabi nila na huwag kang gumawa ng masama, eh di gumawa tayo ng mabubuti. Kung sabi nila na huwag palampasin ang mga nakasayanang tradisyon, eh di magkaroon tayo ng kultura ng mabubuting ehemplo sa ibang tao. Ang Paghahari ng Diyos ay puno ng pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan. Kung ating isasabuhay ang mga kahalagahang ito pati pa ang alintuntin ng buhay pangKristiyano, makakamtan natin nawa ang biyaya ng buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoon at ang kanyang mga Banal.
Sinabi sa Unang Pagbasa, “Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong mga alipin; walang maliw ang pag-ibig na ipinadadama ninyo sa kanila habang sila’y nananatiling tapat sa inyo.
Basic. Humiling ka sa Panginoon at ipagkakaloob sayo, basta’t tapat ka lamang kay Hesus. Give and take. Hindi pwedeng puro lamang tayo hiling, kahit gaano pa kahaba ang dasal mo, kahit magkalad ka pa ng paluhod, kung hindi mo nman sinusunod ang kautusan at kalooban ng Diyos ay wala rin. Suriin natin ang ating mga sarili, tayo ba ay karapat dapat sa mga biyayang ating hinihingi sa Diyos? Simple lamang ang buhay, gumawa ka ng kabutihan ng hindi pakitang tao lamang, isapuso mo si Hesus sa lahat ng iyong iisipin, sasabihin at gagawin, at hindi ka na mangangamba sapagkat ang Panginoong Hesus na ang bahala sayo.
Sa ating ebenghelyo ay binigyang diin ni Hesus ang mga taong mapag imbabaw. Tanungin mo ang iyong sarili, ikaw ba ay nagmamalinis, gumagamit ng pangalan ng Diyos, nagsisimba ng madalas, sinisita ang mga makasalanan at may maling nagawa, pero hindi nakikita sa iyong pagkatao na ikaw ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Samakatuwid ay matatawag ka ding mapag imbabaw.
Marami sa atin ang ganito sa kasalukuyang panahon. Mahilig manita at manghusga ng kapwa sa kamaliang nagawa na tila mga perpekto at mga banal. Madasalin, palasimba, bukambibig ang Diyos maging sa social media, pero bulok ang pagkatao, naninirang puri, tsismosa, mahalay, nakiki-apid, nangangalunya, nanadaraya, madamot at ganid, hindi mapatawad ang kapatid o ang kaaway, palamura, hambog, mapagmataas at hindi nagmamahal ng kapwa. Ngayon, ano ang tingin mo sa iyong sarili? Isa ka ba sa binabanggit ni Hesus sa ebanghelyo na mapag imbabaw? Pagnilayan natin kapatid….
LOVE GOD ABOVE ALL.
SA unang pagbasa tingnan natin ang oagkatao ni Solomon. Itinalaga siya na hari ng Israel sa murang edad. Ipinakita doon na sa murang edad ay may malalim na pagkilala sa Diyos at pagmamahal sa Diyos at makikita dito na mula sa kanyang pagkabata ay ginampanan ng kanyang ina si Batseba ang pagpapakilala niya sa kanyang anak ang lahat ng kanyang nalalaman patungkol sa Diyos. Pinalaki niya si Solomon ng may pagmamahal at Banal na pagkatakot sa Diyos.
Sa ating Pagbasa ngayon ibig ipakita ng ating Panginoon Jesus na ang oagsunod sa Salita ng Diyos ay hindi nagmumula sa bibig lamang o pakitang tao lamang kundi ito ito ay nagbubukal mula sa puso.
Balewala ang lahat ng ating sasabihin o gagawin kung ito ay hindi
nagmumula sa puso.
Sinasabi natin na maganda ang resulta ng ating gagawin kung ito ay ang idinidikta ng ating puso.
Ganon din naman kung ibig nating makasunod sa Banal na Kalooban ng ating Diyos dapat ito ay nagbubukal sa puso.
Mithiin natin siya na nagmumula sa puso sa pamamagitan ng ating paghahangad sa Kanya na makilala Siya, masunod ang Kanyang Banal na Kalooban ,paghahangad na maranasan natin siya sa araw araw natin buhay.
Iyong puso at isipan natin ay laging nakatuon sa Kanya. Kung naranasan ninyo ng umibig higit pa roon ang pag-ibig na bubukal sa ating puso. We must live in love to God all the time because God is Love. Tiyak ganon din tayo magmahal sa ating kapwa walang pagkukunwari. Lahat ng ating gagawin ay pagmamahal sa kapwa.patuloy natin madadama ang pag ibig ng Diyos kung ito ay nadadama din natin sa ating kapwa. Amen.
Sa unang pagbasa sinasambit sa panalangin ni haring Solomon na tayo ay may Diyos na napakabuti, tapat at walang maliw ang pag-ibig sa tanan. Ang Templo sa Jerusalem na ipinatayo ni Solomon na kung saan pinanahanan ng Diyos at ng Kanyang Kaban ng Tipan mahihintulad din ito sa ating mga tao bilang mga templo ng Banal na Espiritu na nararapat lamang na mamahay ang Kanyang Kautusan at manatili tayong tapat sa kasunduan. Ang isang malinis na puso na templo ng Espiritu ng Diyos na siyang sisidlan ng kabutihan ang lagi natin hangarin para palagiang manahan sa atin ang presensya at ang paggabay ng Diyos.
Sa Mabuting Balita ito din ang ibig iparating sa atin ni San Marcos na dapat magkaroon ng pusong dalisay sa kalinisan at puspos ng pag-ibig kumpara sa panlabas na kalinisan bunga ng mga tradisyon at mga kautusang gawa gawa ng mga tao lamang. Ang kalinisan na panlabas at pakitang tao lamang ito ay kapaimbabawan at wala ang presensya ng bagong Kautusan ng Panginoon na nabubuod sa salitang pag-ibig. Walang saysay ang pagtupad sa isang tradisyon kung ito naman ay salat sa pag-ibig ito ang katangian ng mga Pariseo na sa ibang pagbasa binibigyan ni Hesus ang mga tao ng babala na mag-ingat at huwag pamarisan. Naturingang mga eskolar ng batas pero ang lahat naman ng mga ito ay pagpapahirap lamang sa mga tao at hindi manlang magbuhat ng kahit daliri upang tumulong sa mga nahihirapan sa buhay bunga ng mga batas na sila ang may gawa dahil hindi ito nakikitaan ng pag-ibig at pagmamalasakit. Hindi pwede na maikumpara man lamang ang mga ginawa nilang mga batas sa batas ng Diyos.
Sa ating kasalukuyang panahon, parang ito ang kulturang namamayani sa ating lipunan. Sobrang napakadami ng batas na pinagaksayanan ng panahon at perang winaldas na nanggaling sa kaban ng bayan at gapipiranggot lang sa mga ito ang kapaki-kapakinabang sa mahihirap nating mamamayan na parang utang na loob pa kung ito ay maisakatuparan. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng batas ng tao na nagiging bahagi na ng kultura at tradisyon na sa unang tingin tanggap naman pero ang katotohanan marami ang nananatili sa laylayan ng lipunan. Mga pamumuno na walang puso at tunay na pagmamalasakit sa sambayanan.
Ang hamon sa atin ng mga pagbasa ay sikaping magkaroon ng malinis na buhay, manatili sa panukala ng Panginoon at patuloy na imbitahan ang presensya ng Espiritu ng Diyos na maghari sa ating mga puso’t isipan. Sa maliit nating kontribusyon at pakikibahagi sa panawagan ng ating Simbahan may malaki itong magagawa na pwede ikapanibago ng sistemang namamahala sa ating lipunan. Ito ay dapat magsimula sa ating lahat at sama sama nating itaas sa Diyos na bigyan tayo ng namumuno na may tapat na hangaring gumawa ng batas na tunay na malinis, maka-tao na ikabubuti ng mga mamamayan lalo higit doon sa mas nangangailangan sa ating lipunan.
PAGNINILAY
Madaling parangalan si Hesus sa pamamagitan ng ating mga salita. Ngunit umaasa si Hesus na hindi lamang natin Siya igagalang, kundi minamahal din natin Siya sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa. Para kay Hesus, ang mga walang laman na ritwal ay hindi sapat. Para kay Hesus, ang pag-ibig ay higit na nakahihigit sa batas. Ang batas ng pag-ibig ay dapat maghari sa ating buhay! Kadalasan ay mas nakatuon tayo sa pagsira sa ating mga kaaway sa halip na magpakita ng awa, mas madaling makipag sigawan kaysa sa sandaling katahimikan. Hindi ba ito ang ating tunay – at bagsak nating kalikasan? Inaanyayahan tayo ng ating Panginoon na lumago. Dapat tayong lumiit; Dapat Siya ang lumaki. Kung ang pagiging maganda ay nangangahulugan lamang ng pagkakaroon ng sobrang puting mga ngipin at isang napakagandang ngiti, madali nating lahat na gawing maganda ang ating sarili. At walang masama kung magmukhang maganda. Ngunit tiyak na may mali sa hindi pagiging mabuti. Alam natin ang ibig sabihin ng maging mabuti. Ang kabanalan ay nangangailangan ng pagpapakumbaba, pananampalataya, biyaya. At ang biyaya ay gumagana mula sa loob palabas. Nawa’y huwag tayong maging mapanghusga at mapanuri. Nawa’y hindi malayo sa Diyos ang ating puso.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming tumuon sa ‘isang bagay na kailangan’ – ang Iyong pagmamahal sa amin, sa amin para sa Iyo at sa aming kapwa. Amen.
***
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Ang sinusunod ng mundo ngayon ay batas ng tao at hindi hustisya. Marami pang naiisip na karagdagang batas na madaling iwasan at baligtarin ng salapi, kapangyarihan, at impluwensiya ng pulitika. Sadyang mga mahihirap at aba lang ang napipiit at napaparusahan. Gaya ng nga pariseo na nakatingin sa bawat galaw ni Kristo at pinapansin kung lumalabas sa kanilang kautusan, ang kanilang kaplastikan ay pilit na pinagsisigawan, ang tanging pakay ay sumira ng pangalan. Anupa’t ang hustisya ay kanilang kinakalimutan masunod lang ang sobrang layaw at pangit na hitsurang pinagkakaingatan. Nainsecure mga naturang guro dahil ang alam lang nila ay ang sumunod sa mga maling turo. Hindi gaya ni Hesus na may mas malalim na pagkakaintindi sa hustisyang kailangan at hindi bulag na pagsunod sa batas ng sangkatauhan. Ano ang mahalaga sa atin- utos ng ating ambisyon at kasakiman na nasa tao o utos ng diyos na tahasang mas mahalaga sa simpleng paghuhugas ng kamay sa katotohanan?
1 Hari 8, 22-23. 27-30
Salmo 83, 3. 4. 5 at 10. 11
Marcos 7, 1-13
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (John 14:6)
It is very humbling for us to know and understand that the God who created us, Jesus Christ the Word of God, chose to be with us as a man, lived like us, and died like us. All these in order to bring us back to the Father. What a wonderful and extraordinary form of love that He has for us!
In equal standing with this truth ay ang katotohanang ipinagkaloob sa atin ni Hesus patungkol sa nilalaman ng puso ng Diyos. Kilala ng Diyos ang bawat isa sa atin. Lokohin man natin ang ating sarili, batuhin man tayo ng judgment ng ibang tao, hindi natin maloloko ang Diyos. Alam ng Diyos ang tunay na nasasaisip at nasasapuso natin. Gayon na lamang ang Kanyang pagkakilala sa atin, kaya naman noong panahong nandito si Hesus sa lupa, ipinakilala Niya ang tunay na kalooban ng Diyos, at ipinaalam ni Hesus sa tao kung ano ang tama at kalugod-lugod sa Diyos. Paano? Sa pamamagitan ng Kanyang mga turo, examples and miracles.
Kaya naman noong mga panahong walang ginawa ang mga Pariseo kundi tuligsain ang mga gawi at turo ng Panginoong Hesus pati na ang Kanyang mga alagad, hindi natakot at hindi napigilan ni Hesus na sila’y bigyan ng katuruan ng katotohanan. At minsan nga’y tinatawag pa Niya silang “hypocrites” – a person who acts in contradiction to his or her stated beliefs or feelings ayon sa Webster. Minsan sa ating buhay o sa ating mga religious practices, para din tayong mga Pariseo na hypocrites. Nagkakaroon din tayo ng time na nasasapawan ng “tradisyon” ang totoong katuruan ni Hesus. Halimbawa, ang pagpapako sa krus ng ilan sa ating mga kababayan tuwing Semana Santa bilang kanilang pagtugon sa “Whoever does not bear his own cross and come after me cannot be my disciple.” Luke 14:27 . Gayong ang sinasabi sa katuruang ito ay katulad ni Kristo, maging willing na mag-endure ng anumang darating sa buhay habang namumuhay ng ayon sa tama at sumusunod sa example ng pagtitiis, kababaang-loob at pag-ibig ni Hesus. In this sense, ang example ng pagbubuhat ng Krus ni Kristo ay ganito: Kung merong nagkasala sayo, pasanin mo ang sakit na ibinigay nito sa iyo at patawarin ang nagkasala sa iyo ng buong-buo, at mahalin mo siya kagaya ng pag-ibig ni Kristo sa iyo na minsa’y namuhay na rin sa kasalanan.
Punong-puno ang 4 na Ebanghelyo ng mga turo ni Hesus na counter-intuitive para sa isang normal na tao. Ngunit para sa isang Kristiyano Katoliko, the teachings of Jesus Christ is the truth, the way, and the life. Kaya naman ang mga taong tagapagturo ng Ebanghelyo, mga katekista, madre, pastor, lalong-lalo ang mga pari na hinirang ng Diyos, ay may malaking responsibilidad na ihayag ang katotohanan na mula kay Kristo at ayon kay Kristo. Tayo man mga kapatid na tagapakinig ay may responsibility na salain ang mga napapakinggan natin at hindi lamang tanggap nang tanggap dahil ang demonyo’y mapanlinlang. Sabi nga ni St. John sa kanyang sulat, “Dear friends, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, because many false prophets have gone out into the world. but every spirit that does not acknowledge Jesus is not from God.” (1 John) At sinabi mismo ni Hesus sa Gospel according to Matthew na, “Beware of false prophets, which come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ravening wolves.”
Ang mundo natin ngayo’y puno ng katuruang kaaya-aya sa ating pandinig and would cause us comfort and “peace” daw. Ngunit ating salain, ito ba’y ayon sa turo ni Kristo? Ang Bibliya po ang natatanging pamana ng Diyos thru our forefathers upang malaman ang mga katuruan ni Kristo. Kaysa mag-depend sa social media ng comfort and peace na inooffer of this dying world, why not read and hear out what the truthteller, the waymaker and the life-giver, Jesus Christ, has to say to you? Sabi nga ni Pope Francis: Return to God’s Word rather than social media’s violence of words.
Ang Salita ng Diyos ay gabay at nagbibigay-buhay. Nawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo, lahat tayo ay mabigyan ng grasya na malaman at maintindihan ang thousand years old na katotohanang itinuro ng Diyos nang minsang Siya’y nakipamuhay sa atin, sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen!
PAGNINILAY
Uma-alingawngaw ang katagang galing kay Hesus….
“Paggalang na handog sa‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang,
sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal.
Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan”,
Ang Ebanghelyo ay nagpapaalala sa atin
na tingnang mabuti ang ating kakooban,
ang kadalisayan ng ating mga intensyon at kilos.
Huhusgahan tayo ng Diyos
hindi sa kung ano namumutawi sa ating bibig
kundi sa kung ano ang ginagawa natin
upang ipadama sa ibang tao ang Pag-ibig ng Diyos.
Minsan, may mga ugali tayo na mas tumututok tayo sa kaugalian,
hindi sa tunay na aral ng Diyos.
May posibilidad tayong maging mas mapagkunwari at
laging naghihintay ng papuri at pagkilala.
Hayaan natin ang Diyos na pumasok sa ating buhay
at hubugin ang ating puso at isipan.