Podcast: Download (Duration: 5:34 — 4.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Manalangin tayo sa Ama na nagnanais na gumaling ang lahat. Hindi niya itinataboy ang sinumang nangangailangang dumudulog sa kanya.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, mahabag kayo sa lahat.
Bilang Simbahan nawa’y huwag nating isarado ang ating mga puso sa pangangailangan ng ating kapwa, bagkus ibahagi natin ang pag-ibig ng Diyos sa kaninuman, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayong lahat nawa’y kumilos para sa katarungan at para sa dangal ng tao lalo na sa mga taong hindi binibigyang-pansin ng lipunan, kasama na ang mga mahihina at mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga komunidad nawa’y maging matulungin at maitaas ang bawat isa na mayroong pag-ibig at malasakit tulad ng ipinakita sa atin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit sa isip, katawan, at diwa nawa’y makatagpo ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin at aming mga puso at gawin mo kaming laging handa upang tanggapin at mahalin ang nangangailangan naming mga kapatid sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Pebrero 4, 2024
Martes, Pebrero 6, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay isa sa mga pinakatanyag na gawain ni Haring Solomon: ang pagtatayo sa templo, na kung saan dito nanirahan ang Kaban ng Tipan. Pinasok ang Kaban sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa pinakasagradong lugar na iyon ay naninirahan ang Kataas-taasang Diyos na nagkaloob ng Kautusan sa kanyang bayang Israel. At katulad ng panalangin ni Solomon na ang Templo ay sagisag ng pangmagpakailanman na paninirahan ng Diyos sa banal na lugar na iyon. Sa katuparan ng Kasulatan, si Hesus ay ang Kaban ng Bagong Tipan na kung saan naghahari siya magpakailanman sa Kaharian ng Diyos Ama, na bagamat ay hindi pa ito dumadating ay ang Kahariang ito ay nagpapakita ng kanyang presensiya sa atin kapag naroroon ang pag-ibig, katarungan, at kapayapaan.
Ang ating Ebanghelyo ay ang iba’t ibang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesus sa bayan ng Genesaret. Anumang uri ng sakit o kaya anumang kahilingan ng tao ay tinutugon ni Hesus ang mga ito. Bagamat siya ay may likas ng Diyos, nagpakababa siya upang maranasan at damayan ang abang pagkatao natin (maliban sa pagkakasala). Ito’y nagpapatunay sa gawain ng Diyos na umaabot ng kamay at puso sa bawat tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At kahit sikat ang Panginoon sa bawat bayan at nayon ng Israel at Palestina, siya ay patuloy na naging mapagkumbaba sapagkat ang mahalaga sa kanya ay ang pagtupad ng kalooban ng Diyos Ama. Gayundin tayo’y tinatawag upang maging mga instrumento ng pagpapagaling ng Panginoon hindi lang sa pisikal na anyo, kundi pati na rin sa mga espirituwal at emosyonal na lunas upang tulungan ang mga taong naghihirap sa buhay at nabibigatan ng maraming pasan.
Ano ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon?
Manampalataya at ikaw ay gagaling.
Ang kwento ng Mabuting Balita ngayon ay ang wagas na pananalig ng mga tao kay Hesus, na kahit mahawakan lamang nila ang laylayan ng damit ni Hesus ay gagaling na sila. Sa pangkasalukuyang panahon, manalig tayo na matatapos din ang pandemyang ito, pagagalingin ni Hesus ang mga maysakit na naniniwala sa kanya. Magtiwala tayo na ibabalik ni Hesus ang ating buhay, ang malayang nakalalaro at nakakapapasyal ang mga bata, nagkakasama sama ang mga magkakamag-anak at magkaka-ibigan. Makalalanghap ng hangin ng walang pangamba, makababalik sa trabaho ang mga nawalan, makakaahon ang mga negosyanteng tumaob, at hindi na muki magsasara ang mga simbahan at bahay dalanginan. Unti unti nang dinirinig ang pagdarasal natin ng Oratio Emperata. Ang kailnganan lamang ay manalig tayo sa Diyos ng walang kahit anumang alinlangan at lahat tayo ay gagaling hindi lang sa Covid19, hindi lang sa anumanh sakit pero pati na rin sa ating ispiritwal.
Ang Panginoon ay sumasaatin at kasakasama natin.
Sa unang pagbasa tunay na sinamahan sila ng Amang Yahweh sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapuspusan ng Diyos sa Dakong Kabanal-banalan at nakakausap nila si Yahweh sa pamamagitan ng mga propeta at mga kababalaghan ipinspakita ng Diyos.
Sa katuparan ng mga ipinahayag ng mga propeta at ni San Juan Bautista ang Diyos ay nagkatawang tao sa pamamagitan ng ating Inang Maria. Nakasalumuha nila si Jesus, nangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos at nagpagaling sa pisikal at spiritual nating kalagayan.
Sa ating kapanahunan pagkatapos na umakyat si Jesus sa piling ng Ama , ay higit na napakapalad natin sapagkat PINALIIT NIYA ANG KANYANG SARILI SA ANYONG TINAPAY UPANG SIYA MAKAPASOK SA ATING KATAWAN UPANG SIYA AY SUMASAATIN SA LAHAT NG PANAHON NA SIYANG PATULOY NA NAGPUPURIFY SA ATING KATAWAN,KALULUWA AT ESPIRITU. Imagine, God is within us, united with us pero patuloy natin itong binabalewala kung kayat hindi natin naiingatan ang ating puso, isipan at bibig sa maruruming bagay. Jesus is our greatest treasures. Kung paninindigan lang natin that Jesus is within us, that His WORDS IS ACTIVE AND ALIVE AND THAT HIS SPIRIT IS our spirit sino pa ang laban sa atin? No evil can touch us or come near us because God is with us, within us and He us our God Emmanuel. And demonyo ay nangangatal sa takot mabanggit lang natin ang Banal na Pangalan Niya , e ano pa kaya na Siya ay sumasaatin. Anumang tiisin o karamdaman tayo nasa kalalagayan ngayon, declare your faith sa pamamagitan ngHoly Word of God. Maging bukang-bibig natin ang Salita ng Diyos tiyak mararanasan natin ng Kaluwalhatian ng Diyos . Every Word of God we declare is a prayer. TO GOD BE THE GLORY. Amen.
PAGNINILAY
Hindi na makaya ng mga mahihina at mga maysakit ang lumakad palapit kay Hesus, kaya tinulungan sila ng mga taong walang karamdaman. Tayong mga malakas, malusog at walang sakit, tinutulungan ba natin ang mga mahihina at may karamdaman? Sa pamilya, napakaganda na makita ang mga anak na inaalagaan ang mga magulang kapag maysakit at matanda na sila; si misis na inaalagaan ang kanyang mister na nagkaron ng atake. Sa bahay-ampunan para sa matatanda o mga bata, napakagandang makita ang mga boluntaryo na naglilingkod doon.
Habang tayo ay malalakas at malulusog pa, buhatin, alagaan, mahalin, pagmalasakitan at dalhin natin ang mga mahal sa buhay natin palapit kay Hesus. Huwag natin kalimutan ang mga taong bumuhat, tumulong at nagmalasakit sa mga maysakit. Ang mga tao na hindi makakalimutan ng mga maysakit. Dahil sila iyun na hindi sila pinabayaan sa panahong meron silang malubhang karamdaman. Ang mga tao na ito ay tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila. Huwag natin kalimutan pasalamatan at ipagdasal ang mga taong nagmahal at nagpakita ng tunay na malasakit sa atin lalu na noong tayo ay may karamdaman at nangangailangan.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming magkaroon ng pananampalataya sa Iyong mga salita at gawa.? Amen.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Hindi natatapos ang gawain ng Diyos sa iisang lugar. Maraming nangangailangan ng kagalingan. Marami ang nauuhaw sa Salita ng Diyos. Malakas ang kapangyarihan at ito ay nakamamangha. Mahirap lumapit kay Hesus sa dami ng tao nuong mga panahon na iyun. Kailangan ng matinding sakripisyo. Hindi katulad ngayon. Napakadali abutin ang Diyos. Napakalapit ang Kaharian ng Langit. Hindi na natin kailangan magtiis na mahipo man lang ang kanyang laylayan para gumaling. Naghihintay lamang siya na linisin at bawasan ang mabigat nating dalahin sa kumpisalan, manahan at gawin tayong Templo ng Banal na Espiritu sa palagiang pangungumunyon sa Banal na Misa, at ang pakikitagpo at pakikipag usap sa kanya sa maluwag na Adoration Chapel ng simbahan na kung saan ay naroon ang kanyang totoong Presensiya. Lapitan natin siya.
PAGNINILAY
Ang ebanghelyo ay naglalarawan
ng malalim na kaugnayan ni Hesus
at ng mga tao sa Genesaret
sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya.
Ang kanilang pananampalataya ang nagligtas sa kanila
mula sa kanilang karamdaman
“kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan”
ay gagaling ang kanilang karamdaman.
ITO AY SUMASAGISAG
SA WALANG HANGGANG BIYAYA
NI HESUS.
Ang mga tao sa Genesaret ay dapat maging huwaran
para isunod natin ang ating buhay kay Hesus
at magtiwala sa Kanya na gagawa Siya ng mabuti sa atin.
1 Hari 8, 1-7. 9. 13
Salmo 131, 6-7. 8-10
Marcos 6, 53-56
Immanuel: God with us.
Noong una’y ipinakita ng Diyos ang Kanyang presensya sa pamamagitan ng Kaban ng Tipan at Templo. Pero spoiler alert, hindi natin maikukulong sa box o saanman sa mundong ito ang Panginoon, sapagkat gaya ng sinabi ni St Stephen:
“‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, at ang lupa ang aking tuntungan.
Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?
Hindi ba’t ako ang gumawa ng lahat ng ito?’” (Acts 7:48)
Noong namuhay si Kristo Hesus sa lupa, kusang naglakad at nagpakita ang Panginoong Diyos sa Kanyang templo. At hindi lang yun, pinuntahan ni Hesus ang iba’t ibang bayan, at minsa’y sinasadya niya talaga kahit ang isang tao lang sa isang lugar katulad ng babae sa may balon, at ng widow and her dead son sa Nain. Ang Diyos ang kusang dumalaw at nakipamuhay sa gitna natin. God with us.
Magpahanggang ngayon ay namumuhay ang Diyos within us sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Naaalala nyo ba na noong unang sermon ni Peter, ang mga tao mula sa iba’t ibang nasyon na nakapakinig at naniwala kay Kristo at sa Mabuting Balita ay naging recipient din ng Holy Spirit? Huwag natin maliitin ang kapangyarihan ng Diyos dahil hanggang ngayon ay namumuhay ang Diyos sa gitna natin sa pamamagitan ng Espiritu Santo na kasa-kasama nating mga naniniwala at sumusunod kay Hesus.
(continuation…)
So ano ang dapat na postura natin ngayong pinaaalalahanan tayo na kasama natin ang Diyos? Pagtitiwala! Confidence sa Kanya! Pananampalataya na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Tingnan natin ang naging postura ng mga taga-Genesaret sa ating Ebanghelyo. Nung makita nila si Hesus, “nakilala” siya agad ng mga tao. Sa original na Griyego ang ginamit na salita ay “epignontes” meaning they recognized Him, they had knowledge of Him. They knew it is the Lord! Nakilala nila Siya mula sa mga turo Niya, at mula sa mga miracles na ginawa Niya. These miracles are meant to point people to Jesus. Kaya naman nung nakilala nila na ang taong dumarating ay si Hesus, dali-dali nila itong ipinamalita sa ibang tao! Ito ang susunod na maging postura natin matapos nating makilala si Hesus, ipamalita si Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa ibang tao. At ang susunod na postura natin, ay magtiwala sa ibibigay ni Hesus na kaligtasan, kagalingan, kapayapaan, etc.
Such is the faith of the people of Genesaret sapagkat katulad ng nangyari sa babaeng dinugo ng 12 taon, nangyari ito sa bayan ng Genesaret ng maraming beses. Ang sabi sa Ebanghelyo, isinasamo nila na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang damit at sila nga’y gumaling. What great faith!
Ating lubusang kilalanin ang Panginoong Hesus, ating ipakilala at ilapit ang Panginoon sa ibang tao, ating pagtiwalaan ang Diyos. Ang sabi nga ni San Pablo, “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.” (Romans 8:32) Amen.