Sabado, Pebrero 3, 2024

February 3, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mulat sa pangangailangang lumaya sa mga hamon ng buhay upang mapatatag at mapanumbalik ang ating diwa at kalooban, lumalapit tayo sa Ama sa mapagkumbabang pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Pastulan Mo ang iyong bayan, O Panginoon.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y panatilihin nilang buhay ang kanilang pagtatalaga sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y “lumikas” at “mamahinga,” upang makatagpo ng kapayapaan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawa’y muling maakay pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makakita ng kagalingan sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamalagi sa tahanan ng Panginoon magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tinawag mo kami upang iyong makasama. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa aming paglalakbay patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 1, 2022 at 5:19 am

PAGNINILAY: Sa bawat misyon ng bawat Kristiyano, may kakayahang tugunan ng isang tao ang tawag ng Panginoon upang ipahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Ang ating Ebanghelyo ay nagsisilbing paalala kung paano tayo magiging matapat sa ating misyon. Pagkatapos nilang tuparin ang misyon ng pagpapakilala sa tao tungkol sa Paghahari ng Diyos (ang Ebanghelyo noong nakaraang Linggo), nakabalik ang 12 Apostol kay Hesus at ibinalita ang kanilang mga ginawa sa mga nayon at bayan ng Israel. Pagkatapos ay inutusan sila ni Hesus na magpahinga at pumunta sa isang ilang. Kaya’t namasdan sila ng napakaraming tao sa bangkang papunta sa lugar na iyan, at sinundan nila si Hesus at ang 12 Apostol.

Makikita natin dito yung maawaing pagtingin ng Panginoon sa napakaraming tao na tila para silang mga tupa na walang pastol. At sila’y kanyang tinuruan at gumawa rin ng mga kababalaghan. Ang mahalagang pagtuunan ng pansin ay ang tungkulin ng isang taong may misyon. Kaya tayo’y tinawag ng Diyos na bilang kanyang kawan na nakikinig sa tinig ng kanyang Anak, tayo’y maging mga pastol upang tugunan ang mga pisikal at espirituwal na pangangailangan ng mga tao.

Katulad ni Hesus, nawa’y mahabag tayo at magmalasakit na ipahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos na dulot ay pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan. Tularan nawa natin si Haring Solomon sa Unang Pagbasa, na ang hiling lang sa ating Panginoon ay karunungan sa pamumuno ng Israel, upang makapasya siya nang malinaw at mabuti para sa mabuting kapakanan ng tao, sa halip na humangad na yumaman at maging mas komportable ang kanyang buhay. Sa huli, huwag nating kalimutan ang “ilang” na kung saan pahalagahan natin ang buhay-panalangin upang idulog natin sa Panginoon na sa kabila ng lahat na nangyayari at mangyayari, matutupad pa rin natin ang kanyang dakilang kalooban.

Reply

Ana Marie C.Vibar February 4, 2022 at 7:56 pm

Ang ganda ng ebanghelyo,nawa matularan natin ang panginoon na magkaroon tayo ng pusong maawain at matulungin,at mahalin natin ang ating kapwa,tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili,upang tayo ay manatili kalugodlugod sa paningin ng panginoon,maraming salamat panginoon,kaawaan at kahabagan mo po kami,pagpalain tayo ng makapangyarihang panginoong Hesus???

Reply

Ferdy Baetiong Pariño February 5, 2022 at 8:07 am

Ano ang mga hamon at aral ng mga pagbasa ngayon?

Sa Unang Pagbasa, ipinahahatid sa atin ang mensahe na tularan natin ang Haring Solomon. Mismong ang Panginoon na ang nagtanong sa hari kung ano ang ibig nya, at ang hiniling nya ay hindi karunungan para sa ikabubuti ng iba. Aminin man natin o hindi ay ang kadalasang dasal ng tao ay humaba pa ang buhay, kayamanan o minsan pa ay humihiling tayo na maparusahan ang ating kaaway. Baguhin natin ang naksanayang panalangin na ito, hilingin din natin na bigyan tayo mg Diyos ng karunungan ng pagsunod sa kalooban nya. Sapagkat kung tayo ay may talino ng tamang pagsunod sa mga kautusan ay kusa ng darating ang mahabang buhay at kayamanan na hinihiling mo kahit hindi mo pa ito hingin sa Panginoon.

Ang ating ebanghelyo namang hatid na aral pra sa atin ay tularan naman natin ang mga tao sa kwento. Nang makita nila ang banka na sinasakyan ni Hesus at ng mga apostol ay pinuntahan nila ang lugar at nauna pa silang dumating. Sa buhay natin ngayon, ano ang hinahanap mo?, ano ang hinahabol habol mo? Sa ka nag aaksaya ng oras?
Tularan natin ang mga taong yun, Si Hesus ang hanapin natin, Si Hesus ang sundan sundan natin, Kay Hesus tayo magmadali at makipag unahan na matagpuan sya at hindi ang mga makamundong bagay. Kung may dumating mang pagsubok o suliranin sa buhay mo, si Hesus ang takbuhan mo at hindi ang bisyo. Kung naguguluhan ang isip mo, kung nagkukulang ang panganga-ilangan ng pamilya mo, kung maya natanggap kang masamang balita, kung nakararamdam ka ng matinding kalungkutan, kung hindi pumapabor sa iyo ang tadhana maging sa trabaho o anumang gawain, si Hesus ang hanapin mo, si Hesus ang kausapin mo, si Hesus ang gawin mong takbuhan. Sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos, si Hesus ang mabuting pastol at ayaw nyang may tupang maligaw ng landas. Kung kabaligtaran nman at puro kasiyahan at tagumpay ang natatanggap mo ay kay Hesus ka pa din lumapit, magpuri at magpasalamat, at talikuran na ang paggawa ng masama bilang kasuklian.

Reply

Malou Castaneda February 2, 2024 at 10:06 pm

PAGNINILAY
Gaano kadalas nabibigo ang bawat isa sa atin sa aspeto ng pagpapastol? Tayo na nasa anumang uri ng pamumuno: mga magulang, tagapagturo, amo, pinuno, atbp. ay natutukso na gamitin ang ating mga posisyon para sa ating sariling kapakanan. Ipinadala sa atin ng ating mapagmahal na Ama si Hesus upang tayo ay Kanyang mapangalagaan, gabayan, pakainin, pangalagaan, at mahalin. Naranasan nating lahat yaong mapagmahal na presensya sa ating buhay. Ang hamon na ipinapataw nito sa atin ay: tayo ay tinawag, kailangang abutin, ibahagi ang ating natanggap at isulong ang misyon ng ating Mabuting Pastol sa pamamagitan ng mahabaging pagpapastol sa mga inilagay ng Diyos sa ating buhay.? Nawa’y patuloy nating maranasan ang mapagmahal na pangangalaga ng Mabuting Pastol at nawa ang Banal na Espiritu ay mahikayat tayo na ibahagi ang mapagmahal na pag-aaruga sa mga taong ipinagkatiwala ng Diyos sa ating pangangalaga.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran namin. Amen.
***

Reply

Rey Anthony I. Yatco February 3, 2024 at 4:17 am

MAGNILAY: Hindi huwaran ang isang taong subsob sa kanyang pagsisilbi na wala nang oras magpahinga. Hindi ito kasipagan kundi maaaring tanda ng hindi balanseng pagkatao. Kailangan ng pahinga at hindi ito opsyonal. Ang pahinga lalo sa mga lingkod ni Hesus ay oras ng pananalangin. Ang subsob sa pagsisilbi pero hindi nagdadasal ay maaaring sarili ang sentro at motibo ng kanyang pagsisilbi at hindi ang Diyos. Delikadong mauwi ito sa pagsamba ng sarili imbes na sa Diyos. Gayunpaman, sa oras ng matinding pangangailangan mas inuuna pa rin ang iba kaysa sarili. Sobra ang habag ni Hesus sa mga tao kaya pinagpaliban muna ang sariling pahinga maturuan lamang sila.

MANALANGIN: Panginoon, huwag ko nawang balewalain ang halaga ng pahinga at dasal sa aking pagsisilbi.

GAWIN: Araw-araw magkaroon ng sandali ng pahinga sa piling ng Panginoon.

Reply

RFL February 3, 2024 at 10:05 am

Readings:
1 Hari 3, 4-13
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14
Marcos 6, 30-34

Ang pinakamatalino at pinakamadiskarte mang tao sa buong mundo, ay kailangan din ng karunungan ng Diyos.

Hindi natin maikakaila na sa panahon natin ngayon, isang pindot lang sa cellphone o sa computer, lumalabas na ang iyong kailangang hanapin o sagot sa iyong tanong. Maaaring para sa project sa eskwela, maaaring recipe, d.i.y. crafts, o anu pa mang maaari mong maisip. Halos unlimited na ang information na ating nakukuha dahil sa internet. Sabi nga, i-google mo lang yan.

Pero sa mga decision natin sa ating buhay, o sa mga mabibigat na responsibilities na ating hawak, kanino o saan tayo dumedepende for guidance? Malamang, for the most of us, ay sa sarili lang natin. O yung iba, sa mga magulang, kapatid o kaibigan. Ang dali namang idecide nyan di ba? Itong trabaho na ito, 3 times ng current sweldo ko ngayon, so malamang blessing mula sa Diyos yan. Tapos sa huli, nawalan ka ng oras sa Diyos, nawalan ka ng oras sa pamilya mo, nawalan ka ng kapayapaan sa buhay mo dahil wala ka ng inintindi kundi yung trabaho. O kaya yung lalake o babaeng ito, may asawa yan pero mabait naman siya saka “mahal niya ako” at mahal ko rin siya, tumitibok yung puso namin sa isa’t isa. Kaya malamang galing kay Lord yan. Ayun, nawalan sya ng kapayapaan dahil sinugod siya ng original na asawa at naikalat pa nito ang sitwasyon nila sa social media.

Friends, “The heart is deceitful above all things, and is beyond cure.” (Jeremiah 17:9) At ako ay naniniwala na ang pinagmumulan ng deceitfulness ng puso ay dalawang bagay: ang pride ng tao at ang temptation ni Satan. Hindi po lahat ng magaganda, kumikinang o biyaya ay galing sa Diyos. Noong si Hesus ay tinutukso ng demonyo 3 times sa disyerto. At the peak of His fasting, ipinakita ng demonyo ang mga kaharian ng buong mundo at ang kanilang kayamanan, kapalit ng pagsamba Niya sa kanya. Ngunit hindi nasilaw si Hesus sa kayamanan bagkus ay nilabanan Niya ito ng Salita ng Diyos, at Siya’y nilisan ng demonyo. Sadyang nakakasilaw ang ibinibigay ng demonyo, at minsan binabackupan pa niya ito ng bible verse. He is a great deceiver. Ngunit katulad ni Hesus, paano ba natin malalaman ang tama at mali na oportunidad, paano ba tayo makakapamuhay na ayon sa will of God, paano ba natin mapapagtagumpayan ang demonyo?

Ang sagot ay ito: ang karunungang mula sa Diyos.

Ito’y buong pagpapakumbabang hiniling ni Solomon noong siya’y hari. Bagamat siya’y anak ni David at sa pangalang iyon ay maaari siyang makapagmalaki, umasa sa kayamanang iniwan ng kanyang ama na si David at maging “know-it-all”. Ngunit siya’y merong mapagpakumbabang puso at hiniling niya sa Diyos na magkaroon ng karunungang magdistinguish ng masama o mabuti, at pagkakaroon ng pusong maunawain, upang siya’y makapamuno sa bayan ng Diyos. Kaya naman ito’y ikinatuwa ng Diyos at ipinagkaloob sa kanya. Higit pa sa kanyang hiniling, ipinagkaloob ng Diyos sa taong ito ang karunungang walang kapantay, at higit pa roon, ipinagkaloob rin ng Diyos ang kayamanan at karangalan na hindi mapapantayan ng sinumang hari sa mundo. Talagang kay buti ng Panginoon sa mga taong Siya ang inuuna!

Hindi ito malayo sa naging postura ng mga tao noong panahon ni Hesus. Hinangad nilang Siya’y makita, mapagaling at mapakinggan. Kung anuman ang totoong goal ng isang tao upang iseek si Hesus, ay ang tao at si Hesus lamanag ang nakakaalam noon.. Nakita ng Panginoon ang kanilang mga pusong wari’y nawawala, eager na makita at marinig Siya, and in need of a shepherd. At kahit gutom at pagod na Siya bilang tao, ay nahabag Siya sa kanila at sila’y Kanyang tinuruan. Inuna ni Hesus ang kapakanan ng Kaharian ng Diyos at hindi ang Kanyang sarili, bagamat bilang mga anak ay hindi rin Niya tayo pababayaan upang makapamuhay ng mabuti sa mundong ito. Ang karunungan ng Diyos ay hindi katulad ng tao, sapagkat ang karunungan ng Diyos ay nakakapagbigay buhay. Sabi nga ni Hesus, “Ako ang Tinapay ng Buhay!” (John 6:35) at sino ba si Hesus? Ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. “For the bread of God is He who comes down from heaven and gives life to the world.” (John 6:33)

Tayo’y iniimbita ng Diyos na makiisa sa Banal na Misa sapagkat dito’y kinakatagpo natin si Hesus. At hindi rin natin maikakaila na ang pananalangin at pagbabasa ng Bibliya ay ilan rin sa mga paraan upang makatagpo si Hesus. Bakit? Dahil si Hesus ang Salita ng Diyos. At ang Salita ng Diyos ay nagbibigay buhay, nagbibigay ng liwanawag, nagbibigay ng tunay na karunungan sa mundo.

Deep in our hearts, there is a space that is only allocated for God, that only seeks Him. He created us this way, we are created for His glory. He created us and completes us by being one with Him thru Jesus and the Holy Spirit! But some people mistake this space for the thrill sa mga vomit-inducing experiences, for the YOLO moments, for indulging in worldly pleasures, for drugs, for money, for success, for their own personal satisfastion. Only to find out in the end, na may kulang pa rin. Kase nga, ang kulang na iyon ay si Kristo!

Let us always seek the wisdom of God thru Jesus Christ our Lord. Amen.

Reply

Rex Barbosa February 3, 2024 at 12:38 pm

PAGNINILAY

Nasusulat na…
” iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro ”

Tayo man sa wakas ng ating panahon sa harap ni Kristo ay mag uulat ng ating “accomplishment” sa Kanya.

Ano kaya ang ating maka-kristianonong nagawa?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: