Podcast: Download (Duration: 8:01 — 5.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Pebrero 2
Ang Pagdadala kay Jesus sa Templo
Nagniningning si Kristo bilang liwanag ng kaligtasan sa lahat ng bansa at kaluwalhatian ng kanyang bayan. Ilapit natin ang ating mga panalangin sa Ama na nag-alay ng kayang bugtong na Anak para sa atin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, masinagan nawa kami ng Iyong liwanag.
Ang simbahan sa buong mundo nawa’y ipakita ang tunay na mukha ni Kristo at maging tanda ng kaligtasan sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maykapangyarihan nawa’y maglingkod sa lipunan nang may pag-aalay ng sarili, magkaroon ng tapang na magpahayag at kumilos sa ngalan ng katotohanan at katarungan, at maging saksi sa pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y mabigyan ng sigla ng pagiging masunurin ng Birheng Maria at ni San Jose sa laging pagtupad sa mga kautusan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng kanilang mga sariling halimbawa, mahikayat ng mga ama at ina ang kanilang mga anak sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y humayo sa kapayapaan ng Diyos at magdiwang nang walang katapusan sa piling ni Maria at ng lahat ng mga santo, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, nasa kadiliman kami kung wala ka. Magningning nawa sa amin ang iyong liwanag upang sa aming sariling paraan, kami’y maging mga salamin ng iyong liwanag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Pebrero 1, 2024
Sabado, Pebrero 3, 2024 »
{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang ating Kapistahan ngayon ng Pagdadala kay Hesus sa Templo ng Jerusalem ay tumatapat sa 40 araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Pagsilang niya noong Kapaskuhan. Ito’y naaayon sa tradisyon ng mga Israelita na ang bawat batang lalaki ay itatalaga sa Panginoon sa Templo, at magdadala ng mga magulang ng 2 kalapati para sa pagpapalinis ng ina. Kahit alam nina San Jose at Birheng Maria na ang sanggol na kanilang inaalagaan ay ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas, sila’y sumailalim sa Kautusang inilaan ni Moises.
Higit pa diyan ay ang pagkilala nina Simeon at Anna kay Hesus bilang Mesiyas hindi lang para sa mga Hudyo, kundi pati na rin sa mga Hentil. Bagamat sila’y matanda na sa edad, ipinangako ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu na makikita nila ang kanyang Anak sa Templo habang buhay pa sila. Kaya nga ang pagturing ni Simeon kay Kristo na “liwanag para sa lahat” ay isinasagawa sa ating liturhiya sa pamamagitan ng pagbabasbas at pagprupruasisyon ng mga kandila.
Ang liwanag na hinangad ng dalawang matatanda ay mismong liwanag dala ng Panginoon sa ating mga buhay. Nais niya tayong sumunod sa kanya bilang Ilaw ng Sanlibutan upang hindi tayong palibutan ng mga kadiliman dulot ng kasamaan. Kung tayo’y magiging mababa ang kaloobam katulad ng ginawa ng Banal na Mag-anak at nina Simeon at Anna sa Templo, tunay na mayroon tayong makakamtan na sorpresa mula sa Diyos na di lingid sa ating kaalaman.
Ang kapistahan ng Candelaria. Ito’y pagtupad ng tradition ng mga Hudio , 40 araw na nang si Hesus ay isinilang. Ngayon ay gaganapin ang padala nia Maria at Jose kay Hesus sa templo , at ito rin ay ang paglilinis din kay Maria bilang ina at nagluwal kay Hesus. Nakatuon sa tradisiyun na ito ang paglilinis. Ngunit higit na ipinakilala ng tagpong ito na kung sino si Hesus. Siya liwanag dumating sa ating mundo. At ito ay nakita at pinahayag ng dalawang propeta na si Simeon at Ana, na naghihitay sa taga pagligtas, sila’y lagi sa templo. At nakita nila nga nila ang liwanag.at ito’yy nagdala ng kasiyahan sa kanila. Ito ang ang dulot ng kapistahan ito magbigay liwaga tayo sa ating kapwa upang makapagdulot ng kasiyahan sa iba. Dallin natin sila kay Hesus.
Ano ang hamon at aral ng ebenghelyo ngayon?
Natagpuan na ni Simeon at Ana si Hesus. Si Hesus na liwanag ng ating buhay. Kamusta ka na kapatid? Masasabi mo ba sa sarili mo na natagpuan mo ang liwanag? O ikaw ay nasa kadiliman pa din?
Tayo ay nasa kadiliman pa din kung tayo ay patuloy na:
Nakiki-apid, nangangalunya, matakaw sa pita ng laman, ganid sa pera, madamot at hindi tumutulong o nagbabahagi ng biyaya, naninirang puri, hindi mapatawad ang kaaway o kapatid, makasarili at higit sa lahat ay walang takot sa Diyos.
Suriin mo ang iyong sarili at magnilay, habang may panahon ay magango at magabalik loob sa Diyos, Paano?
Pagsisihan ang mga nagawang kasalanan, humingi ng kapatawaran sa mga ito at sikapin ng matalikuran ang paggawa ng masama.
Kapag natagpuan mo na si Hesus o ang liwanag, makakamtam mo ang kapayapaan ng isip, ang lubos na kaligayan at mawawala ang anumang pangamba. Dahil kinalulugdan ni Hesus ang makasalanang nagsisi at nagsusumikap magpakabuti.
PAGNINILAY
Sa iba’t ibang panahon sa ating kasaysayan, lahat tayo ay nakarinig ng “mga hula” na magaganap sa malapit na hinaharap. Kadalasan, hintay tayo ng hintay, at ang propesiya ay hindi kailanman natutupad. Gayunpaman, darating ang panahon na matutupad ang hula. Paano magiging iba ang buhay para sa atin kung nabubuhay tayo sa bawat araw na parang ang araw na ito ang ating huling araw? Paano natin gugugulin ang ating araw kung alam nating ngayon na ang huling araw natin sa mundo? Kanino natin gugulin ang ating oras? Magsisimba ba tayo o hahanap tayo ng ibang paraan para magsaya o maglaan ng oras kasama ang Diyos? Maaaring ngayon ang ating huling araw; hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Nawa’y mabuhay tayo sa araw na ito at araw-araw ng lubusan. Nawa’y magpasalamat tayo sa maraming biyayang natatanggap natin!
Banal na Espiritu, tulungan Mo kaming makilala ang presensya ng Panginoon sa aming buhay. Amen.
***
Malakias 3, 1-4
Salmo 23, 7. 8. 9. 10
Hebreo 2, 14-18
Lucas 2, 22-32
Napakahiwaga ng Panginoon! Kung ating pag-aaralan, nagkaroon ng katumbas sa New Testament ang mga binilin ng Diyos na mga pistang dapat ipagdiwang noon kila Moses sa Old Testament. Halimbawa, sa pagdiriwang ng araw ng Passover kung saan nagpassthru ang Panginoon para patayin ang mga firstborn male ng Egypt. Ang tanging maliligtas ay yung mga anak ni Abraham na naniwala at sumunod sa tagubilin ng Panginoon na maghandog ng “blameless lamb” ang bawat pamilya at ipahid sa doorpost ang dugo nito upang malaman ng anghel na ang mga tao sa loob ng bahay na iyon ay dapat na maligtas mula sa kamatayan. Nang dumating si Hesus, inialay Niya ang Kanyang sarili na katulad ng isang blameless lamb upang ang lahat ng maniwala ay mailigtas. Si Hesus, ang Lamb of God na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!
Sa mismong araw ng Purification ng Israel, ay nireveal ang sinugo ng Diyos na magpupurify sa mga anak ni Abraham—na noong mga panahon na iyon ay ang bata pang si Hesu-Kristo. Si Hesus ang maghahatol, maglilinis at magrerefine sa atin, sa mga naniniwala sa Kanya. At ito ay Kanyang nafulfill noong Siya’y ipinako sa Krus.
Mula noon hanggang ngayon na modern age, hindi lahat ay nakakakilala kay Kristo. Tanging ang mga pinagsabihan lang ng Espiritu ang nakakaalam nito katulad ni Simeon at ni Ana. Ngunit hindi sila bigla lang sinabihan. Nakasulat sa Ebanghelyo na si Simeon ay matapat at malapit sa Diyos, samantalang si Ana ay araw at gabing sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at panananalangin. Ang mga ito marahil ang formula upang mapakinggan natin ang sinasabi ng Espiritu Santo sa atin—faithfulness to God, prayers and fasting. Para sa ating lahat na kailangang magdecision ukol sa malaking bagay, nagagawa pa ba nating maging tapat sa Diyos, manalangin araw araw at magfasting upang malaman ang Kanyang kalooban? O ating binabase lahat ng ating gagawin sa ating sarili o sa udyok ng mundo?
Marahil ay marami tayong maling desisyon sa buhay, some have caused major damage in our lives and some have caused seemingly irreversible damage in our lives. Most of these decisions have sprung up from the root cause na takot tayo sa kamatayan, physical death and also death to self. Nakapagnakaw dahil takot na magutom ang pamilya. Gumanti sa kaaaway kase hindi pwedeng ikaw lang ang naagrabyado, dapat siya rin. Takot umamin sa kasalanan kase mapapahiya o baka mawalan ng trabaho. Nagsisinungaling para magkapera. Ayaw magpatawad kase ikaw naman ang nasa tama. And the list goes on…. see, takot ang tao sa kamatayan, at walang gustong mamatay sa sarili.
Pero iniligtas na tayo ni Kristo mula sa kamatayan. Kaya maaari na natin gawin ang tama sa mata ng Diyos. Kakampi natin ang Diyos. Habang nabubuhay tayo ay unti-unti Niya tayong pinupurify at nirerefine sa pamamagitan ng Kanyang Salita at ng udyok ng Espiritu Santo. Nawa ay lagi nating pakinggan natin ang Kanyang tinig at makipagkaisa tayo kay Kristo, na nagrerefine sa atin upang maging purong ginto tayo sa paningin ng Diyos. Salamat sa Diyos na inireveal ang Kanyang pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen.
PAGNINILAY
Sa ating Ebangelyo ngayon…
Sinabi ni SIMEON na
“Kunin mo na, Panginoon,
ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako
yamang nakita na ng aking mga mata
ang iyong tagapagligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa”.
“Naruon din si ANA, isang walumpu’t apat na taon at balo
Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos
sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin.
Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos.
Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus, sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem”.
Sina SIMEON AT ANA
dalawang taong nakasumpong sa Panginoon at ng matagpua’y
nagpahayag na nakita ng na ang tagapagligtas
na inihanda para sa lahat, ang magpapalaya sa Jerusalem.
Tayo bay katulad nina Simeon at Ana
na ng matagpuan si Hesus
ay handa ng maligtas at lumaya sa kasalanan?
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Lucas 2, 22-40
Tayong lahat ay nakatalaga sa Panginoon. Lahat ng sangkatauhan. Ang tanging rason bakit tayo nabuhay sa mundong ibabaw ay upang magpuri, ibalik ang kabutihan at glorya ng Poong Maykapal. Hanggang di natin nagagawa iyan ay nawawala tayo sa tamang landas at mamamatay na walang naging kabuluhan ang ating buhay. Kaya ang magserbisyo sa kanya ay isang pribilehiyo at hindi karapatan. Ibinibigay. Iginagawad. Hindi tinatawaran. Ganito ang naging karanasan ni Simeon at Ana. Masusing naghintay ng matagal na panahon, gumamit ng matinding pasensiya, abot-kamay ang templong pakiwari nila ay may taglay na pangako sa buhay. Hanggang makita, marinig, at mahawakan nila ang buhay ng magbibigay Buhay sa kanilang katauhan. Ang serbisyong ginagawa natin sa Diyos ang nagbibigay buhay sa ating lahat. Hindi natin maintindihan pero ito ang totoong ating maaaring ipresenta at ialay. Sisirain ng kalaban ang pakay, guguluhin ang nasimulan, babaguhin ang ating isipan, kakapusin ng pag-ibig, pupunuan ng di pagkakaintindihan, at tayo’y mawawalay.
Sa mga pagkakataong ito sana ay maintindihan natin na ang ating pinag aalayan ay ang Diyos at hindi ang sangkatauhan. Nawa’y mawala ang galit at hinanakit nang sa gayon maibalik natin ang mga biyayang naibigay para sa kabutihan na pangkalahatan.
Gaya ni Maria, tanggapin natin ng may pagsuko na tayo rin ay masasaktan. Ang kapalit ay langit magpakailanman.