Podcast: Download (Duration: 5:13 — 3.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Maria, Ina ng Diyos (Araw ng Kapayapaang Pandaigdig)
Patnubay sa Misa
Ngayon ay Araw ng Kapayapaang Pandaigdig. Dahil sa mahigpit nating pangangailangan ng kapayapaan sa daigdig, ipanalangin natin sa Diyos ang mahalagang kaloob na ito sa pamamagitan ni Mariang Reyna ng Kapayapaan. Manalangin tayo:
Panginoon, dinggin Mo kami!
Para sa buong Simbahang mag-anak ng Diyos sa lupa: Nawa siya’y maging kasangkapan para sa pakikipagkasundo ng sang- katauhan. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng pinunong banal: Nawa’y magtagumpay sila sa kanilang mga patuloy na pagsisikap sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mundo. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng bansa sa mundo, lalo na ang mga nasa ilalim ng sigalot at digmaan: Nawa’y matagpuan nila sa kanilang pagkakapatiran ang batayan ng kanilang pagkakasundo. Manalangin tayo!
Para sa ating lipunang puno ng di pagkakapantay-pantay at pagnanasa ng lahat sa sariling kapakanan: Nawa’y lahat ng mamamayan ay lumago sa kanilang kamalayang panlipunan, paggalang sa karapatan ng kanilang kapwa, at pagmamalasakit sa kapakanang pangkalahatan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng Pilipinong mag-anak, lalo na iyong wala nang kapayapaan at pagkakaunawaan: Nawa’y tulungan sila ng diwa ng panahong ito upang makaraos sila sa kanilang mga kahirapan. Manalangin tayo!
Tulungan nawa tayo ng Panginoon upang mapahalagahan natin ang iba-ibang mga kaloob na karisma ng Espiritu Santo, upang matuklasan natin ang iba-ibang trandisyon at ritwal sa Simbahang
Katolika, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, tulutan Mong pagharian ng Iyong kapayapaan ang aming mga puso at kami’y gawin Mong kasangkapan ng pakikipagkasundo sa aming mag-anak at pamayanan. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus, na Prinsipe ng Kapayapaang nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!
Pages: 1 2
« Linggo, Disyembre 31, 2023
Martes, Enero 2, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
Maligaya at Malusong na bagong taon sa ating lahat. Sa araw na ito tayo ay nagdiriwang Ng 3 in 1. Hindi po ito Kape o pagkaing instant. Tayo po ay nagdiriwang Ng tatlong mahalagang bagay sa ating Buhay bilang mga Katoliko. Una, Pagiging Ina ni Maria; Ikalawa ikalawang Araw Ng paghahanda Ng kapistahan Ng Poong Hesus Nazareno sa susunod na Linggo Ika-9 Ng Enero, 2022; at pangatlo Ang Pandaigdigang Araw Ng Panalangin para sa Kapayapaan.
Sa Dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina Ng ating Panginoong Hesukristo at atin ding Ina tayo ay inaanyayahan Ng ikalawang pagbasa at Ebanghelyo na maniwala Kay Maria na nasusulat sa ating bibliya kahit sa Koran Ng mga Kapatid nating Muslim. Sa ating Tradisyon bilang pananampalataya tinatawag natin sa ating mga dasal na ipanalangin niya tayo sa kanyang anak na si Hesukristo na ating Panginoon. Ang kanilang ugnayan bilang mag-ina ay nagpapatibay din sa ating ugnayan na meron tayong Ina at Kapatid na laging nariyan para samahan tayo sa ating pamumuhay. Tulad Ng mga Pastol, matuto tayong lumakad at makinig sa Plano Ng ating Diyos na masilayan Sina Jose, Maria, at Hesus sa lahat Ng taong ating nakakasalamuha. Ang bawat Isa ay may mensahe at koneksyon na kailangAn nating Makita at maramdaman.Si Hesus sa sabsaban ay bungga Ng pag-ibig Ng Diyos para sa ating lahat na nagmula sa salita na nagkatawang tao. Ang imahe Ng Poong Hesus Nazareno ay bunga din Ng pag-ibig at tawag sa atin na isabuhay Ang salitang pag-ibig sa pagtanggap, pagbubuhat Ng Krus, at pagtagumpayan Ang bawat problemA na dumarating sa ating Buhay kasama Ang ating Pamilya at buo nating komunidad. Kapag naisabuhay natin ito, paniguradong makakamit natin Ang Kapayapaan na ating minimithi. Sa unang pagbasa, tinuturuan tayong basbasan Ang bawat Isa bilang binyagang Katoliko na Pagpalain nawa tayo Ng Panginoon; nawa’y kahabagan tayo Ng Panginoon at subaybayan; lingapin at pigyan tayo Ng kapayapaan.
PAGNINILAY: Isang masagana at manigong Bagong Taong 2024 sa inyong lahat. Tayo ngayon ay nagtatapos ng Taong 2023, at papasok na po sa Taong 2024. Ito yung ating sibil na pagdiriwang ng Bagong Taon. Ang pagdiriwang ng simula ng taon ay kaugnay pa rin sa pasimula ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. Sinimulan natin ang ating “bagong taon” noong Unang Linggo ng Adbiyento. Matapos ang 4 na Linggo ng paghahanda at pananabik, tayo ay pumasok sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang.
Ang pinagninilayan po natin sa Kapaskuhan ay ang katuparan ng kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ipinapahayag sa atin ng Ikalawang Pagbasa sa takdang panahon nang matupad ang pangako ng Ama sa pagsusugo ni Kristong ipinanganak ng Birheng Maria upang tayo’y marapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama dahil sa pagpapalang ito. Kaya nga ang ating pagdiriwang ngayon sa liturhiya ay paggalang sa ating Mahal na Ina bilang Ina ng Diyos. Siguro maraming magtatanong kung bakit tinatawag natin si Maria sa ganyang titulo na pinakatanyag sa lahat ng mga tawag sa kanya. Kung susuriin po natin ang “Ina ng Diyos,” ang kataga ay nabanggit sa Pagdalaw ni Maria kay Elisabet nang ipahayag ni Elisabet na dinadalaw siya ng “ina ng Panginoon” (Cf. Lucas 1:43). At n’ung dumating si San Gabriel Arkanghel kay Maria, ipinahayag sa kanya na ang sanggol na isisilang niya ay ang “Anak ng Diyos”. Kaya nga ang ating Mahal na Ina ay ‘Theotokos’ sapagkat dinala niya sa kanyang sinapupunan ang Diyos na nagkatawang-tao (na walang iba kundi si Hesukristo). Kaya nga rin si Maria ay ang “Ina ng Anak ng Diyos” at dahil si Hesus ay totoong Tao at totoong Diyos, ang Mahal na Ina ay “Ina ng Diyos”.
Isa pang maaring pagnilayan ay ang disposisyon ni Maria tungo sa kalooban ng Diyos. Nakita natin sa Ebanghelyo kung paano iningatan niya ang mga nangyaring pagdalaw ng mga pastol sa kanilang tinitirhan. Hindi naunaawan ni Maria kung paanong nabalita ng mga pastol ang Pagsilang ni Kristo, subalit nang ingatan niya ang bagay na iyan sa kanyang puso, mas naunawaan niya ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kabuuan, tayo ay nasa 2024 na. Maraming naganap noong 2023, kaya tayo ay naglilista ng mga “resolutions” bilang tanda kung ano ang nais natin makamtan at mga bagay na nais nating baguhin. Subalit ang mga “New Year’s resolutions” natin ay madalas hindi naitutupad. Ngunit ang maari natin dalhin para sa bagong taon ay ang pagpapala ng Diyos na narinig natin sa Unang Pagbasa, na siya namang dinadasal ng Pari sa huling pagbabasbas ng Misa.
Ang bawat taon ay “Anno Domini” o “Taon ng Panginoon”. Tayo ay patuloy na pinagpapala ng Panginoon ng kanyang grasya, awa, at kapayapaan. At nawa’y katulad ng Mahal na Ina, tayo ay maging marapat na tawaging mga anak ng ating Diyos sa pagsunod at pagiging matapat sa kanyang dakilang kalooban.
Mapayapa at Minigong Bagong Taon sa ating lahat!
Ang ipinagdiriwang natin sa Linggong ito ay isa lamang sa mga titulo na ipinagkaloob sa karangalan ng Mahal na Birhen Maria Ina ng Diyos. Sa mga ibang pagbasa ay may mga narinig na tayong mga pangungusap na nagpapatibay na ang Birheng Maria ay Ina ng ating Panginoon. Una na, ang sa pagpapakita sa kanya ng Arkanghel Gabriel, sumunod ang pagdalaw ng Mahal na Birhen sa kanyang pinsang si Elizabeth, at yung pagdalaw ng mga pastol upang ibalita ang tungkol sa sanggol na si Hesus na ipinanganak niya sa sabsaban sa Bethlehem.
Sa mga pagbasa, magandang pagnilayan na hindi lang ang Birheng Maria ang “babaing bukod na pinagpala” ang nakatanggap mula sa Diyos ng pagpapala kundi tayo man ay pinagkalooban ng biyaya na tawagin ang Diyos na Ama. Sa ikalawang pagbasa, tayo din ay pinadalhan ng Espiritu ng kanyang Anak upang matawag natin ang Panginoong Diyos na Ama! Dahil dito, tayo ay inari na mga anak ng Diyos na mga tagapagmana ng kaharian kung lahat tayo ay pasasakop sa Kautusan na iniaalok sa atin ng Panginoon na siya magpapalaya sa atin sa dungis ng kasalanan.
Si Birheng Maria ay ang pinaka-bantayog at perpektong Modelo ng pagka-masunurin upang mahanap ang ninanais ng Diyos na dapat tingalain. Hindi naging hadlang ang mura niyang edad upang unawain at maisakatuparan ang ibinibigay ng Diyos na kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang paanyaya ng Ebanghelyo at mga pagbasa na tayo din ay mapuspus ng Espiritu Santo upang maging daluyan ng pag-ibig ng Diyos. Nawa’y makatugon din tayo tulad ni Maria sa panawagan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng paglingap natin sa ating kapwa lalo higit doon sa mas nangangailangan hindi lamang sa kapanahunan ng Pasko kundi sa lahat ng panahon.
Mapayapa at Manigong Bagong Taon po sa ating lahat!
Ang ipinagdiriwang natin sa Linggong ito ay isa lamang sa mga titulo na ipinagkaloob sa karangalan ng Mahal na Birhen Maria Ina ng Diyos. Sa mga ibang pagbasa ay may mga narinig na tayong mga pangungusap na nagpapatibay na ang Birheng Maria ay Ina ng ating Panginoon. Una na, ang sa pagpapakita sa kanya ng Arkanghel Gabriel, sumunod ang pagdalaw ng Mahal na Birhen sa kanyang pinsang si Elizabeth, at yung pagdalaw ng mga pastol upang ibalita ang tungkol sa sanggol na si Hesus na ipinanganak niya sa sabsaban sa Bethlehem.
Sa mga pagbasa, magandang pagnilayan na hindi lang ang Birheng Maria ang “babaing bukod na pinagpala” ang nakatanggap mula sa Diyos ng pagpapala kundi tayo man ay pinagkalooban ng biyaya na tawagin ang Diyos na Ama. Sa ikalawang pagbasa, tayo din ay pinadalhan ng Espiritu ng kanyang Anak upang matawag natin ang Panginoong Diyos na Ama! Dahil dito, tayo ay inari na mga anak ng Diyos na mga tagapagmana ng kaharian kung lahat tayo ay pasasakop sa Kautusan na iniaalok sa atin ng Panginoon na siya magpapalaya sa atin sa dungis ng kasalanan.
Si Birheng Maria ay ang pinaka-bantayog at perpektong Modelo ng pagka-masunurin upang maganap ang ninanais ng Diyos na dapat tingalain. Hindi naging hadlang ang mura niyang edad upang unawain at maisakatuparan ang ibinibigay ng Diyos na kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang paanyaya ng Ebanghelyo at mga pagbasa na tayo din ay mapuspus ng Espiritu Santo upang maging daluyan ng pag-ibig ng Diyos. Nawa’y makatugon din tayo tulad ni Maria sa panawagan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng paglingap natin sa ating kapwa lalo higit doon sa mas nangangailangan hindi lamang sa kapanahunan ng Pasko kundi sa lahat ng panahon.
Ang pagpapala ng Diyos, ay makikita kay Maria sapagkat sa simula pa ng ipinaglihi at ipinanganak si Hesus na syang magbibigay ng liwanag sa ating kaligtasan. At si Maria ang bukod tangin pinagpala sa babaeng lahat. Manigong bagong taon at maligayang kapistahan ni Maria.
PAGNINILAY: Isang masagana at manigong Bagong Taong 2024 sa inyong lahat. Tayo ngayon ay nagtatapos ng Taong 2023, at papasok na po sa Taong 2024. Ito yung ating sibil na pagdiriwang ng Bagong Taon. Ang pagdiriwang ng simula ng taon ay kaugnay pa rin sa pasimula ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. Sinimulan natin ang ating “bagong taon” noong Unang Linggo ng Adbiyento. Matapos ang 4 na Linggo ng paghahanda at pananabik, tayo ay pumasok sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang.
Ang pinagninilayan po natin sa Kapaskuhan ay ang katuparan ng kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ipinapahayag sa atin ng Ikalawang Pagbasa sa takdang panahon nang matupad ang pangako ng Ama sa pagsusugo ni Kristong ipinanganak ng Birheng Maria upang tayo’y marapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama dahil sa pagpapalang ito. Kaya nga ang ating pagdiriwang ngayon sa liturhiya ay paggalang sa ating Mahal na Ina bilang Ina ng Diyos. Siguro maraming magtatanong kung bakit tinatawag natin si Maria sa ganyang titulo na pinakatanyag sa lahat ng mga tawag sa kanya. Kung susuriin po natin ang “Ina ng Diyos,” ang kataga ay nabanggit sa Pagdalaw ni Maria kay Elisabet nang ipahayag ni Elisabet na dinadalaw siya ng “ina ng Panginoon” (Cf. Lucas 1:43). At n’ung dumating si San Gabriel Arkanghel kay Maria, ipinahayag sa kanya na ang sanggol na isisilang niya ay ang “Anak ng Diyos”. Kaya nga ang ating Mahal na Ina ay ‘Theotokos’ sapagkat dinala niya sa kanyang sinapupunan ang Diyos na nagkatawang-tao (na walang iba kundi si Hesukristo). Kaya nga rin si Maria ay ang “Ina ng Anak ng Diyos” at dahil si Hesus ay totoong Tao at totoong Diyos, ang Mahal na Ina ay “Ina ng Diyos”.
Isa pang maaring pagnilayan ay ang disposisyon ni Maria tungo sa kalooban ng Diyos. Nakita natin sa Ebanghelyo kung paano iningatan niya ang mga nangyaring pagdalaw ng mga pastol sa kanilang tinitirhan. Hindi naunaawan ni Maria kung paanong nabalita ng mga pastol ang Pagsilang ni Kristo, subalit nang ingatan niya ang bagay na iyan sa kanyang puso, mas naunawaan niya ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kabuuan, tayo ay nasa 2024 na. Maraming naganap noong 2023, kaya tayo ay naglilista ng mga “resolutions” bilang tanda kung ano ang nais natin makamtan at mga bagay na nais nating baguhin. Subalit ang mga “New Year’s resolutions” natin ay madalas hindi naitutupad. Ngunit ang maari natin dalhin para sa bagong taon ay ang pagpapala ng Diyos na narinig natin sa Unang Pagbasa, na siya namang dinadasal ng Pari sa huling pagbabasbas ng Misa.
Ang bawat taon ay “Anno Domini” o “Taon ng Panginoon”. Tayo ay patuloy na pinagpapala ng Panginoon ng kanyang grasya, awa, at kapayapaan. At nawa’y katulad ng Mahal na Ina, tayo ay maging marapat na tawaging mga anak ng ating Diyos sa pagsunod at pagiging matapat sa kanyang dakilang kalooban.
Ang pagpapala ng Diyos, ay makikita kay Maria sapagkat sa simula pa ng ipinaglihi at ipinanganak si Hesus na syang magbibigay ng liwanag sa ating kaligtasan. At si Maria ang bukod tangin pinagpala sa babaeng lahat. Manigong bagong taon at maligayang kapistahan ni Maria.
PAGNINILAY:
Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari satin sa susunod na labindalawang buwan. O, maaaring may alam tayong ilang aspeto na magaganap sa bagong taon na ito, ngunit hindi lahat ay ipinakikita sa atin. Hinihiling ng ating Panginoong Hesus na tanggapin natin ang taong ito bilang regalo mula sa Diyos. Tulad ni Mama Mary, dapat handa tayong magsabi ng, “Oo”, sa anumang hilingin sa atin ng Diyos. Maaaring mas mabuti na hindi natin alam ang lahat ng darating sa atin, kung hindi, baka matukso tayong magsabi ng, “Hindi”! Gayunpaman, sa pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, maaari tayong sumulong. Nawa’y maglaan din tayo ng panahon upang pagnilayan at pahalagahan kung paano naroroon ang Diyos sa ating buhay, nagpapalakas sa atin at nagbibigay sa atin ng kapayapaan, kahit na sa gitna ng mapanghamong panahon. Nakikinig din tayo sa Diyos upang marinig kung paano maaaring gusto ng Diyos na ibahagi natin ang kapayapaang iyon sa iba.
Maria, Ina ng Diyos, turuan mo kaming pagnilayan sa loob ng aming puso ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa amin sa pamamagitan ni Hesus na iyong Anak. Amen.
***