Martes, Nobyembre 14, 2023

November 14, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa paglilingkod sa Iyo.

Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating lipunan nawa’y maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawa’y sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga tapat na yumao nawa’y biyayaan ng ating Banal na Guro ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 11, 2019 at 8:55 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay nagtuturo sa atin kung paano dapat nating pahalagahan ang paglilingkod. Bilang mga indibdiwal, tayo ay hindi may-ari ng ating buhay, kundi ang Panginoong Diyos ang nabigay nito at may karaptang kunin muli ito mula sa atin sa nakatakdang panahon. Tayo lamang ay itinuturing na may tungkuling alagaan at igalang ang buhay ng ibinigay niya hindi lang sa atin, kundi ang buhay na para sa ibang tao. Kaya nga ikinuwento ni Hesus ang isang talinghaga tungkol sa lingkod na pinagsabi ng kanyang panginoon na kumain at makisalo sa handaan. Ngunit tugon naman ng lingkod ay ginagawa niya ang kanyang trabaho na walang hinihintay na kapalit. Ito yung parang paningin/disposiyon na ang bawat nagtratrabaho ay sinusunod lamang ng utos na galing sa matataas na panunungkulan. Ganun rin sa ating buhay bilang mga Kristiyano na tayo’y mga anak ng Diyos at inaasahang gawin makabuluhan ang buhay na ibinigay niya sa atin. Tayo ay tinatawag na maglingkod sa kanya at sa ibang tao nang may pagmamahal at paggawa ng tama at mabuti. At kapag ginagawa natin ito, kung minsa’y tayo’y binibigyan ng pagpapala ay nasa isip at puso natin na hindi natin inaasahan ng kapalit. Kaya sinasabi ng manunulat ng Karunungan sa Unang Pagbasa na ang mga matutuwid at matatapat sa Diyos ay tatanggap balang araw ng kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Hindi ito nakikita ng mga hangal na nagpapahamak sa mga mabubuting-loob na tao hanggang sa maranas nila ang tunay na pagbabagong-loob. Subalit natutunghayan natin na lahat tayong masunurin at matapat sa Panginoon ay bibiyayaan ng dakilang pagpapala niya sa kalangitan.

Reply

Jess C. Gregorio November 12, 2023 at 1:39 pm

Pagninilay ni Jess C. Gregorio:

Hindi tayo puwedeng makipagmataasan sa Diyos. Di puwede na ang ating pinaniniwalaan lamang na hindi kaugnay sa sinasabi ng Diyos ang totoo dahil lang feel natin. Marami na ang nangyayari ngayon na halos pinabulaan na ng sangkatauhan ang mga totoong sinasabi ng Diyos. Alalahanin natin na nilalang lang tayo. Alipin lang tayo na walang kabuluhan kung wala ang Diyos sa ating buhay. Tinutupad lang natin ang misyon natin kung bakit tayo nilalang- ang papurihan siya at ibalik ang glorya sa kanya. Huwag natin siya utusan. Huwag natin ibahin mga sinabi niya. Huwag natin siya pangunahan. Sumunod na lang tayo.

Reply

Ellen Puso Soriano November 14, 2023 at 1:58 am

Panalangin :

mahal na Panginoong HESUS maraming salamat po sa mga minsahing inilahad mo sa amin araw2. ikaw ang aming DIOS na buhay at pinagmulan ng aming mga buhay.. nawa magamit namin ito sa kabutihan at liwanag sa buhay na nadirimlan.tulongan mo kaming sumunod sa iyong kalooban at ika’y paglingkuran,taglay ang kababaang loob, puno ng pag-asa at pagtitiwalang walang pag-alinlangan. amen

Reply

Cristina Itchon November 14, 2023 at 9:30 am

Papuri at pasasalamat sa iyo Panginoong Diyos dahil sa iyong dakilang pag ibig, habag at awa sa kabila ng aming mga kahinaan at pagkukulang patuloy mo pa rin kaming minamahal. Without Christ we are nothing. Tunay na ang lahat ng meron kami ay mula sa Iyo dahil kami ay iyong nilalalang na kawangis at kalarawan mo upang imaging biyaya sa ibang tao, nasa bawat aming mga gawain at misyon ay napapatunayan na tunay na buhay ang Diyos, there is always a reason and a purpose kung bakit tayo ay patuloy na nabubuhay. Kaya’t patuloy tayong magdasal upang pagkalooban tayo ng sapat na karunungan, pagtitiyaga, sakripisyo, pagtitiis, pagtitiwala, kababaang loob at pag asa upang makayanan natin ang tukso at pagsubok habang tayo ay naglalakbay sa mundong ito tungo sa buhay na walang hanngan na ang ating dakilang tagapamagitan at modelo na tunay na haring lingkod walang iba kungdi si Kristo patungo sa Diyos Ama at sa tulong ng gabay at kapangyahiran ng banal na espiritu, amen ????

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: