Biyernes, Marso 31, 2023

March 31, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Manalangin tayo na patuloy tayong patnubayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta upang maipalaganap natin ang mensahe ni Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga patriarka at mga propeta, dinggin Mo kami.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y magpatupad ng kanyang misyon na ipahayag ang Ebanghelyo nang walang pagbabago sa anumang aral nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mensahe ni Jesus, tulad ng lebadura nawa’y magpabago sa bawat aspeto ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y hangarin ang pagsupil sa sarili, lalo na sa panahong ito ng pagsisisi sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pagsubok sa buhay nawa’y hindi makasira ng ating loob bagkus makatulong sa paglago natin sa pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Sakramento ng Kumpisal nawa’y mapukaw ang kalooban at magsisi sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ipinadala mo sa amin ang mga pangaral ng mga propeta upang panatilihin ang aming pag-asa. Loobin mong kami ay maging malakas na makatupad sa iyong kalooban at magpatotoo sa aming pananampalataya sa iyo habambuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 19, 2021 at 8:22 pm

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nalalapit na sa pagpasok sa Semana Santa. Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang mga hapis ng ating Mahal na Ina. Kaya nga ang tawag sa Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas ay “Viernes de Dolores”. Nararapat lang na sa nalalapit na paggunita sa Pagpapakasakit at Pagkamatay ng ating Panginoon, inaalala natin din ang mga dinaanang dusa ni Birheng Maria dahil sa dinanas na paghihirap ng kanyang Anak.

Narinig natin sa Ebanghelyo kung paano nagiging mainit ang tensyon sa pamamagitan ni Hesus at ng mga Hudyo. Nais nilang batuhin siya dahil sa pahayag na siya ang “Anak ng Diyos”. Ang pagiging Anak ng Diyos ay nauukol sa sinabi ng Salmo 110, na ang Panginoon Diyos ay nagpapahayag sa Panginoon na umupo sa kanan ng Diyos hanggang mapasuko ang kaawa ng kapwang Panginoon. Kaya inaakusahan nila si Hesus ng paglalapastangan sa Diyos. Subalit ilang beses nang pinahayag ni Hesus tungkol sa kanyang sarili. Bilang Anak ng Diyos, siya ay tunay na Diyos na naging Tao upang iakay ang mga tao patungo sa Ama. Subalit hindi kailanman itinanggi ni Kristo na siya’y Diyos na totoo dahil siya’y nagmula sa Ama upang tuparin ang misyon na sundin ang kalooban ng kanyang Ama. At marami nang beses tinangka siyang batuhin ng mga tao, subalit siya’y lumihis sa gitna nila.

Hindi ito dahil natatakot siya, kundi alam niya na hindi ba dumating ang oras niya na mamatay. Isasalaysay ni San Juan sa Biyernes Santo na ang Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Hesukristo ay bahagi ng pagluluwalhati sa Diyos Ama at sa planong pangkaligtasan, upang ang lahat ng sumasampalataya at nananalig sa ginawang sakripisyo ni Kristo ay maligtas, magkaroon ng makabuluhang pamumuhay sa daigdig, at makamtan balang araw ang buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Kaya habang tayo’y nalalapit sa mga Mahal na Araw, ito ang ating pagkakataon na baguhin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagsisisi, buong pusong paghihingi ng kapatawaran sa ating Panginoon, panunumbalik-loob, at pagsisikap na gawin ang tama ang mabuti ayon sa pamantayan ng ating Poong Maykapal. Nawa ang ating pananamapalataya sa Diyos Ama at sa kanyang Anak ay magdulot nawa ng makabuluhang aksyon na magmalasakit sa ating kapwa at sa ibang tao.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 26, 2021 at 6:35 am

Ikaw ba ay kaninong anak? Maraming tao ang pamantayan ng tagumpay ay yaman. Pag-isinilang daw na mayaman ay masuwerte. Kung kilalang tao ang magulang mo mapalad ka. Ngunit kung isinilang na mahirap ay malas. Hindi nakikita ng tao ang kabutihan bagkus ay natatabunan ng yaman. Sa panahon natin ngayon, marami ang umaangkin na siya ang Mesiyas o Anak ng Diyos. Ngunit hindi nakikita sa salita at sa gawa. Kaya nga huwag sanang magpapalinlang. Iisa ang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo lamang. Ang tunay na nagmamahal, nagmamalasakit at tumubos ng ating mga kasalanan.

Reply

Christian John Bondoc March 31, 2023 at 4:43 am

Napatunayan s’ya ang Diyos na totoo nagkatawang Tao.

Reply

SAINTSPOT March 31, 2023 at 5:06 am

https://youtu.be/oUFn2WpKbmk

GOSPEL REFLECTION:
Painit ng pa init ang mga nangyayari sa pagitan ni Hesus at ng mga Hudyo. Siya’y lalong tinatanggihan, tinutuligsa at pinag-uusig kahit araw ng kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem dahil sa patuloy niyang pangangaral ng tungkol sa kanyang ugnayan sa Ama sa langit. Kayat ang ginawa niya’y umiwas at bumalik sa ilang, nanatili doon at marami ang nakinig at sumama sa kanya. Habang nasa disyerto sila na nakikinig kay Hesus, sila’y nagsimulang maniwala sa kanya.

Marami ang hindi naniwala sa siyudad samantalang yung mga sumunod sa disyerto ay madaling naniwala. Ang kaibahang ito ay nagpapakita sa atin ng isang paraan kung saan mas madali tayong lumago sa ating pananampalataya at makakatulong sa iba na lumago rin sa kanilang pananampalataya. Dahil dito, tayo ay inaanyayahan na pumunta sa “ilang o disyerto” upang makasama ang ating Panginoon, malayo sa abala sa buhay, at dapat din nating anyayahan ang iba na sumama sa atin sa gayong paglalakbay.

Hindi sapat ang regular na pagsisimba, maglaan din tayo ng panahon upang hanapin si Hesus sa “ilang” na lugar upang marinig natin ang kanyang mensahe na siyang magpapabago sa atin. Ang “mga karanasan sa disyerto” na ito ay may iba’t ibang anyo. Marahil ito ay isang karanasan na kasing simple ng pagpunta sa iyong silid na mag-isa upang manalangin at pagnilayan ang Salita ng Diyos. O marahil ito ay isang pakikilahok sa isang pag-aaral sa Bibliya o prayer meeting, isang online na programa ng debosyonal, o kaganapan sa katekesis ng parokya. O marahil kailangan mong mag-retreat na kung saan ikaw ay makikinig at manalangin sa Diyos.

Pagnilayan, ngayon, ang paanyaya na ibinibigay sa iyo ni Jesus na lumabas upang salubungin Siya sa ilang. Saan ang lugar na iyon? Paano mo maisasakatuparan ang maikling paglalakbay na ito habang sinusunod ang mahahalagang tungkulin sa buhay? Huwag mag-atubiling hanapin ang disyerto kung saan tinatawag ka ng ating Panginoon, upang makatugon ka sa kanyang panawagan at mapakinggan.

Panginoon kong Hesus, Tinatawag Mo ako na palalimin pa ang aking pakikipagrelasyon sayo sa ngalan ng pagmamahal mo. Hiling ko na bigyan mo ako ng biyayang makapasok sa disyerto ng katahimikan at panalangin. Tulungan mo akong marinig at maniwala sa lahat ng sasabihin mo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: