Huwebes, Marso 30, 2023

March 30, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Ilapit natin ang ating mga kahilingan kay Jesus na gumagabay sa atin sa ating pagpupunyagi sa pananampalataya patungo sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, dalhin Mo kami sa Ama.

Ang Kaharian ng Diyos nawa’y manatili sa mga puso ng mga kumakalinga sa presensya ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ni Jesus, maipagkaloob nawa sa atin ang kakayahang magpunyagi sa pananampalataya katulad ng ginawa ni Abraham, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang diwa ng ating pananampalataya nawa’y ganap nating maipadama sa pamamagitan ng pagkilos ni Jesus sa ating mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at binabagbag ng mga suliranin nawa’y magpasalamat sa presensya ni Jesus na kanilang kasama sa paglalakbay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa na, ay makarating nawa sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, igawad mo ang aming mga kahilingan at panatilihin ang aming pananampalataya habang kami ay naglalakbay sa buhay upang ang muli nating pagsasama ay mapuspos ng kagalakan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Ron March 30, 2023 at 7:51 am

Salamat sa Diyos.

Reply

Merle Tejemo March 30, 2023 at 9:14 am

Pinupuri kanamin Panginoong Hesukristo…Amen Allelyia???

Reply

MLHON13 March 30, 2023 at 3:09 pm

Ano ang ibinibigay sa atin ni Jesus? Si Hesus ay nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, naniniwala tayo na kung tayo ay may pananampalataya kay Hesus hindi tayo mamamatay. Oo literal tayong namamatay sa pamamagitan ng ating pisikal na kamatayan ngunit pagkatapos nito ay naniniwala tayo na makakasama natin si Hesus sa langit upang mabuhay ng walang hanggan.

Pangunahin nating naniniwala at nagmamahal kay Hesus dahil gusto nating makasama Siya sa langit balang araw. Pero marami pa rin ang hindi naniniwala kay Jesus, oo kilala nila si Jesus pero hindi sila naniniwala kay Jesus. Katulad din ng mga Hudyo sa ating ebanghelyo na hindi naniwala kay Hesus nang sabihin Niya sa kanila na nakita na Niya si Abraham ngunit hindi sila naniwala sa Kanya ay nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na bumato sa Kanya (Juan 8:57-59).

Kaya ano ang dapat nating gawin sa mga nakakakilala kay Hesus ngunit hindi naniniwala o naniniwala sila kay Hesus ngunit ang kanilang paniniwala ay sa pangalan lamang? Kaya dapat natin silang ilapit kay Hesus at sa ating pananampalataya. Halimbawa, sa darating na Semana Santa, himukin natin silang dumalo sa maraming liturgical celebration sa ating mga parokya. Sapagkat ito ay tiyak na magpapatibay sa kanilang pagkakaisa kay Hesus at sa simbahan na Kanyang itinatag sa pamamagitan ni Pedro (Mateo 16:18).

Liturgical celebration tulad ng Way of the Cross, the Chrism Mass, The institution of the Eucharist in the afternoon, the Veneration of the Holy Cross during good Friday and the Easter Vigil Mass during black Saturday. Huwag nating itago sa ating sarili ang ating pananampalataya at pagmamahal kay Hesus ibahagi at isabuhay din natin ito. – Marino J. Dasmarinas – from: http://mjdasma.blogspot.com/

Reply

SAINTSPOT March 30, 2023 at 9:27 pm

Please SHARE & SUBSCRIBE
SAINTSPOT on Youtube
https://youtu.be/bxvzZi1hR7A

GOSPEL REFLECTION:
Nang makatagpo ni Moises ang Diyos sa nagniningas na palumpong, inihayag ng Diyos ang Kanyang pangalan: AKO NGA. Siya ang “nakatagong Diyos” ngunit malapit at kasama natin lagi. Paano natin alam na nakatago? kasi sinabi ni Hesus na siya lang ang nakakakilala sa Diyos Ama at niluluwalhati siya ng Ama dahil siya nga ang dakilang AKO. Mabibigong unawain ito kung kulang ka sa pananampalataya.

Ang Diyos ay Diyos ng kasalukuyang sandali. Kung papasok tayo sa isang relasyon sa Diyos, dapat nating matanto na makakatagpo lamang natin Siya sa kasalukuyang sandali. Siya ang Narito at Ngayon, wika nga. At kailangan natin Siyang hanapin dito at ngayon, sa kasalukuyang sandali lamang.

Kung ang hanap mo ay kagalingan dahil sa sakit o gulo na dulot ng nakaraan, hanapin mo ang Diyos ngayon at hindi sa nakaraan. Kung balisang-balisa ka sa bukas o sa hinaharap na kung ano ang darating, hindi siya naninirahan doon, dahil para sa kanya, ang lahat ng oras ay narito ngayon. Samakatuwid, ang mayroon lamang tayo ay ang kasalukuyang sandaling ito, at sa sandaling ito ay darating ang Diyos upang salubungin tayo. Siya ay naririto, at kailangan natin Siyang salubungin dito, bumaling sa Kanya at sa Kanyang biyaya ngayon.

Pagnilayan, ngayon, ang malalim at mahiwagang paghahayag na ito mula sa ating Panginoon. Isipin ang kanyang pagkakakilanlan bilang ang dakilang “AKO NGA.” Pag-isipan ang pangalang iyon. Pag-isipan ang kahulugan nito. Tingnan ito bilang isang paraan kung saan inaanyayahan ka ni Hesus na makatagpo Siya sa kasalukuyang sandali. Mabuhay sa sandaling ito, now na! Ang nakaraan ay wala na; wala pa ang kinabukasan. Mamuhay kung saan naroroon ang Diyos, dito at ngayon, dahil doon mo lang makakatagpo ang ating Panginoon.

Panginoon ko, Ikaw ang Dakilang Ako. Lumalampas ka sa lahat ng oras. Tulungan mo akong makilala Ka ngayon, iwanan ang nakaraan, umasa sa hinaharap, at mamuhay kasama Ka sa sandaling ito nang nag-iisa. Sa pagkikita ko rito, mahal na Panginoon, tulungan Mo akong mahalin ka nang buong puso. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: