Podcast: Download (Duration: 7:01 — 5.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
San Jose, Kabiyak ng Mahal na Birhen
Kasama ni San Jose na isang lalaking marangal at may dakilang pananampalataya, ilapit natin sa Ama, bilang isang pamilya, ang lahat ng ating kahilingan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tagapagbigay ng lahat ng aming pangangailangan, nagtitiwala kami sa Iyo.
Ang Simbahang naglalakbay nawa’y humikayat sa mga tao sa ganap na pagpapanibago ng kanilang buhay kay Kristo sa pamamagitan ng kanilang tapat na pagpapatotoo sa salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Tulad ni San Jose, ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y hindi mabigo sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mag-asawa nawa’y magsama nang may pagkakasundo sa pamamagitan ng tiwala at pag-unawa sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nangangalaga sa mga maysakit, mga matatanda, mga may kapansanan, mga nangungulila o namimighati nawa’y palakasin sa kanilang mga pagsisikap, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ni San Jose, ang mga namayapa ay magtamasa ng walang katapusang kapayapaan ng Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, sa iyong kagandahang-loob at sa pamamagitan ni San Jose, ipagkaloob mo ang aming mga hinihingi dala ng aming pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Marso 19, 2023
Martes, Marso 21, 2023 »
{ 2 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing ika-19 ng Marso ang tagapagbantay niya na si San Jose, ang mahal na Esposo ng Mahal na Birheng Maria at ang ama ng ating Panginoong Hesukristo dito sa lupa. Alam natin na si San Jose ay nagsimula bilang isang simple at matiyagang karpintero sa Galilea. Nakasalaysay sa Ebanghelyo ngayon ang naging buhay ni San Jose nang ipinahayag ng Diyos ang katuparan ng kanyang kaligtasan. Siya ay nakatakdang ikasal kay Maria, subalit nalaman niya na buntis ang dalaga. Makikita dito na parang hindi pa handa si Jose sa ganyang tungkulin na maging ama. At siya rin ay isang matuwid na lalaki na bagamat may batas ng mga Hudyo na batuhan ang di kasal na babaeng buntis, plano niyang iwanan si Maria nang tahimik. Kaya makikita dito sa pagtulog ni San Jose ang kakayahan ng panaginip. Isinalalay niya ang kanyang desisyon sa kanyang tulog hanggang dumating ang anghel ng Diyos na nagpaalala sa kanya na huwag siyang matakot sa pagpapakasal kay Maria. Dito nabatid ni Jose na ang anak na dinadala ni Maria ay ang Emmanuel, ang Diyos na sumasaatin na Tagapagligtas ng mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. Kaya ipinasya ni San Jose na sundin ang kalooban ng Diyos Ama na mag-isang dibdib sila ng Mahal na Ina at maging legal na ama ni Hesukristo dito sa lupa. At si San Jose ay nagsilbi rin bilang tagapagtanggol ng Banal na Pamilya. Siya’y pumanaw mga 30 nakalipas bago magsimula ang Publikong Ministeryo ni Hesus. At kilala si San Jose bilang tapag-alaga ng ating Inang Simbahan. Makikita natin sa mga Ebanghelyo na ni isang salitang binanggit niya. Ito ay tinatawag na “golden silence” sapagkat ang mahalaga sa lalaking ito ay ang pagtalima sa dakilang kalooban at ang pagtanaw ng utang na loob sa grasyang ipinagkaloob ng Panginoon para sa kanyang sambayanan. Nawa’y tularan natin si San Jose sa pagiging masunurin at matapat sa dakilang kalooban ng Ama upang tuparin ang tungkuling ibinigay sa atin.
Panginoon at Diyos ko,Pinasasalamatan ka namin sa lahat ng iyong tulong at palagi mo po kaming gabayan sa lahat ng aming iniisip at ginagawa ayon sa iyong kalooban. Amen.