Biyernes, Enero 27, 2023

January 27, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Puno ng pag-asa at pananalig, manalangin tayo sa Diyos Ama na nagnanais na lumawak pa ang kanyang presensya sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manghahasik, gawin Mong mabunga ang aming buhay.

Ang ating Simbahan nawa’y patuloy na umunlad at maging simbolo ng katarungan, pag-ibig, at katotohanan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad nawa’y hindi tayo maging pabaya sa ating buhay pananampalataya, bagkus asamin natin ang Diyos araw-araw maging sa mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya, lalo na ang mga bata, nawa’y lumago at lumaki sa pamamaraan ng biyaya at umunlad na sinasalamin sa kanilang buhay si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y lumakas sa pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi kay Kristo ng kanilang mga pagtitiis, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y anihin nila ang bunga ng kapayapaan, kaligayahan, at katahimikan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming maunawaan ang kahalagahan ng panahon ng aming pag-iral. Buksan mo ang aming puso sa iyong salita upang lagi kaming mamunga ayon sa iyong kasiyahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 27, 2019 at 8:10 pm

Ayon sa kasabihan sa Unang Pagbasa na sa maikling panahon lang ay hindi pagkakaantala at muling darating ang mga susunod na araw. Ang tapat na kanyang lingkod ay naninirahan sa kanyang pananampalataya ngunit kung talikdan siya ay hindi siya mapapakinabangan.

Reply

Reynald Perez January 28, 2019 at 4:06 am

Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay isang parabula ni Hesus tungkol sa pagtubo ng isang butil na mustasang itinanim ng isang manghahasik. Naghihintay siya hanggang paglipas nang gabi, at ito’y tumubo. Ganito ang paglalarawan sa pagiging mahinahon ng Panginoon sa atin. Bawat Kristiyano ay may tungkuling gawing makabuluhan ang kanyang buhay para sa ikabubuti ng marami. Nais ng Diyos tumubo ang butil ng kabutihan at mamunga ito sa sangkatauhan. Kaya nga mahalaga ang misyon ng Simbahan na iparangal ang Mabuting Balita ni Kristo. Nawa’y matanggap ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon at Tagapagligtas, at isabuhay ito sa pagbibigay-saksi kay Kristo. At sa tamang panahon, tayo’y tatawagin ng Diyos na makamtan ang kanyang kaluwalhatian sa langit kung tayo’y magiging matapat sa kanyang kalooban at sundin ang kanyang mga aral.

Reply

Rosalinda m. Jubilado January 27, 2023 at 3:01 pm

sa unang pagbasa ay tinuturuan tayo na matapos tayo ay nakatanggap ng binyag at Banal na Espiritu sa kumpil sa ating Banal na Simbahang Katoliko na si Jesus mismo ang nagtatag , maging matatag tayo sa paninindigan sa ating pananampalataya at pananalig sa Banal na Santatlo.

sapagkat tunay na magdaranas tayo na mga sumusunod sa ating Panginoon ng maraming kahirapan – sa ibat ibang aspeto ng buhay.
mga persecutions, pambubuly, panlalait , tayoy pagtatawanan sa ating pagsunod sa Kanya, aalisan tayo ng mga privilege, tutuligsahin tayo sa ating pananampalataya sapagkat inuuna na natin ang Panginoon kesa sa makamundong pamumuhay, kahirapan, kakukangan, kasaganaan,(sa ating kasaganaan financially maaring malayo tayo sa Panginoon sa kawalan ng faith sa Kanya) at marami pa.
kung ang ating Panginoong Jesus ay dumanas ng sobrang kahirapan masunod lamang ang Banal na Kalooban ng Ama, tayo din hindi exempted.
need na dumanas din tayo ng ibat ibang odds sa buhay sapagkat ito ang kaparaanan ng ating Panginoon upang tayo ay UMUNLAD SA MGA GRASYA NG PANGINOON.
SA PAMAMAGITAN NG mga odds na ito na nararanasan natin, ay natututo tayong isabuhay ang ating faith kay God.
at naprapractice natin ang lahat ng mga Salita ng Diyos.
at tunay na masasabi natin na bawat pangyayari sa ating buhay ay blessings, for our advantages and opportunity na maisabuhay ang Salita ng Diyos. at sa paglapit natin sa Panginoon ay makakilos Siya sa atin.
after na mapagtagumpayan natin ang mga odds na ito sa ating buhay sa araw araw positively , masasabi natin na kahit dito se earth ay mararanasan din natin ang heavenly living.

sa ating Ebanghelyo naman ay tinuturuan tayo na sng paghahari ng Diyos ay tulad ng naghasik ng binhi sa bukid. at tulad din ng maliit na butil ng mustasa na pag itinanim ay maging pinakamalaking puno.
kung sa ating araw araw na buhay ay nasasalig o naghahasik tayo ng pananampalataya at pagtitiwala natin sa Panginoon.
– patuloy na manindigan tayo sa Kanyang mga Salita na iniukit Niya sa ating mga puso.
.- na piliin natin ang pinakahigit sa lahat ang isabuhay natin ang Kalooban ng Diyos , tiyak , nakakatiyak tayo na lalago, magkakasanga ng malabay, na pati ng lahat sa ating kapaligiran makikinabang mula sa atin,
– dahil sa bunga ng ating matibay na pananalig sa Kanya ay matitikman din ng lahat ng ating mahal sa buhay.

Ang lahat ng ito ay grasya sa atin ng Diyos sa paninindigan sa Kanyang mga Salita.
at sa ating paninindigan, dito nakakakilos ang ating Panginoon upang maranasan natin ang pagpapatubo at pagpapalago sa ating buhay pananampalataya.
ika nga Faith without action is dead. alalahanin din natin na sa pamamagitan ng pananampalataya nakapaghahari sa atin ang ating Panginoon.. Faith, and love is inseparable. God bless.po sa ating lahat.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: